LOGINWARNING: R+18 Dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang ina, napilitan si Trina na pumalit bilang kasambahay sa kilalang pamilya Aravazon. Doon niya nakilala ang kanyang amo, isang ubod ng istrikto at misteryosong lalaki, kilala bilang halimaw sa mundo ng negosyo, ang bilyonaryong Russian na si Ark. Dahil ang tanging pinagkakatiwalaan ni Ark ay ang ina ni Trina, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang dalaga sa kanyang tahanan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unti siyang nahuhulog kay Trina, isang bagay na alam niyang hindi dapat mangyari. He’s thirty-six, wala pang naging asawa o seryosong karelasyon, habang si Trina ay dalawampu’t lima pa lamang, no boyfriend since birth. Ang tanong, magustuhan din kaya siya ni Trina? O tuluyan niya itong itataboy dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad at sa mga sandaling nagdudulot ng init sa pagitan nila?
View MoreTRINA'S POV
"Naku, pasensya ka na, Miss, pero hindi kami hiring eh," wika ng babae pagkatapos tingnan ang resume ko. Hilaw akong ngumiti at tumango. "Salamat po." Tumalikod na ako at napabuntong-hininga. Ang hirap na maghanap ng trabaho ngayon. Kung hindi pasok sa taste nila, full naman iyong iba. Eh itong pinuntahan ko, nakalagay doon sa labas nila, hiring naman, pero wala, mukhang ayaw nila. Napakamot na lang ako ng ulo at naghanap ng masisilungan. Tirik na tirik ang araw, kaya baka bukas ko na lang din ito ituloy. Sa totoo lang, ayoko nang maging tambay sa bahay. Ilang buwan pa lang simula nung gumraduate ako sa college, pero bored na ako. Kating-kati na akong magtrabaho at tumulong kay Nanay. Iyong kasi kapatid ko na lalaki, tamad, puro lustay at inom ng alak kasama ang mga barkada. Ang sakit sa ulo. "Kainis!" Napapadyak ako sa sahig at napatingin sa lalaking dumaan na muntik ko nang masagi. "Pasensya na po." Pero napataas ang kilay ko nang mapansin ko itong naka-sunglasses at full black outfit. Mafia ba 'to? O sumasabay lang sa trending? Ang init-init tapos balot na balot. Hindi ba siya naiinitan? "Watch what you're doing," salubong ang kilay nitong sabi. "Pasensya na po, Sir." "Tch." Ang sungit. Makauwi na nga. Palubog na ang araw nang mapagpasyahan kong umuwi na. Habang nasa tapat na ako ng sa amin, nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Kuya na nag-iinom na naman. Lagi na lang. Napailing na lang ako at nilagpasan sila. Pero hindi pa ako nakakalayo, tinawag niya ako. "Trina, may pera ka ba dyan?" lasing niyang tawag. "Libre mo naman ako oh." Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko itong sumabay sa akin. "Trina naman!" Tumigil ako at humarap sa kanya. "Alam mo Kuya, tumigil ka na kakainom! Kung sana ipinapakain mo na lang 'yan sa mag-ina mo, matutuwa pa kami ni Nanay! Hindi ka ba naaawa sa kanila?!" sigaw ko. Punong-puno na kasi talaga ako sa kanya. Natulala ako nang hampasin niya ako sa ulo. "Bastos ka ah! Palamunin ka rin naman katulad ko! Tambay ka rin, Trina!" sigaw niya pabalik. Napakagat-labi ako sa inis hanggang sa malasahan ko na ang dugo ko sa labi. "At least ako, naghahanap ng trabaho! Hindi iyong puro inom lang!" Hahampasin na sana niya ako ulit nang makita niya si Rick, iyong tanod sa amin. "Pasalamat ka nandito si Rick, bwisit ka!" Saka siya lumiko pabalik sa kanila. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at nginitian na lamang si Rick. Nakakahiya! Pagdating sa bahay, hindi pa man ako nakakaupo sa gawa sa kahoy naming upuan ay humahangos na pumunta sa akin ang kaibigan ko na si Rina. "Trina! Iyong nanay mo sinugod sa ospital! Na-stroke daw!" balita niya sa akin, dahilan para mapatayo ako. "A-Ano?!" bulalas ko. Okay naman siya no'ng iwan ko siya kaninang umaga. Bakit na-stroke? Agad kaming pumunta sa ospital at nakita si Nanay na naka-oxygen. May asthma si Nanay at ngayon, na-stroke pa. Ano na ang gagawin ko?! Hindi pwede 'to! Dapat may gawin ako! Hindi ko mapigilan at napaluha na lang ako. Pakiramdam ko nakadagan lahat sa akin. Nagbantay kami ni Rina sa ospital ng magdamag. Makalipas ang ilang araw, gising na si Nanay, pero naka-oxygen pa rin at hindi na makagalaw. Sabi ng doktor, mas makakabuting sa ospital muna siya para ma-monitor kaya wala akong nagawa kundi pumayag. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera pampagamot ni Nanay at sa hospital bills. Sumubok akong mag-apply, pero ganoon ulit. Wala pa ring tumanggap sa akin. "Trina, hinahanap nila ang Nanay mo sa mansyon ng mga Aravazon. Kung hindi raw siya makakapasok, ikaw na lang daw ang pumalit," wika ni Rina na nagtatrabaho rin doon bilang taga-ayos ng mga bulaklak. "Nirecommend din kita sa mayordoma. May natapos ka naman at magaling kang mag-English, kaya kayang-kaya mo sabayan ang amo natin na Russian." Russian? Taga-ibang bansa? "Mabait naman 'yon," tila nag-aalinlangan pa niyang sabi. "Saka... kailangan talaga. Umutang pa naman ang Nanay mo sa kanila para sa diaper at gatas ng anak ng kuya mo." "Ano?! Magkano?!" Napatayo ako. Pinagtinginan tuloy ako. "M-Magkano?" Napakamot siya ng ulo. "Uh, hindi lang 'yon. Pambayad din ng mga utang sa tindahan, sugal, at inom." "Anak ng—alam mo ba kung magkano?" "Hindi ko alam, kaya kailangan mong magtrabaho doon. Magkasama naman tayo. Saka kailangan mo ring magbayad ng bills at gamot ng nanay mo kaya tanggapin mo na." "May choice pa ba ako?" Napahilot na lamang ako ng noo. Dahil may mga nurse naman na nagbabantay kay Nanay, pumunta na ako sa mansyon ng mga Aravazon kasama si Rina. Hindi ko maiwasang kabahan. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako nang malamig. "Does she know how to speak English? How many languages does she know? Is she like her mother?" Narinig kong tanong ng lalaki sa loob, malamig ang boses at malalim. Parang gusto ko nang umurong sa sobrang kaba. "If she disappoints me, I'll drag her mother here—" "Trina!" sigaw ni Rina nang pumasok ako sa loob. "I know many languages, Sir!" sigaw ko at napatulala nang makita ang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. Basa ang buhok at kumikinang ang kumpletong abs dahil sa tubig na dumadaloy doon. "M-Marunong po ako! I can help you, Sir... if you want?" Tumaas ang kilay niya. "And... you must be Trina? The substitute maid?"Napalunok si Trina nang mapagtantong siya nga, si Ark, ang asawa niya. Alam nila pareho ang mission, pero dahil hindi na gusto ni Ark na isama pa si Trina, mukhang lalala pa ang away nila.Ark was wearing a tailored charcoal-gray three-piece suit that framed his broad shoulders perfectly. His hair was neatly slicked back, his jaw tight, and his eyes completely devoid of the warmth he used to reserve only for her. Ibang-iba na ito kumpara noon. Kung siguro hindi ito nagbago, baka kinindatan pa siya nito ng palihim, pero ngayon, wala. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. He looked every bit the ruthless, untouchable billionaire CEO. Cold, calculated, and sharp. Kinakatakutan pa rin sa mundo nila kahit paiba-iba ito ng pangalan."Mr. Vanguard, glad you could make it," Senator Gatchalian stood up to shake his hand."Let's just get this over with, Senator," Ark replied, his deep, baritone rasp sending a familiar shiver down Trina's spine. Hindi man lang ito ngumiti. "I have another meet
"Ark," mahinang tawag ni Trina sa asawa. Seninyasan niya ang mga anak na pumasok sa kwarto dahil alam niyang wala sa mood ang asawa niya dahil sa mission na muntik niyang ikamatay. "Ark, please, talk to me. It wasn't your fault. I did that to save others."Marahas na napasuklay ng buhok si Ark bago lumingon sa kanya. Natigilan si Trina nang makitang kagat nito ang ibabang labi, namumula ang mga mata hanggang sa tumulo ang mga luha. "S-Save others, Trina? No! You fvcking shield yourself for me! Simula ngayon hindi na tayo tatanggap ng mabibigat na mission and that's final, Trina! Ayoko! Ayokong mawala ka! Ayokong iwan mo 'ko! Ayoko! Please, Trina, don't argue with me!""Ark—"She was cut off when Ark punched the wall. Ilang beses, paulit-ulit, hanggang sa tumungo siya sa balkonahe, isinara 'yon at sumigaw nang sumigaw. The cold glass doors of the balcony felt like a barrier between two completely different worlds. And his screams sounds of a man breaking apart, heavy with a kind of ter
Huminga nang malalim ang lalaki. Lumapit siya nang kaunti sa monitor at may pinindot na keyboard command para i-bring up ang frozen screen ng transaction log na iniwan ng commander bago maputol ang tawag."May isang partikular na detalye sa report na ipinakita kanina. Tumingin ka rito sa raw hex code ng leak signature," he pointed a blunt finger at a seemingly random string of alphanumeric characters on the screen.Napakunot ang noo ng babae, leaning closer to inspect the lines. "It looks like a standard high-tier encryption bypass. anonymous routing script. Ano'ng meron dyan?""Tingnan mo 'yong pattern ng back-door injection," Ark explained. "Normal hackers or even rogue agency employees use clean, systematic overrides. Pero itong isang 'to, it leaves a deliberate, double-looped echo in the routing table. It’s an old counter-intelligence signature."Trina’s heart skipped a beat as she stared at the screen. Meron nga. "Parang pamilyar ang encryption code na ginamit sa leak..." she whi
Napakunot ang noo ni Trina, sensing the sudden shift in the atmosphere. "Masyado pang maaga para sa briefing. Hindi ba dapat mamayang gabi pa ang bagsak ng files sa atin?"Tumango si Ark. The playful husband from a few seconds ago was officially gone. Kapag ganito na ang usapan, talagang seryoso na. "Iyon din ang iniisip ko, wifey. Something is definitely wrong. Ang protocol sa priority transmission na ganito, it’s either accurate intel updates or total chaos."Pinindot ni Trina ang flashing button sa screen. The display flickered for a brief second bago tuluyang lumitaw ang mukha ng isa sa mga high-ranking commanders ng organisasyon. The man looked incredibly grim, lines of stress was visible on his forehead, carrying the heavy weight of bad news."Agent Trina. Agent Ark," the commander greeted them formally, his tone rigid and completely stripped of any warmth."Sabi na nga ba," mababang bulong ni Ark sa tabi ni Trina. He crossed his arms, expecting bad news."May emergency adjustme












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews