Share

Chapter 52

Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya.

“Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.

“Sandra!”

Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.

“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.

“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.

“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.

“Dito ka na naman ba matutulog?”

Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.

“Ano ba talaga ang kailangan mo?”

“Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status