CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2026-05-11
By:  LykaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa likod ng inosenteng mukha at mahinhin na kilos ni Diana Ross Lynch ay isang madilim na katotohanan siya ay si Ms.Goat. ang pinakamatapang na assassin ng isang lihim na organisasyon. Ngunit sa isang misyong nagkaproblema, napilitan siyang magtago sa ilalim ng isang bagong pagkakakilanlan. Ang paraan ng kanyang pagtatago? Ang maging asawa ng pinakamakapangyarihan at pinakamabangis na bilyonaryo sa bansa si Tyrone Zyrtec Glad. Para kay Tyrone, si Diana ay isang mahinang babaeng nakuha niya mula sa isang business deal. Siya ang kanyang "Unexpected Mrs." Isang pag-aari na maaari niyang kontrolin. Bilang isang ruthless billionaire, sanay si Tyrone na lahat ay sumusunod sa kanya. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang kailangang protektahan ay kaya siyang patayin sa loob lamang ng ilang segundo. Ang kanilang pagsasama ay naging isang mapanganib na laro ng pusa at daga. Habang ipinapakita ni Tyrone ang kanyang pagiging possessive at malupit, palihim namang tinatapos ni Diana ang kanyang mga misyon sa gabi. Ngunit habang tumatagal, ang pader na itinayo ni Diana ay dahan-dahang gumuguho. Ang bawat haplos ni Tyrone ay may hatid na kuryenteng hindi niya dapat nararamdaman, at ang obsesyon ng lalaki ay nagsisimulang maging totoo. Ngunit paano kung matuklasan ng isang Tyrone Zyrtec Glad na ang kanyang mahinang asawa ay ang assassin na inutusan ding pumatay sa kanya? Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pag-ibig ay isang lason na walang lunas. Sino ang mas nakamamatay ang bilyonaryong walang puso, o ang asawang may hawak na patalim sa likod ng kanyang mga yakap? Dito magsisimula ang totoong gulo, dahil sa oras na malaman ni Tyrone ang lihim ni Diana, sisiguraduhin niyang walang sinuman ang makakaagaw sa kanyang nakamamatay na Mrs.

View More

Chapter 1

Chapter 1 FIRST GOAL IS TO BECOME HIS WIFE

AUTHOR POV:

Sa loob ng isang madilim na warehouse sa Port Area, tanging ang patak ng ulan sa bubong at ang mabibigat na hininga ng isang lalaki ang naririnig. Ang lalaki ay nakatali sa isang bakal na upuan, duguang-duguan at halos hindi na makadilat.

Sa harap niya, nakatayo si Tyrone Zyrtec Glad.

Kahit madumi ang paligid, mukhang perfect pa rin ang kanyang black suit. Hawak niya ang isang luma at kupas na picture ng kanyang ina.

"I’ll ask you again." malamig na sabi ni Tyrone. Ang boses niya ay parang babala ng kamatayan. "Sino ang nag utos sa inyo nung gabing iyon? Sinong pumatay sa ina ko!?"

"H-hindi ko alam, Boss Tyrone! Tauhan lang kami!" pagmamakaawa nung lalaki.

Hindi nagbago ang mukha ni Tyrone. Sa isang mabilis na galaw, bumaon ang hawak niyang pocket knife sa balikat ng lalaki. Isang nakakabinging sigaw ang pumuno sa bodega.

"Wrong answer." bulong ni Tyrone habang pini pikit ang kutsilyo sa loob ng sugat. "15 years akong naghintay para mahanap kayo. Huwag mong uubusin ang pasensya ko."

Lumapit ang kanyang kanang-kamay na si Marco. "Boss, nakuha na namin ang impormasyon. Ang pamilya Lynch ang huling nakatransaksyon ng grupo bago namatay ang Mommy niyo. At ang tatay ni Diana Lynch? Baon siya sa utang sa atin ngayon."

Huminga nang malalim si Tyrone. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang kamay. "Prepare the marriage contract. Kung ang pamilya Lynch ang susi ko para mahanap ang pumatay sa Mommy ko, gagamitin ko ang babaeng

yan para makuha ang katotohanan."

Sa kabilang dako ng Maynila sa loob ng isang 5-star hotel sa BGC isang babae ang tahimik na naglilinis ng kanyang gamit. Siya si Diana Ross Lynch, o mas kilala bilang si "Ms. Goat."

Kakatapos lang niya sa isang misyon, pero hindi ang trabaho niya ang nasa isip niya. Hawak niya ang isang lumang dyaryo tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya noong bata pa siya. Isang apelyedo ang palaging lumalabas sa imbestigasyon niya GLAD.

"Diana! Anak!" pumasok ang tatay-tatayan niyang si Victor Lynch, pawis na pawis at nanginginig.

"Dad, what happened?" tanong ni Diana, agad na bumalik sa kanyang mahinhin na persona.

"I’m sorry, anak! Ibinenta kita kay Tyrone Glad! Kailangan mo siyang pakasalan para pambayad sa utang ko, kundi papatayin nila ako!" umiiyak na sabi ni Victor.

Nagulat si Diana, pero hindi dahil sa takot. Tyrone Glad? Ang pamilyang pinaghihinalaan niyang pumatay sa tunay niyang mga magulang?

Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Kung papasok siya sa loob ng pamamahay ng mga Glad bilang asawa, mas madali niyang makukuha ang mga ebidensya at files na kailangan niya para makapaghiganti.

"Sige, Dad." sagot ni Diana, nagpapanggap na malungkot. "I'll marry him. Gagawin ko ito para sayo."

THE FIRST MEETING

Pagkalipas ng ilang oras, dinala si Diana sa Glad mansion. Pagpasok niya, sinalubong siya ng mga guards na may mga baril. Pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang lalaking nakaupo sa grand sofa.

Si Tyrone. Malinis na ito at mukhang respetadong CEO, Mafia Boss, isip ni Diana.

Tiningnan ni Tyrone si Diana mula ulo hanggang paa. "So, you’re the payment."

Nagpanggap si Diana na nanginginig ang boses. Yumuko siya at humawak sa laylayan ng kanyang damit. "P-pakiusap, huwag niyo pong saktan ang tatay ko."

Tumayo si Tyrone at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba at inangat ito para magtagpo ang kanilang mga mata. Ang tingin ni Tyrone ay parang gustong basahin ang buong pagkatao niya.

"Mula ngayon, pag-aari na kita." bulong ni Tyrone. "You are my wife now. But don't think this is a fairytale. Nandito ka lang dahil may kailangan ako sayo."

"O-opo, Sir Tyrone." sagot ni Diana, ang kanyang mga mata ay mukhang punong-puno ng takot.

Pero sa likod ng takot na iyon, isang malamig na plano ang nabubuo sa utak ni Diana. Property mo? Sige, Mr. Glad. Mag-enjoy ka muna. Pero sisiguraduhin ko, kapag napatunayan kong ang pamilya mo ang pumatay sa mga magulang ko, ikaw ang huling taong makikita ko bago kita itumba.

TYRONE POV

I watched her standing there, looking like a fragile piece of glass that would shatter if I spoke too loud. Diana Ross Lynch. Under the cold glow of my chandelier, she looks like a saint. But saints don't belong in my world.

I’ve spent my entire life surrounded by fake and I’ve learned one thing the most dangerous ones are those who look like sheep. There's something about her eyes they’re too steady, too observant for someone who's supposed to be scared."

"Are you planning to stand there all night, Diana? This isn't a museum, and you’re definitely not here just to decorate the floor. Sit down."

"N-natatakot po ako, Tyrone. This place... it’s too big. Pwede bang bukas na lang tayo mag-usap? I just want to rest."

"Rest? You think you’re here for a vacation? Listen to me carefully. I didn't pay your father debt just so you could sleep comfortably. You're here because you’re a Lynch. And the Lynches owe me more than just money."

I stepped closer, and I saw her flinch. Interesting. Is she really that terrified, or is she just a very good actress?

"This will be your room." sabi ni Tyrone habang binubuksan ang isang dambuhalang double-door.

Bumungad kay Diana ang isang silid na kasing laki ng isang buong condo natinitirhan nakin. Lahat ay moderno mula sa king sized bed hanggang sa walk-in closet na puno ng mga mamahaling damit at alahas. Pero ang unang napansin ni Diana ay hindi ang karangyaan, kundi ang kawalan ng bintana na madaling labasan. Isang "high-tech" na kulungan.

Humarap si Tyrone sa kanya. Tinanggal nito ang kanyang coat at bahagyang niluwagan ang necktie. "Huwag kang lalabas ng silid na ito nang wala akong pahintulot. My guards are instructed to use force if necessary. Is that clear, Diana?"

"O-opo, Tyrone." bulong ni Diana. "Pero... kailan ko po makikita si Dad?"

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni

Tyrone. Lumapit siya kay Diana hanggang sa maramdaman ng babae ang init ng katawan ng bilyonaryo. Inilapit ni Tyrone ang kanyang mukha sa tainga ni Diana. "Your father is safe for now. Hangga’t masunurin ka, mananatili siyang humihinga. Pero tandaan mo ito ang katapatan mo ay sa akin na ngayon. Hindi kay Victor."

Nang lumabas si Tyrone at narinig ni Diana ang mahinang click ng electronic lock, nagbago ang lahat.

Ang nanginginig na balikat ni Diana ay biglang tumuwid. Ang mga matang kanina ay puno ng luha ay naging kasing talim ng kidlat. Mabilis siyang kumilos. Sinuri niya ang bawat sulok ng silid mga smoke detectors, air vents, at ang nakatagong camera sa gilid ng TV.

"Three cameras. Motion sensors sa may pinto. Amateur." bulong ni Diana sa kanyang sarili.

Naglakad siya patungo sa walk-in closet. Sa ilalim ng isang pile ng mga mamahaling silk robes, kinuha niya ang isang manipis na piraso ng metal na itinago niya sa loob ng kanyang suot na sapatos kanina. Sa loob ng ilang segundo, gamit ang kanyang galing bilang Ms. Goat, na disable niya ang audio feed ng mga hidden mics nang hindi gumagawa ng alarm sa security system ni Tyrone.

Naupo siya sa sahig at kinuha ang isang lumang medalya mula sa kanyang bulsa. Ito ang tanging alaala niya sa kanyang tunay na magulang.

"Glad..." sambit niya sa kanyang isip. "Kung kayo ang dahilan kung bakit ako naging ulila, uubusin ko ang lahat ng dugo niyo."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status