Muli ay niyakap siya nito ng mahigpit. Sa pagkakataon na ito ay sa dibdib niya ibinaon nito ang mukha. Sa wakas, tuluyan ng nawala ang lahat ng pangamba at bigat sa dibdib. The forgiveness she longed for the past seven years has been granted.“Tama na. Baka magising ang mga bata.” Medyo malakas kasi ang hagulhol nito. Nag-alala siya na baka biglang magising ang mga bata dahil sa ingay na likha ng kanilang mga pag-iyak.Marahan itong kumalas mula sa pagyakap sa kanya. Pinahiran nito ng kamay ang mga luha habang nanatili itong nakaluhod sa kanyang harapan. “Destiny,” tumingala ito sa kanya. Ang mga mata ay pulang-pula maging ang tungki ng ilong ay ganun din. “Please, allow me to make it up to you and the kids. Hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sa mga anak natin.” “Andres, hindi ko sila ipagkakait sayo. Ipagtatapat ko sa mga bata ang totoo. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon,” huminga siya ng malalim at yumuko. “Marami ng nagbago. Maraming bagay ang dapat natin isaalang-alang
Nasa ilalim ng rumaragasang tubig ng shower ang hubo’t-hubad na katawan ni Andres. Nakatukod ang dalawang kamay sa tiled wall at nakayuko. Pikit ang mga mata habang naglalaro sa isip ang imahe ng kanyang mag-ina.Ang mala-anghel na mukha ng kanyang mag-ina. Agad na iminulat niya ang kanyang mga mata. Mabilis na tinapos niya ang kanyang pagligo. Kailangan niya ng makabalik ng hospital, bago paman siya maunahan ng asong ulol na iyon.Covering his private part with a piece of towel, he left the bathroom. Napatda pa siya ng pagbukas ng pinto ng bathroom ay nakatayo sa bungad si Bernadeth. Naghihintay ito sa kanya.“Will you please give me privacy, Bernadeth,” aniya na nilakipan ng sarkasmo ang tinig.Sa halip na sundin siya nito ay humakbang pa ito palapit sa kanya kasabay ng mabilis na pag yakap ng mga braso nito sa kanyang katawan. Kung gaano ito kabilis na yumakap sa kanya ay ganun din niya kabilis na iwinaksi ang mga braso nito.“Andres.”“Don’t you understand what I'm saying?” He fe
Kapwa mayroong mga pasa ang kanilang mga mukha ng pumasok sa loob ng hospital. Sinalubong pa sila ng medical staff dahil akala ng mga ito ay magpapagamot sila.“Hayop!” angil ni Greg habang pinupunasan nito ng daliri ang kaliwang bahagi ng labi.“Sa ating tatlo ay ikaw itong hayop. Isang asong ulol. Nang dahil sayo ay kalat na ngayon sa mga online news ang mukha ng mag-ina ko. Tangina mo!” Ganting angil niya.Mahina ang kanilang mga tinig at hindi halatang nagbabangayan. Kaswal lang silang tatlo na naglalakad sa hallway at tinutungo ang kinaroroonan ng lift. Ang mga tao na nakasalubong nila ay napapalingon sa kanila.“Asong ulol, huh?!” Greg laughs sarcastically in a low tone. “Asong ulol na may breed, samantalang ikaw ay ulol na nga askal pa.” Kusang umangat ang kanyang kanang braso kasabay ng pagkuyom ng kamao. Ang hinayupak, talagang inuubos nito ang pasensiya niya. Ngunit bago paman dumapo ang kanyang kamao sa mismong batok ni Greg ay mabilis na napigilan ni Red ang kamay niya.
Nakapatong ang mga siko sa nakabaluktot na tuhod at salo ng mga palad ang mukha. Pikit ni Destiny ang mga mata habang panay ang kastigo niya sa sarili. Ang kanyang puso ay tila kabayo na sumisipa sa loob ng kanyang dibdib, at maging ang paghinga ay marahas.Habang pikit ang mga mata ay naglalaro sa isip ang paglapat ng labi nila ni Andres sa isa’t-isa. Simpleng paglapat lang iyon, but the friction was felt all over her being. “Mapapatay kita, Destiny, mapapatay kita!” Bernadeth's voice suddenly echoed in her head. Naangat niya ang mukha. Naglalaro sa isip niya ang eksena kung paano siya lumaban kay Bernadeth sa loob ng toilet cubicle kung saan siya nito kinulong.Iniharang ni Bernadeth ang katawan nito sa pinto ng cubicle upang hindi siya makalabas. Bernadeth even slapped her, at sa unang pagkakataon ay lumabas ang tinatago niyang tapang. She grabbed Bernadeth in her arms, sabay hinila niya ito sa mahaba nitong buhok at walang kahirap-hirap na ininud-nud niya ito sa naroon na toile
Sa isang supermarket malapit sa hospital sila tumungo. Bumili siya ng mansanas dahil bigla ay gustong kumain ng mansanas ng mga anak niya.Suot ni Destiny ang isang baseball cup at nakasuot ng isang leather jacket na itim. Sumbrero ni Andres at leather jacket nito ang kanyang suot na nasa loob ng sasakyan nito.Alam niya ang rason kung bakit ayaw ni Andres na maibalandra ang mukha niya. Walang alam ang publiko sa totoong pagkatao niya at hindi rin alam ng mga ito na wala na si Serenity. Mabibilang lang sa daliri ang mga taong may alam sa totoo niyang pagkatao. “Wala akong ibang iniisip kundi ang protektahan ka at ang mga anak natin. Like what I've told you. Esentro mo ang paningin mo sa mga taong mahalaga sayo at takpan ang tenga sa mga ingay na maririnig mo mula sa labas. Please, trust me and leave everything to me.” Sa halip na matuwa sa sinabing iyon ni Andres, ay mas lalo siyang kinabahan. Tahimik na pamumuhay lang naman ang gusto niya at makitang masaya ang mga anak niya. Alam
Walking down memory lane, the scene of Bernadette and Andres was the most painful. Sa tuwing naalala ni Destiny ang tagpong iyon ay hindi niya maiwasan ang masaktan. “What should I do for you to forgive me?” “I already forgave you a long time ago, Andres.” Humarap siya kay Andres kasabay ng isang ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. Walang pag-aalinlangan na hinaplos niya ang pisngi ni Andres. “Ama ka ng mga anak ko, Andres at sapat na dahilan na iyon upang patawarin kita. We both made mistakes. Kapwa tayo nagkamali at nasaktan ang isa't-isa, and forgiveness is what we both need for us to live peacefully. May mga anak tayo at ang mga anak natin ang dapat natin pagtuunan ng pansin at hindi natin magagawa iyon kung may galit at hinanakit pa rin sa mga puso natin.” “Destiny.” Muli ay isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kanya. There is no second thought. She hugs him back. “Mama!” Tili ng kanilang mga anak ang sumalubong sa kanila. Nagsilundagan ang mga ito mula s
“Ano daw?” Si Amaya na tila nabigla at hindi na proseso ang sinabi ng ama.“Sabi niya Amaya, I. Am. Your. Father.” Si Amihan na binanggit ang sinabi ng ama na inisa-isa ang bawat kataga. “Siya daw ang papa mo, Amaya!” “Pa-Papa ko?”Andres swallowed hard. Bigla itong nataranta. “Oo, siya daw ang Papa mo,” pagpapaliwanag ni Amihan sa kambal nito bago bumaling sa kanya. “Ibig sabihin ba mama ako lang ang anak ni Dada Red?”“Fvck!” Mahina na napamura si, Andres. Siniko niya ito at pinanlakihan ng mga mata. “Nasa harap ka ng mga bata. Wag kang magmura.” saway niya.Hinarap niya ang mga anak kasabay ng mahinang tawa. “It's not funny, Destiny.” Bulong ni Andres sa kanya sabay pisil ng kanyang hita na ikinaigtad niya. “Anak, Amihan hindi ganon iyon. Ikaw at si Amaya ay sabay na lumaki sa loob ng tyan ni Mama at sabay kung iniluwal. Ibig sabihin iisa lang ang papa ninyo ni Amaya.” “E diba nga mama, si Joyce na klasmet ko at ang ate niya na si Matet iba-iba ang tatay. Si joyce tatay niya
Dalawang araw na ang nakalipas ngunit walang Andres na dumalaw. Nakatayo si Destiny sa balkonahe at nakatanaw sa labas. Nagbabakasakali na matanaw si, Andres. Iniisip niya kasing nasa labas lang ito ng bahay ni Greg at palihim itong sumisilip.Nitong nakaraang araw kasi ay napapansin niya ang isang itim na kotse di kalayuan mula sa bahay. Natatanaw niya iyon mula sa balkonahe. Naisip niya na baka si Andres ang sakay ng kotse at palihim na sinisilip ang mga bata.“Andres.”Napahaplos siya sa kanyang dibdib. God knows how much she wanted to be with him. After all these years, she still loves him. Walang nagbago sa nararamdaman niya para rito. Ngunit kailangan niyang pigilan ang pagnanais na makasama ito alang-alang sa kapakanan ng mga anak at nakakarami. She felt concaveness deep in her heart, and she knew that only Andres could fill the hole of emptiness she felt. Papalubog na ang araw. Ilang oras mula ngayon ang maghahari na naman ang dilim. “Andres!” Napakapit ang mga kamay niya