Share

Chapter 19

We're heading to Manila, doon daw kami sa NAIA hihinto. He suddenly sent me a message telling me to pack my things up and bring my passport with me.

"Sa'n ba talaga tayo pupunta?" ani ko habang kumakain, bumaling siya saglit sa'kin bago ipinako iyon sa daan.

"Siargao Island."

Napatango ako at ngumuso, aabutin kami ng ilang oras sa himpapawid kung gano'n. Hindi ko inaasahan na lalabas kami sa Luzon.

"You should eat first." He sighed and nodded.

"Ahhh!" palabirong sabi ko habang nakatapat sa bibig niya ang kutsara. The side of his lips rose up, I hissed and gave him glare.

I was stunned after what he did. I felt his lips pressed on mine. Saka niya lang isinubo ang kutsara nang umayos na ito ng upo.

Nag-init ang pisngi ako sa nangyari. He let out a chuckle and laid his sight again on the road.

"Do it again and you'll surely meet my fist!" pagbabanta ko. I got pissed when he made weird faces. Malakas kong tinampal ang braso niya.

"Okay! I'm sorry!"

My eyes squinted before giving him another spoon. After we ate, I turned on the stereo and decided to sleep.

He woke me up when we arrived at Manila. May naghihintay na pala doon na isang lalaki.

My eyes narrowed as I peeked outside the window. I saw Xavion talking to him. Mabilis na bumalik ako sa katinuan nang mapansin na magkamukha sila. They share the same features and even the posture!

"You're in charge, bro." Nag-fist bump sila. Xavion threw his car keys at the guy's direction.

"Jackpot ka, bro," aniya matapos tumingin sa akin.

What does he mean by that? Xavion took a glimpse at me before plastering a smile on his face.

"Tsk, sira!"

"Alam ba 'to ni Asha?" tumango si Xavion.

Who's Asha?

Nanlaki ang mata ko nang mas lumapit pa sila sa bintana.

"Hi! I'm Xion, kapatid ako ni Xav." He offered a hand. Kaagad akong nakipagkamayan sa kaniya.

I gave him a small smile. "Yvonne."

"Tell Asha that I'll visit soon."

Mayro'n pa silang pinag-usapan na hindi ko na maintindihan. Kinausap lang ulit ako ni Xion bago siya umalis, he took Xavion's car with him

Sumakay kami sa eroplano, pangatlong beses ko naman na ito kaya hindi na ako natatakot.

Hinayaan niya akong umupo sa tabi ng bintana. Siya naman ang natulog, hindi na ako tinamaan pa ng antok dahil sa naitulog ko na noong nasa daan pa kami.

I gently placed his head on my shoulders and play with his hair. Napansin kong napangiti siya bago kinuha ang isang kamay ko.

I ended up watching him sleep. Ginising ko lang siya noong malapit na ang destination.

Umaga na nang lumapag ang eroplano sa lupa. Nagulat pa ako dahil isang oras lang pala ang itinagal namin sa himapapawid.

"Hmm.." naiusal ko, dinarama ang hangin na sumalubong sa amin pagbaba. It was refreshing and cold.

Nasa Del Carmen pa lang kami, we have to travel few more minutes to reach General Luna.

"Where do you want to stay? My sister lives here, gusto mo bang doon na lang?"

"Sa resort na lang?" Hindi siguradong sagot ko. I'm nervous and felt like it's not yet the right time to meet his sister. Thinking how will she react makes me wanna collapse.

"Okay."

Sinundo kami ng itim na kotse. Babae ang lumabas sa pinto. My eyes searched her body. I think she's smaller than me. Base from how she dressed, she looks rich.

"Welcome back, Xav!" masayang sabi nito. She sweetly smiled and throw herself on Xavion. Mahigpit niya itong niyakap na parang napakatagal na nang huli nilang pagkikita.

Kumunot ang noo ko.

"Xashna? What are you doing here?" ani Xavion.

Mabilis itong humiwalay sa yakap at hinawi ang buhok.

"Well, kakarating ko lang last week, dito na'ko dumiretso. Sabi kasi ni Ate! Pupunta raw kayo dito! Kailangan ko raw kayo ihatid kung sa'n man kayo pupunta."

Para siyang banyaga kung magsalita. She has this conyo accent.

"Next time you visit here, inform me first," umiiling na sabi ni Xavion pero kaagad ding ngumiti. I silently scoffed.

"Kuya?" She pouted and pointed at me. Pinasadahan niya ako ng tingin, napayuko tuloy ako dahil sa kahihiyan.

"Infairness! Kabog din ang gandara!" Nahihiya akong ngumiti.

"I'm Xashna, hi sa'yo!"

"Xashna, you're scaring her." Xavion held my waist and pulled me closer. He then leaned on my ears and whispered.

"Don't be jelly, she's my little sister."

I nodded and hid my embarrassment. My eyes shut tightly, I feel relieved now.

"Eh?"

"Hi, I'm Yvonne," I replied.

Ngumisi siya. "Tara na! Para makapaggala na 'ko, babalik pa ako ng Manila!"

Pinagbuksan ako ni Xavion, sa passenger seat ako umupo. Gusto ni Xavion na magtabi kami pero pinilit ko siya na samahan niya sa harap si Xashna.

"At ano naman ang gagawin mo sa Manila?"

"Duh? I'll visit my friends! Huwag kang mag-alala, Kuya. Babalik din ako sa Canada!"

They talked about Canada, studies and more stuffs. Kung minsan ay kinakausap din ako ni Xashna.

I suddenly want to bond with Evelyn, last time I saw her was on my birthday.

We arrived at General Luna after a long wait. Si Xavion na ang nagbaba ng mga gamit namin habang ako naman ay sinisilip na ang resort sa loob.

"Aalis na ako, Kuya. Kayo na bahala sa sarili n'yo." Mahigpit niyang niyakap si Xavion pagkatapos ay nakipagbeso siya sa akin.

"Next time we see each other, let's go and do shopping!" She waved first before came inside her car.

Nakahinga na ako nang maluwag matapos siyang makaalis. What was that? I met his siblings! Nakilala ko ang dalawa sa loob lang ng ilang oras.

Mabilis akong napailing. Dapat na akong masanay sa gano'ng pagkikita. What will happen to me if I meet their sister?

Nay Palad Hideaway ang pangalan ng resort. Tinanong ko siya tungkol sa gastos pero huwag ko na raw ipag-alala. Our expenses were handled by his sister which led me to amusement and confusion.

Kakaiba ang proseso ng pagtanggap nila dito ng bisita. Imbis na sa hotel, karaniwang tumutuloy ang mga turista sa cottage room.

I was the first one to walk inside. Hinawi ko ang makakapal na kurtina para tumagos ang liwanag sa bintana.

Nahahaluan ng moderno ang disenyo sa loob at napakaaliwalas sa paningin. Parang kubo ang itsura sa loob at labas.

"Do you like it?" Magiliw kong nilaro at makapal na puting kurtina na nakasabit sa pintuan ng veranda.

May pool sa labas, sa loob naman ay bathtub at nakahiwalay ang bathroom, malaking kama, mayro'n ding lamesa sa labas kung saan pwedeng kumain.

I nodded while smiling. "This is too much, Xav."

Lumabas ako malapit sa pool side, mula dito ay tanaw ang malinis na tubig dagat.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.

I felt a warm hug from behind. He rested his chin on my right shoulder.

"I'll do everything you want, just to make you happy."

Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa balikat at inilagay sa kabila. His hot kisses travelled from my shoulder to my neck.

"Xav," pagpigil ko sa kaniya. I even looked around to check if someone is watching us.

"Hmm?" Humigpit ang kaniyang yakap. Muli iyong bumaba sa balikat, napaiktad ako sa marahan niyang pagpisil sa aking baywang.

"Baka may makakita," I stuttered. He let out a chuckle making me close my eyes. Napamura ako nang mangatog naman ang mga binti ko.

"Ano naman ngayon kung may makakita? That's okay, do you wanna know why?" tumigil siya sa paghalik.

I gulped and felt my chest pumping fast. Nagtayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga niya malapit sa aking leeg.

"Because I want them to see how I cherish you."

Humiwalay ako sa yakap niya, yumuko at pilit na itinago ang ngiti.

"Corny mo!"

Sumimangot siya. "Ouch!" Ma-drama niyang hinawakan ang dibdib.

I wish that what he feel towards me at the moment wouldn't last.

@GrandDandelion

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status