Share

Chapter 15 Part 2

Pasalamat siya at hindi ko siya maabot dahil sa layo ng pagitan naming dalawa. We are both sitting right beside the aisle.

Napalingon ako kay Alice nang ilapag niya sa lamesa ko ang papel na dapat kong check-han. Agad namang binasa ni sir ang mga sagot at hindi na ako nakahabol dahil wala pa rin akong magamit na ballpen.

"Number 3, B."

Sa inis, binigay ko na lang kay Alice ang test paper at hinayaang siya na ang mag-check. Masamang tingin ang binato ko kay Calter kahit na hindi naman siya sa akin nakatingin. Binalik ko na sa kaniya ang ballpoint niya pero 'yong akin pa rin ang ginagamit!

Sa huli, hinayaan ko na lang na gamitin niya iyon hanggang sa matapos ang checking. Binasa na rin ni sir ang mga nakuha naming scores.

"Ms. Humburgs got 11 over 40," mapait na anunsyo ni sir.

Hagikhik agad ni Megan ang narinig ko matapos iyon.

"Stupid," aniya kay Ji

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status