Share

Kabanata 3

Lumabas na si Laurise at nagsimulang maglakad sa madilim na hallway. Tanging ang isang poste lamang ng dilaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa kanyang tinutungong direksyon.

Napapitlag s'ya nang may humawak sa kanyang kanang braso. Halos tumigil ang paghinga n'ya nang makita kung sino ang nagbibigay ng kuryenteng dumadaloy ngayon sa katawan mula ulo hanggang paa.

"My Little Laurise Ann," Nakangiting bati ni Allison ngunit nagbabaga ang mga mata nito.

"A-ano ba!" Piglas ni Laurise.

Pero parang kamay na bakal ang pagkakahawak ng binata sa braso n'ya at wala s'yang balak bitawan.

"That's how you welcome your ex?" panunuya ni Allison.

Tiningnan n'ya ito at mas hinigitan amg pag-aapoy ng mga mata.

"Ex? You're too pretty imaginative Allison, we never had a relationship!" ganting sagot ni Laurise.

Napangisi ang binata at nagtagisan ang bagang dahil sa galit.

"If that so, come here! Maybe this place remind you of all our fucking memories!"

Bago pa man makapiglas muli ay marahas s'yang hinatak ni Allison papunta sa dalampasigan.

Natataranta si Laurise, wala s'yang magawa kung hindi sumunod dito. Saglit pa n'yang tinanaw ang party umaasang may makakita sa kanila.

"Allison, bitawan mo nga ako!" singhal n'ya.

Parang walang naririnig si Aliison. Nagpupuyos ang binata sa galit. Ilang taon n'yang hinintay na makausap ito.

"What the hell? Bitawan mo nga akong bwisit ka!" galit na galit n'yang saad.

Inipon ni Laurise ang mga natitirang lakas at mabilis na inalis ang braso.

Napatingin si Allison sa kanya.

"What's wrong with you?" sigaw ni Laurise.

"Holy shit Laurise!" kumawala ang emosyon ng binata.

Tinitigan n'ya ito diretso sa mga mata.

Natigilan s'ya ng makitang nagsusumamo ang mga mata ni Allison.

"Can you tell me why?" seryosong tanong nito.

"I should've ask you that, Allison!" sigaw ng isip n'ya.

Humugot si Laurise ng malalim na hininga at muling nagsalita.

"Useless na ang pag-uusap na 'to! We're already done, I'm leaving!"

Tatalikod na sana s'ya nang hablutin muli ni Allison.

Hinatak si Laurise ng binata na halos ikadapa n'ya. Nahihirapan s'yang maglakad sa buhanginan, lumulubog ang suot na pares ng sandalas sa bawat pagtapak n'ya.

Napatingala s'ya sa isang malaking puno ng acacia. Nakasilip ang bilog at maliwanag na buwan.

Isang tree house na punong-puno ng alaala nilang dalawa.

Patuloy na hatak ni Allison si Laurise paakyat ng kahoy na hagdan na halos ilang baitang.

Kailangan n'yang mag-isip 'di s'ya pwedeng madala ng lalake na ito sa loob ng bahay.

"Get off of me!" Piglas ni Laurise.

Nagulat pa s'ya nang makawala dito dahilan para mawalan ng panimbang at bumagsak paupo.

Nag-aalalang nilingon ni Allison si Laurise. Bababa sana ang binata sa unang baitang ng hagdan nang muli magsalita ito.

"Don't you dare take steps closer to me!" madilim na banta nito at dahan-dahang tumayo.

"And don't ever try to touch me again! Matagal na tayong tapos at kasalanan mo 'yon!" kahit pigilan ni Laurise ang luha ay tuluyan na itong tumulo.

Napakunotnoo si Allison.

"You really change, Little Laurise!" mapait na tugon ng binata.

"Yeah, and as I always say don't call me that way!"

"Honestly, it's  a relief to hear from you that I changed and,"

Tinitigan ni Laurise sa mata si Allison.

"I pity you cause you did'nt, you're still worthless son of a bitch!" seryosong dugtong n'ya.

Tumalikod agad s'ya at nagsimulang maglakad. Pinatatag n'ya ang sarili. Hindi s'ya pwedeng umiyak sa harap ng lalakeng paulit-ulit s'yang sinasaktan.

"Laurise!" Salubong ni Kelly.

Pilit s'yang ngumiti. Lumapit din si Lawrence.

"What's wrong? You look pale and shaken?" nag-aalalang tanong ng nakatatandang kapatid.

Kinagat ni Laurise ang ibabang labi at huminga ng malalim.

"N-no I'm fine," pagsisinungaling n'ya at pilit na ngumiti sa dalawa.

Lumipas ang minuto. Lumapit na si Laurise sa lamesa kung nasaan ang ina't kapatid at kasama sina Dianne, Kelly at Allison.

"Ma, I'll go ahead! Kuya!" Hinalikan n'ya ang mga ito sa pisngi bago sinulyapan si Kelly at Dianne.

"Won't you spend the night here?" tanong ni Kelly.

Napansin ni Laurise na pinagmamasdan s'ya ni Allison at naghihintay lang ng isasagot n'ya.

"Sorry, I can't. Maybe next time!" tugon n'ya.

"Kaya mo bang mag-drive?" nag-aalalang tanong ni Maricel at tumayo.

"Hatid kita?" alok ni Lawrence.

Gustuhin man ni Laurise ay alam n'yang mapapagod na ang nakatatandang kapatid, kanina sinundo nito ang girlfriend na si Kelly tapos ngayon ay s'ya naman pabalik sa Maynila.

"No need, Kuya. I can manage, thank you!" Ngiting tanggi n'ya.

Kung may ipinagpapasalamat man s'ya iyon ay ang pamilyang 'di s'ya iniwan sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay n'ya.

"Mauna na rin po ako, Tita Dianne!" paalam ni Laurise sa matandang babae.

"Alright, you take care Iha!" tugon nito.

Ngumiti si Laurise at walang lingong likod s'yang lumakad. Hindi na n'ya pinansin si Allison.

"I hope this is is the last time I will saw him!" dasal n'ya.

Nagdiretso s'ya sa sasakyan at nagsimulang magmaneho.

Awtomatikong tumulo ang mga luha ni Laurise.

Luhang 'di naman karapat-dapat para kay Allison.

Nagsimula na naman bumalik ang masaya at mapait n'yang alaala nang mahalin n'ya sa murang edad ang lalakeng 'di lang s'ya tinuruan mag-aral kung hindi tinuruan din  magmahal.

Anim na taon na ang lumipas.

"Little Laurise!" bati ni Allison nang makapasok sa loob ng bahay ng Madrigal.

Saglit na nilingon ng dalagita ang kaibigan ng nakatatandang kapatid, kasalukuyan s'yang nasa hagdan para umakyat sa silid.

"Where's Lawrence?" ngiting tanong nito.

"Mukha bang alam ko kung nasaan s'ya?" inis na tugon ni Laurise at saglit na tinungga ang hawak na yogurt drink.

Sa halip na mainis si Allison ay napangiti s'ya.

Sanay na ang binata na sa ganitong paraan s'ya kausapin nito. Madalas s'yang tumambay dito dahil sa kaibigan na si Lawrence at ka-sosyo nila ang pamilyang Madrigal sa resort.

"Sungit naman ng Little Laurise Ann ko," Nakangiti pa rin sabi nito at namulsa.

Natigilan si Laurise sa narinig.

Aaminin ng dalagita na may ibang saya s'yang nararamdaman sa tuwing binabanggit ni Allison ang 'Little Laurise Ann' at minsan pa ang salitang 'My'.

"Can you stop calling me that way!" anas ni Laurise.

"I like calling you that, sorry!" kampanteng saad nito at pilyong ngumiti.

Parang batang nakatunghay si Laurise sa katauhan ni Allison.

Mabilis na kumabog ang dibdib n'ya na lagi n'yang nararadaman sa tuwing kaharap n'ya ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status