Share

KABANATA 2.1

KABANATA 2.1

FLASHBACK

Kilala ako bilang anak ng isang pinakatanyag sa larangan ng sugalHalos araw-araw sila mommy at daddy na nagpupunta sa isang casino real. At dahil nga legal ang pasugalang iyon kaya hindi sila matigil-tigil sa pagwawaldas ng pera.

Kaya anong inaasahan ninyo sa pananaw ng mga tao sa akin? Isang pariwara. Sa kadahilanang walang umaagapay sa akin simula nang ako'y ipinanganak. Bakit ko nasabi? Dahil lagi na lang nila akong iniiwan sa mga kasambahay naming. Sila lang ang laging nagbabantay sa ‘kin.

Sa mura kong edad, natuto na akong maglinis ng bahay, magluto, at kung anu-ano pa dahil palagi kong nakikita ang mga kasambahay na nag-aayos at naglilinis ng buong bahay.

Minsan nga sinasabihan ako nila Aling Milan na hindi mangulit na tumulong sa kanila at baka ano pa ang masabi nila mommy at daddy. Pero para sa akin, isang malaking himala na lang siguro kung mapansin nila ako.

Wala naman sigurong alam na gawin ang mga 'yon kung ‘di ang magsugal.

Nag-anak pa sila, para ano? Ipaalaga lang sa mga katulong. Mga iresponsableng mga magulang kumbaga.

Ganito na talaga ako mag-isip kahit na labing-tatlong taong gulang pa lang. Paanong hindi magiging ganito, e halos araw-araw na akong gumigising na walang mga magulang. Alam ko namang mababait sina Aling Milan at ibang mga kasambahay sa pag-aalaga nila sa akin, wala silang pagkukulang sa akin. Pero mas pinili ko na lang na magrebelde.

Hindi man dahil sa mga nag-aaruga sa akin, kung hindi dahil sa mga magulang ko. Dahil isang gabi, nang may ginagawa kaming reports sa paksa namin sa Agham.

Maaga kaming natapos gumawa ng report para bukas, nang isa sa kasamahan ko sa grupo ay nagdala ng isang bote ng inumin. At first akala namin juice lang iyon. Hindi naman nagsasabi ng totoo ang kaklase kung ano iyon, kaya sumang-ayon na lang kaming mag-inum.

Na sa bahay kami ng kaklase kong hindi gaanong mahirap, pero hindi rin naman masasabing may kaya.

Iyong klasing pamumuhay lang na payak at walang arte. Dahil nga hindi naman ako iyong tipong maarte sa paligid kaya go na go ako.

At dahil alam kung simula pa lang ay may mga naiinggit na sa akin. Pwera na lang sa mga kasamahan ko ngayon. Sila kasi iyong tipong mga gusto kong kaibiganin dahil hindi maarte, at normal pakisamahan.

Walang peke sa ugali. Unlike sa mga kagaya ko ng estado sa buhay na halos lahat ng kemeng mga gawain ay binabatikos.

Mga palibhasa spoiled.

Nagsimula na nga kaming mag-inum nang bigla akong nakaramdam ng pagkaganang mag-inom pa. Ang tamis kasi ng inuming ito.

Kulay asul ang laman ng bote, para siyang lagayan ng energy drink. Pero hindi siya energy drink.

"Triah? Ubos na ang laman ng inumin mo?" hindi ko na lubosang malinaw na marinig ang sinasabi ng isa kong kaklaseng si Loren.

"Iy-to bwa?" tinaas ko pa ang bote na wala na ngang laman, napapansin ko na rin ang pagsasalita kong parang nag-iba na rin. Na kahit anong gawin kong pag-aayos ng sasabihin ay parang mali-mali talaga ang nasasabi ko.

"Hanla. Lasing na yata si Triah, Mike."  malakas na sigaw ni Phoebe kay Mike.

"Lwasing...wako?" bahagya pa akong ngumisi.

"Hwinde now." tigalgal kong pagsasalita.

Napapansin ko na ring nahihilo ako.

"Ano bwa iytong inumin na...dinal-la mow, Mm-mike?" hawak ko na ang noo ko gamit ang isa kong kamay.

May bigla naman akong narinig na sigaw.

"Mike. Ano na namang ginagawa mong kagaguhan?"

"K-Kuya. W-wala po,"

"Anong wala-" naputol ang mga salita ng boses lalaki na sa pagkakarinig ko'y Kuya ni Mike.

"Heyllow pff-po...K-Kuya." itinaas ko naman ang mukha ko at pilit na hinahagilap ang mukha ng kanyang kuya. Sabay ngisi at ngiti ko pa. Habang paikot-ikot na ang pananaw ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin?

"Gago ka talaga Mike. Mag-init ka ng tubig," hindi naman kumilos ka agad si Mike. "Ngayon na!" malakas na sigaw na pag-utos ng anang lalaki.

"Kuya Ikee, mauna na siguro kaming mauwi ni Loren at Phoebe, gabi na kasi, baka hinahanap na kami ng mga magulang namin." mga naririg kung usapan.

Gusto ko silang pigilan pero parang hindi ko na kaya. Bigla ko na lang itinaas ang kamay ko sabay wave sa kanila.

Ewan ko talaga, simula nang inumin ko ang likidong iyon ay parang naging impulsive na ang aking katawan.

Hindi ko na alam kung paano kumilos ng tama. Nagiging malambot ang bawat pagkilos ko sa bawat parte ng aking katawan at hindi ko alam kung bakit ako laging ngumingisi at natatawa.

"Triah, pasensya na ha, gusto pa sana namin samahan pero...baka hinahanap na kami sa amin. Bukas na lang tayo mag-usap sa eskwelahan ha. Mag-ingat ka sa pag-uwi." niyakap ko naman silang dalawa.

At may pinagsasabi ako pero hindi ko na alam kung ano.

Hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari at nakatulog na ako.

......

Kinabukasan

Malamig ang pakiramdam ko, at ibubuka ko na sana ang aking mga mata nang subukan kong imulat ito ay sumasakit naman ang ulo ko.

Kaya hinayaan ko na muna ang sariling pakiramdaman ang bawat tunog na naririnig. Pero parang may mali sa naririnig ko.

Dahil may bagong tunog akong naririnig sa paligid. Parang may mga tunog ng alon akong naririnig.

Teka, alon?

Sa pagkakaalala ko. Wala naman sa tabing-dagat ang bahay namin at isa pa, bakit parang kakaiba ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat?

At pinalabas ko rin ang aking dila at inilibot ko sa aking labi. Pwe. Bakit ang alat?

Teka nga, alon?

Dagat?

Maalat?

Imposible.

Kahit na may kirot pa rin akong nararamdaman sa 'king ulo ay mas pinili kong imulat ang mata ko.

"Hija, naku. Mabuti naman at gising ka na. Naku kang bata ka. Nag-aalala kami sa'yo, kahit anong gawin naming panggigising sa'yo hindi ka magising-gising." kaagad na bungad sa akin ni Aling Milan.

"Po?" wala sa isip kong tanong.

Teka,

Inilibot ko naman ang buong mata sa aking silid. At saka tinignan si Aling Milan.

"Manang? Nananaginip ba ako kanina?" may bahid ng pagkalito ang mababakas sa mukha ni Aling Milan.

"Hindi naman, bakit?"

"Ahh, k-kasi po, may narinig akong tunog ng alon at may nararamdaman rin akong hangin na preskong dumadampi sa balat ko, tapos may nalalasahan rin akong maalat na likido sa labi ko." kaagad kong siwalat kay Aling Milan tungkol sa naiisip ko kanina habang nakapikit ako.

"Haynaku, hija."

"Bakit po?"

"Kasi, kaya may naririnig kang alon kanina dahil diyan." sabay turo naman ng Ginang sa television.

At doon nakita ko nga ang malakas na pag-alon ng dagat sa pinapanood.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
ABDUL ROhim
Lucky film
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status