Nakaupo kami ngayon ni ate Eilana sa kama. At hinihintay na niya ang sasabihin ko.
Kinakabahan ako ng sobra ngayon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi ko naman inaalala na hindi ako matatanggap ni ate kasi alam kong tatanggapin at tatanggapin niya ako at ng pamilya ko dahil pinalaki kami ng mga magulang namin na may respeto sa ano mang pagkakakilanlan ng isang tao. Pero ang sarili ko kasi ang pinoproblema ko, hangang ngayon kasi kahit na inaamin ko na sa 'king sarili na gusto ko si Aaron pero ang idea na nagiiba na ang gender identity ko ay medyo naguguluhan pa ako.
Pero kahit na ano man ang maging pagbabago sa sarili ko ay nakahanda akong tanggapin ito."Ate!"Seryoso lang na nakatingin sa akin si ate Eilana. Naghihinatay ito na mag-open-up ako sa kanya."May nagugustuhan na kasi ako ngayon!" nahihiya kong wika.<SPENCER "Spence! Tumatawag si ate Joyce." Sigaw ni Raffy mula sa kwarto. Nagmamadali itong tumayo galing sa pagkakahiga at pumunta sa kusina kung saan kaming dalawa ni Larah ay naghahanda ng agahan. "Sino 'yan?!" Pagpapaulit ni Larah. "Si ate Joyce nga. Gusto kang kausapin!" ani ya. "Bakit daw?!" senyas ko sa kanya. Itinaas lamang nito ang kanyang balikat tanda na hindi rin niya alam kung bakit. Kinuha ko ang telepono at sinagot si ate Joyce. "Hello" malumanay kong sabi. "Hey, Spencer! I just heard from Aaron that you left the camp yesterday." sabi nito sa kabilang linya. "A-ate, pasensya na po kasi..." "It's okay, hindi naman talaga natin maiiwasan ang emergency, I understand. Kumusta ka na ba? Wala
"Pok!" malakas na ingay ang nagawa sa pagpapaputok ng confetti. Hudyat ito sa pagsisimula ng celebration. "Ahhh..." "Welcome! New members!" Malakas din ang sigawan at tawanan ng mga senior at new members ng music club. Nang tumugtog na ang malakas na music ay nagsimula na ring nag sayawan ang lahat. Napuno ng kasiyahan ang buong plaza ng university na kung saan ginanap ang music camp. Nag-aabang na rin ang lahat sa gaganaping Mr. & Ms. Music Camp 2021, ilang minuto nalang kasi ang hinihintay at magsisimula na ito bilang main event ng gabi. At bilang panimula ng gabi, ay nagpa-welcome party muna ang club para sa mga bagong myembro. Ang magkaibigang Spencer, Raffy, at Larah ay nasa camp station lang nila. Gusto sana nilang makisaya sa welcome p
Hi everyone. This is your author! Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na ang next update po ng I Have Her Heart ay this July 1 pa po. Dahil po ito sa naging problema ko sa book. Sana po'y maintindihan niyo ako at supportahan n'yo pa rin ang I Have Her Heart sa pagpapatuloy nito ngayong Hulyo. Hi everyone. This is your author! Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na ang next update po ng I Have Her Heart ay this July 1 pa po. Dahil po ito sa naging problema ko sa book. Sana po'y maintindihan niyo ako at supportahan n'yo pa rin ang I Have Her Heart sa pagpapatuloy nito ngayong Hulyo. Maraming salamat!
Ayan July na! Btw, iibahin ko pala ang style ko sa pag-update. Para ma enjoy nyo ang chapters with less coins edidivide ko ang bawat chapters. 1k – 1.5k lang na salita sa bawat isa. Pero don't worry mag dodouble update ako. Like for example sa isang chapter like chapter 19, may mahigit 3k words ako pero edidivide ko siya ng 1k–1.5k words that's equivalent to 2-3 chapters. Maraming salamat sa patuloy na suporta. I love you guys thank you. Ayan July na! Btw, iibahin ko pala ang style ko sa pag-update. Para ma enjoy nyo ang chapters with less coins edidivide ko ang bawat chapters. 1k – 1.5k lang na salita sa bawat isa. Pero don't worry mag dodouble update ako. Like for example sa isang chapter like chapter 19, may mahigit 3k words ako pero edidivide ko siya ng 1k–1.5k words that't equivalent to 2-3 chapters. Maraming salamat sa patuloy na suporta. I love you guys thank you.
Nag-aalangan ngunit walang magawa si Spencer kun'di sumunod sa babaeng patungo sa dressing room ng mga lalaking contestant ngayon. "Ellice, wait lang" pagpapahinto nito sa kasama. "Hm?! Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito. "Ahh wala naman. Ako na lang ang papasok baka hinihintay kana sa dressing room ng mga babae." sambit ni Spencer na nakapagpagaan ng loob ni Ellice. "Hay salamat! Akala ko nagbagong isip mo eh!" malalim na buntong ni Ellice nang marinig ang tinuran ni Spencer. Sa isip ng binata ay kung pwede lang sanang umurong ay ginawa na niya ngunit nahihiya siya sa kaibigan dahil naka Oo na siya rito. "Magandang idea 'yan. Okay, mauna na ako. Ikaw ng bahala kay Aaron ha?!" "Sige Ellice. Ako nang bahala." sagot ni Spencer at pinipilit ang pagngiti. Haba
SPENCERMag-isa akong nakaupo sa isang bench malapit sa station ng camfam namin. Hindi ko maiwasang mapatulala sa pag-iisip sa mga sinabi ni Aaron kanina."Kung hindi mo ako kayang mapatawad ngayon, pwede mo ba akong panoorin mamaya? Gusto ko kasing makita ka habang nasa stage ako." —Aaron."Hay naku! Nakakainis namaaaan! Ano bang ginawa ko sa'yo Aaron at pinapahirapan mo ako ng ganito." naiinis kong wika sa sarili sabay kamot sa ulo.Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Kung dapat ba akong matuwa, mainis, o magalit sa kanya dahil sa patuloy niyang pagpapa-asa sa akin.Alam ko na una pa lang ay wala na akong pag-asa sa kanya, hindi na dapat ako umasa o mangarap na magugustuhan ako ni Aaron. Kaya naman sobra akong naiinis sa kanya ngayon dahil sa pagbibigay ng mga matatamis na salita."Ano ba'ng ibig
SPENCER "Ha?!" malakas na bulalas ko dahil sa gulat nang sabihin iyon ni Kevin. "D-date?" nauutal at hindi ko makapaniwalang paguulit sa sinabi niya. "Oww, hahaha It sounds wrong, I mean business date! May I have a dinner with you to talk about it?" napatawa na lamang ito at nilinaw ang lahat sa kabilang linya ng telepono. "Ahh... Hahaha, ano namang business?" medyo naguluhan ako sa sinabi nito. "Sasabihin ko na lang sayo sa dinner. Text ko na lang sayo ang date, time, at place okay?" anito. "Ahh, okay sige. Pero ikaw nang bahala sa kaibigan mo ha." wika ko rito.
SPENCERKakatapos lang ng klase sa isang subject o course namin at nagpunta kaagad ako sa library ng university.Nagbabasa kasi ako ng Harry Potter and the cursed child at medyo maingay sa classroom kaya dito ako sa library para makapag-focus.Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bag. Malakas ang pagtunog nito kaya rinig na rinig sa tahimik na silid."Students remember to silent your phone!" malumanay na paalala ng librarian.Kaagad ko namang inilagay sa silent mode ang cellphone ko. Nakakahiya talaga nagsipagtinginan ang mga estudyante sa akin. At ang sama pa talaga ng tingin nila ha.