Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 5 — NATHALIE'S HEART

Share

KABANATA 5 — NATHALIE'S HEART

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-04-07 21:41:29

RICHARD

Muntik ko na tuloy masabi kay Spencer kung sinong donor n'ya kanina. Buti nalang at naalala kong hindi pa pala pwede.

Hindi pa alam ng buong Pilipinas ang ginawang pag dodonate ng pamilya Mendoza sa mga organs ni Nathalie. 

Medyo mainit pa kasi ito sa publiko ngayon kahit maglilimang buwan na ang nakalipas dahil hanggang ngayon ay curios na curios pa rin ang mga fans tungkol sa pagpanaw ng ka loveteam at bestfriend ko.

Nang mawala si Nathalie ay 'di ko maikakailang labis din akong nagluksa.

 

Sa walong taon na pagsasama namin ni Nathalie sa industriya, simula 12 years old pa kami sobrang kilala na namin ang isa't isa. 

Noong una ay akala namin attracked kami to each other, kaya pagtuntong namin ng first year high schoo ay sinubukan naming pumasok sa relasyon pero talagang hindi nag work dahil sa matalik na magkaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.

Ako ang naging first boyfriend niya habang siya rin ang naging first girlfriend ko, pero hindi namin first love ang isa't isa.

Umabot kami ng one year noon pero during anniversary celebration namin ay nagkaroon kami ng heart to heart talk at doon namin napagtantong talagang magkaibigan lang kami.

Mahal namin ang isa't isa bilang magkaibigan at wala nang higit pa roon.

Sa katunayan nag-aminan din kami sa tunay naming nararamdaman at feelings sa ibang tao. Sa mga sandali palang mag jowa kami ay pareho kaming merong ibang minamahal.

Mabuti pa nga siya, pagkatapos naming naghiwalay naging sila kaagad ni Aaron — ang lalaking napupusuan niya, meron din pala itong pagtingin sa kanya. 

Habang ako ito pa rin hanggang ngayon hindi pa umaamin sa taong gusto ko. Feeling ko kasi hindi naman niya ako magugustuhan, matagal na kaming magkakilala. Actually, magkababata kami. Simula pagkabata talagang may gusto na ako sa kanya, pero natatakot akong umamim dahil medyo komplekado.

Honestly, isa rin siya sa dahilan kung bakit ako mag-aaral dito sa PSU dahil gusto kong mapalapit sa kanya at makapagtapat ng nararamdaman. Napag-alaman ko kasing dito sila mag-aaral ng pinsan niya, kaya chance ko na 'to! 

Aside rin pala sa personal kong rason, nakiusap din sa akin si kuya Bryell — the brother of Nathalie na tignan si Spencer, ang nakakuha sa puso na idinonate ng pamilya Mendoza. Nais kasi nilang maingatan kahit ang ala-ala na lang ng namayapang si Nathalie.

                    • ~ • ~ •

BRYELL

Parating bumabalik ang araw na 'yun sa akin. I was on my office that time, resting from a straight duty when Dra. Plaza went to me in hurry. I looked at her with confusion and immediately ask her of what's wrong because she's seems badly worried of something.

"Oh! Doc! May problema ba?"

"Doc. Bryell! Your sister Nathalie went from a car accident and now dinadala na siya sa ICU." she worriedly said.

Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya ay kaagad akong tumayo sa kinauupuan at lumabas ng office. 

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin habang lumalakad sa hallway ng hospital. Binilisan ko ang paghakbang papuntang ICU upang makita ang kalagayan ng kapatid ko. 

Para akong wala sa sarili habang iniisip kung ano nang nangyayari kay Nathalie. 

Bilang doctor dapat hindi ako magpadala sa emosyon. Pero paano ko mapipigilan ang emosyon ko kung ang sarili kong kapatid ang nanganganib ang buhay?!

Nang makaabot ako sa ICU ay nadatnan ko si Nathalie na walang malay at kinakabitan ng mga aparato. Parang sasabog ang dibdib ko habang tinitignan siya sa labas, gusto kong pumasok sa loob upang malapitan siya ngunit hindi ko na ginawa pa, dahil alam kong wala ako sa tamang kondisyon na gampanan ang pagiging doktor sa mga sandaling iyon.

My sister Nathalie and Aaron were comatose due to the accident. 

Pagkalipas ng isang linggong pagkaka-coma ng dalawa ay nagising si Aaron na tanging fracture lang sa dalawang paa ang natamo habang ang kapatid ko naman ay 'di pinalad. 

Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sisihin ang boyfriend niyang si Aaron sa nangyari, pero bakit siya lang ang nabuhay? Bakit si Nathalie ang labis na naapektuhan sa pangyayari? Prinotektahan ba talaga niya si Nathalie? Why he didn't check the break before he use the car? Bakit siya nagpabaya?!

I don't know if dapat kong maramdaman 'to pero may nararamdaman akong galit sa kanya. I hate him because of his irresponsibility.

Sobrang sakit sa pamilya ang pagkawala ng bunso naming si Nathalie. We're five siblings and she's the only girl. Our princess! 

Pero ngayong wala na siya, sobra ang hinagpis naming lahat. Hanggang ngayon ako man ay hindi makapaniwala sa sinapit ng kapatid ko, hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa Diyos kung bakit sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo bakit ang kapatid ko pa ang kinuha niya gayong napakabuti ng kalooban nito! 

I will always remember when she was 7 years old. Though, she's very young and naive back then, but she already have the heart to help others even in a little way she could possibility do. One day she went to our parent's room carrying her favorite red dress and her little piggy bank — full of penny. Our parents was confused and wondering of why she brought those stuff to their room, so they asked her and she answered.

"Mom! Dad! May I give my red dress and this money to the little girl I saw on TV?" wika nito sa kanila.

Nagulat naman sila mommy at daddy sa sinabing 'yun ni Nathalie. Hindi nila akalain 'yun pala ang dahilan niya kung bakit dala-dala nito ang kanyang  piggy bank at paboritong damit.

"But honey, that's your money and that dress is your favorite right? Because I gave it to you on your birthday." sabi ni mommy sa kanya.

"But, mommy nakakaawa po siya. She's very sick. Gusto ko po tulungan siya na maging healthy para hindi na siya sick, ito nga oh! ibibigay ko sa kanya ang money ko para meron siyang money, ibibigay ko nga this dress eh! Para maging happy rin siya katulad ko. Kasi happy na happy ako no'ng binigay mo sa akin to eh." 

After hearing Nathalie's explanation our parents had realized something — na maging bukas ang puso sa mga nangangailangan. Kaya naisilang ang Mendoza Charity Foundation na may hangaring tumulong sa mga nangangailangan.

Kahit nga sa huling pagkakataon ay pinili pa rin ng kapatid ko na gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Sa kanyang last will and testament ay sinabi nitong gusto n'yang idonate ang lahat ng organ niya na pwede pang pakinabangan ng ibang taong nangangailangan, kabilang ang kanyang mata, kidney, at puso. Hindi tinutulan ng mga magulang namin ang huling kahilingan ng kapatid ko, sa katunayan sila pa nga ang naghanap ng mga taong pwedeng mabigyan ng ala-ala ni Nathalie. 

Ang mata niya ay naibigay sa isang batang nabulag dahil din sa car accident. Ang mga kidney naman nito ay naibigay sa dalawang batang babae sa foundation. Habang ang kanyang puso ay ibinigay namin kay Spencer ang kapatid ng bestfriend kong si Eilana.

Napagdesisyunan kaagad ng pamilya namin na ibigay ang puso ni Nathalie kay Spencer, meron itong sakit na CHD at nanganailangan ito ng heart donor upang madugtungan pa kanyang buhay.

Hindi na nagdalawang isip ang pamilya namin na ibigay kay Spencer dahil alam naming mabait na bata ito at lubos niyang maiingatan ang ala-ala ng yumao kong kapatid.

Naging successful ang operasyon ng mga nabigyan ng organs ni Nathalie. Ngunit nagdesisyon ang pamilya naming huwag munang ipaalam sa publiko o maging sa pamilya ng mga nabigyan kung sino ang may-ari ng mga organs. Gusto kasi naming maging pribado ang lahat sapagkat sa amin nakatutok ang publiko ngayon dahil na rin sa impluwensya ng pamilya namin at sa trabaho ni Nathalie bilang sikat na artista. Hindi rin kasi namin gustong parating maalala ang malagim na trahedyang iyon, dahil sa pait na naidulot nito sa amin.

Ngayon mag lilimang buwan na ang nakalipas, ngunit hindi parin naghihilom ang sugat. Lagi parin naming naaalala ang pagkawala niya pero siguro'y tanggap ko na ang pagkawala n'ya at handa na kaming makita ang mga taong naiwan niya ng ala-ala dahil sa pagkawala ng kapatid ko ay ang pagkabuo at pagdugtong ng kanilang buhay. Sila ang ala-ala ng kabutihan ni Nathalie na mananatili sa puso naming lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki. Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan. “I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika. Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi. Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibi

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status