Marami ang ganid at sakim sa kumpanya ng mga Madrigal. Pero mga pinagkakatiwalaan ito ng lolo ni George, kaya't wala siyang magawa para mapatalsik ang mga sakim na nag-aabang lang ng pagkakataon.
KINABUKASAN nakatanggap ng tawag si Isla mula sa Lolo ni George. Si Mr. Ferdinand Madrigal. Inaanyayahan siya nito na pumunta sa malaking bahay ng mga ito. Nasa garahe na siya sa mansyon ng mga Madrigal nang makita niya ang kanyang asawa na si George at ang kabit nito na si Honey, mukhang kadarating lang at magkahawak kamay pa na naglalakad. Nag tama ang kanilang mga mata at sa halip na mahiya sa kanya ay pinakita pa sa harapan niya mismo ang paglalambingan ng mga ito. Pakiramdam niya ay nanigas ang kanyang buong katawan nang makitang magkasama ang dalawa. Kahit masakit, hindi niya iyon pinahalata. Siya siya Isla Ferrer at hindi siya kailanman magpapatalo sa mga ito. Lumabas ang ina ni George na malaki ang ngiti sa labi ng makita si Honey. Agad ding hinawakan ng matandang babae ang kamay nito at masuyong hinaplos. “Honey, darling, na-miss kita ng sobra. Ang tagal na magmula ng huli nating pagkikita.” malambing na sabi nito kay Honey. “Hello po, Tita. Na-miss din po kita,” parang tunay na anak na sagot naman ni Honey sa matandang babae. “Napakaganda mo pa rin, iha. Walang pinagbago. Parang mas bumata ka pa nga sa pagdaan ng taon,” papuri ng matandang babae kay Honey. Narinig niya ang lahat ng pag-uusap ng mga ito habang papalapit siya. Ang mga walang hiya—pagkatapos ng lahat ng kanyang ginawa ay harap-harapan na pang pinamumukha sa kanya ang kabit ng kanyang asawa at kung paano kagusto ng mga ito. Binalingan siya ng ina ni George. “Isla, nagtrabaho ka naman ng dalawang taon sa aming pamilya. Nakilala ka sa business world dahil sa aming apelyido. With all the money you've already made, filing for annulment shouldn't be a big deal for you, right? Isipin mo na lang na kabayaran mo ito sa pribilehiyo na tinamasa mo mula sa aming pamilya sa nagdaan na mga taon. Isipin mo na lang na magiging maganda ito, para kay George. Para sa tunay na pagmamahalan nila ni Honey,” malambing na pagkakasabi ng ina ni George sa kanya. Galit na galit at lihim na napangiti si Isla dahil sa mga sinabi ng matandang babae. Naalala tuloy niya, na mula ng pumasok siya sa pamilya Madrigal, hindi kailanman umakto ang matandang ito bilang kanyang biyenan. Dahil lagi na lang, para siyang reyna na kulang sa pansin at ayaw masapawan. Mababa din ang tingin ng matandang ito sa kanya, believing that a woman raised in the province would naturally be meek, compliant, and easy to manipulate. Tulad ng anak nito na si Geo, isang malaking uto-uto din ang tingin nito sa kanya. Pero tila ba bumaliktad ang lahat para kay Helena. Dahil pagpasok pa lang niya sa pamilya Madrigal, sampal na kaagad sa matandang babae ang kanyang pagdating. Dahil kinontrol na niya agad ang mga ito at naging bise presidente pa siya ng kumpanya ng Madrigal. Kaya't walang nagawa si Helena—kundi ang kamuhian siya ng lihim. Ngayon, magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa inaakto ng matandang ito. Pero agad din naman nakuha ni Isla ang matinding pagnanasa ni Helena na mabawi ang kanyang kapangyarihan bilang reyna-reynahan sa pamilya Madrigal kapag nawala na siya. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit gusto nito si Honey—gusto lang naman nito kontrolin ang babaeng gusto ni George. “You know what Isla, bakit hindi mo tanungin si Honey kung ano ang ginagamit niya sa kanyang mukha? Mukhang kailangan mo kasi, look at you?” ani pa ni Helena na tiningnan siya mula ulo hanggang paa na tila ba sinasabi na ang panget niya. “Honey, iha, why don't you just give me your contact number para naman maibigay ko kay Isla. Alam mo na—mukhang kailangan niya ng make over. Mukha pa siyang mas matanda sa akin,” dagdag pa nitong wika.. Isang nakakamatay na irap ang ibinigay niya sa ina ni George bago niya ito tinalikuran. Hindi siya pumapatol sa matanda. “Don’t worry, Ma. Hindi ko naman kailangan ng kung ano mang pampaganda dahil naniniwala ako na maganda ako,” sagot niya dito na nakangiti. Hindi niya na hinintay na sumagot ito at dumiretso na siya sa loob ng malaking bahay, sa opisina ni Mr. Madrigal pero naririnig niya ang matanda na kinakausap ang babae ni George. Alam niyang napahiya si Helena dahil sa kanyang sinabi. Madilim ang mukha nito na tinitigan ang kerida ng kanyang anak na si George. “As expected of a wild girl who grew up in the countryside. Walang manners.” pang-iinsulto nito sa kanya na sinadya pang lakasan ang boses upang marinig niya.. Tiningnan ni Helena si Honey. “Tita, let's just leave Isla alone. Huwag niyo na pong patulan at masisira lang ang araw ninyo,” malambing na wika ni Honey. “Pabayaan na nga natin siya… Wala kasing taste yun kaya nga iniwan ng anak ko,” ani niyang tumaas ang kilay… “Walang class ang babaeng yun. She’s desperately trying to insert herself into the Madrigal family, probably thinking that wealth can cover up her disgraceful background. What a shameless social climber..." Magkahawak kamay sina Honey at George na pumasok sa loob ng malaking bahay. Napatitig sa mga ito ang matandang Madrigal. Samantalang si Isla ay nakatingin lang din sa dalawa Dinampot nito ang tasa ng kape mula sa ibabaw ng lamesa at binato kay Honey at George.Nakangiti ng nakakaloko na nilampasan ni Isla si Honey. Matapos maabutan si Marcus, himinto siya saglit, “Pasensya na, Attorney Montero, nakilala ko ang maling tao. Hindi ko alam na may kapareho ka pala dito ng first name. Pasensya na ulit,” medyo napapahiya na sabi ni Isla. Nakaramdam ng kaunting hiya si Attorney Herrera sa nangyari. Dahil nga naman nagmukha siyang desperado at inaagawan pa ng kliyente si Marcus. Ang mga tao at ibang abugado na nasa paligid, na napanood ang buong eksena kanina, they are trying not to laugh. Dahil mukhang desperado ito. Tumikhim ang abogado at hinarap si Honey, “Although I really want to take your case, Attorney Montero has taken Miss Ferrer case. You need to find another law firm. I'm sorry,” unsa ni Attorney Herrera. Kumislap ang mga mata ni Honey dahil sa sinabi ng lalaking abogado. Mata na hindi maitago ang kalungkutan at pagkapahiya, akala niya magiging maayos ang lakad niya ngayong araw pero mukhang gulo na naman ang kinahinatnan. “Binanggit
“Attorney Herrera, tama ka ng desisyon. Gusto rin sana kita kunin bilang aming abugado, kaya nga lang ay nauna na namin makuha si Attorney Montero,” nakangisi na tila ba nagyayabang na sabi ni George. After he finished speaking, he looked at Honey with a cold face, “Isla, kung ako sayo, wag mo na pairalin pa ang kayabangan mo. Please lang, wag nang matigas ang ulo. Kunin mo na ang inaalok na halaga sayo ni Lolo at umalis ka na sa kumpanya ng aking pamilya.”Tinaas ni Isla ang kanyang isang kilay. Ngumisi siya ng nakakaloko at humakbang ng isa papalapit sa asawa, “Just because you speak louder doesn't mean you are right. Not only do I want my money back, I will also sue the two of you for maliciously spreading rumors, slander, and defamation to destroy my reputation.” Sa sinabi ni Isla, natigalgal si George at binuka pa ang bibig, pero muling tinikom, dahil walang salita na lumabas. “I'm going to talk to someone else. Sorry to bother you!” mabilis na paalam ni Isla sabay talikod at
“Hindi na sana tayo aabot sa ganito, kung tinanggap lang sana ni Isla ang binibigay na pera ng Lolo ni George na 700 million. Pero dahil ganid si Isla, gusto niya na maging 1.5 billion ang kanyang pera.” Pagkarinig nito, biglang lumayo ng bahagya si Marcus Thomas kay Isla. Dahil naisip nito, masyadong malaki ang bilyon na hinihingi ng babae, suntok sa buwan na maipanalo niya ang kaso ni Isla Ferrer. Kaya't bigla na lang ito nagkaroon ng pag-aalinlangan na tanggapin ang kaso. “Miss Ferrer, maaari ko bang itanong kung paano mo nakuha ang 500 milyon?" tanong ni Attorney Herrera kay Isla. Tanong na matagal ng hinihintay ng lahat ang sagot. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon kay Isla at naghihintay sa kanyang paliwanag. Ngunit ngumisi ng nakakaloko si Isla at tiningnan ang lahat. “Pinaparatangan ako ng pamilya Madrigal na manloloko, mandaraya o magnanakaw. Na ang nilabas ko na pera ay galing daw sa panlalamang. Kaya't gusto ng pamilya Madrigal na kunin ang lahat ng shares ko. Hindi b
Marcus watched the whole scene and his eyes fell on Isla. Napangiti siya ng maalala ang sinabi ng kanyang ina. Ngayon niya napatunayan sa kanyang sarili, maganda nga talaga ang babae, walang duda. Ang lakas ng dating nito, kakaiba sa karamihan. Hindi na nakakapagtaka, kung paano nito nagawang sagipin ang papalubog na negosyo ng mga Madrigal. Ngunit nang marinig niya ang sinabi nito na gusto nitong hanapin si “Attorney Marcus,” hindi niya napigilan ang mapangiti at binawi ang kanyang mga naunang pag-iisip. Halata na medyo naguguluhan ang receptionist, na parang may hinahanap ang paningin. Sandali na tumingin sa malaking grupo, at itinuro ang isang lalaking nasa fifties ang edad na naka-suit, “Si Mr. Marcus ay nandoon,” halata na hindi sigurado na sagot ang babae kay Isla. Lumakad si Marcus pasalubong kay Isla, handa na siyang magpakilala sa babae. Na siya ang kausap nito kagabi. Pero nang malapit na siyang magsalita, nilampasan lang siya ni Isla na hindi man lang lumilingon, at dire
Pagdating na pagdating ni Isla sa kanyang bahay. Nakatanggap kaagad siya ng tawag mula kay Mr. Guerrero. “Meron ka bang oras para kausapin ako? Mukhang masyado ka yatang abala?” pagbibiro na tanong mula sa kabilang linya. “Pasensya na po, marami lang inaasikaso nitong nagdaan na mga araw,” sagot ni Isla. Sabay upo sa harap ng kanyang computer at binuksan. “Ganun ba? Narinig ko pala na maghihiwalay na kayo ng batang Madrigal, may kilala akong abugado na makakatulong sayo,” sabi pa ng kanyang kausap. “Maraming salamat po, plano ko pa lang sana maghanap ngayon online. Salamat po talaga sa tulong mo,” magalang na sagot ni Isla sa kausap. Matapos ang masaya na pakikipag-usap sa matanda. Agad naman nagpadala ng email si Isla sa abugado na sinasabi ni Mr. Guerrero. “Hello Mr. Montero, pwede ba akong kumunsulta sayo?” laman ng mensahe ni Isla na ipinadala sa abugado. Sa mga oras na ito, sa loob ng “Life Law Firm” katatapos lang ni Marcus sa kanyang trabaho ng makatanggap ng mensahe mul
“Matagal ng magkakilala ang lolo mo at ang lolo ko sa halos buong buhay na nga nila. Nang nasa krisis ang pamilyang Madrigal, tinawagan ako ng aking pamilya at hiniling nilang tumulong ako sa inyo hangga’t maaari. Dahil gusto naming manatili ang magandang relasyon sa inyong pamilya,” sabi ni Honey, sabay iwas ng tingin kay George. “Honey, matagal na tayong magkakilala, bakit hindi mo ito sinabi sa akin?” tanong ni George sa kanyang kerida. Na para bang naluluha pa ito sa sobrang kabutihan ng kanyang babae. Tila ba anghel ito mula sa langit, sa kanyang paningin. Bigla tuloy naisip ni George, na malayong malayo ito kung ikukumpara kay Isla. Ang babaeng kaharap niya ngayon, gumagawa ng kabutihan ng palihim. Hindi tulad ng kanyang asawa, lahat na halos ng pwedeng isumbat sa kanya, nasabi na. “Hindi naman kasi ako ang tipo ng tao na kailangan pa sabihin ang mga ginawang kabutihan. Hindi ko rin sana sasabihin ang tungkol dito, kung hindi lang tayo umabot sa ganitong tagpo. Kung hindi