Share

KABANATA 2.2

KABANATA 2.2

"At sa preskong hangin naman na sinasabi mo, ito naman ang dahilan." sabay pakita naman ni Aling Milan ng pamaypay at saka ipinaypay niya sa akin para maramdaman ko na roon nga nanggaling ang hangin kanina.

"Pero, ang maalat na likido naman po?" panghuling tanong ko.

"Iyon naman ay tubig na nilagyan ko ng asin kanina at ipinapahid ko sa labi mo gamit ang isang maliit na bulak,"

"Bakit naman po?"

"Kasi iyon ang sinasabi ng nagdala sa iyo rito kagabi. Sinabi niyang ganoon ang gawin ko sa'yo ngayong umaga. Hindi naman niya sinabing bakit.

At pagkatapos noon ay umalis na dala ang motorsiklo niya. Teka nga muna, sino ba iyon hija?" pang-usisa naman ni Aling Milan.

"May group report kasi kami kagabi Manang, tapos napagod ako kaya nakatulog ako sa kanila. Okay naman po ako roon, kaya h'wag kayong mag-alala.

Wala pong nangyaring masama sa akin doon, at isa pa mababait ang mga tao sa kanila. Kaya sana huwag ninyo ng sabihin kay na mommy at daddy ang tungkol dito Manang ha? Baka anong masabi nila sa akin." pagsisinungaling ko.

"Ha? Hindi kita maunawaan hija, kasi kagabi, sila mommy at daddy mo naman ang kausap ng lalaking iyon kagabi, sa pagkakaalam ko ay isa iyon sa nagbabantay ng palaisdaan ninyo." paliwanag ni Manang.

Trabahador siya sa palaisdaan? Bakit parang ngayon ko lang nalaman na may palaisdaan pala kami? I mean sila mommy at daddy, bakit hindi man lang nila nabanggit sa akin. Mabuti pa tanungin ko kaya si Aling Milan kung na saan banda ang palaisdaan na tinutukoy niya.

"Manang?"

Hindi ko man lang namalayan kaninang tumayo pala siya para patayin ang telebisyong kanina pa naka-on.

"Oh hija, bakit?" sagot naman niya kahit wala pa rin sa akin ang kanyang atensiyon.

"Ah, kasi po. Nacu-curious lang ako sa sinabi mo kaninang palaisdaan, may ganoon po pa lang negosyo sina mommy at daddy?" kaagad kong tanong sa ginang.

"Ah, iyon ba? Hindi talaga sa kanila iyon."

"Ha? Akala ko ba trabahador nila mom at dad iyong lalaki sa palaisdaan,"

"Oo, pero ang palaisdaang iyon ay pagmamay-ari talaga ng Lolo Federico mo. Na ipinasunod lang sa mga magulang mo." paliwanag ni Aling Milan.

"Ah, ganoon po pala, pero bakit parang hindi ko naman napapansin na may dagat sa banda rito nang? Saan po pala 'yon banda?"

"Naku hija, hindi iyon sa dagat ang tinutukoy ko,"

Nalito naman ako sa pinagsasabi ni Manang.

"Ha? May iba pa bang palaisdaan na hindi sa dagat ginagawa? Ilog po ba? Sapa? O baka sa lawa? Baka sa talon?" inosente kong mga pasaring.

Natawa naman bahagya si Aling Milan sa pinagsasabi ko.

"Ikaw talaga Hija, masyadong palabiro."

"Eh saan nga po?" pangungulit ko.

"Sa fishpond iyon hija, iyong mga bangus ang pangunahing mga alagang isda roon at mga hipon. Iyon ang mga binabantayan ng mga trabahador doon." paliwanag na muli ni Aling Milan.

"Pero, may ganoon pala?"

"Oo hija, may ganoon." bumalik naman sa pagtayo si Manang at saka niligpit na ang mga gamit na kanina’y daladala niya rito sa aking silid.

Mga pamaypay, iyong basong tubig na maalat at bulak na kanina'y pinahid-pahid sa labi ko.

Dinilaan kong muli ang labi, andoon pa rin talaga ang alat na lasa.

"Hija, maligo ka na muna. Sunod ka na lang sa baba pagkatapos mo. Mag-agahan ka na."

Tumango na lang rin ako. At saka nababanaagan ko na lang na wala na si Manang sa aking silid.

Ngayon ang ginawa ko ay inaayos ang higaan ko. Ang unan inayos ang punda at ang bedsheet rin inayos sa pamamagitan ng paghilot ko gamit ang aking mabigat na kamay, pati ang kumot ko'y inayos ko na rin.

Kung ilalarawan ko ang silid tulogan ko, napakasimple lang nito. Kulay puti at abo lamang ang makikita mong kulay sa buong paligid. Pati na rin sa mga muwebles, kagaya ng closet, cabinet, drawer, bed, lampshade, salamin, pati nga sa banyo.

Halos lahat ng na sa loob ng silid ko ay kulay abo at puti rin. Pati mga gamit ko sa buong silid, wala ng ibang kulay, like laptop, cellphone, suklay, mga damit at sapatos halos lahat na sinakop na nang ganoong kulay. Ewan ko sa sarili ko.

Hindi ko naman talaga favorite color ang puti at abo. Pero may parte sa akin na gusto ko, parepareho ang mga bagay, kagaya na lang ng mga kulay.

Nag-ayos na ako ng sarili ko matapos kong maligo. At dahil malaking babae ako, mas bet kong suotin ang loose t-shirt at kalsonsilyo, minsan nagpa-pajama ako. Nagsuklay lang ako, naglagay na rin ng hindi masyadong mapulang lipstick, 'yong parang lipbalm lang siya. At pulbos.

Iyon lang. Wala akong alam masyado sa ahit-kilay na gawain ng iba. At sigurado, hindi babagay sa akin ang ganoon.

Habang nakatingin sa salamin.

"Bakit ang cute mo Triah Benizh Mondejaro?" sabi ko sa sarili sabay turo ko pa sa sariling repleksyon doon sa salamin.

May katok naman na nakapagpabilis ng kilos ko. Kaya nagdali-dali akong daluhan ang na sa pintuan, I am sure isa lang ito sa mga kasambahay. Para sabihing kakain na ako ng break-

"M-Mom?" nautal kong usal, hindi ko expected na si mommy pala ang makikita ko sa pagbukas nitong pinto.

Lalabas na sana ako para kausapin siya nang bigla niya akong tinulak pabalik sa loob. Na para bang pilit niya akong ipinapasok, at palinga-linga pa siya sa buong paligid at parang takot na makita kaming dalawa.

"M-Mom, b-bakit po?" kahit na may diin ang pagkatulak ni mommy kanina ay hindi ko pinahalata sa kanya.

"Pssshh." sinarado niyang mahina ang pinto at saka pabigla niya akong hinarap kaya napatalon ako ng kaunti.

"M-mom? B-"

"Sabing huwag kang maingay. Listen. Huwag kang magtangkang lumabas ng pintong iyan. Kung hindi malilintikan ka sa akin, understood?" may diin ang bawat salita at habilin ni mommy.

At dahil may pagkasuwail akong anak, at parang nawala na ang dating pagmamahal ko sa kanya, ay parang gusto kong hindi sumunod. Pero this time, she's weird.

"Pero Mom, how about my breakfast?"

Mom slightly tweak her hair when she heard my querry. "Aren’t you tired thinking about foods? Don’t worry, I will tell Aling Milan to bring you here your food. But don’t you dare to go outside that door. Or else." Mommy threathened me.

At dahil parang seryoso si Mom sa kanyang banta sa akin ay ginawa ko na lang ang nais niya para sa akin.

Malakas na sinarado ni mommy ang pinto kaya bahagya akong napatalon sa bigla. Ilang minuto akong napatulala sa mismong likod nitong pinto.

"Nakakapanibago naman sila Mom at Dad, si Trisha kaya, hindi rin kaya pinalabas ng kanyang kwarto? Pero bakit? Hindi naman ganito noon sila mommy at daddy ah." pagkausap ko sa aking sarili. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status