Share

Chapter 4

Penulis: sinblue
last update Terakhir Diperbarui: 2022-05-18 15:31:12

EXCITED at may pagmamayabang na inikwento ni Anastacia sa kaibigang si Carla ang nangyari. Ipinakita niya pa rito ang sandamakmak niyang pera na lilibuhin habang malaking-malaki ang ngisi. Talagang hindi siya nagkamali ng lalaking pinagbentahan ng katawan. Mantakin mong nakatiyempo siya ng bilyonaryo sa isang pipitsuging bar at binigyan pa siya ng isang milyong dolyar? Talaga nga namang bilog ang mundo. Hindi na siya makapaghintay na ipagmayabang sa mga laiterang kaklase niya noong highchool na mukhang mga palaka.

“Bruha, nasaan 'yung diamond ring? Ineechos mo lang ba ako? Baka naman wala talagang madatung na fafa. Hindi kaya miyembro ka na ng budol-budol gang?”

Sinapok niya ang kaibigan. “Gaga!” Inirapan niya pa ang bruha saka siya ngumisi. “Pinapaparesan niya pa kasi nga diamond ring ang binili niya para sa 'kin.”

Suminghap si Carla saka nagtitili habang inaalog ang balikat niya. “Animal ka! Baka naman may kapatid pa siya, bruha!”

“TITA CARLA!!!!”

Natigil sa pagtili si Carla nang pumasok ang anak ng landlady nila na kay sungit. Ang bungal na batang si Baron. As usual ay nandidilat ang mga mata nito na awtomatikong nagningng nang makita si Anastacia. Pinitik naman ng huli ang kaniyang buhok. Crush kasi siya ng batang si Baron.

“Ano na naman, bungal? Pagtitripan mo na naman ako, ha?” namaywang at masungit na tanong ni Carla sa bata.

Agad itong ngumiti at umiling. “Iyong bilat mo nasa labas.”

Bumunghalit ng tawa si Anastacia habang hindi naman maipinta ang mukha ni Carla. “Animal you! Anong bilat? Bastos ka!”

Kumamot ng batok ang batang si Baron. “Totoo naman e.”

Mas lalong lumakas ang tawa ni Anastacia. Tumayo siya at binitbit ang bag niyang puno ng sandamakmak na lilibuhin. Nilapitan niya ang kaibigan saka tinapik sa balikat. “Mauna na 'ko, Carla. Bisitahin ko muna si tatay. Puntahan mo na rin 'yung bilat mo sa labas at baka matutong sa init ng araw.”

Bago pa siya masapak ng malapad na kamay ng kaibigan at nagtatakbo na siya palabas ng apartment. May hagdan pa pababa ang apartment at madadaanan niya ang bahay ng landlady na nasa ilalim lang ng apartment nila ni Carla.

“Aling Beki!” hyper na tawag niya sa landlady na nagsasampay ng panty sa harapan ng bahay.

Tumingin ito sa kaniya nang matalim. “Anong Beki? Vecky! Tarantada ka talaga! Alam mo kaysa insultuhin mo ako ay magbayad ka nalang ng renta niyo sa nakaraang tatlong buwan. Aba, anong akala niyo sa bahay ko? Libre? Ang ingay ingay niyo na nga palagi, delay pa kayo magbayad. Kung hindi kayo—”

Bago pa matapos ang sinasabi ng masungit na Beki—este Aling Vecky ay inabutan na niya ito ng eight thousand pesos. Namilog naman ang mga mata ng matanda saka hinablot ang perang malulutong pa. Binilang nito ang pera saka siya pinaningkitan ng mga mata. “Saan mo ninakaw 'to?”

Sinimangutan niya ang matanda. Akmang babarahin niya ang masungit na babae nang bumaba si Carla kasunod si Baron.

“Hoy, Carla! May tao sa labas ng gate, bilas mo raw siya,” ani Aling Vecky.

Ngumisi si Anastacia samantalang inirapan naman ng mataray na bading si Baron. Bilas naman pala, hindi bilat.

“Sandali at kukuha ako ng sukli mo,” siya naman ang binalingan ng matandang masungit pero dahil galante na siya ngayon ay umiling siya. Mayabang na iling. “'Wag na, Aling Beki. Mayaman na ako ngayon, ano!”

Hinampas ng matanda ang braso niya. Napangiwi naman siya dahil para itong kalabaw. Matanda na pero malakas pa.

“Sinabi nang Vecky, hindi Beki! Lumayas ka na nga!”

Sinimangutan niya ang babae saka nilayasan ang matanda. Dire-diretso siyang lumabas ng gate at naabutan si Carla na nakayuko habang nakaamba ng suntok ang lalaking nakatayo sa harapan nito. Kilala niya ang lalaki, bilas nga 'yon ng kaibigan niya.

“Wala nama akong ginagawang masama—” hindi natapos ni Carla ang sinasabi nang sapukin ito ng lalaki.

Iritadong lumapit si Anastacia at hinila ang kaibigan niya palayo. Natawa naman ang bilas ni Carla.

“Anong ginagawa mo? Tinuturuan ko ng leksyon 'yang bakla mong kaibigan!” singhal sa kaniya ng lalaki.

Inirapan niya ito. “Lumayo na nga siya sa inyo at sinusustentuhan niya ang kapatid mong nabuntis naman ng ibang lalaki pero sa kaniya ipinaako. Ano pa bang gusto niyo?”

Namaywang ang lalaki at sarkastikong natawa. Nang tingnan siya nitong muli ay matalim na ang mga mata nito at umambang sasampalin siya. Agad na napapikit si Anastacia. Sa laki ng palad ng lalaki, tiyak na mahihilo siya.

“Try to lay even a single finger on her and you'll taste what hell is like,” isang baritono at malamig na boses ang nakapagpamulat kay Anastacia.

Suminghap siya nang makita ang isang gwapong lalaking nakatingin ng masama sa bilas ni Carla. Madilim ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata, tila isang demonyo na handang pumatay at mamatay para sa dalaga.

“Sino ka naman?” mayabang pa ring tanong ng bilas ni Carla. Pabulyaw itong nagsalita dahilan para mas lalong dumilim ang mukha ni Alessandro.

He clenched his jaw at wala pang isang segundo ay bumagsak sa lupa ang mayabang na lalaki. Tulog ito habang nagdurugo ang ilong.

Anastacia gasped in shock. Tiyak siyang kakailanganin ng lalaki ng opera sa ilong dahil sa inabot nito. Samantala, nakanganga naman si Carla habang tinititigan ang lalaking ngayon ay lumalapit na sa kaibigan niya.

“Bambina, are you okay? Are you hurt? Who is that freak? I saw him harassing you, I will kill him!”

Napalunok si Anastacia. Agad niyang hinuli ang mga pisngi ng binata dahilan para mabaling sa kaniya ang paningin nito na nakapukol kanina sa bilas ni Carla.

“I'm okay, but why are you here?”

Alessandro smiled. “Because I miss you already.”

Hindi na napigilan ng dalaga ang malanding hagikgik. Mahina niyang hinampas ang dibdib ng binata. “Ekew telege!”

Hindi man naintindihan ay mas lumawak ang ngiti ng binata. He grabbed his girl's hands and gently caressed them. He kissed her fingers and spoke, “I wanna spend more time with you, mia bella regina. And I want you to know that our grand wedding will be held two weeks from now, so I'm telling you we will be extra busy for the preparation.”

Muling humagikhik si Anastacia samantalang nandilat naman ang mga mata ni Carla at aling Vecky na lumabas nang makita ang pagdating ng isang magarang kotse. Pareho silang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita at talagang pupusta sila na ginayuma ni Anastacia ang gwapo at mayamang lalaki na nasa harapan nila ngayon.

“Oh my Gosh! I can't wait to marry you, honey!” malaswa ang tono ng boses ni Anastacia para kina Aling Vecky at Carla ngunit para kay Alessandro, isang iyong musika na gusto niya palaging marinig.

Akmang hahalikan ni Alessandro ang dalaga nang biglang pumagitna si Baron at sinipa ang pagitan ng mga hita ng binata na ikinagulat ng dalaga at naging sanhi naman ng pagdagundong ng malakas na sigaw ng binata.

Naku, patay! 'Wag naman sanang mabasag— bulong ng isipan ni Anastacia habang nakangiwing pinagmamasdan ang mapapangasawa niya.

~

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rockeeba Moore
I like this book so far, but I have to stop reading it cause it’s in three different Languages, but more of Italian and Philippine language. But what English I did read it was really good
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Million Dollar Wife   Chapter 53

    Anastacia's POV “PAPA, bakit ang tagal mong dumating? Bakit wala ka habang lumalaki ako? Bakit ngayon ka lang, papa?” Patuloy ang pag-iyak ni Aki sa bisig ng kaniyang ama at hindi naman alam ni Alessandro kung paano patatahanin ang anak. “Akala ko wala ka na, papa. Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko wala talaga akong papa. Bakit kasi ang tagal mong dumating? Edi sana nakita ng mga kaklase ko na magkamukha talaga tayo!” Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan sila. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. “Anong trabaho mo, papa? Seaman ka ba? Sino iyong lalaking kamukha mo? Kapatid mo ba siya?” Sinulyapan ako ni Alessandro na may pangungusap sa mga mata. Humihingi ng tulong dahil obvious namang hindi niya naiintindihan ang bata. “Naku! Sayang ang drama mo, Akilito. Hindi ka naiintindihan niyang ama mo,” si Carla na naroon na pala sa tabi ng mag-ama at inuusisa si Alessandro. Natigilan si Aki at hinarap si Carla. “Bingi ba siya, tita?” “Hindi siya bingi, bungol siya,” sag

  • His Million Dollar Wife   Chapter 52

    Anastacia’s POV WALA akong imik habang nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatingin sa natutulog na lalaki sa kama. Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatagpo kaming muli pagkatapos ng ilang taon. Pagtatagpong hindi inaasahan pero tiyak kong pinagplanuhan ni Leonardo. Tutol ako sa pagkikitang ito pero hindi ko maikakaila na nagsasaya ang puso ko ngayong natatanaw ko siya. Alessandro left to protect us. Naiintindihan ko ang rason niya. Ayaw lang talagang tanggapin ng puso ko na iniwan niya ako habang buntis ako sa anak namin at pagkatapos pang mawala ng ama ko. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko si Alessandro pero hindi ko magagawang basta nalang siyang ibalik sa buhay ko dahil alam kong mahihirapan rin kaming dalawa. Guilty pa siya at takot pa na mapahamak kami. Maya-maya ay biglang bumangon si Alessandro. Bakas sa mukha niya ang gulat habang nagpapalinga-linga sa paligid at nang tumama ang kaniyang paningin sa akin ay umawang ang kaniyang mga labi at muling namutla. Bakit ba ganoon

  • His Million Dollar Wife   Chapter 51

    NANG umalingawngaw ang sigaw ko ay agad na dumating si Leonardo at gulat na gulat na napatingin sa kapatid na nakahandusay sa sahig.Hindi ko alam ang gagawin. Masyado akong natataranta at alam kong ganoon rin si Leonardo. Ano ba naman kasing drama ni Alessandro at parang nagkaepilepsy nang makita ako? Masyado ba siya g nagulat sa kagandahan ko kaya hinimatay siya? Alam ko namang mukha akong diyosa pero sobra naman yata na himatayin siya.Agad na dinaluhan ni Leonardo ang kapatid, “Alessandro!”Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang hindi malaman ang gagawin. Malakas ang pintig ng puso ko at tarantang-taranta ako. Baka napasama ang bagsak niya. Ayokong mabalo ng maaga at ang dahilan ay hinimatay ang asawa ko nang makita ako.“A-Ayos lang ba siya?”Tiningnan ako ni Leonardo ng matalim, “He’s breathing but he’s also bleeding.”Napasinghap ako. Oo nga! Kitang-kita ko na dumudugo ang ulo niya pero nakahinga pa rin ako ng maluwag nang malamang buhay pa siya.“What did you do?” Galit na

  • His Million Dollar Wife   Chapter 50

    “DAMI niyong arte!”Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Leonardo. Bakas sa mukha nito ang irita at mukhang diring-diri sa narinig mula sa akin.Parang gusto ko siyang tadyakan bigla palabas ng sarili niyang kotse. Bakit ba siya nangingialam? “Ibalik mo na ‘ko sa bahay,” iritadong sabi ko habang nakasimangot.Inirapan ako ni Leonardo nang biglang nag-ingay ang cellphone niya. Sinulyapan pa ako nito na ikinataas ng kilay ko.Nang sagutin nito ang tawag ay dumagundong ang puso ko dahil sa pangalang binanggit niya.“What is it, Alessandro?”Bored na bored ang mukha ni Leonardo nang bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at tila nataranta.“What? What did you feed her—Fine! Bring her to the hospital. I’ll be there quickly.”Nagulat ako nang paandarin ni Leonardo ang sasakyan. Dire-diretso ang walang lingon-lingon.“Teka lang, Leonardo! Saan mo ako dadalhin?”Nagtiim-bagang ito, “I have an emergency.”“Ano?” Nasapo ko ang ulo. “Ibaba mo nalang ako dito sa tabi—”“I can’t! She’s more imp

  • His Million Dollar Wife   Chapter 49

    Anastacia’s POV“ANA, sino iyong lalaki kahapon, huh?”Halos bumunggo sa akin si Francis nang salubungin niya ako sa lobby ng factory na pinagtatrabahuhan ko. Isa si Francis sa may-ari ng factory na ito at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanliligaw sa akin ang mayabang na lalaki. Isa sa dahilan kung bakit maraming gigil sa akin sa trabaho dahil sabi nila ay nilandi ko raw ang lalaki. Hindi nalang aminin sa mga sarili nila na mas maganda at sexy ako.“Narinig mo naman ang sinabi ni Aki kahapon, Francis.”Nagtiim-bagang ang lalaki. “Iyon ba ang ama ng batang iyon? Di hamak naman na mas guwapo at mukhang mas mayaman ako sa isang iyon. Sabihin mo nga! Bakit ka niya dinadalaw, ha? May namamagitan pa sa inyo? Ano? Pinapaasa mo lang ako?”Nangunot ang noo ko. “Malinaw kong sinabi sayo, Francis, na wala akong balak mag-entertain ng manliligaw at hindi kita pinaasa—”“Tinanggap mo ang mga regalo ko! Pinapasok mo ako sa bakuran mo. Pinaglaanan mo ako ng panahon. Alin sa mga iyon ang hindi

  • His Million Dollar Wife   Chapter 48

    Anastacia’s POV NAPILITANG umalis si Francis nang hindi kami nakakapag-usap. Ang nakakatawa ay binawi niya ang mamahalin niyang bouquet at masama ang loob na umalis. Wala naman akong pakialam kahit bawiin niya iyon dahil hindi naman ako mahilig sa bulaklak. Bumalik ang paningin ko kay Leonardo nang mahina siyang natawa. “He took his gift back. Is that your type of guy?” Nangunot ang noo ko habang tinitingnan siya. “Anong pakialam mo? At bakit nandito ka?” Sinulyapan niya si Aki na bumitaw na sa kaniya at nakahawak na ngayon sa kamay ko. Panandalian akong natakot nang akalain ko na inakala ni Aki na si Leonardo ang kaniyang ama pero mukhang kilala ni Aki ang hitsura ng kaniyang ama kahit sa litrato niya lamang ito nakita. Bumaba ang tingin ni Leonardo sa paslit na nakahawak sa kamay ko. Alam kong sa unang tingin sa mukha ni Aki ay hindi maipagkakaila kung sino ang kaniyang ama. Wala naman akong balak itago si Aki kay Alessandro pero hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Alam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status