Share

Chapter 3

“Ali! Anong nangyari sa ‘yo?”

Napalingon ako sa bukas na pinto ng kwarto at nabuhayan ng loob pagkakita kay Frances. Magkababata kami at matalik na magkaibigan kaya palagi kaming magkabuntot. We graduated from the same university and were job hunting together in the same year—at least from what I recall.

Si Frances talaga ang gusto kong makita pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng alaala ko. Kaya lang ay wala akong cellphone pantawag. Sinubukan kong tanungin sa mga nurses kung nasaan ang mga gamit ko kaya lang parang ayaw nila akong kausapin. Mabuti at may isang nagsabi sa ‘kin na wala akong gamit nang isugod sa ospital.

Sa totoo lang ay gulong-gulo pa rin ako sa sitwasyon ko kaya sinabi ko kay Frances ang lahat. Nakatulong naman ito para makahinga ako kahit papaano.

“Ikaw ah… baka joke time lang ‘to, Ali. Pang best actress pa naman ang arte mo,” may panunuyang komento ni Frances kaya napairap ako sabay iling. How I wish I’m just acting.

“Wait. Paano mo pala nalamang nandito ako?” tanong ko sa kaibigan dahil hindi ko naman siya natawagan. And it’s not as if someone here in the hospital knows her.

Binukas-sara niya nang mabilis ang mga mata bago sumagot, “Ako kaya ang nagdala sa ‘yo rito! Umalis lang ako para kumuha ng mga gamit mo. Pagdalaw ko sa condo mo, naabutan kitang nakabulagta sa sahig. Walang malay. Nag-resign ka na nga sa trabaho pero parang wala ka pa ring pahinga,” sagot ni Frances na muling nagpasakit ng ulo ko dahil sa bagong impormasyon.

“Ikaw ang nagdala sa ‘kin dito? Tsaka anong condo?”

Tinapik niya ang bibig na para bang nagkamali ng sinabi. “Sorry. Oo nga pala, may amnesia ka. For sure nakalimutan mo ang tungkol doon.” Huminga siya nang malalim at dito inisa-isa ang mga gusto kong malaman.

***

Sinamahan ako ni Frances sa ospital hanggang sa payagan na akong lumabas. Kailangan ko pa rin daw magpahinga pag-uwi dahil mahina pa ang katawan ko.

I used to be full of energy and strength five years ago. But now, everything in my body hurts all of a sudden. Sabagay ay hindi na ako bumabata. I may still think like a twenty-one-year-old, but I’m in the body of a twenty-six-year-old woman.

Paglabas namin ni Frances ng ospital, nag-abang na kami ng taxi. Ihahatid niya ako sa condo ko para maniwala akong totoo ito.

Sa kanya ko nalaman na hindi na pala kami nakatira sa iisang apartment. I moved out not more than a year after I got hired in Coldwell Corporation dahil gusto kong magkaroon ng sariling space. Kumuha ako ng rent-to-own hanggang sa nakaipon ng sapat na pera para mabayaran ito ng buo.

May humintong sasakyan sa harapan namin pero hindi taxi. Pagbaba ng bintana, nakita ko sa driver’s seat si Mr. Coldwell. Napakaway ako nang nakangiti pero dahil seryoso lang siya, dahan-dahan kong itinigil ang ginagawa.

"Do you need a ride? Your place is on my way,” alok ng boss ko. Bumaba na siya agad ng kotse at lumapit sa amin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sabay iling. Nang tangkain niyang kuhanin ang gamit ko, para akong napaso nang dumaplis ang kamay niya sa ‘kin. “Ay hindi na ho! May iba pa kaming pupuntahan,” dahilan ko. Napatingin naman siya kay Frances na saktong nagsalita.

“Saan tayo pupunta—”

“Pero salamat! Ingat!” pagputol ko kay Frances.

Mabilis kong tinalikuran si Mr. Coldwell at dito muntik makabangga. Nahawakan lang niya ‘ko kaagad sa braso at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa kanya. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ng boss ko. Ilang segundo ang lumipas bago ako nailang sa sobrang lapit namin!

“Sorry—thank you po, Sir!”

Agad akong humiwalay sa kanya. Hindi na ako nagtangka pang tingnan siya. Bago makapagsalita si Frances ay hinila ko na siya pasakay sa kasunod na taxi ng kotse ni Mr. Coldwell. Sa bintana’y huli kong nakita ang pagkabigla sa mukha niya.

Pag-andar ng taxi ay tsaka ako nakahinga kahit na parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Bahagya akong niyugyog ni Frances, “Uy! Anong problema mo at hindi ka pa sumabay sa boss mo?”

“Kilala mo ang boss ko?” pagtataka ko.

“Ha? Ah oo naman! Napakita mo na siya sa ‘kin noon. Tsaka sikat siya,” sagot ni Frances sabay tawa. “Pero ano ngang problema mo sa kanya?”

“Empleyado niya ako. Hindi naman tamang sumabay tayo sa kanya,” sagot ko. I know we had an awkward start, pero tumaas ang tingin ko kay Mr. Coldwell nang malamang boss ko siya at CEO pa ng pangarap kong kumpanya.

“Ano naman ngayon kung empleyado ka at boss siya? He just offered a ride! Tsaka hindi mo ba na-feel ‘yung sparks kanina?” natatawang balik ni Frances. But I don’t want to entertain the idea.

“Ayaw ko lang ng issue.” Ito na lang ang nasabi ko para ‘di na humaba ang usapan. Napatingin ako sa bintana at dito nakita ‘yong babaeng kasama ni Mr. Coldwell noong unang beses ko siyang nakita sa ospital. Hawak-hawak nito si Matteo na anak ng boss ko.

Masyadong kumplikado ang ma-associate sa tulad ni Mr. Coldwell – after all, he has a child and a wife. Hindi magandang tingnan na may isinasabay siyang babaeng empleyado. Ako na ang iiwas. Naalala ko kasi kung paano niya ‘ko basta niyakap noong unang kita namin at hindi ito tama.

I may have lost my memories, but I hope I wasn't the kind of woman who could destroy a family.

***

“Sure ka bang dito ‘ko nakatira?” pigil-hiningang tanong ko kay Frances. Huminto kami sa eight-floor ng condominium at pumasok sa isang unit dito pero hindi ako makapaniwala sa bumungad sa ‘min.

It’s what I’ve always dreamed of! A two-bedroom condo unit with big windows and balcony. Para akong nananaginip habang sinusuyod ng mga mata ang paligid.

“Oo nga, Ali. Sa ‘yo ‘to! You worked hard all these years to buy your own place,” pagkumpirma ni Frances na alam kong walang dahilan para magsinungaling.

Bukod sa condo unit, mayroon din daw akong sasakyang naka-park sa basement ng building na ‘to. Mas maayos na raw akong magmaneho na sana ay hindi nasama sa mga nalimutan ko. To be honest, these were the things I had hoped for five years ago. Who would've imagined I'd accomplish all of these?

“Frances, question.” Lumingon sa ‘kin ang kaibigan ko at naghintay. “Am I still single?”

Parang nagulat pa si Frances sa tanong ko kaya natawa ako. “I mean… have I ever been in a relationship? Syempre nasa edad na ‘ko para lumandi.”

Napalunok siya sabay iling. “Nope. Zero records.” Napaisip tuloy ako kung masyado ba akong naging busy sa loob ng five years kaya nawalan ng oras sa love life. “But speaking of paglandi, baka it’s time. I know you’re still recovering, but I secured us tickets for that band you love. It’s for tonight. VIP pass with backstage access.”

“Don’t tell me…” ‘Di pa tapos ang tanong ay tumango na siya. Tuloy ay napatili ako sa excitement.

Isa sa mga nakwento ni Frances sa akin ang pag-attend ko sa concert ng favorite band ko noong 2019. Kaya kung pupunta kami sa concert nila ngayon, baka makatulong ito para magbalik ang alaala ko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status