Share

Chapter 6

Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.

“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.

“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.

“Baka busy,” wika ni Sandra.

“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”

Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.

“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.

“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.

Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.

“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.

Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, magpapanggap na bakla.”

Napaisip naman si Farrah sa sinabi ni Sandra at bigla naalala nang mahawakan nito ang tiyan ni Damon na kahit naka-muscle tee shirt ay narandaman nito ang malabakal na abs.

Pakirandam pa niya na nagkakasala na siya kay Jeff.

“Hindi man nga pandesal ang sa kaniya kun’di bakal,” bulong pa sa sarili.

“Ano sabi mo?” tanong ni Sandra.

“Wala,” mabilis nito sagot.

Nakabuo ng plano si Farrah na kung hindi sasagot sa tawag si Damon ay pupuntahan niya ‘to sa kanila bahay ngunit ‘di niya alam kung saan sila nakatira.

Naisipan nito puntahan ang hospital kung nasaan si Heaven kaya naman nagmadali umalis at iniwan muli si Sandra.

Pagdating sa hospital ay laki gulat na lamang na nakauwi na pala si Heaven kanina lang at hindi niya naabutan kaya naasar na naman ito.

“Buwisit ka talaga sa buhay ko Punongbakal,” bulong nito sa sarili.

Hindi maiwasan ng mga nagdaraan na mapatingin sa kaniya kaya naman inayos ang sarili at mabilis na lumabas ng hospital, nagpasya siya umuwi na lamang.

Inabutan na naman niya ang kaibigan si Sandra na nasa bahay at dala ang isang maliit na maleta.

“Naglayas ka?” tanong nito sa kaibigan.

“Hindi. Dito muna ako beshy para samahan kita,” sagot nito.

“Gusto mo lang makalibre ng foods,” pagbibiro ni Farrah.

Natawa naman si Sandra at inayos ang mga gamit sa kuwarto ng kaibigan.

Matapos ang hapunan at makapag-shower ang magkaibigan ay nagkuwentuhan muna. Nasabi ni Farrah ang nangyari na hindi nadatnan si Heaven sa hospital dahil nakauwi na ito sa bahay at ayaw ibigay sa information desk ang address.

“Bawal naman talaga ibigay ang information ng pasyente sa kung sinu-sino lang,” sambit ni Sandra.

“Oo nga, pero saan ko hahanapin si Punongbakal?” tanong ni Farrah.

Nag-isip naman si Sandra ng posibleng sagot at inutusan ang kaibigan na buksan muli ang Instafriend account nito. Maaari makakuha ulit sila ng karagdagan impormasyon tungkol sa lalaki.

Sinunod naman kaagad ni Farrah ang sinabi ng kaibigan ngunit wala nakalagay na house address sa profile ni Damon.

Napansin niya ang isang nakasulat sa profile nito na CEO of Heaven Construction Company, ito na ang kailangan upang makaharap muli ang lalaki. Inalam niya mabuti ang eksakto address ng kumpanya ni Damon at isinulat upang hindi malimutan.

Nagpasalamat siya kay Sandra na lagi na lamang may naiisip na solusyon kaya naman n*******n pa niya ito sa pisngi bago matulog.

Kinabukasan ay maaga niyang pinuntahan ang address ng kumpanya upang harapin si Damon ngunit hindi siya hinayaan ng nasa information desk na makalapit man lang sa opisina nito.

Pinipilit ng babae sa front desk na bawal papasukin sa opisina ng boss kung wala appointment ang sino man, kaya wala nagawa si Farrah kun’di ang maghintay sa waiting area.

Napansin nito may lalaki dumating na may kausap sa cellphone, palagay niya ay kaedad lamang niya ito at narinig ang pangalan ni Damon.

“Malamang na pupunta ito sa opisina ni Damon,” bulong ni Farrah sa sarili.

Naglakad siya papalapit sa lalaki at sinadya banggain ito.

“Oh, I’m so sorry,” mainhin niya paumanhin.

“It’s alright,” wika ng lalaki na nginitian pa siya nito.

“You look familiar,” sambit ni Farrah na umakto iniisip kung saan nakita ang lalaki.

Nakatingin lamang sa kaniya ang lalaki na pinagmamasdan ang maganda nito mukha.

“We met in a party with Damon, I guess,” pagsisinungaling niya sa lalaki.

“So, you know Damon?” tanong ng lalaki.

“Of course, papunta nga ako sa kaniya ngayon,” sagot ni Farrah.

“I’m Farrah Paraiso,” pagpapakilala pa nito sa sarili at nilahad ang kamay.

“I’m Mico Montalban, nice to meet you.” Inabot ang kamay ni Farrah upang makipagkamay at pinisil ng bahagya.

Nakarandam naman ng pakailang si Farrah kaya binawi kaagad ang kamay.

“Papunta rin ako kay Damon ngayon,” wika ni Mico.

Natuwa si Farrah sa narinig kaya naman siya na mismo ang nagyaya rito na sabay na sila pumunta kay Damon.

Napansin siya ng babae sa front desk kaya naman inunahan na niya ito magsalita bago pa may masabi na ikabubuking niya.

“I’m with Mr. Montalba,” nakangiti wika ni Farrah at kinindatan ang lalaki.

Ngumiti rin si Mico sa kaniya at naglakad diretso sa opisina ni Damon.

Nagulat si Damon nang makita si Farrah na kasama si Mico.

“What the hell are you doing here?” tanong kaagad sa kaniya ni Damon.

“Tawag ako nang tawag sa ‘yo pero hindi mo sinasagot, nagpunta pa ako sa hospital kahapon ‘di ko lang kayo naabutan!” galit na sagot ni Farrah.

Naguluhan naman si Mico sa inaasal ng dalawa.

“Wow! Lovers quarrel,” natatawa sabi nito.

“No, hindi ko siya boyfriend,” wika ni Farrah.

“Talaga?” tanong ni Mico na halata natuwa sa narinig nito.

Nakalapit na pala si Damon at bigla na lamang inakbayan si Farrah na ikinagulat nito palayo kay Mico.

“I’m not her boyfriend, I’m her husband,” ani Damon.

“Pagpasensyahan mo na ang wifey ko at mukha naglilihi,” dagdag pa nito na lalo hinigpitan ang pagkakaakbay kay Farrah.

“What a revellation! May asawa ka na pala,” namamangha usisa ni Mico.

Tumango naman si Damon na pinapakita nakakaistorbo ito sa kanila mag-asawa.

Nakahalata si Mico kaya naman nagpaalam na aalis at babalik na lamang kapag hindi na busy si Damon.

Pagkasarado ng pinto ay binitiwan kaagad ni Damon si Farrah.

“How did you get here?” tanong ni Damon.

“Malamang sumakay ng taxi,” pilosopo sagot ni Farrah.

Tinitigan lang siya ni Damon na halata malapit ng mainis sa kaniya.

“Puwede ba maupo muna tayo? Nangangawit leeg ko sa ‘yo,” reklamo ni Farrah dahil masyado matangkad si Damon at kailangan pa niya tumingala para lang makipagtitigan.

Sinenyasan naman siya si Damon na maupo sa mahabang sofa.

“Bakit ka nga ba nandito?” tanong ni Damon.

“Sinabi ko na kanina, hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko,” sagot ni Farrah.

Hindi kumikibo si Damon at malalim ang iniisip kahit may mga bagay pa sinasabi si Farrah ay para ba wala ito naririnig.

“Hoy, nakikinig ka ba?” tanong ni Farrah.

Tumayo si Damon at bigla kinaladkad si Farrah patungo sa pintuan.

“Get out!”

“Teka lang,” saway ni Farrah.

“I’ll call you if we need to talk. Just get out and avoid Mico,” sambit ni Damon.

Naguluhan naman si Farrah kaya naitulak si Damon.

“Bakit nadamay si Mico sa usapan?” tanong nito.

“Didn’t you know he is a playboy? Wala siyang pinipili babae, may asawa man o wala.”

Napataas na lang ng kanang kilay si Farrah na para ba nagseselos ang kausap, naiinis siya sa lalaki at sigurado gano’n din ito sa kaniya kaya naman malabo mangyari ‘yon.

“Mas mukha ka pa playboy kay Mico,” bigla niya nasambit.

Lalo nainis si Damon kaya naman pinagtulakan muli si Farrah palabas ng opisina.

Wala ng nagawa pa si Farrah kaya hindi na nagpumilit pa pumasok muli sa loob ng opisina ni Damon at minabuti niya lumabas na ng gusali at abangan ito.

Habang naghihintay sa katabi cafeteria ay minamasdan ni Farrah ang lahat ng lumalabas na tao sa gusali pagmamay-ari ni Damon. Umaasa siya na baka sakali lumabas ang lalaki nang bigla namataan ang isang pamilyar na babae, si Lyka Ledesma.

“Ano kaya ginagawa ni Ms. Ledesma rito?” bulong sa sarili.

Minabuti habulin ‘to baka sakali kilala niya si Damon.

Pagpasok niya muli sa gusali ay nakita nag-uusap sina Damon at Lyka. Tama ang kaniyang hinala na magkakilala ang dalawa.

Napansin niya ang paglalambing ni Lyka kay Damon ngunit ang huli ay halata naiirita, kaya naman pinagmasdan na lamang ang mga ito sa ‘di kalayuan hangga sa naglakad papalayo ang lalaki at nakita ni Farrah na papunta sa parking area.

Nagmadali lumabas muli ng gusali upang kumuha ng taxi at abangan sa parking exit ang sasakyan ni Damon.

Ilang sandali pa ay lumabas ang isang puting sasakyan.

“Manong sundan mo ang puting Lexus na ‘yon.” Turo ni Farrah sa sasakyan ni Damon.

Sinunod naman ng driver ang sinabi niya at paminsan-minsan sinusulyapan siya nito.

“Sino ba ang sinusundan natin at hindi ka mapakali Miss?” hindi na napigil ng driver na itanong.

Nag-isip si Farrah ng isasagot dahil baka pagdudahan siya ng driver na masama tao lalo na at may kamahalan ang sasakyan sinusundan.

“Asawa ko po,” sagot nito.

“Pakirandam ko ay may babae siya kaya natin susundan,” dagdag pa nito.

“Naku, dapat sa mga ganyan lalaki ay pinuputulan. Akalain mo sa ganda mo ‘yan ay maghahanap pa ng iba,” wika ng driver.

“Hayaan niyo po, oras na mahuli ko siya sa akto ay puputulan ko talaga,” seryoso sabi ni Farrah.

Sinundan mabuti ng driver ang nasabi sasakyan at nakita lumiko papasok sa isang subdivision. Naharang ang taxi sakay ni Farrah sa gate dahil hindi pinapapasok ang hindi residente.

Nagpakilala siya si Mrs. Damon Punongbakal na natawa ang driver pagkarinig sa pangalan, hindi naman naniwala ang mga guards dahil kilala nila ang lalaki na wala asawa kaya naman inilabas ang Marriage Certificate at ipinakita.

Pinapasok na rin sila sa gate ngunit hindi na makita ang sasakyan sinusundan kaya inikot muna ang subdivision.

Napansin ni Farrah sa ‘di kalayuan ang may edad na babae nagtatapon ng basura.

“Si Nana Tinay ‘yon.” Turo nito.

Binayaran niya ang driver at mabilis na nilapitan si Nana Tinay.

“Hi,” bati nito sa matanda na medyo nagulat.

“Kayo po pala ma’am,” sambit ng matanda.

“Galing ako hospital kahapon, nakauwi na po pala kayo,” nakangiti sabi ni Farrah.

“Pasok po kayo, nand’yan din si sir,” pag-anyaya ng matanda.

Sumunod si Farrah sa matanda at pinapasok siya sa living room. Nakita niya si Heaven na nagsusulat at nilapitan.

“Hello Heaven,” bati nito sa bata.

“Tita Farrah!”

Mabilis siya niyakap ng bata.

“Magaling ka na?” tanong ni Farrah.

“Naku, medyo mahina pa po ang katawan niya pero pinayagan na siya ng doctor na umuwi,” sagot ni Nana Tinay.

Iniwan sila ng matanda upang ikuha ng meryenda habang masaya nag-uusap.

“Ikaw na naman!”

Nagulat sila napalingob sa may-ari ng boses, si Damon

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status