Chapter 4
Helena Kelandra's POV
It's a busy Tuesday. Mag-aalas-dose na nang tanghali bago namin marating ang NAIA, nakipagsiksikan ako sa departure area. Marami ang nakaabang. Dala ko ang malaking slogan ng pangalang susunduin ko.
Mr. MICHAEL BRENT ROBERTSON.
Nangangalay na ako sa high heels na sandal suot ko. 'Bat ba kasi 'eto pa! Reklamo ko sa sarili ko dahil sa suot na sapatos. Kanina pa kasi kami naglalakad ni mang Allan sa NAIA at chine-check kung saang banda ang Terminal na darating si Mr. Michael. Nakamasid ako sa malayo, tinatantya ko ang bawat amerikanong lalabas sa terminal, pero wala akong makitang puting lahi.
Ano ba naman. Himutok ng isip ko. Kakangalay na maglakad. Mayamaya, lumapit sa akin ang matangkad at morenong lalaki at nakatitig sa akin ng diretso.
"I'm Michael," saad nito na suot ang halos nagpang-abot niyang kilay. I just raised my right eyebrow. Nang-go-good time yata 'to ah, wala sa hitsura nito ang pagka-amerikano, pinoy na pinoy ang hitsura nito maliban sa matangos na ilong at angking magagandang mga mata. Hindi ako umimik, tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa, tapos ay ibinaling ko muli ang aking tingin sa ibang nagsisilabasan na tao sa terminal.Pero pansin ko pa rin na hindi siya natinag at nandito pa rin sa aking harapan. Nang-go-good time yata ang mokong na'to, pero infairness yummy din ito kahit may pagkasuplado ang dating. Dagdag na satsat ng isip ko.
"Hey? excuse me, benge ka ba? I'm Mr. Robertson!" Diin na pagkakasabi ng lalaki sa harap ko.
Hinarap ko siya habang naka-crossed arms.
"Gan'on po ba? pero inaantay ko po ang ibang Mr. Michael Robertson," pagmiminaldita ko, kasi naman sabi ni Mr. Francisco ay amerikano ang iho-host ko pero anlayo naman sa hitsura nito, pero baka nga ano? Tatawagan ko na sana si Mr. Fransisco para sana magtanong ng eksaktong detalye, kasi naman hindi ko naitanong ang hitsura. Basta ang sabi nito kanina ay kababata niya ito sa America."Seriously?" Sambit ko sa kaniya habang kinakapa ko ang aking telepono sa aking bag na dala. Pero mayamaya ay may tinawagan ito sa phone niya, at tila kinabahan ako dahil, nakipagkumustahan ito at narinig ko ang salitang 'Kamusta ka na pareng Nathan!'
Patay!
Si Mr. Nathaniel Francisco yata ang tinawagan niya. Ang boss ko mismo! Ang tanga mo talaga Kelly! Naiinis kong sabi sa aking sarili.
"Ahm, hello po sir..Michael," binati ko ito.
"Oh? akala ko ba hihintayin mo ang Mr. Michael Robertson mo?" Wika nito pabalik na akin suot ang ano-ka-ngayon-look. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya, para aking nabuhusan ng malamig na tubig.
"Eh..pasensya na po, first day ko pa po sa work ngayon kaya kinakabisado ko pa," sabi ko rito.
Sarkastikong nag-crossed arms ito sa aking harap habang tinitingnan ako na tila binabasa ang aking bawat galaw. "Gan'on ba? Well, let's not discuss it now, maybe later. By the way, I talked your boss, my bestfriend. I told him na magaling ang pina-assign niya sa akin na kumuha ngayon, kaya don't worry hindi ka sasabonin n'on," wika pa nito sa akin pagkatapos ay ngumiti ito ng nakakaloko na may makahulugang tingin. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam pero parang mas nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya.Naku! kung 'di ka lang customer ko kanina pa kita tinadyakan! Satsat ng isip ko.
Pilit akong ngumiti at sumunod sa noo'y papalayong lalaki kasama ko rin si mang Allan na noo'y bitbit ang mga bagahe ng aming iho-host. Sakay kami sa kotse, nakaupo ako sa front seat katabi si mang Allan habang si Mr. Michael naman ay nakaupo sa likuran na tila abala sa pag-swipe ng telepono nito, wala kaming imikan. Nakakabinge ang katahimikan, traffic din nang mga oras na 'yon. Minabuti kong makipagkwentuhan kay mang Allan.
Nalaman ko na hiwalay na pala ito sa asawa at namumuhay ito sa Maynila ng mag-isa. Meron daw itong anak sa probinsya at ngayon ay may asawa na. Napatigil ang pag-uusap namin ni mang Allan ng magsalita si Michael.
"Manong, iparada mo muna saglit sa susunod na kanto, d'yan malapit sa kainan. Kain muna tayo, gutom na ako." Saad nito habang hawak ang sikmura na tila kanina pa ito gutom, nakalimutan kong tanungin o icheck kung nakakain na ba ito.
Ano ka ba naman Kelly! Satsat ng isipan ko.
Tumango lang si mang Allan, habang ako naman ay walang imik na nakamasid sa harap ng salamin ng kotse at tinitingnan si Michael.
"Yes Miss? Why you're looking me like that? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong nito na may sarkastikong tono.
"Wala lang sir, kasi I thought na amerikano ang susunduin ko, sabi kasi ni boss Francisco, amerikano ang susunduin ko," pagmamaktol ko.
"Gan'on ba? so gusto mo palang maka-customer ng amerikano?" He looked at me like nothing, 'yong parang mapanuya. Teasing like hell.
"Hindi po sa gan'on!" Maagap kong sabi.
"Well, I'm proud to be pinoy, pero nakapag-asawa si mama ng amerikano kaya naging US citizen ako.." He clarify.
"Ganoon ba, 'san na pala ang totoong papa mo?" Wala sa isip na tanong ko. Hindi ko naisip na napaka-daldal ko na pala that time, parang na sense kong ayaw na niya itong pag-usapan.
"Hmm. Let's not discuss na lang Miss," putol na saad niya sa akin.I looked at him through mirror reflection at nakita ko na naging seryoso ang mukha nito habang tanaw ang bintana. Malayo ang tingin sa kung saan.
"Ms. Helena, Helena Morata," pakilala ko sa sarili ko kahit na alam kong hindi ito nakatingin.
"Ah. Ms. Helena." Narinig kong sabi niya.
Hindi ako komportableng tawaging Helena, mas ginagamit ko ang palayaw na Kelly bilang pagpapakilalang pangalan pero sa unang pagkakataon, Helena ang naisambit ko sa kaniya..Siguro panahon na rin para baguhin ang pangalang kilala sa mga kasalanan at siguro panahon na para makilala bilang Helena na may ambisyon at may pangarap. Saad ng utak ko.
Nakita namin ang malapit na dinners cafe kaya pumarada si mang Allan at noo'y pumasok kaming tatlo para kumain. Magaan kausap si Michael, kahit unang impresyon ko dito ay sarkastiko at hambog. Pero maginoo pala ito at may malasakit lalo na sa mga matatanda.
Maasikaso ito na parang galing din ito sa hirap o nakaranas ito ng kahirapan dati. Bago naging isang nakakaangat sa buhay. Nag-obserba lang ako habang kumakain.
"Helena, want wings? or legs?" Tanong nito sa akin na tila iba ang pagkakaintindi ko.
"Thank you sir Michael pero okey na ako rito.."
Satsat ko habang abala ako sa kinakain kong gulay at fries."Sir Michael? ang pormal naman, Michael na lang." Sabi nito sa akin na ngayo'y ngumingiti na. Kita ko pa ang mga napakagandang dimples nito sa magkabilang pisngi. Ngumiti naman ako pabalik dito. Naging magkasundo kami ni Michael, gan'on din si mang Allan.
Naging komportable kami sa isa't-isa. Matapos naming kumain ay nagtungo na kami sa hotel ni Michael at sinamahan namin ito para sa mga gamit niyang dala at para na rin malaman ang susunod na appointments nito sa upcoming trip. Room 166, 8th floor ng Larkin Hotel, deluxe suite ito at kumpleto ang kagamitan sa loob. Parang flat studio style. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ni Michael ay nangibabaw ang masculine style at mga arkong design sa ceiling na dumagdag sa dark serene ambiance ng kwarto nito. Idagdag pa ang napakalapad na mirror view sa veranda nito na matatanaw ang napakaraming ilaw ng syudad.
A city life!
Mamamalagi si Michael sa pinas ng mga tatlong buwan para sa business at personal na bagay. Kaya naman matagal tagal din kaming magsasama nito bilang tourist aide slash personal atchay at etc. Napangiti ako sa iniisip ko. Ah basta! Napaka green minded ko talaga.
Nakasaad kasi sa kontrata ko na kung kailan mamamalagi ang nakatukang tourist or pagsisilbihan na person ay gan'on din katagal ang assessment ko bago i-assign sa ibang customer. Exciting ang trabaho ko kasi hawak ko ang oras hindi gaanong stress.Makakatrabaho pa ako ng ibang extra gabi-gabi, at 'yon ang pagiging Kelly ko, my other dark side.
***
Flashback earlier.
Michael's POV"Thanks Nate sa info. Maraming salamat talaga!" Sabi ko sabay baba sa aking telepono.
Ngayon, alam ko na kung nasaan ang ipinapahanap ni Duke Simon. Ang babaeng dalawang taon ko ng hinahanap, ang kaniyang pamangkin. It's time to payback Duke Simon's genuine hospitality. Hindi ko mararating ang estado ng buhay na meron ako ngayon, dahil sa kaniya. Wait for me mílady, sabi pa ng isip ko habang tanaw ang larawan ng isang Club na pinapasukan ng babaeng gusto kong makita....itutuloy.
Michael's POV"We are here, kuya. Ano ang next step? hawak na namin si Eros!" astig na sambit nina Maxon at Kasmyrr. Kasama rin nila ang mga bodyguards ko. Hawak ko ang telepono sa oras na iyon, papunta na ako sa hospital na huling natagpuan si Helena. Nasa Malta na kaming lahat sa oras na iyon."Don't kill him, kailangan natin siya. Dalhin n'yo siya sa akin." Utos ko sa mga kasamahan sa oras na iyon."Copy." Sabi ni Maxon bago binaba ang tawag.Nang sandaling iyon ay nandoon na ako sa hospital. Madali akong nag-park at lumabas. Papasok ako sa main lobby ng hospital at madaling nagtungo sa nurse information booth. Malaki ang facility doon kaya dapat akong magmadali bago maunahan ng kalaban.Kasama ko ang ilang bodyguards ko sa oras na iyon, nakabantay sila sa labas at ang ilan ay naka-civilian at kasama ko. Nandoon na ako sa booth, kaya agad akong nagtanong. At kompirmado nga na nandoon si Helena. Nasa isang waiting facility room umano ito para sa assessment ng isang mental institute
Helena Kelandra's POVNagising ako dahil sa hapdi ng aking nararamdaman, masakit ang hita ko. Ramdam kong kumikirot ito dahil sa alat ng karagatan. Nakita kong nasa dalampasigan ako ng kung saan. Himala akong nakaligtas mula sa pagtalon ko sa lugar na iyon.Nilinga ko ang paligid, i know it is still in Malta islands. Paano ko masisigurado na hindi ako masusundan ng mga dumukot sa akin?Ang walang hiyang lalaki na iyon!"Magbabayad siya!" mahinang usal ko pa. Dahan-dahan akong umahon at naupo sa dalampasigan. May kaunting hiwa ang hita ko dahil na rin sa matutulis na bato na nandoon sa karagatan. Naiyak na lang ako dahil sa mga pangyayari. Nakapa ko rin ang tiyan ko, but, i know that the baby inside of me is safe."Kaya natin 'to, baby!" sabi ko pa sa sarili. Marami na akong nalampasan sa buhay, ngayon pa ba ako susuko?Ilang sandali pa ay dahan-dahan akong tumayo at naglakad, walang katao-tao ang lugar na iyon, it seems very creepy dahil mga batuhan lang ang nandoon. Tila malayo iyon
Michael's POV Nasa kama ako sa sandaling iyon, maigi kong sinusuklay ang kamay sa buhok ni Gabriel. Hindi kasi ito makatulog hangga't hindi ko ginagawa ang madalas na ginagawa ni Helena sa kaniya. Panay iyak ito dahil nasaan na umano ang mommy niya. Wala akong maisagot, kahit anong pilit ang irason ko rito ay alam niyang may problema kaming dalawa. "Daddy, iniwan na ba tayo ni mommy?" mahinang bigkas ng anak ko. Marahan ko siyang pinasandal sa aking bisig at ginulo ang buhok nito. "No, mommy won't do that, busy lang siya sa work. Uuwi din si mommy, baby." "Pero bakit hindi siya tumatawag, hindi ba niya ako nami-miss?" ulit pa na tanong nito sa akin. I just exhaled and hug him tightly. Kahit ako ay naguguluhan na sa oras na iyon, hindi ako mapalagay kung ano na ang sitwasyon ni Helena sa kamay ni Eros. We confirmed that she is the mastermind of the group. Hinahanap ko na rin si Clarisse sa oras na iyon, hindi ako makapaniwala na ibebenta niya nang basta-basta ang kapatid niya sa k
Helena Kelandra's POV Nang makarating kami sa Malta ay agad kong nasilayan ang ganda ng isla. Marami itong nakakabighani na tanawin, gaya sa pilipinas ay may mainit itong klima, since summer time ngayon dito. Maraming kingfisher na ibon ang lumilipad sa baybayin. Pansin ko rin ang rock formation sa karagatan nito lalo pa't kakaunti lang umano sa isla ang may buhangin dahil madalas sa lugar na ito, puro bato ang makikita mo sa dagat. It is the natural landscape you can see from their beaches. Kilala rin ang Malta sa may mga diversed na cuture since mostly ang nandito ay pinaghalong European at mga South African natives, marami ring Arab migrates ang nandito, kaya hindi kataka-taka ang magagandang palamuti sa kalsada at kabahayan na may traits at ng Arab at Roman. Bohemian style madalas ang nakikita kong suot sa mga gaya kong turista doon.Hindi ko maitago ang magkakamangha sa isla lalo na sa mga taong bumungad sa amin. Pagkatapos namin sa seaport ay agad kaming pumunta sa Poblacion, d
Helena Kelandra's POVNagising ako sa isang silid. Napabalikwas ako dahil hindi ko matandaan kung paano napunta doon. "Aray!" sapo ko sa sariling ulo. Napakasakit n'on ay hindi ko rin maigalaw ang katawan ko na para bang nahulog ako sa kung saan. Teka, ano ba ang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay kasama ko si Eros sa rooftop.Napatingin ako sa sarili. Wala namang sign of damage, meaning...walang nangyari sa aming dalawa. Napabuntong-hininga ako sa sandaling iyon. Maigi akong humawak sa gilid ng kama at dahan dahang tumayo. Nagsumikap ako na makalakad papunta sa nakatabong bintana. Nang makita ang magandang tanawin sa likod n'on ay hindi ko maiwasang mapanganga sa pagkabigla."Did you like it?" narinig kong nagsalita sa aking likuran."Eros?!" sambit ko nang makita ito."What...what happened last night?" medyo praning na tanong ko rito."You collapsed," tipid na sambit nito sa akin. Meaning, nawalan ako ng malay sa rooftop? Hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari."W
Helena Kelandra's POV"Taxi!" mabilis kong tawag sa paparating na sasakyan. Gusto kong makalayo sa lugar na iyon. Hilam ang mga mata ko sa sariling luha. Nagpupuyos ang damdamin ko sa sandaling iyon. Hindi ko inakala ang lahat ng nakita ko. Michael is betraying his love for me, and to what i didn't expect, iisang babae ang umagaw sa kaniya sa akin...and it was my sister!Ang kapatid na inakalang patay na.She is still alive!Nang makasakay sa taxi ay agad ko itong pinatakbo sa kung saan. I don't know where to go."Maam, buenos noches, where are you going?" sabi ng Caucasian white na taxi driver. Parang nag-aalala siya sa akin dahil na rin sa pag-iyak ko."I need you to take me away from here," I continue to cry."If you need someone, i can be with you." Baritonong sambit ng lalaking hindi ko pa kilala. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan sa kung saan. Nakikita ko ang daan papunta sa sentro, may maraming ilaw ang nandoon, maraming parkdriveways at mga bars."You need a drink." He said
Michael's POVMabilis kong tinungo ang elevator at nagbihis ng damit. Sinuot ko ulit ang tuxedo na suot ko kanina at patay-malisyang naglakad ng prominente. Hawak ko ang aking VIP pass para makapasok sa fourth floor. Nang makapasok sa fourth floor ay nakita ko doon ang isang lounge. Binungad ako ng isang Europian lady kung saan iniscan niya ang VIP card ko."Hmm, sorry to say sir, you are not allowed here." Maarteng sambit nito.Napatiim-bagang ako sa sandaling iyon. "Why?"She smiles at me and hold my tuxedo. "You need a validity pass, are you new here?"Hindi ako sumagot sa sandaling iyon, nilampasan ko lang ito kaya naman umaligid agad ang mga tauhan na nandoon."Back off, sir! Por favor!""No." Mariin kong sambit.Sa sandaling iyon ay aksyon na silang bumunot ng baril at ituon iyon sa akin. Hindi ako nasindak sa kinilos nila kaya sila mismo ang nag-adjust. They look frightened."Who are you?" Sabi pa ng isang lalaki. Ito ang lalaking nakita ko sa airport!That brute!Hindi pa siya
Michael's POVWhat the heck is this all about?Napatingin ako sa sandaling iyon sa bawat sulok ng building. It seems, exclusive ito sa mga lalaking gustong bumili ng babae. They're quite luxurious, and it made my thoughts gone wild, paano kung naisama dito si Helena? Fuck!Buntis pa naman ang asawa ko!"Sir? Are you a cop?" pag-e-english pa ng babaeng nasa reception desk. I shake my head that time. Bakit? Mukha ba akong pulis sa hitsura kong 'to?"No." Tipid na sambit ko."Alright sir, just fill out that form and you're good to start." Ngiti pa nito.Dahil gusto kong malaman ang nangyayari, agad akong nag-fill up sa papel at nagbayad. Matapos gawin iyon ay agad nila akong binigyan ng card, kulay itim iyon at makikita ko ang salitang 'VIP'."Come with me sir, i will show you the way." Sabi pa ng babaeng staff. Nang makapasok sa isang kwarto ay nabigla ako sa loob doon. Para itong theater na may nakaupong mga lalaki. Nasa gitna ang entablado kung saan may mga babaeng nakatayo habang na
Michael's POV"What?" nandito sa Madrid si Helena? Are you sure about that pare?" tanong ko kay Nathan."I'm sure, bro. Katunayan, apat na araw na mula nang mag-book siya sa akin, I guess nakalapag na siya d'yan, baka makita mo siya sa airport. Puntahan mo." Sabi pa ni Nathan na nasa kabilang linya. Hindi ko maisip ang mangyayari kung malalaman ni Helena na buhay ang kapatid niya at nandito sa unit ko.'Damn it! Malaking problema 'to!' Iyon ang sambit ko sa sarili. Hindi dapat malaman ni Helena na isa akong agent, and at the same time, malaman niyang kasama ko ngayon sa trabaho ang kapatid niya, that she failry believed na patay na sa matagal na panahon!"Hey, Michael, are you still there?""Yeah." Mahinang sambit ko."Oh sige na, I have to go now, may lakad pa kami ni Hannah, bye." Sa sandaling iyon ay agad akong nagbihis, hindi na ako nagpaalam kay Clarisse that time. Naglagay ako ng isang sulat sa bedside table kung saan sinabi kong dapat na siyang umalis dahil nandito na sa Madri