Share

CHAPTER 9

The aroma of coffee and the scent of breakfast woke me up. Kinapa-kapa ko ang kama at napag-alamang wala na doon si Kael. 

Dahan-dahan akong bumangon at sunod-sunod na napamura dahil sa sakit sa buo kong katawan. Parang akong binubog. 

Binugbog sa sarap. 

Wala sa sarili akong napangiti sa aking iniisip. Ang mga erotikong imahe ng pangyayari mula kagabi at kaninang madaling araw ay sariwang-sariwa pa sa aking memorya. Parang segundo lang ang lumipas bago nangyari. 

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama niya pero suot ko na uli ang isa sa mga T-shirt niya.

Tiningnan ko ang digital clock na nasa bedside table niya. Nakahinga ako ng maluwag ng mamataang alas-nuebe palang. May flight pa ako mamayang alas-onse para sa photoshoot ko.

Tumungo ako sa kusina at nadatnan si Kael na naglalapag na ng mga pagkain sa lamesa. I leaned

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status