Share

Episode 3

After 1 Month

Napapansin ko na hindi na napasok nang trabaho si Andrea kaya nag tanong ako.

"Beshy, day off mo?" tanong ko.

"Ah! Hindi beshy, masama pa rin kasi ang pakiramdam ko." sagot nito.

"Ah! ganon ba. Sige basta kung may needs ka magsabi ka lang sa'akin." wika ko.

Maya maya bigla na lang nag ring ang cellphone ko at may job interview raw ako sa VEC. Tuwang tuwa akong ibinalita kay Andrea ang good news. Ngumiti lang siya at natulog ulit. At ako naman ay nag hahanda para sa interview ko mamayang 1 p.m tiningnan ko ang wall clock past 11 a.m na pala kaya nagmamadali akong pumasok nang kwarto ko at nag hanap nang masusuot. Nag apply ako nang light make-up at nang makitang maayos naman ang postura ko lumabas na ako nang kwarto. Kinatok ko lang si Andrea para sabihing aalis na ako.

Nag aabang ako nang taxi at nang may dumaan kaagad ko itong pinara, mabilis akong sumakay para makarating sa VEC. Sa byahe pa lang abot abot na ang panalangin ko na sana matanggap ako sa trabaho, dahil kapag naubos ang savings ko hindi ko na alam kung paano ako makaka survive, ayoko naman iasa kay Andrea, ang lahat nang gastusin doon at nakakahiya. Nang matanaw ko ang building nang VEC, kaagad akong nagpara kay Manong at inabot ang bayad, bumaba na ako nang taxi. Napatingala ako at nagulat na mas malaki pa pala ito sa personal kumpara sa mga nakikita ko lang sa magazine, news paper at telivision.

Hindi maipagkakaila at 'di ko maiwasang maisip na siguro ang yaman na nang mga Villa sa dami nang kanilang branch inside and out of the country. Pero ang C.E.O, daw nito ay matandang binata. Pag pasok ko ng lobby kaagad akong nilapitan nang guard at inassist at tinanong nito kung saang floor ang punta ko. Sinabi ko sa manager office, may job interview ako ngayong araw. Tumawag muna ito sandali at nang matapos silang mag-usap nang kausap niya sa telephone, kaagad na niyang itinuro sa'akin ang floor kung saan ako patungo, kaagad naman akong nag pasalamat dito at naglakad patungong elevator.

Sumakay ako ng elevator at nakita ko sa wall design ang naka indicate na "Villa" gawa ito sa wood carving. Nakalabas na ako nang elevator at naglalakad patungong office nang manager.

Kumatok ako sa pintuan at nakarinig ako ng nag-uusap. 'Yong isa ay babae at 'yong isa naman ay lalaki sa tantya ko mga halos kaedaran ko lang rin sila.

Hindi sinasadyang marinig at makita ko ang ginagawa ng mga tao sa loob.

"Babe, sh*** lick it please." halinghing nang babaeng alam kong nasasarapan. Hindi naman bago sa'akin ang mga ganyan. Nang aalis na sana ako bigla kung naitulak ang pintuan at bigla itong tumayo, inayos naman nang babae ang suot niyang blazer na nagulo. Humingi ako ng sorry sa nakita ko. Nagulat ako bakit ba kailangan gawin 'yon sa mga gantong lugar.

"Sorry sir! Babalik na lang po ako sa sunod na araw." sambit ko.

Inutusan niyang lumabas muna sandali ang babaeng kalandian niya at halos samaan ako nang tingin nang babaeng 'yon. Nakipat titigan naman ako sa pakawalang babae, anong feeling niya papatalo ako sa'kaniya. Nang makalabas na ito kaagad niya akong pinaupo. Habang ini interview niya ako, panay ang yuko marahil hindi pa rin ako mapakali sa'aking nakita. Napansin naman niyang mukhang 'di ako komportable kaya naman bigla niyang sinabi na; " Forget what you saw a while ago." he said. I simply nodded my head as a sign that is okay. Wala naman talaga sa'akin 'yon.

Maya-maya bigla na lang itong nag salitang muli. Ms. Tanya based on your qualification, you're applying for the position of executive assistant. Am I right?" tanong nito.

"Yes, po sir," sagot ko kahit medyo ilang ako at wala sa focus, dahil naalala ko na naman ang nakita ko kanina.

"Okay!" matipid na sagot nito.

Buong akala ko hindi ako matatanggap, dahil bigla na lamang itong natahimik. Maya maya lang biglang sinabi nito na;

"You're hired and maybe you can start by tomorrow for the position of executive assistant. Congratulations." wika nito.

"Thank you sir," sagot ko.

Nilahad nito ang kaniyang kanang kamay tanda na binabati niya ako. Inabot ko naman kaagad ang kamay ko rito. Nakipag shake hands naman siya sa'akin at nagulat ako ng biglang pisilin niya ang kamay ko.

Medyo naasiwa ako sa ginawa niya kaya sabi ko na lang. Sir ang kamay ko po. Na gets naman agad nito ang nais kong ipahiwatig kaya binitiwan na rin nito ang aking kamay. Nagpa salamat ako sakanya at nagpaalam na rin ako kay Mr. Montenegro. He nod his head at binalik muli ang tingin sa laptop nito. He asked me politely.

"Can you close the door, Ms. Tanya. Thank you and see you tomorrow." he asked me politely.

Sinara ko ang dahon ng pintuan at mabilis akong sumalay ng elevator.

Paglabas ko ng building na 'yon hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Kung kanina ay halong kaba at excitement ngayon ay puro kagalakan na lamang

Thank you God. May trabaho na ulit ako, usal ko.

Samantalang hindi naman mapakali si Draeden kanina habang ini-interview ang babae kanina. She looks familiar, pero hindi niya alam kung saan nga ba niya nakita ang babae. Panay isip siya kung isa ba ito sa mga naka fling niya sa mga night bar, party etc. Pero ni isa wala siyang mahagilap na sagot man lang. Nabitin pa siya kanina, bakit ba kasi nakalimutan niyang i-lock ang pintuan. Dito nga siya tumambay sa office nang manager niya, dahil ayaw niyang makita siya nang lolo niya doon. Dahil talagang malalagot siya at masakit mahampas nang tungkod noon. Simula kasi nang namatay ang kaniyang mga magulang napunta siya sa pangangalaga nang kaniyang lolo. Ipinaman sa'kaniya ang Mansyon na ginawa nilang sessions magbabarkada kaya naman lagi na lang siyang natutungkod nang lolo niya sa pagiging pasaway niya.

Kaya kung nagkataong nakita siya nito sa ganong akto, hindi lang yata tungkod nito ang mahahampas sa'akin. Speaking my Lolo, nandito na siya buti na lang nakabalik agad ako sa office ko kung nagkataon sira ang kinabukasan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status