Share

II

Ellie's POV

Nandito na kami sa loob ng bahay ni papa. Napakabigat ng aura ng paligid. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. 

Naguguluhan pa kasi talaga ako, anong ginagawa doon ni Papa? Bakit kasama niya 'yong Tito ni Soleil? Bakit Nandoon 'yong Lola ni Harro? Bakit? Bakit?

Akala ko ba birthday ang pinuntahan ni papa.

Akala ko, nasa bahay sila ni Casey.

Akala ko lang pala.

Hindi ko na nakayanan pa kaya't ako na lang ang nagsalita.

"Pa? Gusto ko lang maliwanagan. Bakit madami kang tinatago sa 'kin Pa? Nahihirapan ako sa araw-araw kasi marami akong bagay na hindi alam sa sarili ko." 

Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya itinatago ang tunay kong pagkatao.

Hindi ko maintindihan kung bakit maraming siyang nililihim.

"Sasabihin ko naman sa 'yo ang totoo, kaya lang hindi pa ngayon ang tamang panahon anak. 'Wag ka naman sanang magtampo kay papa," saad niya.

Paanong hindi ako magtatampo sa 'yo papa? Paano?

"Kailan mo pa balak sabihin pa? Kailan?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Pumunta na ako sa loob ng aking kwarto para huminahon. Kailangan ko nang matulog para mawala yung galit ko.

Ala-una na ng madaling araw kaya naman pagod na pagod na ako.

....

Tanghali na pala pero hindi ako ginising ni papa. Galit kaya siya sa 'kin? 

Sabado na ngayon at walang pasok. Sana naman ay nakapasa ako sa mga test. Sayang lang effort ko kung babagsak lang ako. 

Nagsipilyo muna ako bago bumaba at kumain.

Ngunit pagbaba ko ay wala si papa. Wala din siyang iniwang kahit na anong sulat. 

Saan na naman kaya pumunta si papa? Hindi tuloy ako mapakali. 

Tatawagan ko sana si Soleil nang biglang may humahampas ng bintana namin.

"AH! PAPA!" Isang babaeng kulay orange ang buhok na napakahaba ang nakatingin sa akin habang kinakalampag ang bintana namin. Ito ata ang sinasabi ni Harro noong nakaraan sa canteen na bampira.

"Napanood mo ba yung balita?" Balita? Hindi kasi ako mahilig manood ng balita e.

"About what?"

"About vampires. There is a news in the City of Davao, where female vampires drank people's blood and ate their flesh. It's possible na mapunta sila dito sa lugar natin. The police tried their best to kill those vampires but they were also eaten by the them," paliwanag ni Harro.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ibang-iba sila sa mga bampira na nasa telebisyon.

Mas nakakatakot ang isang 'to!

Gusto ko pang mabuhay. Hindi pa ako nakakapag-sorry kay papa. Ayokong mamatay nang hindi pa humihingi ng kapatawaran.

Sumigaw uli ako nang may lumabas mula sa pintuan ng kusina namin. 

Si papa lang pala.

Muntik na akong atakihin sa puso ah.

Tumatakbo si papa papunta sa direksyon ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.

Iyak lang ako nang iyak dahil hindi ko alam kung panaginip lang ba ito.

Akmang lalabas na sana siya ng pintuan para harapin ang bampira nang pigilan ko siya.

"Pa... Huwag..." sabi ko habang umiiyak. Ngunit binigyan niya lamang ako ng isang ngiti. Iyak lang ako nang iyak habang nasa labas si siya.

Ngunit natigil ang iyak ko nang mayroong lumabas na kakaibang bagay mula sa kamay niya. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata upang siguraduhin na hindi ako nananaginip dahil kagigising ko pa lamang.

Napakabilis ng mga sumunod na pangyayari. Nakita ko na lamang na nakahilatay sa lapag ang walang buhay na bampira. 

Gusto kong magtanong kay papa kung anong nangyari sa kamay niya ngunit nawalan ako ng malay.

....

Nagising ako bigla dahil sa malalakas na sigawan na nagmumula sa labas. 

Nilibot ko ang aking tingin.

At hindi ko alam kung bakit ako nandito sa loob ng aming silid-aralan dahil ang naalala ko ay nasa loob pa ako ng bahay habang si papa ay nakikipaglaban sa mga bampira.

Wait. Si papa! Kailangan kong hanapin si papa! 

Ngunit pagbangon ko ay biglang sumakit ang aking ulo kaya naman pinili ko na lang mahiga.

"How are you? Are you feeling well?" tanong ni Finley na ikinagulat ko naman. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa sobrang daming tumatakbo sa utak ko.

"Medyo masakit pa 'yong ulo ko kapag bumabangon. Bakit nga pala ako nandito? Nasa'n si papa? Bakit nandito ka rin?" sunod-sunod na tanong ko.

"Your Dad brought you here after you fainted because of extreme shock. I'm here at our school because I'm busy doing some stuff and I saw your father with you and he told me if I can take care of you and I agree." 

Kanina nahimatay ako, ngayon baka dumugo na ilong ko.

Pwede namang magtagalog.

"Ah gano'n ba." 

Kailangan kong mag-isip ng topic para hindi kami awkward dahil nakahiga ako sa hita niya.

Bakit naman gano'n?

"Uhh, nakita mo na ba 'yong mga bampira sa labas? Natakot ka ba?" 

Kasi ako oo.

Alam kong walang kwenta 'yong tanong ko dahil hindi naman siya matatakutin kagaya ko.

Kalahi niya ata 'yong mga 'yon e. Kamukha niya kasi.

Biro lang.

"Yeah. I saw your father fightin---"

"Guys! Come on! Sundan niyo akong dalawa. Hindi na kayo ligtas dito. Ellie, I've talk to your father kaya alam niya na kung anong nangyayari. Tara na!" sigaw ng isang babae na bigla na lamang sumulpot.

Muntik nanaman akong atakihin dahil bigla-bigla na lang may darating.

And take note, sumisigaw pa siya kaya naman magugulat ka talaga.

Hmm.

Mukha naman siyang mabait at mukhang hindi siya nagsisinungaling kaya lang, ang weird ng suot niya. 'Yan na ba ang bagong trend ngayon?

She's wearing a pale violet shirt with a black corset belt and pants with black knee high boots. She also has a beautiful tiara and a bow and arrows.

Hindi ko naman sinasabi na pangit 'yong outfit niya, hindi lang talaga ganiyan 'yong taste ko. 

Hindi naman kasi ako mahilig sa mga cosplay. Gosh.

And, bakit meron siyang bow and arrows? Don't tell me, nilabanan niya 'yong mga bampira gamit 'yan? 

We don't know. But I'm impressed kung totoo man.

"Ano? Tutunganga na lang ba kayo diyan? Hahayaan niyo na lang na puntahan kayo dito ng mga bampira? Sige, madali lang naman akong kausap." 

Eto naman nagmamadali. 'Di makapagantay.

"Sandali! Ito na, susunod na ako sa 'yo, ewan ko lang diyan sa isa," sabay tingin ko kay Finley. Hindi nagtagal ay tumayo na din siya.

Sinundan namin ang direksyon na tinatahak niya at mukhang papunta kami sa parking lot ng school.

Ang lamig ng hangin. Wala din si haring araw. At nagkalat ang dugo at mga tira-tirang laman-loob sa lapag.

Babaliktad ata ang sikmura ko ng wala sa oras.

Tumatakbo kaming nakasunod sa babae. Ang cool niya palang tingnan sa malapitan.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa parking lot ng school at sumakay sa isang van.

At nagulat ako sa nakita ko.

Akala ko kami lang ni Finley ang nandito pero lahat ng kaibigan namin ay nandito na sa loob ng sasakyan.

"What took you so long?" iritang tanong ni Soleil.

"Hindi sila sumunod sa 'kin agad. Nagdadalawang-isip pa sila kanina," sagot no'ng babae na sumundo sa amin kanina.

Sorry naman po ate ha? Malay ko ba na holdaper kayo ano?

Umupo na kami ni Finley sa likod. 'Yong babaeng sumundo sa amin kanina, naka-upo siya sa front seat and yung nagda-drive ay... siguro kapatid niya 'to. Pareho sila nang suot at medyo magkamukha rin sila.

"Saan tayo pupunta guys?" tanong ko sa kanilang lahat. 

Mahirap na, baka hindi talaga namin kaibigan ang nandito sa loob ng sasakyan, baka clone lang nila or whatever tapos kikidnapin kami. Gosh.

Aba. Wala man lang sumagot sa 'kin. Kapag kayo nagtanong sa 'kin 'kala niyo sasagutin ko kayo? 

Nakalabas na kami ng paaralan ng ligtas. Maayos namang napapatakbo itong sasakyan kaya lang biglang may tumalon sa bubong ng sasakyan kaya't nagulat ako.

Oh my god. Hindi kaya bampira yon?

"AH! BAMPIRA! AH!" sigaw ko kaya naman huminto ang sinasakyan namin, nauntog tuloy ako. 

Mga walang hiya! 

"Kalma Ellie. Si papa mo 'yon at hindi bampira. Huminahon ka," sagot no'ng babae.

Really?

"Pwede ko bang buksan 'yong bintana para maka-usap ko si papa? O kaya bakit hindi niyo pasakayin dito si papa?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nako ha, nakaka-dalawa na kayo ha. Nakakainis na.

Makatulog nga muna.

....

Gumising na ako pero hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ang sasakyan namin. Saan ba kami nito pupunta? Sa ibang planeta?

"Are you awake?" tanong ng katabi ko.

"Hmm.."

"Then, remove your head from my shoulder."

Pagkasabi niya no'n ay agad kong inalis ang ulo ko mula sa balikat niya. Gosh Ellie! Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya kay Finley.

Teka, bakit ako mahihiya sa kaniya? Matagal na kaming magkaibigan tapos ngayon lang ako mahihiya sa kaniya? Tanga.

Sige na nga aaminin ko na. Minsan na din akong nagkaroon ng crush kay Finley, pero matagal na 'yon, sophomore pa kami.

Palagi kasi kaming magkasama at nagpapanggap na mag-boyfriend at girlfriend kami para lubayan siya ng mga babae sa school.

Manggagamit ano?

Malakas kasi talaga 'yong dating niya. Iyong tipo na, nakatayo lang siya pero kinikilig kana. Landi.

Pero nakakatakot din siya minsan lalo na kapag wala sa mood.

He has this dark aura to the point na ayaw mong lumapit sa kanya ganern. Gets niyo 'ko?

Si Harro din ganoon din ugali niya. Pero si Harro makakausap mo pa nang matino pero itong isa ay nako, dudugo na lang talaga ilong mo. Grabe.

"We're here!" sabi no'ng driver.

Binaba ko ang aking bintana upang makita kung saan kami pumunta. 

Wala akong makita maliban sa mga puno. Mukhang napakalayo namin sa mga tao. Gabi na rin kaya't medyo nakakatakot ang paligid.

"Why are we here? The road came to a dead end," Soleil asked the twins. I'm also curious.

"Yes."

"Then why did you bring us here!?" galit na tanong ni Soleil. Oh jeez.

Nagsisimula na naman siya.

Nakita naming napatingin ang kambal sa langit kaya't napatingin din kami. It's full moon. 

"It's full moon. This is the only way we can travel back to ExousĂ­a Realm."

Okay? 

Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil wala kaming maintindihan.

Ano namang kinalaman ng full moon sa pagpunta sa realm na 'yan?

Teka, ano bang gagawin namin diyan?

Weird.

"Wait a minute, are you making fun of us?" tanong ni Casey. All of this doesn't make sense at all.

"Just follow us."

Nagsimula nang maglakad ang kambal papasok sa kagubatan. At kaming magkakaibigan ay nakatayo lamang.

I know, they're afraid of the forest.

Not me though.

"Let's go," sambit ko at sinenyasan silang sumunod sa 'kin.

Nauna akong pumasok sa kagubatan. Wala pang ilang minuto ay nasa tapat na ako ng isang isla.

It's so beautiful. It looks like a paradise.

Wait.

Paglingon ko ay isa-isang nagdadatingan ang mga kaibigan ko.

But how did we get here?

Am I dreaming? Maybe.

Sinampal sampal ko ang sarili upang magising dahil baka nananaginip lang ako. Bago kami pumasok sa kagubatan ay gabi na. Napakadilim. Tapos ngayon ay maliwanag, umaga na.

"Casey! Soleil!" tawag ko sa kanilang dalawa dahil hindi ako makapaniwala. Ganoon rin ang reaksiyon nila.

The heck?

Tanaw ko sa 'di kalayuan ang malaking bangka na nakaabang saamin. 

"Guys!" tawag ng isa sa mga kambal. Saan sila galing?

Hindi ko naiintindihan. Wala akong maintindihan. Nasaan kami?

"All of you know how to swim, right? So let's go!" masiglang sambit ng babae na sumundo sa amin kanina.

Sabay-sabay silang tumungo sa dagat at lumangoy papunta sa bangka ngunit narito pa rin ako sa dalampasigan.

Hay.

Nasa bangka na silang lahat, ako nalang ang natira sa dalampasigan. Takot kasi ako sa dagat at hindi din ako marunong lumangoy.

I literally have no idea of what's happening. Gumising lang ako na may bampirang kalaban si papa, tapos bigla-biglang may susundo sa 'min tapos ito, hindi ko alam kung nasa kabilang mundo ba kami o nasa kabilang buhay.

Si apa! Andito pala si papa!

Nagpalinga-linga ako dahil napakadaming halaman dito at nakita ko siya na nakaupo sa ilalim ng puno at tila napakalalim ng iniisip.

Paano siya nakapunta dito? Hindi ko naman napansin si papa kanina sa labas ng sasakyan?

"Pa, tara na. Sabay tayong lumangoy. Natatakot ako e," aya ko kay papa.

"Ay oo nga pala anak. Nakalimutan ko na. Madami kasi akong iniisip. Pasensya na." 

Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay biglang may sumulpot na isang babae na hindi ko alam kung saan siya nanggaling. 

Ang ganda niya. Pero mararamdaman mo na parang may galit sya dahil makikita mo sa umaapoy niyang mga mata. Hindi naman siya nakakatakot, onti lang.

"Where are you going Hector?" tanong niya sa amin ni papa. Teka, paano niya nakilala si papa? Ngayon ko nga lang siya nakita e.

Nakita ko ang reaksiyon ni papa na gulat na gulat.

"Ma, hayaan mo na kami. Umalis kana, parang awa mo na." M-mama? Nanay ito ni Papa? Pero sabi niya patay na daw si Lola pero ano 'tong sinasabi niya.

"Ellie, mauna ka na sa bangka, susunod si Papa ha?" hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari ngayon.

Tiningnan ko sandali ang bangka at tila takot na takot ang dalawang babae na kasama namin kanina sa loob ng van. Anong ikinakatakot nila?

"So, this is your..." lumapit yung 'Lola' ko sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "daughter?" at tumango naman ako ng mahina.

Ngunit bigla niya na lamang akong sinakal nang napaka-higpit. Halos hindi na ako makahinga. Katapusan ko na ba? Gosh, ayoko pang mamatay!

"HECATE!" sigaw ni papa at nagdilim na ang lahat.

....

Casey's POV

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.

Napansin ko din ang iba naming kasama ay nakahiga at wala malay.

Pilit kong inalala kung anong nangyari at napansin kong kulang kami.

Si Ellie.

Tumayo ako upang tingnan ang buong paligid at nakita kong nakahandusay silang mag-ama sa dalampasigan.

Kinakabahan ako sa nangyari kaya naman agad akong bumaba ng bangka upang suriin sila.

Laking gulat ko nang makitang dumudugo ang tiyan ni tito.

Tinapik-tapik ko ang kaniyang pisngi upang gisingin siya ngunit walang nangyari.

"Emma! Anna! Harro! Tulong!" sigaw ko upang humingi ng saklolo.

Nilapitan ko si Ellie at awa ng Diyos ay humihinga pa siya.

Naalala ko na.

Pumunta si Hecate dito upang pigilan sina Ellie na umalis sa lugar na ito ngunit 'di ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan kami ng malay pagkatapos sumigaw ni tito.

"He's d-dead."

Tila nanlumo kaming magkakaibigan sa sinabi ni Emma.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Napakabait ni Tito Hector. Hindi 'to tama.

"Dalhin niyo na si Ellie sa bangka."

My tears are slowly falling down habang nakatingin sa bangkay ni tito.

He doesn't deserve this. He deserve better.

Ngunit unti-unting nagiging paro-paro ang katawan niya na ikinagulat naming lahat maliban sa kambal.

"It's normal for demigods," sambit ni Emma nang mapansin ang aming reaksiyon.

Napakadami pa lang sikreto ang tinago at pilit tinatago ng mga tao sa paligid namin.

Ellie's father died and we don't know how to explain this to her. She's still sleeping and we taught she's gonna die also dahil sa sakal ni Hecate sa kanya. And, hindi rin kami maka-isip ng dahilan kung bakit siya nagawang saktan ng kaniyang lola. We didn't help them because we're too scared even the Hunters. We know we're useless friend and we'll regret this for eternity.

The hunters gave us a short explanation about Ellie's father. He's a demigod and his deity is Hecate. And there's a big possibility that we are demigods too.

Why did he died quickly if he's a demigod? He's powerful.

Okay. Change topic. Anna and Emma. They are twins at kabilang sila sa Hunters' of Artemis. I'm a bit familiar to that group dahil mahilig kami ni Soleil magbasa about Greek. But it's a long long time ago na kaya nakalimutan ko na.

They stated that they also have a demigod brother but he died when he was 14 years old together with their mom dahil sa pagkalunod and it looks like they were eaten by sea monsters which I doubted.

I don't believe in monsters.

The relatives of their mom doesn't want to adopt them so they decided to become a Hunter of Artemis. They didn't talked about how they bacame one of them which is sad.

According to them, it will take 5 hours papunta sa "Palais des Demi-Dieux". So I decided to sleep dahil sa sobrang pagod. Hindi namin alam kung anong magiging tadhana namin sa bago naming tahanan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status