“Kailangan ba talagang may kasama kaming bantay, Trace?” tanong ni Chrissa habang matamang nakatitig dito. Bawat galaw ng binata ay sinusundan niya ng tingin habang nag-uusap silang dalawa.Pasado alas-siyete na ng umaga at naghahanda na si Trace sa pagpasok sa trabaho. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nang nagbibihis nang kausapin niya. Ipinaalam niyang dadalaw siya sa bahay ng kanyang mga magulang at kung maaari ay isasama niya si Mat-Mat para maipakilala sa kanyang ama’t ina.Trace agreed. Agad din naman itong pumayag na labis niyang ikinatuwa. Ang hindi niya lang nagustuhan ay ang sinabi nitong kailangan silang samahan ng dalawa sa mga tao nitong nagbabantay sa bahay na iyon. Bagay iyon na hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan pa. She has her own car and she could surely drive. Hindi naman siya reckless driver para matakot itong ipasama sa kanya ang anak nito.“Just to be sure that both of you will be safe, baby. Mas mapapanatag ako kapag alam kong may kasama kayon
Hindi pa sana gustong magmulat ng mga mata ni Chrissa. Dama niya pa ang paghila ng antok sa kanya at kung maaari lang ay nanaisin niya pa sanang matulog. Ngunit ang kagustuhang gawin iyon ay hindi na niya nagawa pa dahil sa naramdaman niyang paglundo ng kama sa kanyang tabi kasabay ng marahang pagpapaikot ng isang braso sa kanyang baywang.Chrissa groaned softly as she opened her eyes. “T-Trace,” sambit niya sa mahinang tinig. “Don’t tell me you’re waking me up now? Pakiramdam ko’y isang oras pa lang mula nang hinayaan mo akong makatulog matapos ng mga ginawa natin kagabi.”She heard him chuckled. Wari bang aliw na aliw ito sa mga sinabi niya. “You’re exaggerating, baby. I let you sleep before eleven PM. And it’s almost twelve hours since then.”Dahil sa mga sinabi nito ay tuluyan nang nagising ang diwa niya. Lumingon siya kay Trace na nakahiga sa kanyang tabi habang yakap-yakap pa rin siya. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi nang mapansing nakapaligo na ito at bihis na bihis
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa nang marinig niya ang mga sinabi ni Trace. Mataman pa itong nakatitig sa kanya na wari bang hinihintay na siyang humakbang palapit dito.And Chrissa did. Slowly, she walked towards Trace’s room. Nang marating niya ang hamba ng pintuan ay agad pa itong tumabi upang bigyan siya ng daraanan. Tuluyan nga siyang pumasok sa loob saka marahang iginala ang kanyang paningin sa loob.Hindi iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid ni Trace. Ni hindi niya na nga alam kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila sa mismong kama nito. Pero ganoon pa man, hindi niya maunawaan kung bakit naiilang pa rin siya sa tuwing napapag-isa silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon dito nang marinig niya ang pagsara ng pinto sabay ng pag-lock niyon. She swallowed hard again and asked him.“A-Ang... ang mga gamit ko, Trace?”“Nasa walk-in closet,” mabilis nitong sagot habang humahakbang palapit sa kanya. “Bukas ay maaar
“Good morning, Sir Trace,” agad na bati ni Becca kay Trace naglalakad pa lamang siya papasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumayo mula sa puwesto nito ang kanyang sekretarya at sinundan siya. Ni hindi niya sinagot ang pagbati nito at tanging tango lamang ang itinugon sa dalaga.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa opisina niya sabay lapit sa kanyang executive desk. Doon ay inilapag niya ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan saka nilingon si Becca na nasa loob na rin ng opisina niya. Lumapit din ito sa mesa at inilagay doon ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento.“What are those?” tanong niya.“Documents that you need to sign, Sir. Nariyan na rin po ang ipinagawa mo sa aking summary ng monthly activities ng DLS Corporation.”“Good job,” puri niya rito sabay upo sa kanyang swivel chair. Inabot niya ang dalawang folder na dala nito saka binuksan ang isa at pinasadahan ng basa.Ilang taon na ring nagtatrabaho sa kanya si Becca at masasabi niyang gamay na talaga n
Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T
Marahang napatayo si Chrissa mula sa kanyang kinahihigaan kanina saka pinaglipat-lipat ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at kay Trace. Dama na niya ang tensyon sa loob ng silid, lalo na ang galit na umusbong sa kanyang ama nang marinig nito ang mga sinabi ng binata.“Ulitin mo ang mga sinabi mo,” mariing utos ni Alfredo habang nanliliit ang mga matang nakatitig kay Trace.Ni hindi niya kinakitaan ng pagkasindak ang binata at matapang lamang na nakaharap sa kanyang ama. Wari bang ano mang oras ay kaya nitong manindigan sa harap ng kanyang mga magulang. Halos gusto niya pa itong mahampas dahil sa ganoong paraan nito sinabi ang tungkol sa ugnayan nilang dalawa. Hindi man lang nito dinahan-dahan ang pagsasabi at basta na lamang nagsalita na para bang simpleng bagay lang ang paksang iyon.Trace cleared his throat. Sumulyap muna ulit ito sa kanya bago sumagot na kay Alfredo. “You heard it right, Mr. Bonifacio... Mrs. Bonifacio, I am the father of Chrissa’s child. And I want---”H
Dahan-dahang iminulat ni Chrissa ang kanyang mga mata saka marahang iginala ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya. It was an unfamiliar room yet she knew very well that she’s in a hospital. As Chrissa roamed her eyes around her, she saw Trace sitting quietly on a chair near the bed where she was lying. Nagtagpo ang kanilang mga paningin at hindi pa nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paninitig. Pakiramdam niya ay kanina pa ito nakaupo roon habang walang ibang ginagawa kundi ang pagmasdan siya.Agad niya pang binalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina at halos manlaki ang mga mata niya nang maalala ang lahat. Tuluyan nga siyang sinamaan ng pakiramdam habang kasama sina Trace at Mat-Mat. Nawalan siya ng malay... at si Trace ang nagdala sa kanya sa ospital?Abruptly, she moved to sit on the bed. Naawat lamang ang pagkilos niya nang magsalita si Trace sa seryosong tinig.“Don’t sit up yet. Baka mahilo ka na naman,” mariin nitong utos na hindi niya sinunod.Dahan-da
Marahang binuksan ni Trace ang pinto ng silid ni Matthew sabay silip sa loob niyon. Naabutan niya pa ang kanyang anak na nakaupo sa kama nito at abala pa sa paglalaro ng mga laruang robot at sasakyan. Dali-dali pa nga nitong itinago sa ilalim ng comforter ang mga iyon nang mapansin ang kanyang pagdating.Matthew was already wearing his pajamas. Oras na ng tulog nito ngunit sa halip na mahiga na ay nahuli niya pa itong abala sa paglalaro. Bagay iyon na hindi marahil alam ni Manang Tess. Malamang, matapos mabihisan ang bata at mapahiga sa kama ay iniwan na ito ng matanda dahil sa pag-aakalang matutulog na ang kanyang anak.Bagay iyon na malayong-malayo sa kung ano ang ginagawa ni Chrissa noong ito pa ang nagbabantay kay Matthew. Talagang hinihintay ng dalaga na mahimbing nang natutulog ang anak niya bago ito lumabas sa silid na iyon. Minsan ay tinatabihan pa nito ang bata, na naging dahilan pa nga kaya ito nakatulog sa kuwarto ni Matthew noon. And Trace would admit, ibang uri ng pag-aal
Natigil sa paghithit ng sigarilyo si Daniel nang makita niyang naglalakad palapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. Bitbit nito ang isang brown envelope na agad nitong inilapag sa mesang nasa kanyang harapan.“Good evening, Boss,” bati nito sa kanya. “Nariyan na ho ang resulta ng ipinagawa mo sa amin nang isang araw.”Daniel’s lips twisted upwardly. Inilapag niya ang sigarilyong hawak-hawak sa ashtray na nasa mesa lamang saka niya kinuha ang envelope na dala nito. Agad niyang binuksan iyon at kinuha ang mga laman upang tingnan.“What have you learned about that bastard?” nanunuya niyang tanong sa kanyang tauhan habang ang mga mata ay sa binabasa nakatuon.“As usual, Boss, laging abala sa kanilang kompanya. Nalaman naming katulong na niya ang kanyang kapatid sa pamamahala ng DLS Corporation. Sa loob ng dalawang taon, mukhang mas lumago ang kompanya ng kanyang ama.”Hindi niya maiwasang mapaismid. “Abala na siya sa kanilang kompanya? Umalis na ba siya sa mga Lebedev?”“Simula nang m