Maraming salamat! Kamusta ang pakiramdam? este, emotion pala!
Mag-uumaga na. Ngunit nanatiling gising ang diwa ni Andres. Nakatayo siya sa paanan ng kama habang nakatunghay sa himbing na natutulog niyang asawa. Napagod niya ito.He made love to her three times, and he knew that right at this moment she felt sore. Naguguluhan siya sa kung bakit ito birhen. He wanted to ask her but he didn't have the courage. Napipipi siya sa tuwing magtatanong siya.Posible kaya na sumailalim ito sa isang operasyon upang ibalik ang pagkabirhen nito? Mahigit isang buwan din ang nakalipas simula ng huli niya itong nakaniig. Isang buwan ay sapat na upang maghilom ang operasyon.Siguro nga. Gusto niya na lang paniwalaan ang nasa isip. Marahil ay ginawa nito iyon para sa kanya. Mula sa isiping iyon, ay tila lumukso ang puso niya. Bumalot muli ang matinding tuwa. Ang totoo ay okay lang sa kanya na kahit hindi na intact ang pagkababa3 nito. Her vîrginity is not a big deal to him, it was just a hymen na pwedeng mapunit kahit sa simpleng mga physical activities like ri
“Tell me, sino sa amin ng ice cream na ito ang mas masarap?” seryosong tanong nito sa kanya habang mataman na nakatittig sa kanya.Wala sa sariling napa-ubo siya ng sunod-sunod. Nahaplos niya ang dibdib. Andres cracked up, sabay hinaplos nito ang kanyang likod. Ano ba kasing klaseng tanong iyon? “Love sagutin mo ko,” ani pa nito habang panay ang haplos nito sa kanyang likod. “Ang ice cream.” Agad niyang tugon.Hindi rin naman kasi niya pwedeng sabihin na masarap ito. Bakit ba kasi nito ikinumpara ang sarili sa ice cream?“Ang ice cream? Sigurado ka na mas masarap ang ice cream kesa sa'kin? Hindi nga?!” pabulong nitong tanong sa kanya sabay lapit ng mukha sa kanyang mukha. Bahagya na naatras niya ang sarili at dumikit ang likod sa backrest ng upuan.“E kasi naman ano.” “Ano?!” Naghahamon nitong tanong sabay mas lumapit pa sa kanyang mukha. Magkadikit na ang kanilang mga ilong at ang kanilang mainit na mga hininga ay tumatama sa isa't-isa. “E kasi, pag-pagkain ang ice cream. Hindi ka
“This place was amazing!” Mahinang usal ni Destiny habang nakatanaw sa nagkikislapang ilaw ng siyudad. Nasa Bunkers del Carmel sila sa mga oras na iyon. Lugar sa Barcelona kung saan tanaw ang siyudad ng Barcelona. Hindi accessible sa mga tourist ang Bunkers del Carmel tuwing gabi. Nagkataon na taga rito si Isabella at naimbitahan sila ng pamilya nito sa isang dinner. Kinabukasan ng hapon ay babalik na sila ng sariling bansa.“You wanna live here?” Yumakap si Andres mula sa kanyang likuran at hinalikan siya nito sa tuktok ulo. “We can buy a property here if you want.”“Maganda ang lugar, pero mas maganda parin ang bansa natin. Mas gusto ko sa atin tumira at bumuo ng pamilya, malapit sa mga magulang mo at pamilya ko.”“Bumuo ng pamilya?” Andres let out a soft laugh and then sighed. “Sounds good. Ilang anak ba ang gusto mo? Apat, anim o sampu kaya? Kung ako ang tatanungin mo. I prefer ten, isang team sa basketball at meron ng substitute at taga cheer.”“S-Sampu?” gulat niyang bulalas. Ka
“Don't let yourself fall for him. Pigilan mo ano man ang nararamdaman mo para kay Andres habang maaga pa. Andres is not the man you think he is. He has a demon inside him, and the moment he will unleash that demon inside him, it will surely hurt you and the people you loved.” Those words Red said, echoed in his head. Hindi iyon mawala-wala sa kanyang isip. Bigla ay nabitawan niya ang paring knife, bumagsak iyon sa sahig at naglikha ng ingay sa loob ng kusina. “Iha, Destiny?” Si Manang Ada na agad hinawakan ang kanyang kamay.“O-Okay lang po ako, Manang, Ada.” “Anong okay ang pinagsasabi mo na bata ka? Ayan nga at dumudugo ang hintuturo mo, o!” Hinila ni yaya Ada ang naroong rattan chair at pinaupo siya. “Umupo ka. Linisin natin iyang sugat mo.”“Okay lang talaga ako manang. Maliit lang naman ang sugat. Hindi naman po ito umabot sa bituka.” Nakangiti niyang tugon sa may edad na natataranta sa paghahanap ng band-aid sa kabinet.“Nasaan na ba yun? Dito ko lang naman iyon nilagay kahap
Nasa tapat na siya ng opisina. Hinawakan niya ng mahigpit ang seradura. Humugot siya ng malalim na paghinga saka iyon pinihit pabukas. “Andres, you've been ignoring me for a month now. Akala ko ba walang magbabago sa atin kahit kasal kana kay Serenity. ‘E ano itong ginagawa mo?” Lumapit si Bernadeth kay Andres sabay yumakap ito ng mahigpit. Nakatayo ang dalawa sa tapat ng glasswall panel na katabi ng two seated sofa. Para siyang natuod sa kinatatayuan habang nakatitig sa dalawa. “Stop this, Bernadeth. May asawa na akong tao. Kung sana ay hindi mo nalang sinabi sa ‘kin iyang naramdaman mo baka maging okay pa tayo.” Hinawakan ni Andres sa magkabilang balikat si Bernadeth at pinilit nitong binabaklas ang mga braso na yumayakap dito.“Kailangan ko sabihin sayo ang nararamdaman ko, dahil pakiramdam ko ay nasasakal na ako. Ano ba kasi ang meron sa babaeng yun na wala ako?” kinabig nito si Andres sa batok at siniil nito ng halik sa labi si Andres.Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa m
Ang kaba at takot sa dibdib ni Andres ay tila domoble ng makitang sa tapat ng isang malaking hospital na gusali tumigil ang taxi na sinasakyan ng asawa niya. ‘What the hell is she doing in the hospital? May sakit ba ito?’Mula sa naisip ay gumapang ang lamig sa kanyang buong sistema. He suddenly felt scared. Nakita niyang patakbo na pumasok ang asawa niya sa loob ng hospital. Walang pag-dalawang isip na bumaba siya ng kanyang sasakyan at sinundan ito. pumasok ang asawa niya sa lift. “Love, wait!” Tawag niya. Ngunit hindi siya narinig nito. Bago pa niya tuluyang marating ang lift ay tuluyan na itong sumara. “Shìt!” mura niya sabay napahampas sa hangin. Sumuot ang mga daliri sa buhok at muling napamura.Tumingala siya. Nakita niyang tumigil sa fifth floor ang lift kung saan lulan ang kanyang asawa. Bumukas ang katabing lift, at ng makalabas lahat ng tao mula sa loob ay agad siyang pumasok. Agad na pinindot niya ang numero ng floor.“Andres, wait!” si Bernadeth. “Sasama ako.” Hinayaa
Fvck no!No!Ayaw tanggapin ng sistema niya ang namumuong ideya sa kanyang isip. Ang mga luha ni Red, ang pagyakap nito sa babae ay sapat nang katibayan na ang babaeng nasa mga bisig nito ay walang iba kundi si Serenity. Si Serenity na sobrang minahal nito at minahal niya.But fvck, ayaw iyon tanggapin ng buong pagkatao niya. “No, no, it can’t be!” Mahina niyang usal kasabay ng pagtaas baba ng dibdib. Palipat-lipat ang tingin niya sa babaeng yakap ni Red at sa babaeng nakaupo sa isang wooden stool na panay ang pag-agos ng masaganang luha. “Serenity, Serenity!” paulit-ulit na sambit nito. Hindi pwede. Asawa niya ang babaeng umiiyak ngayon. Ito si Serenity at hindi ang babaeng yakap-yakap ni Red. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Ang kanyang paghinga ay tila bumabagal. Huminga siya ng malalim at marahas na bumuga ng hangin at mariin na lumunok. Gusto niyang mag salita ngunit maging ang sariling tinig ay hindi mahagilap. Takot ang kanyang nararamdaman. Matinding takot sa maaaring mad
“Everything that happened inside this room will remain in this room. And you, Destiny mananatili ka sa katauhan ni Serenity. You must continue to act as Serenity and as my wife. Hindi pwedeng malaman ng publiko na wala na ang totoong Serenity. The moment the public knew, pupulutin kayong lahat sa kangkungan and I would burn down the Altamerano Prime holdings and turn them into ashes.” Tinalikuran ni Andres si Tita Catalina at ang babaeng nagpanggap na si Serenity na asawa niya. He left. Lulan na siya ng kanyang sasakyan at sa loob ng kanyang sasakyan ay kumawala ang malakas na sigaw kasabay ng paghagalpas ng hagulgol. Pinakawalan niya ang matinding bigat sa dibdib. Yumakap ang mga braso sa steering wheel ng sasakyan at ipinatong ang noo sa braso at sumigaw ng paulit-ulit. He cried and shouted at the top of his lungs.“Tama na! Tama na, Andres!” Hinayaan niyang yakapin siya ni Bernadeth. Maging ito ay sinabayan siya sa pagluluksa. Pagluluksa sa nasaktan niyang puso at buong pagkatao