Share

HTBS 24:

Lilac

Gabi na pero ayaw pa ring gumalaw ng paa ko. Gumiginaw na rin sa lugar na'to. Uulan pa yata, makikisabay ba 'to sa sakit na nararamdaman ko?

Pinahid ko ang luhang naglalandas sa aking mukha, kanina pa 'to walang tigil sa pagtulo. Ramdam ko na rin ang pamamaga ng aking mata.

Nakita ko ang unang patak ng ulan sa aking harapan, ngunit wala akong ginawa kundi ang titigan lang iyon at ang sunod-sunod na pagpatak ng mga kasama nito. Tumingala ako sa langit at hinayaan na dumampi iyon sa aking mata.

"Ayaw kong takpan ng ulan ang aking luha dahil doon ko naipapalabas ang sakit na aking nararamdaman. Pero salamat pa rin at hinayaan mo akong maramdaman ang ginaw, na nagpapagaan sa bigat na aking dinadala," pagkausap ko rito.

Nagsasanib ang init ng aking luha at ang ginaw na dala ng ulan. Parang sinasabi nito na kahit nasasaktan ka pa ay mayroon pa ring makakawala ng sakit

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status