Nagulat si Cooper nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Nanlalaki ang mga matang pumasok si Jason hawak ang kanyang tablet.
“Look at this news posted five minutes ago, Pare. I saw this sa post ng kaibigan ng kapatid ko na naka-tag siya.”
“Sabihin mo na. Wala akong panahon sa tsismis.” Patuloy sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya si Cooper.
“Tingnan mo kasi. Palibhasa wala kang social media accounts kaya hindi ka updated sa balita.”
“Anong mapapala ko? Andaming problema ng bansa, Pare. Busy ako kaya lumabas ka na.” Walang pakialam na tugon niya sabay taboy sa kaibigan.
“Can’t wait to treat you guys for this sumptuous news! Bumped our idol in the airport a while ago. Zyon is here! OMG! I soooo love her! Followed with heart emojis and the picture below.” Pagbabasa ni Jason sa post.
Natigil sa ere ang kamay ni Cooper na magta-type sana sa keyboard. He was stunned for a good 20 seconds. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tumingin sa kawalan. Nanatili siya sa ganyang posisyon mahigit kumulang 3 minutes.
“My God! She is so beautiful! No! Much much more beautiful now! Those legs! Wheeew! How can a woman be blessed with such a very nice pair of legs? If ako ang mapapangasawa ni Zyon, I will get an insurance for them for millions of dollars.” Napapalatak na pahayag ni Jason sabay sipol.
Hindi nakahuma si Cooper. Tumalim ang kanyang mga mata pagkarinig sa sinabi ng kaibigan na kung ito ang mapapangasawa ng babae. Gusto man niya tingnan ang picture na sinasabi ni Jason pero para siyang ipinako sa kinauupuan. Bigla siyang napipi sa hindi niya malamang dahilan. Siguro dahil hindi niya ini-expect na uuwi ito or makikita ito kahit sa picture lang. Wala siyang social media account dahil ayaw niyang makita ito. Alam niyang hindi niya kayang pigilan ang sariling i-stalk ito at makibalita sa buhay nito. As much as possible kapag nagbabasa siya ng newspapers, iniiwasan niya ang entertainment page at baka ang babae ang naka-feature. Ayaw din niya ng mga fashion magazines sa office niya para sa mga bisita. No newspapers, magazines, brochures allowed sa office niya.
Isang oras na yatang nakalabas si Jason sa opisina niya bago niya napansing wala na ito. Wala siyang nagawa buong maghapon. Nakauwi na ang lahat ng empleyado pati ang kaibigan pero nanatili pa rin siyang nakaupo sa swivel chair niya. Malungkot ang mukhang tumingin siya sa kawalan. Hanggang isang ideya ang pumasok sa isip niya.
Gumawa siya ng dummy account sa F******k. At sinearch and pangalan ng kapatid ni Jason na si Kim. Kilala niya ito at madalas siya sa bahay ng mga ito. Habang naglo-load ang account ay hindi niya mapigilang kabahan. Napatayo siya at naglakad-lakad saglit sa loob ng opisina. Pagbalik niya ay lumabas na ang profile account ni Kim. He scrolled down pero nagtaka siya at wala namang lumabas na post na sabi ng kaibigan. Damn! Tinawagan niya ang sekretarya at tinanong kung bakit ayaw magload ng post na kanina lang. Nahintakutan naman ang sekretarya at hindi alam ang isasagot dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng boss niya. Pasigaw na ipinaliwanag ni Cooper sa sekretarya ang tungkol sa f******k account na hinahanap at hindi makita ang posts.
“Boss, b-baka po naka-private ang account k-kaya po hindi ninyo nakikita ang posts.” Pautal-utal na paliwanag ng sekretarya. Takot na takot ito kay Cooper dahil suplado naman talaga ang aura nito lalo na sa opisina kaya kapag dumating ito sa opisina bawat umaga ay parang dinaanan ng anghel ang buong working area. Lahat tahimik at nakatutok sa trabaho.
“So ano ang gagawin ko?”
“P-pwede din po i-add ninyo y-yung account at pag in-accept na po kayo s-saka ninyo po makikita ang posts.”
“Miss Molina, huwag na huwag mo masabi-sabi ito sa iba lalo na kay Jason.” Iyon lang at pinatay na ni Cooper ang cellphone.
Hawak hawak naman ng sekretarya ang dibdib pagkatapos ng tawag. Takot na ni-replay sa isip ang usapan nila ng kanyang boss. Habang si Cooper naman ay desperadong napatingin sa screen ng laptop. Pagkatapos mag-isip ay bigla niyang pinindot ang ADD FRIEND button para kay Kim. Naglakad siya ulit ng pabalik-balik nang makailang beses bago binalikan ang laptop at ni-refresh. Pero hindi pa din niya makita ang post. Tinawagan ulit ang sekretarya.
“Miss Molina, bakit hindi ko pa din makita ang post?”
“S-sir, dapat po k-kasi i-accept ka po muna ng in-add n-ninyo.” Mahinang paliawanag nito.
Iyon lang at ibinaba ulit ni Cooper ang tawag. Inabot siya hanggang 10PM sa kahihintay na i-accept siya ni Kim pero wala. Madilim ang mukhang bumaba siya ng building at sumakay sa kanyang sasakyan. Magulo ang isip na umuwi siya. Kung kumalma lang sana siya at nag-isip nang maayos, pwede din naman niyang i-search na lang directly ang pangalan ni Zyon. Pero hindi na naisip ni Cooper iyon at gulong-gulo ang utak niya pati ang puso. At dahan dahang bumalik ang nakaraan………………
Kinaumagahan, maaga pa lang ay headline na ang gagawing live presence nina Cooper at Zyon sa programang iyon. Kahit sa social media ay marami silang nababasa na nag-aabang sa interview nila. Elise’s fans are speculating that they would tell lies of course, to clear their names. Pero marami din ang nag-aabang ng pasabog nila na kampi sa dalawa kaya nag-aaway-away ang kani-kanilang fans sa social media. 3:00 PM ay nasa studio na ang dalawa. Lahat nang nakakasalubong na mga staff ng programang iyon ay binabati sila. Dumiretso sila sa isang dressing room at maya-maya pa ay kumatok ang host na bakla. “I am so amazed with how beautiful you are, Zyon! Kung maganda ka na sa screen at magazines, mas maganda ka sa personal. Your beauty exudes sexiness and you are glowing! My gosh! Parang hindi ka na-stress sa mga atake sayo ng kabilang side.” “Coz I am not guilty, Tito. Kung ako lang, ayaw ko nang pansinin ang ganitong isyu
Kinabukasan, pagkagising nila at pagkatapos kumain ng breakfast, namili sila ng mga pasalubong para sa kani-kanilang pamilya, kaibigan at kasamahan sa bahay.7:00 PM ang flight nila kaya 5:30 PM ay nasa airport na sila. Kinabukasan na ang dating nila ng Pinas kaya matapos makaakyat ng eroplano ay sinubukan nilang matulog.9:00 AM nang dumating sila ng Pilipinas. Iniwan ni Cooper ang sasakyan nito sa airport nang umalis ito kaya hindi na sila nagpasundo. Hinatid siya nito sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok ay agad tinawag ng dalaga ang ama.“Dad!” She knew that he is at home dahil linggo at wala itong trabaho.“Ohhhh, Zyon! I’ve missed you, princess.” At niyakap siya ng ama paglabas nito sa library.“ I am sorry, Daddy! Hindi ako nagpaalam at….”“Shhhh…It’s okay. Alam kong may malaki kang
Maagang nagising sina Cooper at Zyon. Para sa kanilang dalawa, iyon ang pinakamapayapang gabi sa buhay nilang pareho at ang ganda ng gising nila. Matapos ang mahabang halik ay agad na bumangon ang dalawa.“I’ll make our breakfast then you can take a bath and get ready for today’s outing.” Nakangiting wika ni Cooper sa dalaga.“No. I’ll make breakfast for both of us.”“Babe, let me do it. Gusto kong pagsilbihan ka on our first breakfast together.”“A-are you sure?" Nag-aalangan at parang nahihiyang sabi ni Zyon.“Yes, of course. Now get ready.”Mahinang tumawa si Cooper habang napapailing na nakatingin sa papalayong dalaga. Pumasok na ito sa loob ng bathroom. Dahil ang totoo, alam niyang hindi marunong magluto ang dalaga. Pampered na pampered ito ng ama at ng yaya nito. At kahit nang nasa
8:00 PM. Zyon went to the restaurant she and Sean agreed to meet up. He invited her for dinner. Nakita niya itong nakaupo sa table na pina-reserve nito habang may kausap sa phone. Nang makita siya ay kumaway ito at ibinaba ang phone.“How are you?” Agad na tanong nito pagkalapit niya. Tumayo ito para halikan siya sa pisngi.“I’m good. I am hungry. Did you order our food already?”“Yes. Always your favorite.”At natawa siya sa sinabi nito. Alam na nito kung ano ang gusto niya sa mga menu sa restaurant na iyon. Masaya silang nagkwentuhan. Hindi nila in-open ang topic ng dahilan nang pagpunta niya doon. Basta ang sinabi niya lang sa lalaki nang tawagan niya ito na aayusin at kukunin niya ang ibang mga importanteng gamit sa naiwang apartment and she is letting go of her apartment too.Matapos ang halos dalawang oras na kainan at kwentuhan ay
“I am very disappointed with you, Ogie! Hindi ko akalain na magagawa ninyo ito sa anak ko!”“I..I am very sorry, Mr. Mercado. Wala akong kaalam-alam sa mga plano at pinanggagawa ni Elise. She maybe is my talent pero hindi ko alam na gagawin niya ito.”“Kahit na. You damaged my daughter’s reputation publicly and I’ll make sure that anyone involved in this matter will pay! Also, forget your business partnership proposal of putting up an agency together with me. I would like to build an entertainment agency for my daughter and I first thought that you running it, would be a success! But I can see now that you do not manage your talents efficiently! The movies you offered to be produced and financed by me, I am withdrawing from it also! Nagkamali kayo ng binangga! I’ll see your talent in court!”Iyon lang at ibinaba na ni Rafael ang telepono. Galit na galit siya. Hindi ni
6:00 AM. Nagising si Cooper sa tunog ng alarm clock niya sa bedside table. Kahit na siya ang may-ari ng kompanya ay maaga siyang pumapasok kaya nasanay siya na may alarm clock bawat umaga.Nakangiti siya habang nakapikit pa ang mga mata. The memories of what happened last night came rushing back in. Kinapa niya ang katabi ngunit nangunot ang noo niya nang maramdamang bakante ang espasyong katabi niya na kagabi lang ay okupado ng dalaga. Bumalikwas siya ng bangon at nang makitang wala ito sa loob ng silid ay dali-dali siyang bumaba ng kama, tinungo ang banyo, mahinang kumatok sabay tawag ng pangalan ng babae. Nang walang sumagot ay pinihit niya ang door knob saka pumasok. Wala ito doon.Natatarantang lumabas ng banyo si Cooper saka hinagilap ang cellphone niya. Nakita pa niya ang damit ng babaeng nakatupi sa paanan ng kanyang kama. Tinawagan niya ang guard sa ground floor para tanungin if nakita nitong lumabas ang dalaga. Kinumpirma naman ito