•Lilac•
"Ma'am, nagtatanong po si Sir Cross, kung ikaw po ba ang pupunta sa audition mamaya."
Di ko namamalayan na nakatulala na pala ako, kung di lang nagsalita ang sekretarya ko, sigurado na babalikan ko na naman ang nakaraan na iyon. Ang nakaraan na nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay.
"Yes ako nalang, atsaka pakisabi sa kanya na kailangan ko ang report sa mga schedule ng mga artist."
"Copy, ma'am. Iyon lang po ba?" tanong niya.
Tumango ako kaagad kaya umalis na ito. Napapikit ako at napahawak sa sentido ko nang bigla itong sumakit, epekto siguro to ng pagpupuyat. Simula ng bumalik kami sa Pilipinas at nakita ko si Seve ay di na ako makatulog ng maayos, dahil napapanaginipan ko ang masasamang alaala ng kahapon.
"Mommy sakit po head mo? Kiss ko po kayo para mag heal po kayo kaagad."
Nagmulat ako ng mata at ang maamong mukha ni Lucas ang bumungad sa akin. Napangiti ako at hinalikan ang pisngi nito, kung di dahil sa anak ko, hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang meron ako ngayon.
Nagpursige akong maabot ang estadong ito, para kapag lumaki na siya ay di ito matulad sa akin na tinatakwil at kinakawawa ng mga taong may mataas na ranko.
"Masaya na si Mommy, kita ko na gwapo kong baby eh."
Malakas itong tumawa nang kiniliti ko ito, napapangiti na rin ako habang nakatingin sa kanya.
"Nagkakatuwaan ata ang mag-ina ko."
"Daddy Trayne!"
Sabay kaming tumingin sa kakapasok lang na si Trayne. Tumakbo naman kaagad dito si Lucas at nagpabuhat. Si Trayne ang kinalakihan na ama ng anak ko kaya Daddy na ang tawag niya rito.
"Anong gusto ng Baby Lucas namin?" kinurot pa nito ang pisngi ni Lucas, habang tinatanong iyon.
My son scratch the back of his head while thinking. I sigh, kuhang-kuha niya ang ugali ni Seve at ilang ulit na niya iyong sinasaway ngunit di naman nagbabago.
"Huwag mong iispoiled ang anak ko Trayne, atsaka nga pala, wala kang kasong kinakaharap ngayon?" tanong ko rito.
Busy rin kasi ito sa firm ng pamilya nila at sa mga kaso ng kliyente nito. He's Attorney Leandro Trayne De Silva, one of the best attorney in our country, kaya minsan lang ito nagkakaroon ng oras para gumala.
"Wala pa naman atsaka, hihiramin ko ang anak natin. Magma-mall kami, may audition ka raw na pupuntahan?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko, lumapit ako sa kanila at piningot ang ilong ni Trayne. Palagi nitong dinadala si Lucas sa mall at lahat ata ng gusto ng bata ay binibili nito, kaya marami ng mga gamit sa bahay na di naman ginagamit.
"Trayne, sinasabi ko sayo, kapag maraming dalang laruan si Lucas mamaya, itatapon ko talaga iyon sa labas ng mansyon mo."
Malakas itong tumawa habang nakahawak sa didbib. Inirapan ko naman ito dahil sa ginawang pagdra-drama.
"Sige na baka ma-late ka, marami pa namang nakapila. Mag-iingat ka ah, no boys"
Tumawa ako sa sinabi nito, hinila naman nito kaagad ang ulo ko para mahalikan ang aking noo.
"Pagkatapos nito, text kita para makahabol ako bye."
Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi, at kinuha na ang bag ko para deretso na akong bumaba. Di ko na sila hinintay dahil bibihisan pa ni Trayne si Lucas.
--
"Miss Jose, anong masasabi mo sa ginawa sayo ng fiancé ni Mr. Dela Vega?"
"May relasyon po ba kayo ni Mr. Dela Vega?"
"Ano po ang dahilan ng pagsampal sa inyo ni Ms. Bartolome?"
Tinanggal ko ang sunglasses na suot, at hinarap ang mga reporter na sunod-sunod ang tanong. Kung sa ibang panahon ito, tiyak na maiirita siya pero dahil kailangan niya ang mga paparazzi na to sa plano niya, ay nakangiti niya itong hinarap.
"I'm not good at this, I mean you can ask Mr. Dela Vega's girlfriend. Hindi ko alam kung bakit siya sumugod sa kompanya ko at nagwawala," mahinahon kung sabi.
Nagsilapitan naman ang ibang reporter na nasa malayo at naki-tsismis na rin.
"Baka po dahil magkasama kayo ng Fiance niya, kaya ganoon nalang po siya magwala."
Muntikan na niyang masambit ang salitang 'eskandalosa' kung hindi niya lang napigilan ang bibig. Mas malala pa nga ang ginawa nito sa kanya noon, pero hindi niya ito sinugod para lang makakuha ng simpatya.
"Oh my gosh, Mr. Seve and I, talk for only 5 minutes. Ano naman ang magagawa naming ikakagalit niya? ako nga ang napahiya dito, sa harap pa ng mga empleyado ko."
Pinahiran niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Nagulat naman ang lahat at sinubukan akong pakalmahin.
"Akala ko mabait si Ms. Jonalyn katulad ng mga sinasabi nila, ngunit dahil sa ginawa nito hindi na ako maniniwala sa mga pahayag ng mga Dela Vega. Excuse me, may pupuntahan pa akong importante," mahinahon niyang saad.
Rinig niya ang mga bulong-bulongan ng mga reporter. Lahat ay nakikiayon sa kanya, napangisi siya dahil dito. Gagawin ko ang lahat para bumagsak ang mga Dela Vega, lalo na ang mapangmataas na ina ni Szellous. Dahil sa kanya namatay ang Mamay ko.
--
"Sorry, sorry," paulit-ulit na hinging paumanhin ng lalaking bumangga sa kanya.
Kinuha niya ang bag na nalaglag dahil sa ginawa, bago ito tiningala. Tumaas ang kilay niya ng makita si Seve, nanlaki rin ang mata nito nang makita siya.
"What? Do I need to say my sorry too?" nakataas kilay niyang tanong dito.
Naiinis ako sa tuwing nakikita siya dahil di ko mapigilan ang tibok ng aking dibdib. Limang taon ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.
"Wala akong sinasabi, ang sungit mo naman nagso-sorry lang ako."
Hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang naglakad patungo sa audition room. Tama nga si Trayne maraming taong nakapila sa labas nito, halos dumugin pa ako bago makapasok sa loob.
"Good morning, Miss Lilac."
"Good morning din po, Kang PD"
Magalang na bati ko sa producer, lumapad naman ang ngiti nito at iginaya ako patungo sa mga upuan. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Seve.
"Szellous Veron, of Dela Vega's Entertainment po?" simpleng tanong ko dito.
Mabilis naman siyang lumingon sa akin at tumango. Muntikan na akong mapairap sa sobrang inis, mabuti nalang at napigilan ko iyon. Bakit ba palagi nalang kaming pinagtatagpo ng letseng lalaking to?
"Good morning, Kang PD!"
"Good morning, Mr. Dela Vega. Nasa mood ka ata ngayon?"
Ibinaling ko ang tingin sa kakarating lang na Szellous, sakto naman na nagkasalubong ang tingin naming dalawa.
"Hahaha hindi ko rin po alam, may isa po atang anghel na nahulog sa akin."
"Flirt," mahina kong sabi, na dapat ako lang ang makarinig, ngunit nagsilingunan naman sa akin ang lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon.
Kinabahan ako bigla sa tinging ipinupukol nila, kaya mabilis akong umupo sa aking upuan.
--
"Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah "Sa unang pagkanta palang ng lalaking nasa harapan namin ngayon, alam ko na kong anong kakantahin nito. Di ko maiwasan na tingnan si Szellous, para malaman ang reaksyon nito.
Ito ang kinanta namin sa kasal ni Persephone, at sinabi niyang kahit kumakanta siya sa kasal ng kaibigan namin, ako naman ang iniisip niya sa oras na iyon.
"When a day is said and done
In the middle of the night,and you're fast asleep, my loveStay awake lookingat your beauty Telling myselfI'm the luckiest man alive"Iniwas ko ang tingin kay Szellous, nang tumingin ito sa gawi ko. Napabaling ito sa dalawang kumakanta sa harap namin ngayon, sa tingin ko ay mag-jowa ang dalawang to. Nakikita ko tuloy ang sarili sa babaeng nakatingin sa mukha ng lalaking kumakanta.
"Cause so many times I was certain You was gonna walk out of my life, life Why you take such a hold of me, boy, When I'm still trying to get my act right?" kanta ng babae.
Parang may sarili silang mundo, ramdam na ramdam ko yung emosyon na binibitawan nila habang kumakanta.
"What is the reason
when you really could have any man/girl you want?I don't see what I have to offerI should've been a seasonGuess you could see I had potential Do you know you're my miracle?(Oh yeah) I'm like a statue
Stuck staring right at youGot me frozen in my tracksSo amazed how you take me back Each and every time our love collapsed"Mahina akong nakisabay sa pagkanta nilang dalawa. Ang sarap sa tenga ng mga boses nila, lalo na at may emosyon ang bawat salitang binibigkas ng mga ito.
"Beautiful."
Agad akong napalingon kay Szellous nang marinig ang sinabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay nang namataan kong sa akin ito nakatitig, hindi ito nagsalita at nag-iwas nalang ng tingin. Binalewala ko nalang siya, at pumalakpak sa dalawa na ngayon ay tapos na sa pagkanta.
Hindi ito nakuha ng kabilang entertainment company kasi naghahanap sila ng babae at lalaki na marunong sumayaw at kumanta para sa boy groups and girl groups nila. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot ng dalawa at tumingin sa akin. Hindi ko naman sasayangin ang talento nilang dalawa pero may sisiguraduhin lang ako.
"I have question," seryoso kong saad.
Kita ko ang paglunok ng dalaga habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko. I love her already!
"I have a rules in my company, no dating until you reach the age of 23. So how old are you now? Dating or not?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Naglandas ang ngiti ko nang hinawakan ng lalaki ang kamay ng nobya.
"Girlfriend ko po siya," proud na sabi nito, tinaasan ko ito ng kilay.
"Your dream or your relationship? If I take you both as my talent, you should break up."
Mabilis naman itong umiling, at mas hinigpitan ang pagkakapit sa kamay ng nobya. Mga bata pa sila, marami pang mangyayari pero dahil sa nakikita kong pagmamahal nila sa isa't-isa, tila naibsan ang bigat na dinadala ko.
May tao pa rin na tunay na nagmamahal, dapat lang nasa tamang tao ka. Sa taong marunong lumaban para sa relasyon niyo.
"We can't accept the offer po," sambit nito at tumalikod na sa amin.
Mahina akong tumawa.
"Be my talent," walang gatol kong sabi rito. Nanlalaki ang mata nila na lumingon sa akin. Tinuro pa ang sarili, tumango ako at sigawan na ng mga ito ang lumukob sa kwartong iyon.
"Still the same Lily, I knew."
Nilingon ko na naman siya at tinaasan ng kilay, sinalubong nito ang aking tingin. Nangungusap ang mga mata nito, ngunit di ko naman maintindihan kaya hinayaan ko nalang at nagfocus na muli.
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t