Share

CHAPTER: 3

Penulis: SPLENDID
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-05 15:02:23

After spending nearly eight decades in the business world—dedicating almost his whole life to securing his status—his position is now in jeopardy, all because of his slow-witted grandson.

Mabilis na nahila ni George si Honey at hinarang ang sarili, para hindi tamaan ang kanyang babae ng piraso ng mga bubog na nagtatalsikan.

“Geo!” malakas na sigaw ni Honey kay George. Hindi pa rin ito nakaligtas, natamaan ang paa nito ng malaking bahagi ng tasa.

“Anong kalokohan na naman ba ang sinabi mo kay Lolo? Bakit siya galit na galit madiin na tanong ni George kay Isla.

Kumunot ang noo ni Isla, at bago pa siya makapagsalita ay hinampas na ng matanda ang ibabaw ng mesa dahil sa galit… “Ikaw na hayop ka, hinintay ka ni Isla ng dalawang taon, pero ano ang ginawa mo? Nagdala ka ng babae na hindi mo naman lubos na kilala at naglakas-loob ka pang mag-file ng annulment! Napakabobo mo talaga!” sigaw ng matanda. Ang boses nito ay umalingawngaw sa buong bahay.

Dahil sa sinabi ni Ferdinand Madrigal. Gumuhit ang galit sa mga mata ni Honey. Hindi ito napansin ni George, pero agad nitong dinipenshan ang babae.

“Lolo, si Honey ang panganay na anak ni Herman Enriquez. "She was once the woman everyone looked up to — smart, respected, and someone you used to praise endlessly in front of me. So why are you talking about her like this now? What did Isla say to change your mind? She's already agreed to end our marriage. I just hope you can come to terms with that too," sabi ni George sa kanyang abuelo.

“Bakit kailangan mo siyang dalhin dito? Hiwalay na ba kayo ni Isla?” ani pa ni Lolo Ferdinand kaya hindi nakakibo si George. “Hindi ka nag-iisip! Kasal kang tao! Naturingan ka pa namang doctor!”

Napalunok si George dahil sa sinabi ng abuelo. Nahihiya siya kay Honey sa inasal ng kanyang lolo. Isa pa alam ng pamilya niya na may iba na siyang mahal at si Honey yun. Wala siyang itinago sa mga ito.

Labis ang galit ng matandang lalaki kaya’t nanginginig siya na tumayo gamit ang kanyang tungkod, “Ano ang tawag mo sa relasyon ninyo ng babaeng kasama mo, Geo? At ano ang tawag sayo, iha? Kabit?” tanong ng matanda sa dalawa.

Tila tinakasan ng dugo si Honey sa labis na pagkapahiya, na hinarap ang matanda. “Mr. Madrigal, h—hindi ko alam ang tungkol sa kasal ng iyong apo. Hindi ko alam na kasal siya. Dahil kung alam ko, lalayuan ko na agad si Geo. Being a respectable young lady, I have a reputation to uphold,” paliwanag nito sa matanda. Hindi mapigilan ni Isla ang mapaangat ang kilay habang nakikinig sa mga nag-uusap.

“Yeah right! Sa sobrang pag-iingat mo hindi mo nalaman na kabit ka.”

“Walang babae ang pinangarap na maging kabit,” giit pa ni Honey bago nito tiningnan si Geo.

Ang kanyang mga mata ay puno ng galit. “Sinabi mo na wala kang nararamdaman kay Isla at hihiwalayan mo rin siya agad. Kaya't pumayag ako ng ligawan mo. My name has been tarnished and people see me as someone disgraceful—because of you. It breaks my heart to be labeled as the other woman. Please… do something to straighten out your family’s mess,” lumuluha na sabi ni Honey.

Lumabas ng opisina si Honey pero hinabol ito ni George.

Pinigilan ni George si Honey sa pagtakbo at mabilis na niyakap sa bewang. “Please, wag mo akong iwan. Napa-ikot lang ni Isla ang Lolo, kaya't ganun ang nasabi niya sayo. Kung iiwan mo ako at hindi pumayag si Isla sa annulment, sigurado ako na sa kanya ibibigay ni Lolo ang kumpanya at masisira ang aming pamilya,” emosyonal na pakiusap ni George kay Honey.

Hinarap ni Honey si George. “Dapat mong ayusin ang gulo na ‘to sa lalong madaling panahon. Dahil nasisira ang pangalan ko na iniingatan sa gulo ng pamilya na meron ka,” malambing na sabi ni Honey kay Geo. Tumango ito sa sinabi ni Honey nilang pagsang-ayon.

Dahil sa mga sinabi ni Honey, nakahinga ng maluwag si George. Muli nitong hinarap ang matandang lalaki at binalikan sa opisina. “Lolo, sorry nagsinungaling ako sayo noon, nang sinabi ko na gusto ko si Isla. Nasabi ko lang ‘yon, para payagan mo ako na pumunta sa ibang bansa. Kaya't ng hilingin mo na pakasalan ko si Isla, agad akong pumayag. Pero hindi ko akalain na ganito ang mangyayari, dahil ng makilala ko si Honey sa ibang bansa, doon ko lang naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig,” tila ba umaapaw ang pagmamahal na nilingon pa nito si Honey sa kanyang huling sinabi.

Galit pa rin ang matandang Madrigal dahil sa sinabi ni George. Habang si Isla, nakangiti lang sa gilid habang tahimik na pinapanood ang live drama sa kanyang harapan. Kung anuman ang ginagawa ngayon ng lolo ni George ay dapat lang sa mga ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 11

    Nakangiti ng nakakaloko na nilampasan ni Isla si Honey. Matapos maabutan si Marcus, himinto siya saglit, “Pasensya na, Attorney Montero, nakilala ko ang maling tao. Hindi ko alam na may kapareho ka pala dito ng first name. Pasensya na ulit,” medyo napapahiya na sabi ni Isla. Nakaramdam ng kaunting hiya si Attorney Herrera sa nangyari. Dahil nga naman nagmukha siyang desperado at inaagawan pa ng kliyente si Marcus. Ang mga tao at ibang abugado na nasa paligid, na napanood ang buong eksena kanina, they are trying not to laugh. Dahil mukhang desperado ito. Tumikhim ang abogado at hinarap si Honey, “Although I really want to take your case, Attorney Montero has taken Miss Ferrer case. You need to find another law firm. I'm sorry,” unsa ni Attorney Herrera. Kumislap ang mga mata ni Honey dahil sa sinabi ng lalaking abogado. Mata na hindi maitago ang kalungkutan at pagkapahiya, akala niya magiging maayos ang lakad niya ngayong araw pero mukhang gulo na naman ang kinahinatnan. “Binanggit

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 10

    “Attorney Herrera, tama ka ng desisyon. Gusto rin sana kita kunin bilang aming abugado, kaya nga lang ay nauna na namin makuha si Attorney Montero,” nakangisi na tila ba nagyayabang na sabi ni George. After he finished speaking, he looked at Honey with a cold face, “Isla, kung ako sayo, wag mo na pairalin pa ang kayabangan mo. Please lang, wag nang matigas ang ulo. Kunin mo na ang inaalok na halaga sayo ni Lolo at umalis ka na sa kumpanya ng aking pamilya.”Tinaas ni Isla ang kanyang isang kilay. Ngumisi siya ng nakakaloko at humakbang ng isa papalapit sa asawa, “Just because you speak louder doesn't mean you are right. Not only do I want my money back, I will also sue the two of you for maliciously spreading rumors, slander, and defamation to destroy my reputation.” Sa sinabi ni Isla, natigalgal si George at binuka pa ang bibig, pero muling tinikom, dahil walang salita na lumabas. “I'm going to talk to someone else. Sorry to bother you!” mabilis na paalam ni Isla sabay talikod at

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 9

    “Hindi na sana tayo aabot sa ganito, kung tinanggap lang sana ni Isla ang binibigay na pera ng Lolo ni George na 700 million. Pero dahil ganid si Isla, gusto niya na maging 1.5 billion ang kanyang pera.” Pagkarinig nito, biglang lumayo ng bahagya si Marcus Thomas kay Isla. Dahil naisip nito, masyadong malaki ang bilyon na hinihingi ng babae, suntok sa buwan na maipanalo niya ang kaso ni Isla Ferrer. Kaya't bigla na lang ito nagkaroon ng pag-aalinlangan na tanggapin ang kaso. “Miss Ferrer, maaari ko bang itanong kung paano mo nakuha ang 500 milyon?" tanong ni Attorney Herrera kay Isla. Tanong na matagal ng hinihintay ng lahat ang sagot. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon kay Isla at naghihintay sa kanyang paliwanag. Ngunit ngumisi ng nakakaloko si Isla at tiningnan ang lahat. “Pinaparatangan ako ng pamilya Madrigal na manloloko, mandaraya o magnanakaw. Na ang nilabas ko na pera ay galing daw sa panlalamang. Kaya't gusto ng pamilya Madrigal na kunin ang lahat ng shares ko. Hindi b

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 8

    Marcus watched the whole scene and his eyes fell on Isla. Napangiti siya ng maalala ang sinabi ng kanyang ina. Ngayon niya napatunayan sa kanyang sarili, maganda nga talaga ang babae, walang duda. Ang lakas ng dating nito, kakaiba sa karamihan. Hindi na nakakapagtaka, kung paano nito nagawang sagipin ang papalubog na negosyo ng mga Madrigal. Ngunit nang marinig niya ang sinabi nito na gusto nitong hanapin si “Attorney Marcus,” hindi niya napigilan ang mapangiti at binawi ang kanyang mga naunang pag-iisip. Halata na medyo naguguluhan ang receptionist, na parang may hinahanap ang paningin. Sandali na tumingin sa malaking grupo, at itinuro ang isang lalaking nasa fifties ang edad na naka-suit, “Si Mr. Marcus ay nandoon,” halata na hindi sigurado na sagot ang babae kay Isla. Lumakad si Marcus pasalubong kay Isla, handa na siyang magpakilala sa babae. Na siya ang kausap nito kagabi. Pero nang malapit na siyang magsalita, nilampasan lang siya ni Isla na hindi man lang lumilingon, at dire

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 7

    Pagdating na pagdating ni Isla sa kanyang bahay. Nakatanggap kaagad siya ng tawag mula kay Mr. Guerrero. “Meron ka bang oras para kausapin ako? Mukhang masyado ka yatang abala?” pagbibiro na tanong mula sa kabilang linya. “Pasensya na po, marami lang inaasikaso nitong nagdaan na mga araw,” sagot ni Isla. Sabay upo sa harap ng kanyang computer at binuksan. “Ganun ba? Narinig ko pala na maghihiwalay na kayo ng batang Madrigal, may kilala akong abugado na makakatulong sayo,” sabi pa ng kanyang kausap. “Maraming salamat po, plano ko pa lang sana maghanap ngayon online. Salamat po talaga sa tulong mo,” magalang na sagot ni Isla sa kausap. Matapos ang masaya na pakikipag-usap sa matanda. Agad naman nagpadala ng email si Isla sa abugado na sinasabi ni Mr. Guerrero. “Hello Mr. Montero, pwede ba akong kumunsulta sayo?” laman ng mensahe ni Isla na ipinadala sa abugado. Sa mga oras na ito, sa loob ng “Life Law Firm” katatapos lang ni Marcus sa kanyang trabaho ng makatanggap ng mensahe mul

  • ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice    CHAPTER: 6

    “Matagal ng magkakilala ang lolo mo at ang lolo ko sa halos buong buhay na nga nila. Nang nasa krisis ang pamilyang Madrigal, tinawagan ako ng aking pamilya at hiniling nilang tumulong ako sa inyo hangga’t maaari. Dahil gusto naming manatili ang magandang relasyon sa inyong pamilya,” sabi ni Honey, sabay iwas ng tingin kay George. “Honey, matagal na tayong magkakilala, bakit hindi mo ito sinabi sa akin?” tanong ni George sa kanyang kerida. Na para bang naluluha pa ito sa sobrang kabutihan ng kanyang babae. Tila ba anghel ito mula sa langit, sa kanyang paningin. Bigla tuloy naisip ni George, na malayong malayo ito kung ikukumpara kay Isla. Ang babaeng kaharap niya ngayon, gumagawa ng kabutihan ng palihim. Hindi tulad ng kanyang asawa, lahat na halos ng pwedeng isumbat sa kanya, nasabi na. “Hindi naman kasi ako ang tipo ng tao na kailangan pa sabihin ang mga ginawang kabutihan. Hindi ko rin sana sasabihin ang tungkol dito, kung hindi lang tayo umabot sa ganitong tagpo. Kung hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status