Share

Chapter 2

Alessia's POV

"WALA akong oras sa ganitong usapan, Stefano." Saad ko at mabilis akong tumayo at kinuha ang mga libro para ibalik iyon sa shelves.

Naramdam ko ang init sa aking pisnge dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Mabilis akong lumayo sa lamesa ngunit agad naman sumunod sa akin si Stefano, tila ayaw niyang magpapigil.

"Kailan ka pa magkaka-oras? Hindi ko talaga alam kung ano ang pumipigil sa iyo. You just have to go with the flow. Ang buhay kasi, parang baha lang yan, kung sasalungatin mo mas mahihirapan ka. Kaya sabayan mo na lang ito sa agos, enjoy the flood instead, there might be some debris but at least, you won't be hurt badly." Saad niya sa akin na nakasunod pa rin. He's really insisting that I should do it with Elijah. We already cheated, hindi niya lang alam at wala akong balak ipaalam iyon kanino man. Ano ba ang nakakatuwa sa pagtataksil? Hindi yun nakakproud.

"Tama ka nga, ang buhay ay parang baha, pag-inenjoy mo, magkaka-leptospirosis ka." Sagot ko sa kanya at alam ko na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nun.

"Lepto—ano?"

"Sakit yun sa balat na nakukuha sa baha."  Tugon ko sa kanya at isinaksak ko na ang libro sa lalagyan nito.

"Alam mo iyon?"

"Manggagamot ako."

"Pero bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol doon?"

"Bakit, sumuong ka na ba sa baha?"

"Hindi pa."

"Kaya hindi mo alam, kasi hindi ka pa nagkakaroon nun." Sagot ko sa kanya tsaka umalis na ako sa mga shelves at bumalik na sa lamesa dahil alam ko na hindi ito titigil sa kakadaldal. Mas lalong ayoko naman na mag-uusap kami sa labas kung saan ay marami ang makakarinig.

Umupo kami ni Stefano at ngayon ay magkaharap na kami. His face is contorted with confusion.

"Enough with that. Bakit ba sakit ang pinag-uusapan natin. Alam ko na nagtatampo ka dahil hindi ka pinapasama ng kamahalan na pumunta sa Eleftheria, pero sana ay maintindihan mo iyon." Lihis niya ng usapan at bumalik ito ngayon sa usapang pagtatampo ko kanina.

Umiling naman ako. "Aaminin ko, nagtatampo ako kanina pero hindi na ngayon. Naiintidihan ko kung bakit hindi niyo ako isasama." Sagot ko sa kanya at totoo na iyon sa kalooban ko. Walang halong pagkukunwari.

Tumaas naman ang kilay ni Stefano. "Kanina lang nilayasan mo kami dahil hindi ka isasama, tapos ngayon biglang tanggap mo na."

"Naisip ko kasi na delikado doon. Mas mahal ko buhay ko kaysa sa buhay niyo kaya naging maayos na ako." Sagot ko sa kanya na may halong biro.

Ngumisi naman si Stefano sa akin. "Ayos at alam mo na mas mahal nga ang buhay mo. Mas mahal ka naman talaga ng kamahalan." Saad niya na naging dahilan para maging mapula ang mga pisnge ko.

Inirapan ko naman ito. "Pwede ba na wag natin pag-usapan iyan?" Pigil ko sa kanya dahil ngumingiti na naman ito na parang timang.

"Oo na, titigil na. Pero wag ka ng magtampo dahil hindi na naman mapapakali ang mahal na hari." Saad niya sa akin na pumormal na ngayon ang kanyang ekspresyon. Ang lalaking ito, kay bilis magpalit ng ekspresyon.

"Sinabi ko na diba?" Mahinahong sagot ko sa kanya at ngumisi na naman ito ulit.

"Suyuin mo." Utos niya na halos ikasangko na ng kilay ko sa kisame sa pagkakataas ko.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" Naging mataray ang boses ko dahil doon. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ko susuyuin si Elijah.

"Dahil may ginawa kang mali. Mali na nagtatampo ka na para din naman sa kaligtasan mo ang iniisip ng hari." Mahinahon na saad niya at hindi na ulit ito nakangisi.

Tila na saring naman nito ang aking pasensya. Bakit ako hihinginng paumanhin? Hindi ko kasalanan iyon at wala akong kasalanan. Pero para naman kinakain ng kung ano ang kalooban ko.

"Stefano, hindi ako hihingi ng paumanhin. Give it a rest." Tumayo na ako para iwan siya sa silid aklatan at lumabas na ako ng silid.

Alam ko na may kasalanan ako, pero bakit naman ako hihingi ng paumanhin? Hindi naman iyon malaki para ihingi ko pa. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinupunto ni Stefano.

Mabilis akong naglakad at tumungo na ako sa aking silid para magpahinga. Tila naubos ang lakas ko dahil sa mga sinabi ni Stefano.

Pagkarating ko naman sa silid ng aking kwarto ay nadatnan ko doon si Estrebelle na nilalaro si Sushi. Nakabalik na siya dahil pinabalik siya ni Elijah at kahit ayoko ay wala akong nagawa. Hindi na rin naman ako nagtatampo sa kanya kaya hinayaan ko na lang.

"Ginoong Ales, nais ka pong makausap ng mahal na hari." Usal niya sa akin.

Bumuntong hininga naman ako at tumango. Pupunta ako pero hindi agad ngayon. Lumapit ako sa puno na ngayon ay may bunga na. Tama nga ang hinala ko. Ngayon na may bunga na ito ay kitang kita na ang gintong binhi. May mga iilan na itong gintong bunga na alam ko na napapansin din ni Estrebelle ngunit hindi ito nagtatanong tungkol dito.

Kailangan ko na din itong sabihin kay Elijah. Ang pagkakaroon ng isang puno na matagal nang hindi tumutubo ay isang mahalagang bagay. Lalo na at ang mga bunga nito ay nakakabuhay at nakakapagpagaling ng kung ano man karamdaman.

"Pupuntahan ko muna ang mahal na hari." Paalam ko naman kay Estrebelle at yumukod ito sa akin.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinahak ko ang daan pabalik sa silid tanggapan ng hari. May mga nadadaanan akong mga serbidora na naglilinis sa kung ano man bagay na may dumi sa paningin nila.

Agad na natanaw ko ang dalawang sentinel na nakabantay sa pintuan ng tanggapan. Nang makita nila ako ay agad naman nilang binuksan ang pintuan. Halatang inaasahan nila akong dumating o bumalik.

Agad akong pumasok sa tanggapan at nakita ko si Elijah na ngayon ay nakaupo sa kanyang upuan habang nakatingin sa akin. Agad naman sinarado ng mga sentinel ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang naiwan sa loob ng silid.

"Ales..." usal niya sa akin na alam kong pinapakiramdaman niya ako kung galit ba ako o hindi.

Napakamot naman ako sa aking batok bago nagsalita.

"Kamahalan, kung tungkol kanina ang pag-uusapan natin. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga sinabi ko. Naiintindihan ko ang inyong desisyon." Paliwanag ko sa kanya para hindi na lumaki ang ano man lamat sa aming dalawa.

Hindi nagsalita si Elijah. Nakatingin lang siya sa akin na tila nag-iisip kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"I thought you wanted to come." Saad niya sa akin na ngayon ay mas lalo lang akong nagulohan. Kanina na gusto kong sumama, ayaw niya. Ngayon naman na nakapagdesisyon na akong hindi sasama, parang gusto naman niyang sumama ako. Dahil na rin siguro sa reaksyon ko kanina at nais niyang pagbigyan ako, ngunit nagbago na ang desisyon ko dahil na rin sa mga nalaman ko.

"That was before. Naisip ko po na hindi maganda na sasama ako sa lugar kung saan ay puno ng mga delikadong nilalang. Masyadong mahal ko po ang buhay ko para ilagay sa peligro." Sagot ko sa kanya at nakita ko naman ang tila nahihiwagaan na ngiti sa kanyang mga labi.

Tumayo naman si Elijah at lumapit ito sa akin ngunit hindi niya ako hinawakan. Nakatayo lang siya at nakatitig sa akin.

"Masaya ako at hindi ka na nagtatampo." Baritonong saad niya sa akin at kinilabutan ako doon dahil ang lapit niya sa akin.

"Uh, nagtampo man pero nawala din kaagad." Sagot ko sa kanya ang katotohanan. Walang silbe kung sasabihin ko na hindi ako nagtampo gayon may naganap na sagutan kanina. "Ito ba ang dahilan kamahalan, kaya mo ako pinatawag?"

"Yes and no. Take a seat, Ales." Yaya naman nito sa akin at pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap ng kanyang lamesa at siya naman ay bumalik sa kanyang upuan. "I would like to ask you how did you able to know the clues to where the relics are?"

Pinilit kong halukayin sa alaala ko kung tinanong na ba niya ako nito noon nakaraan. Pero wala akong maalala na tinanong niya ako kung paano ko nalaman. Sasabihin ko ba na ang lolo ko ang may sabi? Pero baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon kung gustohin niyang ipatawag si lolo. Hindi ko alam kung nandito na si lolo o nasa labas.

Kaya napagdesisyonan ko na lang na huwag sabihin ang totoo. Natatakot ako na baka kung ano ang hingin ni Elijah na hindi ko kayang gawin.

"Sushi..." sagot ko sa kanya. Pero bakit pakiramdam ko ay isang patibong ang tanong na iyon?

"You still answered the same." Saad niya sa akin na hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin.

"I answered the same?" Nagulohan na tanong ko. Paanong magkatulad kung ngayon pa lang niya ako tinanong tungkol doon?

"I tampered your memory and erased the memory of asking you who told you about the clues. I'm sorry, but I got a feeling before that you were lying." Saad niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero wala akong karapatan na magalit kahit medyo nasaktan ako doon. Paano ako magagalit kung totoo naman na nagsinungaling talaga ako?

"D-do I look like I am lying to you right now?" Tumitig naman si Elijah sa akin.

"Masama ba kung sasabihin ko na oo?" Mahinahong tanong niya sa akin. "Ever since the incident of you hiding your real gender, higit na pinapaniwalaan ko na ang pakiramdam ko kaysa sa nakikita at naririnig ko, Ales. My eyes will deceive me, but not my gut. My gut is telling me before that you are a female. But I trusted you to be a man. Hindi pa ito kailanman nangyari. Kaya mas paniniwalaan ko ang nararamdaman ko, Ales." Saad niya sa akin na ikinalunok ko.

Hindi niya ako pinaniwalaan dahil ramdam niya ang kasinungalingan ko. Siguro ay wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya.

"Hindi si Sushi." Sagot ko sa kanya. "Kundi ang lolo ko."

Kumunot naman ang noo ni Elijah. "Lolo mo?"

Tumango ako. "Noon araw na nakita ko kayo sa pagdadausan ng lugar, biglang inatake ako nang matinding pananakit ng dibdib ko at nanghina ako. Pero nagulat ako ng biglang kinakausap ako ni lolo sa isipan ko. Sinabi niya ang lahat ng iyon na kailangan kunin natin ang relics at nasa likod ng mapa ang mga palatandaan." Sagot ko sa kanya at napayuko ako. "Pero hindi ko alam kung nasaan si lolo. Matagal na hindi namin siya nakakasama dahil umalis siya."

"Is your grandfather is a sorcerer?" Kumpirma nito sa akin.

Nagkibit balikat naman ako sa kanya. Paano ko malalamanan kung salamangkero ba si lolo, kung ordinaryo lang naman siya sa aking paningin.

"Hindi ko alam kamahalan. Ang alam ko ay ordinaryo lang siya." Sagot ko sa kanya at mahigpit na napahawak ako sa sarili kong kamay. Pero simula nang pangyayaring iyon, nagbago na ang aking pananaw.

"Ano ang pangalan niya?" Nagkasalubong ang mga mata namin ni Elijah at medyo kinabahan ako dahil sa ekspresyon niya. Pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagagalit.

"S-sicario." Sagot ko sa kanya at nakita ko kung paano siya namutla. Parang tinakasan ng dugo ang kanyang mukha. "M-may problema ba, kamahalan?"

Umiling naman si Elijah ay mukhang nakabawi na ito. Pero hindi maalis sa utak ko na tila natakot siya o nangamba sa sinabi ko kanina.

"May kilala lang akong isang salamangkero, mahigit isang daan taon na ang nakalipas. Kapangalan siya ng lolo mo." Sagot niya sa akin. Pero pakiramdam ko ay hindi niya gusto ang usapin na iyon kaya hindi ko na inungkat ang tungkol doon.

"Pasensya na kung nagsinungaling ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin. Kahit ako ay nagulat din at hindi iyon inasahan. Buong buhay ko, inakala ko na ordinaryo lang siya." Hindi na ako sigurado kung ordinaryong tao lang din ba kaming dalawa ni ate. Pero hindi ko iyon sinabi. That is my last remaining secret na hindi pwedeng malaman nila.

"Naiintindihan ko. Siguro ay itinago niya ang tunay niyang pagkatao para na rin sa inyo." Saad naman ni Elijah. "But if he's really the one I know years back, I will need to talk to him." Nag-isang linya ang labi ni Elijah at alam ko na negatibo ang hatid nun. Para itong naniningil ng isang malaking kabayaran.

"H-hindi ko alam kung nasaan si lolo ngayon. Sa pagkakaalala ko, bago niyo ako natagpuan, nagpaalam si lolo na aalis siya at hindi namin alam kung saan iyon." Naging sagot ko sa kanya at totoo iyon.

Bumuntong hininga naman si Elijah at napahilot ito sa kanyang sentido. "I'm sorry if I have to ask you these things. I just feel the need to."

Napalunok ako. "Ayos lang po kamahalan. Normal lang na magtanong ka sa bagay na nagugulohan ka." Tugon ko naman sa kanya at tsaka tumayo ako dahil meron akong nais ipakita sa kanya. "Your highness, do you have a spare time for me? I wanted to show you something."

Natigilan naman ng kaunti si Elijah na parang hindi niya inasahan mula sa akin. Do I really look like I cannot do something like it? Ang kanyang gulat na mukha ay napalitan ng ngiti.

"Of course, sweetheart." Saad niya na ikinapula ko kaagad at mabilis na tumayo si Elijah para sumama sa akin.

©️charmaineglorymae

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status