Dinala ni Theodore ang Mommy niya sa hospital pero hindi na niya ito dinalaw matapos iyon. Patuloy niyang binalewala si Scarlet hanggang sa lumipas ang tatlong araw. Sinubsob niya ang sarili sa trabaho ng kompanya, tinigilan niya makipagkompetinsya kay Raffaelo Conti at pinili palaguhin ang e-commerce business nila.Umiinom s'ya ng whiskey sa opisina n'ya nang biglang bumukas ang pinto. Niluwal ang nakangiting babae. Si Scarlet.Makapal pa rin ang mukha, mataas pa rin ang pride at wala pa ring takot sa kanyan kahit maraming beses n'yang pinatabuyan, pinagsalitaan ng masasakit at tinulak. May bitbit itong box. Ngayon lang naisipan umalis buhat noong sinisante niya. Umabot din sa wakas sa limitasyon ang pagmamatigas nito."Wala akong oras makipag-usap sa mga taong hindi naman importante sa buhay ko," malamig niyang asik habang nakatingin sa panorama sa labas.Nilinis ni Scarlet ang nananakit na lalamunan. Ayaw n'ya sanang gawin ito pero umaasa s'ya na kapag aalis s'ya sa kompanya nito
"Malaki ang binago ng kondisyon ni Angelica ngayon. Hindi na s'ya gaya ng dati na may sariling mundo. Malinaw na ang pang-unawa niya saka alam at kilala niya kung ano at sino ang mabuti at masama sa kanya," mariing sambit ni Aella, dumidilim ang mukha. "Kung matalino ka dapat alam mo'ng ikaw ang dahilan kaya naging malamig ang anak mo sa'yo ngayon. Imbes na magsasayang ka ng oras dito, pwede bang umalis ka na, pagnilayan mo ang sitwasyon ngayon at tigilan mo ang pagbibintang mo sa iba!" Nagpatiuna si Aella saka sinundan ng lalaki na kalong ang anak niya. "Aella, magpakasaya ka ngayon dahil darating ang araw na gagapang ka pabalik sa akin!" habol niyang sigaw. Umiinit ang mga mata niyang sinusundan ng tingin ang mga ito. Sumama ang loob niya, hindi s'ya makahinga sa matinding iritasyon. Dapat n'yang alamin ang pagkatao ng lalaking iyon bago pa nito makuha ng tuluyan ang asawa't anak niya. He should steal her back as soon as possible. Nagdadabog s'yang sumakat ulit sa kotse at
"Why she so eye-catching today," gigil na wika ni Theodore. Nagagalit s'ya dahil gumaganda ito matapos ang isang linggo na di sila nagkikita. Halata na hindi ito apektado sa paghihiwalay nila. Na-glow up ito, naging maliwalas ang mukha sa manipis nitong make up. Nakasuot ito ng kulay rosas na blazer, puting shirt sa loob at kulay rosas din ang A-Line skirt nito at pinarisan ng itim na pointed high heels. Umiindayog ang balakang nito habang naglalakad. Walang duda na maganda ito at naaakit s'ya. Okay sana ang lahat, malaya sana s'yang pagpyestahan ang babae kung wala itong kasamang asungit. Hindi n'ya pa rin kilala ang lalaking kasama nito, ito rin ang nakita niya na kasama nito sa Palawan. Bumaba s'ya at padaskol na sinara ang pinto ng kotse. Huli niyang namalayan na sinusugod n'ya ang mga ito. Uminit ang ulo ni Aella nang matukoy ang paparating na lalaki sa gawi nila. Balak niya sanang balewalahin pero mabilis tumanghod sa harap nila. Ayaw n'yang gagawa ulit ng eskandalo ito s
"Siraulo ka ba?!" Pumagting ang boses ni Gisella Larson sa buong sala ng mansyon nila. Sumisikip ang dibdib, hinahabol ang hininga, mainit ang ulo at kulang na lamang ay bumuga s'ya ng apoy. Umigting ang panga ni Theodore, hindi n'ya maatim ang sobrang pakialamera ng ina niya. Napailing si Tyler, kumibit-balikat at napasandal sa sofa. Samanatala si Salvatore ay huminto sa pagsimsim ng kape niya. "Pati kayo ay pinapakot ng babaeng iyon. Lalo ka na!" ganting sigaw niya. "Theodore, don't shout at your mother!" saway ni Salvatore, aakmang tatayo pero pinigilan siya ni Tyler. "What the hell are you talking?! Si Scarlet lang ang totoong nagpakita ng pagmamahal sa'yo. Hindi s'ya kagaya ni Aella na walang respeto, masahol at byolente! Bakit mo sinisante si Scarlet? Nasaan ba ang utak mo? Kinain ba ni Aella kaya nakalimutan mo ang maaaring konsekuwensya ng pagtitiiwalag mo sa strategic cooperation? Sigurado akong malulugi tayo at hindi lalago ang Mall mo!" mahabang litanya ng Mommy n'ya.
"Be careful next time," banayad na bulong ni Raffaelo matapos tulungan patayuin si Aella. "Ginugulat mo kasi ako!" nahihiyang tugon niya. "Tutok na tutok ka kasi sa trabaho mo. Kaya pati ang kagaya kong gwapo ay kinakaligtaan mo," hirit nito, normal na lumalabas ulit ang pagiging mapagbiro nito matapos nilang magpalagayang loob noong umiyak siya sa balikat nito. Sabi ng lahat, taong bato si Raffaelo at madalang umasta tulad nito. Kaya maraming naiinggit na babae sa kanya—kayang-kaya niyang paamuhin ang isang lion. Nalilito n'yang tinitigan saka iniwas agad ang mga mata. "By the way, congratulations on your annulment!" "P-Paano mo nalaman?" "I'm one of the powerful in the Philippines, and it's easy to know everything especially the wheareabouts of my subordinates." "Yabang tapos tsimoso..." bulong niya sa sarili. "May sinabi ka ba?" Sumalpok ang kilay ni Raffaelo pero huling-huli ng tainga n'ya ang binangkit nito. Napailing ito. "W-Wala. Ang bilis mo naman nalaman an
Gaya ng sinabi ni Aella ay nagkita sila sa isang coffeshop ni Betty. Binati agad siya ng dalaga nang makita siya. "Ma'am Aella!" anito. Magkatapos nilang umupo ay um-order na dalawang cappucino at pistacchio croissant saka sinimulan ang pag-uusap nila. "Malaki ang inambag mo sa hiwalayan namin ni Theodore ngayon," pasimula niya at nilapag puting sobre sa harap nito. "It's my small token of gratitutude. Please, sana tanggapin mo." Nakalimutan ata huminga ni Betty ng isang segundo, binaha siya ng maraming pag-aalala at magalang niyang tinanggihan. "Bukal sa loob po ang pagtulong ko sa inyo, hindi po ako humihingi ng premyo. Hindi ko lang talaga kayang makitang binu-bully kayo ng ganyan ni Sir. Saka sobra-sobra na ho ang naitulong niyo sa akin. Kulang pa nga ito para mabayaran ko ang lahat ng utang na loob ko sa inyo." Mariin na nilapat ni Aella ang manipis niyang bibig. Nakita niyang determinado itong tinatanggihan ang pera niya kaya sa huli ay binalik n'ya sa bag ang sobre. "N