Share

His Mistakenly Bride
His Mistakenly Bride
Author: yurinjel

PROLOGUE

Rion's Point of View

Nang pumailanlang sa loob ng simbahan ang mabining bersyon ng kanta ng FireHouse ay naging hudyat iyon para sa akin upang iumpog ang aking sarili, upang sa ganon ay magising ako sa kahibangang nangyayare sa akin at ng makatakbo ako sa kasalang ito, pero dahil likas ang aking pagkatanga ay wala sa wisyo ng inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa loob ng simbahan.

You know you're everything to me

And I could never see

The two of us apart

Napangiti ako dahil sa sobrang ganda halatang ginastusan ng damuhong humitak sa akin at pinipilit na ako ang bride niya hindi ko alam kung sira na ba ang ulo niya sayang pa naman kung saka-sakaling nasiraan na nga talaga siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nililibot ang aking paningin. Isa lang ang masasabi ko sumisigaw sa kaelegantehan ang kasal na ito ganoon din ang mga taong narito napansin ko rin na may mga reporters at live coverage na tila ba ito ang wedding of the centuries.

Masasabi kong mahal niya siguro talaga ang babaeng pinipilit na ako at napaka swerte niya dahil sobrang bongga ng kasal niya at higit pa sa lahat sobrang yummy ng mapapangasawa niya kaya lang medyo tanga kasi hindi niya alam na hindi naman ako ang bride niya. Napatingin naman ako sa harap kung saan naghihintay ang groom hindi ko alam kung bakit ganito kabilis ang kabog ng dibdib ko na parang may mga kabayong nag uunahan sa loob nito daig ko pa ang totoong ikinakasal.

Kaya imbes na magpatuloy ako sa paglalakad ay napahinto ako sa mismong gitna ng simbahan at tinitigan ang lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar habang may nangungusap na mga mata ngunit mukhang guni guni ko lamang iyon dahil ng tignan kong muli ang kanyang mata ay tila isa itong blankong papel. Nagsimulang magbulungan lahat ng nasa loob ng simbahan kaya nailibot ko ang buong paningin ko dito at muling humarap sa lalaking naghihintay sa akin sa altar ngumiti ito sa akin ngunit iba ang sinasabi ng mga mata nito na hindi ko maipaliwanag.

Narinig ko pa ang pagsinghap ng karamihan ng tumakbo ako patungo sa altar hindi siguro nila inaasahan ang ginawa kong pagtakbo, wala din naman akong pakielam sa naging reaction nila mas uunahin ko pa ba iyon kesa sa pananakit ng paa ko? At dahil hindi ko na din matagalan ang set up na ito ay tumakbo na ako. Nang makarating ako sa altar ay sinalubong naman ako ng nakakunot na noo ng husband to be ko este ng groom na ito.

"What the fvck are you doing?!" gigil na bulong nito.

"Sobrang haba na ng nilakad ko maygash! Sobrang sakit na din ng paa ko baka hindi pa ako makarating sayo kaya tumakbo nalang ako," bulong ko din dito at magsasalita pa sana ito ng biglang tumikhim ang pari kaya napalingon kami dito.

"Itutuloy na ba natin ang kasalang ito o magdadaldalan muna kayo dyan?" tanong nito habang nakangiti. Kaya napatingin ako sa katabi ko at napaisip ako na kung hindi ko itutuloy ay mapapahiya naman itong taong ito kaya kahit nagdadalawang isip ay pikit mata akong sumagot.

"Syempre itutuloy father, bakit ayaw mo bang ituloy namin ito?" tanong ko dito na nagpatawa sa mga guest at sa pari umiling ito at sinimulan ang seremonya.

We are gathered here in the presence of God, family and friends to unite Greyson Pierro Sauder and Rian Elise Koch in holy matrimony.

Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ng kakambal ko kaya napaharap ako sa lalaking katabi ko ngayon kung ganoon ang kakambal ko ang pakakasalan niya? Kaya ba pinipilit nito na ako daw ang bride niya? Pero kung ang kakambal ko nga ang pakakasalan niya nasaan na ang kakambal kong iyon? Marami pang katanungan ang tumatakbo sa aking isipan ng biglang may sumiko sa akin ng malakas na naging dahilan ng pagbalik sa reyalidad ng naglalakbay kong utak.

"Aray ano ba!" angil ko dito at pinanliitan ko pa ng aking mga mata ngunit parang wala namang epekto iyon dito dahil sinamaan lang din niya ako ng tingin.

"The priest is asking you!" bulong na bulyaw nito habang nakatingin sa akin ng masama.

"Pwede po bang pakiulit? Medyo lutang po kasi ang bride alam niyo na hindi masyadong nakatulog kasi super excited ako maisakal este kasal dito sa gwapong gwapong lalaking nasa tabi ko," nahihiyang tawa na sagot ko, na umani naman ng tawanan sa mga bisitang naroroon.

Bride, do you, with your family and friends as your witnesses, present yourselves willingly and of your own accord to be joined in marriage?

"I don't, father!" mabilis na sagot ko dito

Narinig ko na naman ulit ang mga bulong bulongan kaya napairap ako sa aking mga naririnig para akong nasa bahay ng mga bubuyog.

At nagulat ako ng bonggang bongga ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napaharap ako dito at nakita kong nakangiti sa akin ang lalaking nasa aking tabi ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin na kapag hindi ko binawi ang sinabi ko ay kakainin ako nito ng buhay.

"Joke lang father! I do syempre, you know I said earlier diba na I'm so excited to marry Grey," conyong sagot ko dito nakita ko pa ang konting pag ngiwi nitong katabi ko.

Humarap ako sa husband to be ko este ng kakambal ko, at nakita kong nakataas ang kilay nito sa akin kaya binigyan ko lang ito ng matamis na ngiti at humarap na uli sa pari.

Hindi naman sa ayaw kong makinig sa mga pinagsasabi ng pari pero paano akong makikinig dito kung wala naman dito sa kasal ang takbo ng utak ko kung hindi sa katanungan na nasaan ang kakambal ko, at bukod pa doon may sinasabi pa ang pari tungkol sa walang hanggan, pamilya, tahanan, haligi at ilaw na hindi ko maintindihan kung bakit pati iyon ay na kasali sa kasal na ito eh hindi naman kami gagawa ng bahay. Kaya hindi ko nalang pinakinggan ang mga sinasabi niya at inisip na lang kung nasaan ang magaling kong kakambal at kung bakit hindi ito dumalo sa araw ng kanyang kasal, pero nagulat ako ng may pumisil na naman ng mahigpit sa aking kamay.

"Stop acting like dumb, Rian. or you'll be sorry..." banta nito habang nakatitig sa akin ng masama as if naman takot ako neknek niya sanay na sanay na ako sa mga ganyang tinginan.

If you are ready to assume the obligations and duties before God, as I have defined them, you will unite your hands and pledge your love and your lives to each other.

Let these rings be a sign that your love has a past, a present, and a future. the ring is without beginning and without end. So I believe this exchange of rings not only reminds us of the unending love you have for each other, but also reflects the eternal love God has for each of you.

Groom, you may say your vow.

Nagkatitigan kami habang hawak niya ang aking mga kamay ngayon ko lang din naalala na kaya pala pamilyar ang mukha ng halimaw ay isa siya sa most sought billionaire bachelor of the town named GODS ang bagong cover magazine ng World Lifestyle pero ngayon hindi na siya makakasama doon dahil may asawa na siya.

"I Greyson Pierro Sauder, take you Rian Elise Koch, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. Till death do us part . And I give you this ring as a token of my love, faithfulness and devotion. This is my solemn vow," saad nito habang matamang nakatingin sa akin.

Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay isinuot niya sa akin ang singsing at ngumiti ito ng pagkatamis tamis na muntik ng ika-hulog ng aking puso sa lapag buti na lamang ay na turn off na kaagad ako sa ugali ng halimaw, kung hindi malamang sa malamang baka papalitan ko ang pangalan ng kakambal ko sa marriage certificate na pipirmahan ko pero syempre chos lang! hindi ako pumapatol sa halimaw.

Now Bride, your turn.

Kinuha ko naman ang singsing na para sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay muntik ko pa nga itong mabitawan dahil parang nakuryente ako amputcha! Kamag anak ba siya ni electric man? o siya ba ang anak ng may ari ng meralco? Kanina pa ako nakukuryente sa kanya ha! Bukod pa doon kinakabahan ako na hindi ko alam ang dahilan at higit sa lahat ay nakalimutan ko ang sasabihin ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Wait lang husband ha? Maygahd kinakabahan ako ng very light hindi ko tuloy alam sasabihin ko," kinakabahang saad ko at nakatitig lang ito sa akin habang nakakunot ang noo na tila ba naiinis na siya sa mga katangahan na pinaggagagawa ko ngunit ngumiti lang ako dito ng pagka tamis tamis at bumuntong ako ng pagkalalimlalim at nagsalita.

"I, Rian Elise Koch, take you Greyson Pierro Sauder, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. Till death do us part . And I give you this ring as a sign that I choose you to be my husband, my partner and my friend to the end of my days. Yah, I know that I am not a wife material. And I will not give a promises to you because promises are meant to be broken. I will just do the things you want me to do. pero h'wag mo ko aalilain ng sobra ha? Baka pumanget ako at iwan mo ko kaya no no no..." nag tawanan na naman lahat ng bisita at nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Grey at nakikita ko din sa mata niya ang amusement at kung ano ano pa na hindi ko mabasa at higit pa doon ay hindi ko maintindihan ang puso kong parang may party sa sobrang lakas ng pagtibok. Ang alam ko lang lahat ng sinasabi ko ay totoo, pero hindi ko alam kung bilang Rion ba o bilang Rian iyon dahil unang una ay hindi ko pa naman kilala ng personal ang aking kakambal.

"I will take care the house, Even you... I will fix your things, even cook for you basta ba hayaan mo kong mag alaga ng dolphin sa bahay doon siya sa swimming pool pero syempre char lang!" dugtong ko na ikinatawang muli ng mga tao.

"And with this ring, I thee wed and love you until my last breath," pagtatapos ko sa mga sinabi ko at ngumiti ako sa kanya ng buong puso nakita ko pa ang gulat sa mga mata nito na nawala din kaagad.

You have come here today of your own free will and in the presence of family and friends, have declared your love and commitment to each other. You have given and received a ring as a symbol of your promises. By the power of your love and commitment to each other, and by the power vested in me by God, I now pronounce you husband and wife.

You may now kiss each other.

Nabingi ata ako sa narinig ko omayghad! May kiss nga pala kapag wedding omayghad! Napaangat tuloy ako ng tingin dito at pag angat na pag angat ko ng aking paningin ay sinakop nito ang aking mga labi.

Nabigla ako at nanlaki ang aking mga magagandang mga mata dahil ang first kiss koooo! Anak ng pitong puting diyosa naman! nasa langit na ba ako? ampucha naman oh! Nakita ko naman ang pagngisi nito habang nakatingin sa akin kaya parang mas lalong uminit ang pagmumukha ko. Nakakahiya! baka akala niya nagustuhan ko iyon!

Ladies and Gentlemen, it is my privilege to introduce to you for the very first time, Mr. and Mrs. Sauder!

Anunsyo ng pari kasabay non ang malakas na palakpakan ng lahat ng tao sa loob ngunit hindi kasing lakas iyon ng puso ko na nagwawala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status