Dead Once, Loved Twice

Dead Once, Loved Twice

last updateLast Updated : 2026-10-27
By:  SchuylerUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang lalaking minahal niya ang naging taong pumatay sa kanya. Akala ni Ella ay nahanap na niya ang man of her dreams. Ngunit ang pinangarap niya na buhay ay nauwi sa isang malaking bangungot. Nakita niya na ang lalaking pinili niya mahalin ay malupit at napakaraming itinatago na maitim na mga lihim. Nang malagay sa panganib ang buhay niya, inakala niya na siya ang pipiliin ni Roman ngunit nagkamali siya. Nang magising si Ella, nalaman niya na siya ay nagbalik sa nakaraan. Tatlong taon bago naging bahagi ng buhay niya si Roman. Bago nasira ang kanyang mundo. Sa binigay na pangalawang pagkakataon, pinangako niya na itatama niya ang lahat ng maling desisyon niya. At kasama sa mga iyon ang isa sa pinakamalaki niyang pinagsisisihan: ang lalaking hindi niya pinili noon—si William. Ngunit hindi madali ang paghihiganti, at lalong hindi madali baguhin ang hinaharap. Ella must always stay one step ahead of Roman and she must somehow protect the rekindled relationship she now has with William. Kailangang pumili ni Ella kung ano ang mas mahalaga: ang pagbayarin si Roman sa kanyang mga kasalanan o ang pagbigay ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig na sana ay una niyang pinili? Bumalik siya upang isulat muli ang kanyang tadhana. Isang lalaki ang haharap sa kanyang poot. Ang isa naman ay maaaring magwagi sa kanyang puso sa wakas.

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Betrayal

Nakatitig si Ella sa folder na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito at isa-isang binasa ang mga dokumentong laman niyon.

Napasinghap siya.

Ito na ang patunay na kailangan niya—ebidensyang mag-uugnay sa kanyang asawa sa isang kilalang sindikato ng droga at sa samu't saring krimeng matagal nitong naitago sa likod ng malinis nitong imahe sa publiko.

Alam kong kaya niyang gumawa ng masama, pero ito…?

Muli niyang tiningnan ang isang dokumento. Napatitig siya sa pangalang nakasulat doon, kasunod ng mga detalyeng nag-uugnay kay Roman sa pagpatay sa isang kilalang personalidad na nagbabantang maglantad sa mga ilegal nitong transaksiyon.

Nanlalamig ang kanyang mga kamay.

“Diyos ko, Roman.”

Hindi mabuting tao ang kanyang asawa. Alam niya iyon. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, napakaraming masasamang bagay na ang sinabi at ginawa nito sa kanya. Maaari sana siyang umalis noon pa, ngunit pinigilan siya ng mga banta. Nanatili siya para protektahan ang kanyang pamilya, para protektahan si William.

Kaya nagplano siyang ilantad ito. Kailangan lang niya ng matibay na ebidensya — at ngayon ay hawak na niya ito.

“Panahon na, Roman. Magbabayad ka sa lahat. Magtatapos na ang kasamaan mo.”

Narinig ni Ella ang pagbukas ng kanilang automatic gate at ang pagpasok ng isang sasakyan. 

Si Roman!

Mabilis niyang kinuha ang isang pahina, ibinalik ang folder sa lagayan at isinara ang drawer. Inayos niya ang opisina sa pinakamahusay na paraan, upang walang maiwang bakas na siya ay naghalungkat.

Lumabas siya sa home office ni Roman at mabilis na nagtungo sa kanyang kwarto.

Halos hindi pa nakasasara ng tuluyan ang p***o ng marinig niya ang pagsigaw ni Roman mula sa pasilyo sa harap.

“Nasaan ang maganda kong asawa? Ella!!!” Lasing ito.

Pumasok ang takot sa kanyang puso. Ikinandado ni Ella ang p***o at lumayo ng kaunti.

Malakas ang yabag ni Roman at kalaunan ay huminto sa tapat ng kanyang p***o.

Kinatok niya ito, “Ella, buksan mo ito!”

Tahimik lang siya, umaasang aalis ito kung hindi siya sasagot.

Lalong lumakas ang katok ni Roman. “Buksan mo ang p***o, o sisirain ko ito. Gawin mo na, Ella, kung ayaw mong pagsisihan mo ito!”

Alam ni Ella na gagawin niya nga iyon at lalo pang magagalit. Itinupi niya ang papel at isinilid sa bulsa ng kanyang palda. Dahan-dahan siyang lumapit sa p***o, at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang kandado nito.

Nakasandal si Roman sa hamba ng p***o. Nakangisi nang makita siya.

“There she is. There’s my beautiful and sexy wife.”

“Ano ba ang kailangan mo, Roman?” tanong niya.

Bilang sagot, itinulak siya ni Roman paatras patungo sa kama. Isang braso ang yumakap sa kanyang baywang. Ang kaliwang kamay nito ay dahan-dahang lumapit at marahas na hinawakan ang kanyang dibdib. Sinusubukan din siyang halikan ni Roman.

Walang saysay ang lumaban, kaya nanatili siyang tahimik habang hinahalikan siya nito. 

“I want to fuck you hard, Ella. You’ve been a very bad girl.” Mariin na kinagat nito ang kanyang labi.

Itinulak ni Ella si Roman palayo.

Napaatras si Roman nang ilang hakbang. Nang makabawi, lumapit siya ulit nang may madilim na tingin.

“Hindi mo dapat ginawa ‘yun,” sabay sampal sa kanya.

“Tama na, Roman! Pagod na ako. I am leaving you, you asshole!” sigaw niya sa kanya.

Natigilan si Roman. Pagkatapos ay tumawa na parang may sinabi siyang nakakatawa.

“Hindi mo magagawa at hindi ka aalis, dahil alam mo kung ano ang mangyayari kapag ginawa mo iyan,” pagbabanta nito.

“Hindi sa pagkakataong ito. Alam ko na ang lahat ng marurumi mong sikreto. Makukulong ka, Roman. Ipinapangako ko iyan.”

Labis na ikinagalit ito ni Roman. Sinubukan niya ulit siyang sampalin pero nakaiwas si Ella, hanggang sa nawalan siya ng balanse.

Bumagsak siya sa kama at agad siyang inabutan ni Roman. Pinipilit nitong ibuka ang kanyang mga binti. Sinipa niya ito nang buong lakas.

“Get off me!”

“Oo, ganyan. Lumaban ka pa. Alam mong mas gusto ko iyan.” Tumawa ito.

Naputol ang kanyang tawa ng tumama ang tuhod ni Ella sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nahulog si Roman sa sahig dahil sa sakit at sinamantala ito ni Ella.

Tumakbo siya.

_______________________________________________________________________________________________________________

Tumatakbo siya nang walang tiyak na direksyon habang dumadaloy ang luha sa kanyang mukha. Madilim sa labas, kaya hindi niya matukoy kung saan siya naroroon. Huminto siya sandali matapos masigurong walang sumusunod sa kanya.

Mahigpit na ipinagbabawal ni Roman na lumabas siya sa loob ng compound tuwing nagbabakasyon sila rito — kaya hindi niya kilala ang lugar.

But she knew one thing.

Alam niyang hindi malayo rito; may bahay-bakasyon din si William at may pag-asang naroon siya. Maaari siyang lumapit sa kanya para humingi ng tulong. Hindi niya pwedeng lapitan ang ibang mga bahay dahil alam niya na halos lahat ng mga ito ay kaibigan o di kaya ay kasosyo ni Roman sa negosyo.

“ELLA!!!!” Ang galit na tinig ni Roman ay umalingawngaw sa dilim.

Papalapit na siya.

Nilamon ng dilim ang lahat sa paligid habang tumatakbo siya; ang kanyang mabigat na paghinga ay pumupunit sa nakakabinging katahimikan ng gubat. Hindi niya nakikita ang dinadaanan, ngunit hindi siya nangahas na bumagal. 

Naputol ang mga nahulog na maliliit na sanga sa ilalim ng kanyang mga paa, at ang mga nakalaylay naman ay tumatama sa kanyang mukha. Nararamdaman niya na nagkaroon siya ng mga gasgas at dumudugo. Halos hindi niya nararamdaman ang hapdi. Nalamangan ng takot ang lahat — tanging ang matinding kagustuhang makatakas ang nangingibabaw

Sa likuran niya, naririnig ang mabibigat na yabag sa basang lupa.

Sinusundan pa rin siya ni Roman.

“Hindi ka makakatakas sa akin, Ella!”

Nagsimulang numipis ang mga puno sa paligid, ngunit halos hindi niya ito napansin. Natitisod siya, nanginginig na ang mga binti sa pagod. Nag-aapoy ang kanyang mga baga sa bawat paghinga, ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo. 

Then, without warning, tila nawala ang lupa sa ilalim ng kanyang mga paa.

Napasigaw si Ella nang mahulog siya. Nagpupumilit siyang kumapit sa anumang bagay. Hanggang sa napahawak ang kanyang kamay sa matulis na gilid ng bangin.

Tumagos ang sakit sa kanyang mga daliri habang kumakaskas ang mga ito sa magaspang na bato. Tumama ang kanyang katawan sa batuhang pader at nawalan siya ng hininga. 

For a moment, she could do nothing but gasp, her legs dangling helplessly over the seemingly endless drop.

Sumigaw siya, “Saklolo! Tulungan niyo ako!”

Dahan-dahang dumudulas ang kanyang mga daliri.

May lumitaw na mukha sa itaas.

Si Roman.

“Roman, tulungan mo ako!” nagmamakaawa ang sigaw ni Ella.

Inabot ni Roman ang kanyang kamay.

“Akin na ang kamay mo, Ella. Reach!”

Inunat niya ang nanginginig niyang braso patungo kay Roman, hanggang sa parang masunog ang kanyang balikat. Nagdikit ang dulo ng kanilang mga daliri — minsan, dalawang beses — hanggang sa mahigpit na nahawakan ni Roman ang kanyang kamay.

She saw relief in his eyes.

Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon nito.

“Roman?”

Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata.

“Hindi ka na lang sana nangialam, Ella.”

At binitawan siya nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status