Share

Chapter 26

"Allisa," kaagad akong napabangon nang marinig ang pamilyar na boses, nagmadali akong tumayo at binuksan ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Collete. 

"Col," malungkot kong bati. 

"My god! I heard the news!" she caressed my back, tumulo ang luha ko. 

"What are you doing here? Magaling ka na ba?" I said in the middle of my sob. 

"I'm starting to get better!" aniya. 

"I can't just let you suffer! Don't worry, I'm here, nandito ako, kami." 

"Don't scroll through social media," nagbabantang sabi ni Ivory. 

"I already did," sumimangot siya, inalalayan nila ako pabalik sa aking kama. 

Their engagement exploded through social media. Nangyari ang dapat mangyari, a week after our break up, kumalat ang tungkol doon at sa engagement. Many were asking about me, ano daw ba ang nangyari sa amin? 

Wala akong ibang alam na gawin kung hindi ang manahimik na lang at huwag munang gamitin ang accounts ko. 

The next day, we moved to Lyndsey's Mansion. Naging maganda ang trato sa amin, may mga sarili kaming kwarto pero mas madalas ang pagtulog namin sa living room. 

Hindi ko na napigilan pa't nag check sa social media, I stalked Xavion's account pero wala akong napala, puro pictures niya lang ang naroon at walang nakapost or tweet maski isa na tungkol sa kanila ni Phenny. Kumirot ang puso nang dumako naman ako sa account ni Phenny, sunod sunod ang post niya tungkol sa engagement nila, telling how excited and overwhelmed she is. 

Wala na akong balita tungkol sa kanila, sinasadya namin nila Collete na magpaiwan saglit sa classroom kapag uwian para hindi namin siya makita o makasalubong. Luckily, Ivory found another way, sa ground kami dumadaan hindi sa hallway, less chance to bump with him. Ang sumunod na araw ay ang mas lalong nagpalungkot sa akin, Xavion went to Canada already, pinost kasi ni Xashna ang pag-alis nila. 

"Kamusta kayo ng ZK mo?" panimula ni Eleanor habang kumakain, umungot si Devika. 

"Oh! Please! Don't make me start!" aniya. 

"Taray, pakening english espokeneng dollars," natawa kami sa sinabi ni Lyndsey. 

"Sana all na lang." 

"Ayaw mo na ng talong, 'te?" tanong ni Eleanor, inirapan naman siya nito. 

"Ay! Ayaw na, talong lang daw ni fafa ZK!" gatong ni Lyndsey, we all laughed. 

"Anyway, may party daw ang isa kong classmate mamaya, wanna come with me?" alok ni Lyndsey. 

"Pass ako, mas gusto ko dito sa bahay n'yo," angil ni Ivory. 

"Gusto ka ba?" pilosopong sabi ni Devika, nagsamaan sila ng tingin. 

"I miss this," Collete said while smiling, napangiti din ako. 

"Napaka-drama." 

"Wala ka lang jowa, e," binelatan siya ni Devika. 

"Grabe ang atake, ha!" ngumiwi si Eleanor. 

Naghiwalay din kami pagkatapos kumain, umuwi kami nang hindi kasama si Lyndsey, paniguradong dumiretso na iyon sa sinasabi niyang party. Agad akong sumalampak sa kama pag-uwi, I'm tired, natulog ako nang hindi nakapagpalit ng damit. 

I woke up, mga bandang mag-10 pm. Not because I just woke up but because of something strange I felt. Parang may gustong lumabas mula sa tyanko, tumakbo ako banyo at yumuko sa lababo. 

Sumuka ako at halos bumaligtad ang aking sikmura. I washed my mouth and hands before leaving the bathroom. Naupo ako sa kama at natulala na lamang sa sahig. 

A memory flashed into my mind, my heart skipped a beat when I finally realized something. 

"Shit! Ang tanga mo! Ang tanga mo, Yvonne," mahina kong sinampal ang sarili. 

I decided to come down, I started panicking. 

"Girls! I need help!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. 

Sabay silang nag angat ng tingin sa'kin, Lyndsey was already here too. Sapo ko ang noo nang maupo sa tabi nila. 

"What is it?" inakbayan ako ni Collete. 

"I need to take a pregnancy test," they gasped, pinalibutan nila ako. 

"Hell? Don't tell me you forgot to take pills!?" nahihiya akong tumango, napaawang ang labi ni Ivory. 

"Manang! Manang!" tawag ni Lyndsey, lumapit sa amin ang hindi masyadong katandaang maid. 

"Ano 'yon, hija?" 

"May pregnancy test po ba kayo? Para po sana kay Allisa." 

"Saglit at titignan ko," umalis ang maid at pumaroon sa isang kwarto. I remained silent, kinakabahan. Relax, Yvonne. You're not sure yet! Pero hindi ako dinatnan! 

"Ito, o!" inabot sa amin ng maid ang dalawang pregnancy test, sinamahan nila ako sa aking kwarto. 

"Allisa, tapos na?" kumatok si Collete sa pintuan, natulala ako sa salamin. Nakatingin sa sariling repleksyon. 

"Gaga! Antagal naman n'yan! Iihi ka lang 'te! Baka tumae ka, ha!" 

Narinig kong sabi ni Devika, umiling ako. Nanginginig kong pinihit ang door knob. 

"Ano na? Tingin!" hinablot niya sa akin ang pregnancy text, their eyes widened. 

"It's positive."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status