To be continued~
Anastacia’s POVBWISET ako buong araw kaya naman nang bumaba ako sa tricycle ay nakasimangot ako pero mas lalo akong napasimangot nang makita ang dalawang magkasunod na kotse sa harap ng bakuran ng bahay ko. Isa kay Alessandro at ang isa ay kay Leonardo.Kunot ang noo na pumasok ako sa bakuran at sa labas palang ay dinig na dinig ko na ang boses ni Leonardo na bakas ang pagkadismaya.“Just get a fcking gas stove, Alessandro. This fcking stove is obviously not working!”Ano?“Anastacia will be here any minute from now, and I promised her dinner. When will that fcking gas stove be delivered, huh?”“Then use the fcking chopper!”Namulagat ang mga mata ko. Chopper?Saglit na katahimikan bago ko narinig muli ang boses ni Alessandro. “Fine! Call our men.”Anak ng…Pumasok ako sa bahay dahil naririndi ako sa mga pagmumura nila. Ganoon nalang ang gulat ko nang maabutan ko si Leonardo at Alessandro sa harap ng kalan. Pareho silang may uling sa pisngi at noo. Punong-puno ng uling ang kalan pero
Anastacia's POVAGAD-AGAD rin na umalis si Carla. Masyado siyang taranta at emosyonal kaya hindi ko siya hinayaang umalis mag-isa. Gamit ang sasakyan ni Alessandro ay sama-sama kaming lumuwas sa siyudad para ihatid si Carla sa kanila. Tulala siya buong biyahe. Sinubukan siyang kausapin ni Aki upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang loob pero wala talaga siyang imik.His family doesn't like him because he's gay. Panganay siya sa kanilang magkakapatid at dalawang babae ang sumunod sa kaniya. Siya ang inaasahan ng kaniyang ama sa maliit nilang negosyo pero mula nang malaman nito na pusong babae si Carla ay tila ito may sakit na nakahahawa. Pinandirihan ng sariling ama at itinakwil ng sariling pamilya.Mabait na tao si Carla kaya kahit ganoon ang sinapit niya sa kamay ng sarili niyang pamilya ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob. Nang mabuntis naman nito ang babaeng nakilala nito sa bar ay walang pag-aalinlangan niyang sinuportahan. Iyon nga lang, inabuso rin ng babae at ng kapatid n
Anastacia's POV “PAPA, bakit ang tagal mong dumating? Bakit wala ka habang lumalaki ako? Bakit ngayon ka lang, papa?” Patuloy ang pag-iyak ni Aki sa bisig ng kaniyang ama at hindi naman alam ni Alessandro kung paano patatahanin ang anak. “Akala ko wala ka na, papa. Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko wala talaga akong papa. Bakit kasi ang tagal mong dumating? Edi sana nakita ng mga kaklase ko na magkamukha talaga tayo!” Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan sila. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. “Anong trabaho mo, papa? Seaman ka ba? Sino iyong lalaking kamukha mo? Kapatid mo ba siya?” Sinulyapan ako ni Alessandro na may pangungusap sa mga mata. Humihingi ng tulong dahil obvious namang hindi niya naiintindihan ang bata. “Naku! Sayang ang drama mo, Akilito. Hindi ka naiintindihan niyang ama mo,” si Carla na naroon na pala sa tabi ng mag-ama at inuusisa si Alessandro. Natigilan si Aki at hinarap si Carla. “Bingi ba siya, tita?” “Hindi siya bingi, bungol siya,” sag
Anastacia’s POV WALA akong imik habang nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatingin sa natutulog na lalaki sa kama. Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatagpo kaming muli pagkatapos ng ilang taon. Pagtatagpong hindi inaasahan pero tiyak kong pinagplanuhan ni Leonardo. Tutol ako sa pagkikitang ito pero hindi ko maikakaila na nagsasaya ang puso ko ngayong natatanaw ko siya. Alessandro left to protect us. Naiintindihan ko ang rason niya. Ayaw lang talagang tanggapin ng puso ko na iniwan niya ako habang buntis ako sa anak namin at pagkatapos pang mawala ng ama ko. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko si Alessandro pero hindi ko magagawang basta nalang siyang ibalik sa buhay ko dahil alam kong mahihirapan rin kaming dalawa. Guilty pa siya at takot pa na mapahamak kami. Maya-maya ay biglang bumangon si Alessandro. Bakas sa mukha niya ang gulat habang nagpapalinga-linga sa paligid at nang tumama ang kaniyang paningin sa akin ay umawang ang kaniyang mga labi at muling namutla. Bakit ba ganoon
NANG umalingawngaw ang sigaw ko ay agad na dumating si Leonardo at gulat na gulat na napatingin sa kapatid na nakahandusay sa sahig.Hindi ko alam ang gagawin. Masyado akong natataranta at alam kong ganoon rin si Leonardo. Ano ba naman kasing drama ni Alessandro at parang nagkaepilepsy nang makita ako? Masyado ba siya g nagulat sa kagandahan ko kaya hinimatay siya? Alam ko namang mukha akong diyosa pero sobra naman yata na himatayin siya.Agad na dinaluhan ni Leonardo ang kapatid, “Alessandro!”Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang hindi malaman ang gagawin. Malakas ang pintig ng puso ko at tarantang-taranta ako. Baka napasama ang bagsak niya. Ayokong mabalo ng maaga at ang dahilan ay hinimatay ang asawa ko nang makita ako.“A-Ayos lang ba siya?”Tiningnan ako ni Leonardo ng matalim, “He’s breathing but he’s also bleeding.”Napasinghap ako. Oo nga! Kitang-kita ko na dumudugo ang ulo niya pero nakahinga pa rin ako ng maluwag nang malamang buhay pa siya.“What did you do?” Galit na
“DAMI niyong arte!”Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Leonardo. Bakas sa mukha nito ang irita at mukhang diring-diri sa narinig mula sa akin.Parang gusto ko siyang tadyakan bigla palabas ng sarili niyang kotse. Bakit ba siya nangingialam? “Ibalik mo na ‘ko sa bahay,” iritadong sabi ko habang nakasimangot.Inirapan ako ni Leonardo nang biglang nag-ingay ang cellphone niya. Sinulyapan pa ako nito na ikinataas ng kilay ko.Nang sagutin nito ang tawag ay dumagundong ang puso ko dahil sa pangalang binanggit niya.“What is it, Alessandro?”Bored na bored ang mukha ni Leonardo nang bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at tila nataranta.“What? What did you feed her—Fine! Bring her to the hospital. I’ll be there quickly.”Nagulat ako nang paandarin ni Leonardo ang sasakyan. Dire-diretso ang walang lingon-lingon.“Teka lang, Leonardo! Saan mo ako dadalhin?”Nagtiim-bagang ito, “I have an emergency.”“Ano?” Nasapo ko ang ulo. “Ibaba mo nalang ako dito sa tabi—”“I can’t! She’s more imp