Share

I. M. L. Y ( I madly love you )
I. M. L. Y ( I madly love you )
Author: KokoyIsMyLife

Kabanata 1

Halos marinig ni Laurise ang sariling ang tibok ng puso nang makababa ng sariling kotse. Saglit s'yang tumingala at pinuno ng hangin amg dibdib at muling inihanda ang sarili sa pagpasok ng Madrigal's Paradise.

"Laurise!" masayang salubong ni Mrs.Maricel Madrigal sa bunso.

Patakbong lumapit ang dalaga.

"Ma!" Mangiyak-iyak n'yang lapit sa ina.

Humarap si Maricel kay Laurise.

"Kumusta, iha?" Pinunasan ang ilang butil ng luha sa pisngi ng anak.

"I'm fine Ma. I just miss you," sagot n'ya.

Hinawakan s'ya nito sa kamay at ginayak sa loob ng beach resort.

"I miss you too. Let's get inside."

Walang nagbago sa resort na pinamana ng Lolo n'ya sa ina. Maganda at maaliwalas pero nagdadala ito kay Laurise ng hindi magandang alaala ng kabataan n'ya.

Dumiretso ang mag-ina sa darausan ng anniversary ng resort. Ilan-ilang round table ang nasa buhanginan at isang mahabang lamesa na provided ng caterer. May mga nakasabit na mga bilog na ilaw na nakatali sa halera ng puno ng mababang niyog.

"Si kuya Lawrence?" tanong n'ya.

Nagpalinga-linga si Laurise para hanapin ang nakatatandang kapatid.

"Nasa loob may inaasikaso," sagot ni Maricel.

Lumipas ang minuto at dumating na si Lawrence. Kasaa na nila itomg sumalubong sa mga piling bisita.

Ilang taon na tumatakbo ang private resort nila sa La Union. Orihinal itong pagmamay-ari ng mag-asawang Madrigal at nang mamatay ang ina't ama ni Maricel ay ipinamana na sa magulang ni Laurise.

"Laurise!" excited na bati ng mga kaklase at kaibigan na si Jess, Myca at Devie.

"How are you guys?" magiliw n'yang tugon at isa-isa itong niyakap.

Hinagod si Laurise ng tingin ng mga kaibigang babae.

"Ang laki ng pinagbago mo a! Mas lalo kang gumanda para ka ng artista!" puri ni Jess habang hawak ang kanang kamay n'ya.

"Iba talaga 'pag galing Maynila," segunda ni Devie.

"Nahiya naman ako bigla," sagot n'ya.

Aaminin ni Laurise na talagang medyo malaki talaga ang pinagbago n'ya lalo na sa katawan dahil siguro sa pagkakaroon na ng anak. Pero madalas pa rin s'yang makarinig ng compliments na pa rin s'yang dalaga at lalo s'yang gumanda.

"Kinasal ka na daw?" mahinang tanong ni Myca.

Natigilan si Laurise sa narinig.

Ilang taon na ang lumipas nang mapagpasyahang na manatili sa Maynila para maiwasan ang ganitong usapin.

"Taga-Manila ba? Kasama mo ba?" sunod-sunod na tanong ni Jess at nagpalinga-linga.

Lumapit si Maricel dahilan para maputol ang pag-uusap nila.

"Girls!"

Sabay-sabay silang napatingin sa ginang.

"Let's get inside, magsisimula na!" aya nito.

Nagsimula ng pumasok ang mga kaibigsn n'ya. Save by the bell si Laurise dahilan para hindi n'ya masagot ang tanong ng mga dating kaklase.

Masaya ang lahat sa selebrasyon ng resort, kanya-kanyang kwentuhan ang mga bisita sa sarili-sariling nilang lamesa. Mga kaibigan at mga kliyente ng resort ang invited.

Habang nasa lamesa silang mag-iina.

"Iha, I hope you don't mind. I invited Dianne," seryosong sabi ni Maricel.

Saglit na natigilan si Laurise sa pagkain.

"For what Ma?" inis na sagot ni Lawrence.

Napatingin s'ya sa nakatatandang kapatid.

"Lawrence," pigil ni Maricel.

"Ma, baka kasama pa ni Tita Dianne 'yong gago n'yang anak," angil ni Lawrence.

Hinawakan n'ya ang kaliwang kamay nito.

"Kuya, please?" pigil ni Laurise sa nangangalit na kapatid.

"Matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin. Isa pa naging ka-sosyo natin sila sa mahabang panahon," paliwanag ng ina.

"Kuya, wala naman kaso kung nandito si Tita Dianne," aniya ni Laurise.

Humugot ng malalim na hininga si Lawrence.

"Nakauwi na ng Pinas si Allison," tugon nito.

Nabitawan ni Laurise ang kutsara't tinidor. Pangalan pa lang ng lalakeng 'yon ay ganito na ang epekto sa kanya.

Paano pa kung makita n'ya muli ang lalakeng nagwasak sa babasaging puso n'ya.

Sabay-sabay na natuon ang mga mata ng pamilyang Madrigal sa natanaw na padating. Maluwag ang ngiti ni Mrs. Dianne nang lumapit sa lamesa nila.

"Dianne!" Yakap ni Maricel sa matagal na n'yang kaibigan.

"It's been a long time, right?" masayang saad ni Dianne matapos magkalas sa pagkakayakap.

"Oo nga e," sambit ni Maricel.

Napatingin si Dianne sa lamesa kung nasaan ang magkapatid.

"Lawrence! Laurise!" bati nito.

Unang tumayo ang dalaga at bagsak ang balikat na sumunod ang kuya n'ya.

"Kumusta po?" magalang na tanong ni Laurise at yumakap.

Yumakap din si Lawrence at pilit na ngumiti.

"Naku! Napakaganda mo pa rin," puri nito.

Sinulyapan ni Dianne si Lawrence.

"Wala kayong pinagbagong magkapatid," dugtong ng matanda.

Natigilan si Laurise sa natanaw na binatang papalapit.

Bumilis ang tibok ng puso n'ya na halos marinig na n'ya ito. Nanginginig ang mga kamay at nanghihina ang mga binti na parang matutumba s'ya. Kahit na 'di makapag-isip ng maayos dahil sa nararamdaman ay nagawa n'ya pa rin na ibaling ang tingin sa iba.

Kinampay ni Dianne ang kamay para palapitin ang anak na si Allison.

"There he is, come here son!" 

Nagkatinginan si Lawrence at Maricel.

Lumapit si Allison.

"Hi, guys! What's up?" masayang bati nito.

Napansin ni Laurise ang pagyukom ng mga kamao ni Lawrence at 'di inaalisan ng mala-apoy na tingin ang dating kaklase at matalik na kaibigan.

"Kuya, please for Gideon!" nanginginig ang boses n'ya na bumulong at hinawakan ang kamay nito.

Ang tinutukoy ni Laurise ay ang four year old na anak nito na kasalukuyang nasa Maynila.

"K-kumusta?" pinilit maging kaswal ni Maricel sa binata.

"Doin' great po, kayo?" balik tanong ni Allison.

"Maayos din," sagot ni Maricel.

Tinapunan ng tingin ni Allison ang kaibigan na si Lawrence. Saglit s'yang napakunotnoo nang masalubong ang tingin ni Lawrence, hindi n'ya maintindihan tila nagbabaga ang mga mata nito.

"Long time, bro!" masayang bati n'ya.

Ilang segundo ang lumipas bago napilitang sumagot si Lawrence.

"Yeah," matabang nitong sagot.

Namayani ang katahimikan sa kanilang lahat parang may kumg anong tensyon ang namamagitan sa bawat isa.

Pinagmasdan ni Mrs.Dianne ang mag-anak na Madrigal.

Napasulyap si Allison sa katabi ni Lawrence. Mapait na napangiti ang binata.

"Kumusta? Little Laurise Ann," malamig pa sa bangkay na tono n'ya.

Napataas ang dalawang balikat ni Laurise at sinalubong ang tingin ng lalakeng naging malaking parte ng puso n'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status