Share

Kabanata 2

"Kumain na tayo," singit ni Marice nang mapansin ang pananahimik ng bunso.

Naunang maglakad ang ginang. Inalalayan ni Lawrence ang nakababatang kapatid na pilit ngumiti sa kanya. Sumunod si Dianne at Allison.

Humantong sila sa iisang lamesa at nagsimulang kumain.

"Excuse me Ma. Kailangan ko pa sunduin si Kelly," paalam ni Lawrence at tumayo.

Manghang napatingin si Allison sa kaibigan.

"So, you're dating my cousin Kelly huh?" may panunukso nitong tanong.

"Really? si Kelly?" ulit ni Dianne.

Tumango si Lawrence sa matandang babae at 'di pinagkaabalahan tingnan at sagutin ang kaibigan.

"Ma! Laurise! I'll go ahead," tuluyan na itong umalis.

Nasundan na lang ni Allison ng tingin si Lawrence.

Sa totoo lang may kakaiba s'yang nararamdaman sa matalik na kaibigan, parang galit ito at malayo ang loob sa kanya 'di tulad ng dati nilang samahan noong nag-aaral pa lamang sila.

"Ma'am, excuse me! Kailangan po kayo sa loob," Lapit ng isang staff ng resort kay Maricel.

Nag-aalalang tingin ang binaling nito sa anak.

"I'm fine. Go ahead Ma," sagot ni Laurise.

Nagpaalam ito sa kanila at tuluyang umalis.

"Iha, what are you up to?" Ngiting tanong ni Dianne.

Alangan napatingin ang dalaga sa kaharap.

"I bet may asawa ka na," dugtong nito.

"Of course Ma!" sarkastikong kumpirma ni Allison dahilan para mapatingin si Laurise sa kanya.

"Little Laurise Ann now is not youmg anymore! She really grown more prettier than before, no wonder na may asawa na s'ya ngayon right?" panunuyang dugtong ng binata.

Tinitigan s'ya nito na tila pinag-aaralan ang lahat ng parte ng mukha at katawan n'ya.

Alam ni Laurise sa sarili na hindi papuri ang sinabi nito. Kinondisyon n'ya ang sarili bago sumagot at binaling ang tingin sa kaharap na si Dianne.

"Kasama mo ba iha?" excited na tanong ng matanda.

Hindi n'ya malaman ang isasagot tungkol sa asawa n'ya. Masyadong komplikado, idagdag pa ang presensya ni Allison na matalim s'yang pinagmamasdan.

"Is he around? Why don't you call him so we can meet your husband," seryosong saad ni Allison na binigyang diin ang huling salita.

Abot-abot ang tahip ng dibdib ni Laurise dahil sa kaba. Hindi makapag-isip ng isasagot. Daig pa n'ya ang nasa silya elektrika. Hindi s'ya pwedeng magkamali sa ituturan.

"Oh, come on! Little Laurise le'mme see if that man deserves you!" panghahamon ni Allison.

Binalingan ni Laurise ng nakasusuyang tingin ang binata.

"Oh, damn you Allison!" bulong n'ya sa sarili.

"Laurise!" tawag ng ilang lalake sa kabilang lamesa.

Ang mga dating kasama n'ya sa Archery team noong nag-aaral pa sila.

Mabilis na tumayo si Laurise at tiningnan si Dianne.

"Can you please excuse me, Tita?" pakiusap ni Laurise sa ginang.

"No problem," Nakangiting tugon nito.

Kaswal s'yang naglakad kahit pakiramdam n'ya ay bibigay na ang binti at tuhod sa sama-samang emosyon na nararamdaman. Hindi s'ya pwedeng mahalata ni Allison. Matagal na panahon na pinaghandaan ang araw ng pagkikita nila.

Hindi na papayag si Laurise na makitaan pa ng kahinaan ng lalakeng minsang nanakit sa batang puso n'ya.

Lumipas ang minuto natagpuan n'ya ang sarili sa isang lamesa kasama ang mga dating kaklase at kaibigan.

Mabuti pa rin ang Diyos sa kanya dahil lagi s'ya nitong binibigyan ng mga taong puputol sa usapan tungkol sa asawa n'ya.

"Kumusta, Yohan?" tanong ni Laurise sa madalas na kalaro sa Archery noong highschool pa sila.

"Maayos naman. Isa na akong Coach ng Archery team sa isang school dito sa lugar natin," masayang balita ni Yohan.

Nangislap ang mga mata ni Laurise.

"Wow! Really?" medyo malakas n'yang tanong.

Natutuwa si Laurise na marinig angga accomplishment ng mga kaibigan, iyong mga dating kasabay n'ya lang nangangarap ngayon ay sucessful na rin tulad n'ya.

"Sup everyone?" tawag pansin ni Allison kasabay ng pag-upo sa silya.

Unti-unting nawala ang ngiti n'ya sa labi at napalitan ng blankong ekspresyon.

Kanina pa nakikita ni Laurise sa sulok  mga sariling mata na pinanonood lahat ni Allison ang mga kilos n'ya, simula nang umalis s'ya sa lamesa kung saan nakaupo ito.

"Ikaw ang dapat naming kamustahin!" tugon ni Myca.

"Wala ba kaming pasalubong d'yan? Ang tagal mo ata sa America," biro ni Jess.

Nagtataka si Laurise kung bakit nandito ito ngayon at nakikihalubilo sa kanila. Hindi naman nila ito ka-batch o kaibigan man lang.

"Grabe! Parang walang pinagbago sa itsura mo," aniya ni Devie.

"Allison Bien Villacorta, ang pinakasikat at pinakagwapong estudyante dito sa lugar natin!" dugtong ng isa pa nilang kasama sa lamesa.

Hindi maiwasan ni Laurise pinagmasdan ang binata.

Walang pinagbago ang itsura ni Allison. In fact kahit nadagdagan ang edad nito ay bumagay sa kanya.

Mas pumuti ang kutis nito na makikita sa mga braso dahil sa nakalilis nitong white long sleeve polo.

Piercing eyes, hawkish nose and concrete jaw.

Tinapunan ni Allison ng tingin si Laurise at mayabang na nagkibit-balikat na tila ipinagmamalaki ang tinuran ng mga ka-alma mater.

Napailing na lang dahil sa inis kung hindi dahil sa ina ay 'di na s'ya nagbiyahe ng malayo para lang makita ang lalakeng kinasusuklaman n'ya.

"Laurise, konting pasensya pa matatapos din ang gabing ito!" kausap n'ya sa sarili.

"Excuse me," Tumayo si Laurise at lumakad patungo sa 'di kalayuang comfort room.

Nagdiretso s'ya agad sa loob ng c.r at napahawak ng mahigpit sa gripo.

Gusto n'yang sumigaw o kaya magwala para mabawasan ang nararamdaman.

Pinunasan ni Laurise ang kaisa-isang luha na lumandas sa sariling pisngi.

"Paano n'ya nakuhang humarap sa akin na parang walang nangyari? Parang normal lang ang lahat na 'di n'ya ako nasaktan at iniwan?"

"Allison Bien you're so unfair! How dare you smile while I'm here with m= tears?" kausap ni Laurise habamg nakaharap sa salamin.

Saglit pa s'yang nagtagal sa comfort room. Inayos ang sarili bago napagpasyahang lumabas.

Magpapaaalam na si Laurise sa ina at mga kaklase para umuwi. Hindi na n'ya kaya ang presensya ni Allison.

Pakiramdam n'ya ay hinihila s'ya sa mga alaalang matagal na n'yang binaon at kinalimutan.

Ngayon ay unti-unting bumabalik ng malinaw dahilan para masaktanuli ang puso n'yang walang kalaban-laban.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status