Kung lahat ng lalaki ay gaya ni uncle Lucio, mukhang walang madi-depress na wife sa mundo.
After work, Beth excitedly went to her father’s house dala ang ilang mga groceries na binili niya.Sumahod na siya at nasa bank account na niya ang pera niya. So she sent 70% of her salary sa dad niya.Alam niyang hindi yun kalakihan, but she’s hoping na matutuwa ang daddy niya doon.Pagdating niya sa kanila, nakita niya ang dad niya na busy sa paghahanda ng dinner.“Dad,” nagmano siya. “Na-receive niyo po ba yung text message ko kanina?”Si Merna ang sumagot. “Ang yabang, kala mo naman ang laki ng pinadala.”Beth felt pain, pero hindi siya nagpakita ng kahit na anong emotion dahil ayaw niyang masabihan siya na nag-iinarte.“Yeah, nakuha ko.” Sabi ni Bernardo at bumaling kay Merna.“Samahan mo ‘ko sa labas. Baka dumating na ang bisita natin.”“S-Saan kayo dad?”“Sa labas. Aabangan namin ang bisita. Dito ka na magdinner.”Tumango si Beth. ‘May bisita pala kaya ang dami ng niluto niya.’ Komento niya habang nakatingin sa mesa.May narinig siyang yapak mula sa hagdan kaya agad siyang tumin
Tumayo si Beth at kahit na nasampal siya ng dad niya, magalang pa rin siyang nagpaalam dito.“I will pretend na hindi ito nangyari, dad. Again, I have a husband at hindi ako babalik sa ex kong walang kwenta.”“What an ungrateful child!” Merna said.“BETH! COME BACK HERE!” Sigaw ni Bernardo pero hindi na siya nakinig.Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at nagmamadaling pumara ng taxi.Nangako siyang hindi niya padadapuin ang pisngi niya ng kamay, pero heto at nagkamali siya.May panibagong kagagalitan na naman ni Lucio. At hindi na niya maihihingi sa asawa niya unawain ang dad niya kasi binubugaw na siya ng daddy niya ngayon sa kaniyang ex.Kahit siya, kung marinig niyang gusto ipagkasundo ng pamilya ni Lucio si Lucio kay Rainah, magagalit rin siya.Pagdating niya sa bahay niya, akala niya si Lucio ang madadatnan niya. Hindi pala, ang mother in law pala niya.“Ma,” gulat na sabi niya.“Oh, welcome home, an-" natigilan si Lucinta nang makita ang pamumula ng pisngi niyang nasampal k
“Aw…aw…aw! D-Dahan dahan lang, doc.” Reklamo ni Ten sa nurse habang iniikutan ang hita niya ng wound dressing.Halos mabali rin ang buto niya sa kamay at tadtad pa siya ng mga sugat.Napangiwi ang nurse dahil kung maka-aray siya ay parang babae.“Sigurado ka po ba sir na hindi tayo tatawag ng mga pulis? Ang lala po ng nangyari sa inyo e.”“Malala ba talaga?” paniniguro ni Ten.Tumango ang nurse. “Sobrang lala po.”Napabuntong hininga si Ten. Hindi niya aakalaing magiging bedridden pa siya ng ilang araw.“Hindi na kailangan tumawag ng pulis. The one who did this to me is not a human.”“Po?” medyo nagtaka ang nurse sa tinutukoy niya.“Wala wala…” sabi niya at natawa.Napailing na lang ang nurse at tinapos na lang niya ang trabaho niya.Nang makaalis na ang nurse, sinubukang igalaw ni Ten ang braso niya pero mas sumakit lang lalo.“Fvck! It hurts!”Hindi niya inaasahan na mabubuhay pa siya matapos ng ginawa ni Lucio.“That guy!! Baliw na ba siya? Patay ako kay dad nito.” Sabi ni Ten at pu
“Hatid na kita, ‘nak.” Sabi ni Lucinta nang makita niya si Beth na pababa na nang hagdan. “Ay ma, huwag na po. Maabala pa po kayo.”“Ibinilin ka sa akin ni Lucio.”“Pero ma, medyo malayo yung pinagtatrabahuan ko e. Dito nalang po kayo. May driver naman sa labas.”Lumapit na lang si Lucinta kay Beth para humaIik sa pisngi nito.“Sige. Mag-iingat ka. See you later,”“Opo ma,” ngumiti si Beth at umalis na.Pinapanood siya ni Lucio na sumakay ng sasakyan. Kanina pa siya madaling araw sa labas ng bahay at nag-aabang. Tinalo pa niya ang isang papparazi.“Sundan po natin sir?” tanong ni Regar.“Yes”Pinaandar na ni Regar ang sasakyan para sundan si Beth.Puno siya ng pasa sa katawan kaya hindi siya makalapit.Nandilim ang paningin niya kahapon nang makita ang larawan ni Beth sa drawer ni Ten.Sa isipan niya, stalker ng asawa niya si Ten.He asked many times bakit may larawan ito ni Beth, but Ten didn’t answer, instead nakipagsuntukan ito sa kaniya.Kaya heto, nagtatago siya kay Beth dahil ay
“That wench! Akala mo talaga e ang linis.” Sabi ni Lucinta na hindi pa rin nakakamove-on kahit malapit na sila sa resto ni Bernardo.“Salamat kanina ma. Hindi ko rin talaga maintindihan si Joliever. Umeeksena ngayon e hindi ko naman siya inaano.”“Mana yun sa ina niya, may mga sira sa utak.”Natawa si Beth. Well, she’s thankful na kasama niya ang mama Lucy niya ngayon.Dumating na sila ng resto.Nakita sila ni Nice at ganoon na lang ang panlalaki ng mata nito nang makita niya si Lucinta.Matagal na niyang gusto si Lucio kaya kilala niya kung sino ang mama nito.“Beth!” Agad siyang lumapit, desperadang magpapansin.Nagulat si Beth nang hawakan ni Nice ang kamay niya.‘Ano na namang balak niya?’“Hi po tita, kapatid po ako ni Beth. Nice meeting you po.”Nilahad niya ang kamay niya pero tinignan lang yun ni Lucinta.“Beth, anak, hanap ka ng table.” Sabi nito, at inignora ang kamay na nakalahad sa harapan.Labis na napahiya si Nice sa nangyari. ‘That’s Lucinta Deliev, Lucio’s mom. Hindi pw
“Lucy, long time no see.. Natuwa naman ako inaya mo ‘ko magdate.” Nakangiting sabi ni Sr. Floreza nang makaupo na sila.Mahina lang ang boses nila, tanging sila lang ang nagkakarinigan.“Hindi ikaw ang sadya ko Leo. It’s for Beth’s sake.”Tumingin si Sr. Floreza kay Beth. “So I need to treasure my daughter-in-law now because my baby Lucy loves her.”Agad kumalat ang pagkapula sa mukha ni Lucinta. Si Beth naman ay napainom ng tubig sa banat na iyon.Kahit na hindi siya sinabihan, kinikilig siya.“Hindi mo ba iniwan yang kalokohan mo sa bahay, Leo? Hindi ka ba natatakot na ipakita yang kabaliwan mo kay Beth?”“If my baby Lucy trusts Beth, then I should too.”Napasandal si Lucinta sa kinauupuan niya. “I can’t stand this man!”Sr. Floreza chuckled. Tuwang tuwa siya pag ginaganito niya si Lucinta dahil naaaliw siya sa mga reaction ni Lucy sa kaniya.“Lucy, you should take care of me. Can you put some food in my plate?”“Leo, may dining knife sa mesa. Baka nakakalimutan mo.”Ngumiwi si Sr. F
“Now, I know why my son fell in love with you.” Sabi ni Sr. Floreza na ngayon ay may munti ng ngiti sa labi.He was being mesmerized by Beth’s purest smile.“And same reason why Lucy fell in love with me. Pareho tayong may nakaka-inlove na ngiti.”Namula si Beth at Lucinta sa banat na yun, pero si Lucinta, agad na nakabawi at gusto ng gilitan ang senior.Leo is such a natural flirt. Iyon nga marahil ang rason bakit ang tigreng si Lucinta ay nahulog pa rin sa kaniya.“I forgot. I have a meeting now. See you next week, Lucy.” Sabi nito at tumayo bago pa makalapit si Lucinta sa kaniya dala ang dining knife.Agad na nawala si Leo sa harapan na parang bula.Pero si Beth, hindi pa rin makapagsalita at makarecover sa pamumula.‘Lucio is in love with me?’ tanong niya sa isipan niya.Alam lang niyang they like each other, and nothing more.Tumingin si Lucinta kay Beth. “Pasensya ka na Beth kay Leo kanina.”Tumingin siya sa mother-in-law niya. “Hindi po, ma. Ayos lang. Totoo naman po sabi ni dad
After what happened, Loreen found in the corner of her room, nanginginig sa takot na baka makulong siya dahil sa ginawa niya.Basang basa ang pisngi niya dahil kanina pa siya umiiyak habang nakatingin sa mga kamay niya.“I killed someone…” Mahinang sabi niya.Ang katahimikan sa kwarto niya ay biglang naputol nang tumawag si Nice.Nanginginig niya itong sinagot.“Hi Loreen.”She didn’t answer.“Loreen, huwag mo ng isipin pa yun.” Sabi ni Nice habang kumakain ng cake sa isang mamahaling resto.“Stop calling me. I gave you my card.”Natawa si Nice. “Hindi pa sapat ito Loreen. Paunang bayad ang card mo sa katahimikan ko.”Loreen gave her card to Nice as compensation para sa kaniyang katahimikan pero masiyadong tuso si Nice, hinahawakan siya sa leeg.“What do you want?”“Your brother. You were helping Rainah, right? Now that she’s gone, ako ang tulungan mo kay Lucio.”Agad nanlaki ang mata ni Loreen. Napatayo siya at galit na galit. ‘So this is the reason why you help me?’“You bitch! Sa ti
After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha
Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be
Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
“Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da
A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T
Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a
Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na
Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He
"Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?