NEPOOR BABY

NEPOOR BABY

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-05
Oleh:  KokoyIsMyLifeBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
12Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"Giselle, sa tingin mo ba, resort ang sakahan ko para pagtaguan ang galit ng taumbayan?" Nang makulong ang tatay niyang congressman dahil sa korapsyon, ang ultimate nepo baby na si Giselle ang naging target ng galit ng publiko. Walang mapuntahan, tumakas siya patungong probinsya para humingi ng tulong sa matalik na kaibigan ng kuya niya—si Santiago "Santi" Cueva. Sampung taon ang tanda sa kanya ni Santi. Dating mahirap na minamaliit ng pamilya niya, isa na itong kinatatakutan at matipunong haciendero. "Wala nang congressman na magtatanggol sa 'yo rito," malamig na giit ni Santi. "Kung gusto mong mabuhay, hubarin mo 'yang kaartehan mo at magtrabaho ka sa bukid." Mula sa milyon-milyong credit limit patungong pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na araw, kakayanin kaya ng isang bagsak na prinsesa ang buhay-bukid—lalo na kung ang katulad ni Santi ang makakasama niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

KABANATA 1: NEPO BABY

"Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati.

Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager.

Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag.

Siya si Giselle Monet Aragones.

Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer.

"Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yumuko na para pagbigyan ang hiling niya.

"Alright. Hindi ako sanay maghintay," sandali siyang sumisimim ng wine bago tiningan ang nasa harap. "Pero pagbibigyan ko kayo,, ang bait ko, right?" nakangiting dagdag niya.

Pilit ang naging ngiti ng staff. "Opo, nasisiraan ng bait," mahinang dugtong nito na hindi narinig nang kumindat na dalaga.

Nang maabot sa staff ang ang huling kahon ay napatayo si Giselle at napapalakpak sa saya.

"Oh, baby!" anito sa kahon.

"I-check out na po natin, Ma'am?"

"Yeah, ho ahead."

Nang i-punch na sa counter, pangiti-ngiti siyang naglabas ng ultra-exclusive black card. "Just charge it all here, thank you."

Mayabang niyang pinatong ang siko sa counter, at habang naghihintay ay tinitingan niya ang bagong kabit na fake nails.

Hanggang sa mapakunotnoo siya. Rinig niya ang Ilang beses napagwi-wip ng cashier sa terminal, pero isang nakakainis na beep ng declined ang paulit-ulit na naririnig niya.

"May problema ba sa terminal niyo? Try mo ulit, like, 500k naman ang limit niyan, eh."

Paulit-ulit na sinubukan ng cashier, kasama pa ang manager, pero paulit-ulit ding nagpapakita ang Transaction Declined.

Napapatingin na ang nasa paligid niya. Siya naman ay naiinip na humalukipkip.

"Hello? May problema ba dyan sa terminal niyo, kasi I'm pretty sure it's rusty na, kaya ayaw basahin ang card ko. Like, ang mahal ng mga tinda niyo rito, tapos hindi kayo maka-afford ng magandang machine?"

"Sorry, Ma'am," alangang sagot ng staff.

Naputol ang pagtataray niya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot habang nakataas ang isang kilay.

"Hello, my dear brother? Like, are you calling to fund my shopping spree? Kasi the terminal here is majorly malfunctioning-"

"Giselle! Nasaan ka?!" nanggigigil, tensyonado, at galit na sigaw ng kuya niyang abogado na si Christian mula sa kabilang linya. "Nasaang shop ka ngayon?!"

Napatigil si Giselle sa pag-irap dahil sa gulat sa tono ng kapatid. "What's with the interrogation? I'm just at Greenbelt, shopping for my new heels-"

"I-drop mo lahat ng binili mo dyan. Now!" putol ni Christian.

"What?!"

"I-open mo ang cellphone mo sa anumang news site sa phone mo. Tignan mo ang balita!"

"Huh? What are you talking about? Bakit may nangyari ba? I haven't paid yet kasi-"

"Gagawin mo ba ang sinasabi ko o susugurin ka nila riyan?!" bulyaw ni Christian.

"Sinong sila?"

"Wait, who are you referring to as 'them'?"

Gulong-gulo siya nang naputol ang tawag. Binaba at tiningan niyang cellphone. "Damn it!"

Nanginginig ang kamay na naghanap siya sa news app. Halos mabitawan niya ang hawak ng cellphone sa nakita.

Bumalandra sa mukha niya ang live broadcast: ang kanilang bahay sa Forbes Park, pinagkakaguluhan, sinisira ang gate, at dinudumog ng galit na taumbayan na may dalang mga placards na may katagang “Magnanakaw!” at “Ibalik ang Kaban ng Bayan!”.

Ang mukha ng tatay niyang congressman ay nakabandera sa screen habang pinuputakte ng mga alegasyon ng bilyon-bilyong pisong korapsyon.

"No, no, this is not happening," sinakbit niya ang bag at natatarantang naglakad.

"Ma'am, yung card niyo po!" habol ng staff pero dire-diretso siyang naglakad palabas at paalis ng shop.

Sumakay siya sa kulay dilaw niyang sports car. At ilang minuto lang ay palapit na siya sa tapat ng kanilang bahay sakay ng kotse, sumalubong sa kanya ang napakaraming tao.

"Is this real? This people?"

"Hindi nila alam ang ginagawa nila," matapang niyang dagdag at lumabas ng kotse.

"Hey, people!" tawag niya pero masyadong maingay at magulo para marinig siya.

Inipon niya ang hangin sa dibdib at sumigaw ng malakas. "People of the Philippines!"

Isang lalakeng may hawak na placard ang lumingon sa kanya bago nito kinalbit ang isa pa.

"Iyong anak ni Congressman Aragones?"

Napangiti siya at napahawak sa dibdib. "You recognize me?" na-touch pa rin siya dahil kilala siya ng mga ito. "I mean, I got million of followers, Who wouldn't know me?"

"Nandito ang NEPO BABY!" sigaw ng lahat.

"What- NEPO- what?" hindi niya makapaniwalang ulit.

Hanggang sa may lumipad nang isang bulok na kamatis at tumama sa mamahaling damit niya, sinundan pa ng tilamsik ng putik at tubig.

"Nepo baby!"

"Magnanakaw! Pamilya ng mga buwaya!" sigaw ng mga tao.

"Hey! Stop that! Do you know who I am?!" sigaw niya habang pinapagpagan ang damit na nadumihan, pero lalo lang lumakas ang galit ng mga tao at pinagbabato siya ng itlog.

"I said stop it!" tinakpan niya ang mukha.

"Giselle!"

Mabilis na bumukas ang gate at may humila sa kanya papasok. Itinaas niya ang mukha. "Brother Chris."

"Bakit hindi mo diniretso ang koste mo sa loob?"

"They're blocking my way. So how?"

Sabay silang napalingon magkapatid nang iharang ng mga guwardiya ang malaking bakal sa gate nila. Pilit iyong tinutulak ng galit na sigaw ng mga kapitbahay at raliyista sa labas.

Nakahawak sa dibdib si Giselle, hinihingal, at hindi makapaniwala habang pinapanood ang gulo mula sa labas.

"Brother! What is the meaning of this?! Bakit nila ginagawa ito sa atin? Look at my dress, it's ruined! And my card was declined, ano bang nangyayari?!"

"Open your eyes, Giselle!" galit na sabi ni Christian habang pilit siyang hinarap. Naguguluhan ang mga mata niyang sinundan ang bawat galaw ng mga mata nito.

"Pinagbibintangan si Daddy na kumuha ng kaban ng bayan. Bilyon-bilyon ang nawawala, at ang pondo na ginagamit natin sa lahat ng luho mo ay galing daw sa kaban ng kalsada!"

"That is so ridiculous!" depensa niya. Pilit siyang kumawala sa kapit ng kapatid. Lumapit pa siya sa gate at galit na sumigaw sa mga taong nandoon.

"Hey! Shut up! Mayaman kami, okay?! Legitimate ang kayamanan namin! My mom left a fortune, and my dad has been in politics for decade, mayor, governor, congressman! Hindi magnanakaw ang tatay ko, kaya get a life, all of you!"

Sa labas ng gate, sumabog ang mas malakas na hiyawan at galit mula sa mga raliyista habang itinataas ang mga placard at dinidikdikan ang bakal na bakod.

"Sinungaling! Magnanakaw!" sigaw ng isang lalaking may hawak na megaphone. "Ibalik niyo ang buwis ng bayan, mga buwaya!"

"Puro kayo luho habang kaming mga mahihirap ay nagugutom! Pwe!" dumura pa ito na nadidiri niyang kinaatras.

"That's unhygienic!" sigaw niya habang nakangiwi sa sobrang pandidiri. "Ew! What is wrong with you people?! May pagdura pa kayong nalalaman, do you even know how to use alcohol, hello?!"

"Maarteng maldita!"

"Huwag niyo kaming sipsipan ng yaman! Ikulong ang pamilyang 'yan! Magnanakaw! Corrupt na congressman ang tatay niyo!" sabay-sabay na sigaw ng buong grupo na parang kidlat sa lakas.

Dahil sa takot na baka masira ang gate, hinila na ni Christian ang kapatid, palayo at hinila papasok ng bahay.

"Are you insane, Giselle?! Gusto mo bang mamatay dyan sa labas?!" bulyaw ni Christian.

"Delikado ka na rito sa Maynila. Pinalilibutan na ang buong compound natin, at kahit anong oras, baka balikan ka ng mga taong galit na galit sa atin."

"So, what do you want me to do? Magkulong dito?" reklamo niya habang pinupunasan ang mantsa sa damit.

Naglalagay siya ng alcohol at hand sanitizer pagkatapos. Huminto ang Kuya niyang stress na pabalik-balik na naglalakad.

"No. Aalis ka. Kailangan mong magtago."

Namilog ang mga mata niya. "What?! No way!"

"Why I need to make tago?"

"I'm not criminal, I don't do anything against my country."

Umiling-iling si Christian at humarap sa kanya.

"Hindi sila titigil. Hindi ka nila titigilan. It won't be safe for you to be here."

Kumunotnoo lang siya.

"What do you mean? Sanay ako sa BGC, sa Makati, sa Paris! Saan naman ako pupunta, Kuya? Saan?!"

"Sa Batangas" seryosong sagot ni Christian. "Sa sakahan ng kaibigan ko. Doon ka muna mamumuhay nang malayo sa mga tao hangga't hindi ko pa naaayos ang kaso ni Daddy."

"Batangas?"

"Sakahan?!" halos ang hindi makapaniwala at inis niya. "Hello, Kuya, do I look like a farmer to you?"

"No, seriously, this is majorly a joke, right? Tell me it's a joke!"

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status