Chapter 2
After 5 years... Sa loob ng limang taon ay mag-isang binuhay at itinaguyod ni Ainaliv ang kanyang mga anak. Yes it's a twin! Nakadalawang lahi talaga sa kanya ang baklang si Antonia na walang alam na nagkaanak pala sila! Kaya doble kayod siya at kung anu-anong mga trabaho ang pinasok niya upang mabuhay ang kanyang kambal at ang nanay niya. Sa pagdaan ng panahon ay binansagan na siyang gold digger single mom witch! Medyo mahaba pero imbes na magalit si Ainaliv ay nagustuhan pa niya ito. At ngayon nga na habang lumalaki ang kanyang kambal ay hindi na sapat ang kanilang pangangailangan dahil nag-aaral na ang mga ito. Kaya, nag-apply siya papuntang Paris as a fashion designer dahil yan naman talaga ang forte niya. Natanggap ang kanyang ginawa na mga designs at isa sa mga napili na magtrabaho sa Paris na isang Fashion and Jewelry Company. Ito ay bagong branch ng kompanya at kinakailangan nila ang maraming tao. Nalulungkot si Ainaliv dahil first time niyang iiwan at mapapalayo sa mga anak. Wala naman siyang magagawa dahil malaki ang sweldo sa Paris. Hindi siya nagpahatid sa airport dahil ayaw niya ng drama at iyakan. Baka, hindi siya tumuloy sa Paris kapag nakita niyang malungkot ang kanyang kambal na sina baby Lemuel at Xander. Her treasures and life. Dalawang taon siyang mawawala at ma mi-miss niya ng sobra ang mga ito. Welcome to Paris! Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Ang panibagong adventure ng kanyang buhay. Syempre, mas pipiliin niya ang maging kontrabida kaysa apihin ng kung sinu-sino lang! Isang palaban na gold digger witch yata siya! Mayroong own service car ang kompanya kaya ito ang sumundo sa kanya from the airport. Pero bad trip ang witch Lola ninyo dahil siksikan sila sa loob ng car! Dahil hindi lang naman siya ang sinundo. Isang dosena sila! Buong akala niya talaga ay special treatment na. Yon pala ay bokya! Ang kanilang bahay na titirhan ay malapit lang sa kompanya. Sinadya daw na walking distance para hindi na sila gumastos pa ng pamasahe. Inilagay lang nila ang bagahe sa kanilang kwarto at deretso report na daw sila sa kompanya! Gustong magpahinga ni Ainaliv pero wala naman siyang magagawa. Isang dosena sila sa loob ng bahay na may isang dosenang kwarto na sakto lang ang isang tao. Pero share sila sa kusina at sala dahil iisa lang naman ang mga ito. Nahuli lang siya ng isang hakbang ay nasa pinakadulo na ang kanyang kwarto. Nakaunang makapili ng kanilang mga kwarto ang labing isang bruha! Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili. Aggressive and competitive ang kanyang mga kasama sa bahay. Kailangan niyang maging alerto. Lalo na't nakilala siya ng isa sa mga ito. Si Lorena. Ang number one marites na kanilang kapitbahay sa dati nilang tinitirhan noon. Alam niyang makati ang dila nito at hindi mapipigilan na huwag ibuka ang bibig para lang maki-chismis! Ngayon palang ay pinandilatan niya na ito ng kanyang mga mata ng mapatingin sa kanya. At hindi ito nagpatalo. Bumulong ito sa hangin ng "Gold digger!" Papatulan na sana ni Ainaliv pero naalala niya na bawal ang bayolenteng employee sa kompanya. Kailangan niya ang mahabang pasensiya sa mga magdaraan pang mga araw at mga taon! Kapag bad trip nga naman ay tuloy-tuloy na yan pagdating kay Ainaliv. Kanina pa siya naghihintay sa Manager na in-charge sa kanya. Ang kanyang mga kasamahan ay may kanya-kanya ng pwesto. Siya nalang ang nag-iisang naghihintay! "Ah, Miss. Is your Supervisor coming?" Tanong niya sa isang amerikanang nakaupo sa kanyang harapan. Napangiti ito ng hilaw at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Nakangiti nga pero halata namang plastic! Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili. "Yes, Just wait for- A little longer." Nakangiti nitong sagot. Isang araw ba ang ibig mong sabihin na paghihintay? Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Pero sa halip ay gumanti siya ng ngiti. "Okay, thank you." Pilit ang kanyang ngiti na sumagot. Kung hindi lang siya mukhang pera ay uuwi na kaagad siya ng Pilipinas! Pero iniisip niya ang kambal. At ito ang nagbibigay ng lakas sa kanya upang magsumikap. And after how many years of waiting... "Naririndi na ako sa boses ng baklang yan! Grrr." Sigaw ng Supervisor na ikinagulat ni Ainaliv. Umayos siya ng pagkakaupo dahil dumating na rin sa wakas ang kanyang hinihintay. Sumenyas ang amerikana at itinuro siya. Agad naman siyang tumayo at nagbigay galang. "Good morning, ma'am!" Nakangiti niyang pagbati. "Follow me!" Utos nito at mabilis na naglakad. Sumunod naman si Ainaliv na tila may hinahabol. At dinala siya nito sa pinakahuling floor. Nasa 24th floor sila! Hindi niya alam kung bakit pero ayaw din naman niyang magtanong dahil mukhang bad trip ang supervisor. Kumatok ang supervisor at may nagbukas ng pintuan. "Thanks God! Is she the one?" Tanong ng isang babae. "Yes," tipid na sagot ng supervisor at iniwan nalang siya ng ganun nalang. Ni walang briefing o orientation na nangyari! Nagtatakang sambit ni Ainaliv sa kanyang sarili. "Come here, Mabuti naman at Pinay ka. I'm sure na matatanggap ka." Sabi ng babae habang hinihila siya papasok. Pagbukas ng pintuan ay may isa pa palang kwarto. At ang nakalagay sa wall nito ay CEO! Bongga ata siya dahil ang CEO pa mismo ang mag e-interview sa kanya? Kakatok na sana ang babae pero napigilan ni Ainaliv. Gusto niyang magtanong dahil kanina pa siya napapaisip kung ano ang nangyayari. May kanya-kanya ng pwesto ang mga kasamahan niya. Siya nalang ang wala. At ngayon ay CEO pa ang mag-iinterview sa kanya. Napaka espesyal naman yata. Nagdududang sambit niya sa kanyang isipan. "Wait- Bakit CEO ang mag-iinterview sa akin?" Curious na tanong ni Ainaliv. Napakunot naman ng kanyang kilay ang babae ng mapatingin sa kanya. "Syempre, Secretary ang hinahanap niya. At sekretarya ng CEO. Kaya, siya talaga ang mag-iinterview. Good luck sayo girl. Napaka estrikta ng baklang yan!" Mahabang paliwanag ng babae. At tama nga ang hinala niya na may mali! "Excuse me, Miss. Fashion Designer ang inaplayan ko at hindi Secretary." Nakasimangot na sabi ni Ainaliv. Napangiti lang ang babae sa kanya at itinuloy ang pagkatok sa pintuan. "Well, You're here. Kaya, Secretary ka ng boss natin if ever na matatanggap ka." Nakangising paliwanag ng babae. "Pero-" Hindi naituloy ni Ainaliv ang sasabihin ng bumukas ang pintuan at bigla siyang itinulak ng babae papasok. At ng kanyang bubuksan para lumabas ay naka lock na ito! Napatingin siya sa kabuuan ng pintuan. Para itong automatic na nagsara at ayaw ng mabuksan. She's trapped! "And what are you doing? Kadarating mo lang ay lalabas kana agad?" Naiinis na tanong ng CEO. At pamilyar kay Ainaliv ang boses bakla na nasa kanyang likuran! Dahan-dahan siyang lumingon at sabay pa na nagtama ang kanilang mga mata ng CEO. "It's you!" Sabay pa talaga silang napasigaw. "Kumusta kana bakla?" Nakangiting tanong ni Ainaliv. "Bakla?" Naiinis na ganting tanong ni Antonia. Si Antonia ang baklang CEO ng kompanya! "Ah, Boss?" Alanganin na tanong ni Ainaliv. At mas lalong nagalit si Antonia! "Umayos ka Ainaliv. At ano ba ang ginagawa mo rito? Dito kapa talaga sa kompanya ko nagkalat ha!" Galit na sabi ni Antonia. At napatawa nalang ng malakas si Ainaliv. Mas okay ng hindi siya maging fashion designer. Malapit naman siya sa pera! Talagang kumibot hindi lang ang kanyang pagkababae pagkakita kay Antonia kundi pati narin ang kanyang mga kamay! Ang laki naman kasi ng k*****a ni bakla at hindi niya talaga ito nakalimutan. Wala siyang pakialam kung bakla ito dahil si Antonia naman ang ama ng kanyang mga anak. Salapi! Ang nakikita niya sa mga mahahabang pilik-mata ng baklang si Antonia. "Kung saan-saan kita hinanap bakla. Nandito ka lang pala!" Si Ainaliv. Totoo naman na hinanap niya ito pero wala sa Pilipinas. Nasa Paris pala! Iba na ang nagmamay-ari ng mansion nito ng kanyang puntahan. Gusto niya na makipag co-parenting sana silang dalawa sa kambal. Pero wala si Antonia noong kailangan niya ito. Buti nalang at napalaki niya ng maayos ang kambal. "Watch your mouth Ainaliv! Nasa kompanya tayo at wala sa palengke." Saway sa kanya ni Antonia. "Okay! Mabuti na nagkita tayong dalawa upang mapag-usapan natin ang future ng kambal." Panimula ni Ainaliv. Pero walang maintindihan si Antonia sa mga pinagsasabi niya. "Future? Kambal? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Antonia. "Yes, future ng anak nating kambal. Tatay kana bakla. At kambal pa!" Nakangiting paliwanag ni Ainaliv. Kung minsan ay gustong-gusto ni Ainaliv na inisin si Antonia. Ewan kung bakit pero ang saya-saya niya kapag naiinis niya si Antonia. Pero syempre ngayon ay hindi siya nang-iinis. Gusto niyang makihati ang bakla sa pagpapalaki sa kambal. Para na rin sa future at ng mapabuti ang kinabukasan ng mga ito. "Kambal? You're crazy! Kailan pa-" natigilan si Antonia ng maalala ang mainit nilang gabi ni Ainaliv. "What?" Gulat na tanong ni Antonia na napahawak pa sa kanyang dibdib. Tumango naman si Ainaliv na nakangiti. Ito ay tanda na naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Ang sarap talaga asarin ng baklang si Antonia! Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. "You got it right!" Nakangiting sagot ni Ainaliv. "May anak tayo bakla. At kambal pa. Nakadalawa ka talaga sa akin Antonia." Paliwanag ni Ainaliv. "What? No!" Hindi makapaniwalang sagot na tanong ni Antonia. Magiging tatay na siya? Muling tanong niya sa kanyang isipan. "Yes! It's a Yes! Ang O.A mo naman." Nakatawang sabi ni Ainaliv. Tuwang-tuwa talaga siyang asarin si Antonia! "No!!!" Sigaw ni Antonia at bigla itong nahimatay. "Sh*t! Ang bigat mo bakla!" Naiinis na sigaw ni Ainaliv habang hawak si Antonia.Chapter 52Andito na si Ainaliv sa tagpuan nila ng kamukha ni Monica.Isa itong lumang bahay na medyo malayo sa siyudad.Hindi niya alam kung bakit dito ang trip ng kamukha ni Monica. Mukhang nauna siyang dumating dahil wala pang tao.Hindi siya pumasok sa loob ng bahay dahil natatakot siya. Mukha itong haunted house!Maya-maya lang ay dumating na ang kamukha ni Monica at may kasama itong dalaga."I'm sorry, we're late." Paumanhin ng kamukha ni Monica."It's okay, napaaga lang ako ng dating. Sakto lang sa oras ang pagdating mo." Nakangiting sagot ni Ainaliv."Let's go inside," paanyaya ng kamukha ni Monica.Alanganin naman ang mukha ni Ainaliv at napatingin sa lumang bahay na mukhang haunted house.Napangiti ang kamukha ni Monica dahil nahulaan niya ang nasa isipan ni Ainaliv."Don't worry, mukhang luma lang ang bahay pero maayos sa loob. Dito ako nanirahan for twenty years..." Sabi ng kamukha ni Monica habang nakatingin sa bahay.Mukhang may sentimental value sa kanya ang lumang bah
Chapter 51Nanlumo si Ainaliv ng makita ang kalagayan ng kanyang Mommy. Na comatose ito dahil may pumutok na ugat sa kanyang utak. Matagal na rescue si Carmina. Kung hindi dumating si Yaya Melba at ang kambal ay siguradong patay na si Carmina ngayon! "Bakit nagkaganito si Mommy?" Tanong ni Ainaliv kay Yaya Melba. Nakayuko si Yaya Melba habang umiiyak. Nanginginig siya sa takot. Hindi niya talaga inakala na mangyayari ito kay Carmina! "Hindi ko alam Ainaliv. Basta pag-uwi namin ng kambal galing sa mall ay nakita nalang namin na nakahandusay si Ate Carmina sa sahig at nagkalat ang kanyang mga gamot." Naiiyak na paliwanag ni Yaya Melba."Nakahandusay sa sahig? Bakit nagkalat ang mga gamot ni Mommy?" Sunod-sunod na tanong ni Ainaliv."Hindi ko alam," mahinang sagot ni Yaya Melba."Calm down, magiging okay din si Mommy Carmina." Gusto ni Antonio na kumalma si Ainaliv. Mukhang stress na stress na ito at baka ito naman ang magkasakit."I can't calm down! Okay pa si Mommy ng umalis tayo
Chapter 50Matapos magpa sarap ni Monica ay handa na siya para sa kanyang paghihiganti.Napangisi siya ng muling tumawag si Ripolito sa kanya.Wala siyang balak na sagutin ang tawag nito!"Mamaya pa ang uwi ko Ripolito. Hindi rin naman ako makakatulog kung hindi makakapaghiganti. Akala siguro ni Ainaliv na may happily ever after siya haha!" Malakas pa itong tumawa bago pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay nina Ainaliv at Antonio.Nag park siya ng kanyang kotse sa di-kalayuan ng bahay nina Ainaliv. Linggo ngayon at sigurado siyang andun si Ainaliv. Ang problema nalang niya ay si Antonio!Nakita niyang lumabas ng bahay ang kambal kasama si Yaya Melba. Pero wala sina Antonio at Ainaliv."Swerte ka ba ngayong araw na ito Ainaliv? Hah!" Naiinis na sabi ni Monica.Napahigpit ang hawak niya sa manibela habang nag-iisip.Napangisi si Monica at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya si Ripolito!"Where have you been?' nag-aalalang tanong ni Ripolito."Hon, tulong! Nadisgrasya ako. Puntahan
Chapter 49Naawa nalang si Ainaliv sa sinapit ni Monica. Inintindi niya nalang na dahil sa sakit nito kaya hindi siya matanggap bilang nobya ni Antonio. Hindi rin naman niya masabi na asawa dahil hindi pa sila kasal. Naudlot ang proposal ni Antonio ng dahil kay Monica. Pati ang kauna-unahan niyang company party ay naudlot din. Lahat ay si Monica ang may kagagawan! Kakalimutan niya ang lahat ng ito para sa kanyang pamilya. Mommy parin ito ni Antonio. Ngunit isang araw... Habang busy ang lahat ay walang nakapansin sa pagpuslit ni Monica!Nasa saktong pag-iisip na siya at nais niyang maghiganti kay Ainaliv.Wala siyang problema sa magiging asawa ni Antonio Marco dahil mayaman ito. Ang kinaiinisan niya sa lahat ay ang babaeng napili ni Antonio. At ito ay walang iba kundi si Ainaliv!Mahirap na nga, gold digger pa. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan ni Antonio si Ainaliv. Sa dami ng babaeng inireto niya upang maging fiancee ay wala itong nagustuhan ni isa man lang!Bakit nga
Chapter 48X and L fashion has been born. At masayang-masaya si Ainaliv ng mag opening sila ng kanyang bagong kompanya.Hindi naman siya kalakihan. Sakto lang ang opisina na pinatayo ni Antonio. Pero para kay Ainaliv it's already an achievement. Kasalukuyan din silang naghahanap ng mga bagong designers ngayon. At natupad din ang pangarap niya na maging CEO ng sarili niyang kompanya! Ngayon ay ang opening salvo party ng X and L fashion. Naantala ito ng isang linggo dahil marami kaagad orders from online in different countries! Yes, they also cater internationally. At hindi biro ang mga designs ng online fashion shop ni Ainaliv. Nag focus siya sa clothing line which is her forte. At ngayon ay nais palagyan ni Antonio ng cosmetics na pampaganda ang kanyang online shop. Wala pang isang buwan ang kompanya ay mag expansion na kaagad sila!Parang nasa cloud nine si Ainaliv habang nagpapasalamat sa mga bagong tauhan niya. Andiyan lang si Antonio sa likuran niya at laging nakasuporta.
Chapter 47Samantalang sakto naman na lumabas ng sasakyan si Antonio at nakabangga niya si Monica."Sorry," paumanhin niya.Hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Hindi naman nakilala ni Antonio na si Monica ito dahil ibinalik nito ang kanyang bandana."Antonio! Nakita mo ba ang Mommy mo?" Humihingal na tanong ni Ainaliv.Hindi niya alam kung bakit tumakbo siya at hinabol si Monica."Mommy? Hindi ata magpupunta rito si Mommy Ainaliv." Nakakunot noong sagot ni Antonio."Nakita ko ang Mommy mo pero hindi raw Monica ang pangalan niya." Dinama naman ni Antonio ang noo ni Ainaliv kung may sinat ba ito dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito."Totoo nga, ang linaw ng mga mata ko!" Iwinaksi ni Ainaliv ang kamay ni Antonio."Seryoso ka talaga?" Naguguluhan na tanong ni Antonio."Oo, Hindi mo ba nakasalubong yong babaeng naka bandana?" Tanong ni Ainaliv.Nag-isip saglit si Antonio at naalala niya na!"Nakabangga ko nga. Pero hindi naman si Mommy yon." Sagot ni A
Chapter 46 Laking tuwa talaga ni Ainaliv ng hindi na muling bumalik si Monica! May inner peace na rin siya. Si Ripolito nalang ang laging pumupunta sa bahay nila at ipinapasyal ang mga apo. Kahit kailan talaga ay hindi maintindihan ni Ainaliv kung bakit ayaw parin tanggapin ni Monica ang mga apo niya! Wala naman siyang pakialam kung ayaw nito, hindi siya namimilit. Pero misteryo parin sa kanya kung bakit hindi madama ni Monica ang lukso ng dugo sa kambal. O sadyang masama lang talaga ang budhi niya. Ewan! Kausap ni Ainaliv sa kanyang sarili. Maaga siyang nagising at naghanda na sila para sa pagpunta sa puntod ng kanyang yumaong ama. Ngayon lang din nalaman ni Antonio ang nangyari sa Daddy ni Ainaliv. Namatay ito sa isang trahedya kung saan ay nabangga ang sinasakyan nitong kotse. Pero palaisipan parin kay Ainaliv hanggang ngayon ang pagkamatay ng Daddy niya. Ang report ay nabangga daw ang kotse nito pero andun siya ng e rescue ang Daddy niya dahil sumama siya sa kanyang Mom
Chapter 45Kinabukasan din ay nagpa paternity test si Antonio at ang kambal kasama sina Ripolito at Monica. Syempre, sumama rin si Ainaliv. Kakatawag niya lang sa kanyang Mommy Carmina. Sinabihan niya na hindi pa pwede umuwi ang mga ito. Dahil andiyan parin ang witch mother ni Antonio! "Makikita na rin natin sa wakas ang katotohanan." Tila nangungutyang parinig ni Monica kay Ainaliv. Palabas na sila ng ospital at tapos na ang paternity test ng kambal at ni Antonio. Napairap nalang ng kanyang mga mata si Ainaliv. Kever! Hiyaw niya sa kanyang isipan. Alam niya na ang ginawa ni Monica. Talagang napakasama nito! Nagpaiwan si Antonio kasama ang kambal dahil gusto niyang malaman kung may gagawin nga bang milagro ang kanyang Mommy.At meron nga!Binayaran ng kanyang Mommy ang doktor ng limang milyon. Kaka-text lang ni Antonio at dismayadong-dismayado ito sa ginawa ng kanyang Mommy. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pinaggagawa nito. Para lang magpakasal siya sa mayamang angkan
Chapter 44Kinabukasan ay maagang nagising sina Antonio at Ainaliv. Hinatid muna nila sina Carmina at Yaya Melba. Pagkatapos ay dumeretso na sila sa ospital para sa paternity test. Ang naiwan sa bahay ay sina Monica at Viola lamang!"Antonio! Gutom na kami!" sigaw ni Monica. Pero walang sumagot sa kanya. "Antonio!" muling sigaw niya."Sa tingin ko, wala nang ibang nandito. Tayong dalawa lang ata, Tita," sabi ni Viola."Sumusobra na yang gold digger na yan! Mula Paris hanggang Pilipinas ay nakadikit pa rin siya kay Antonio," naiinis na sabi ni Monica."Calm down, Tita," sabi ni Viola. "Do you know how to cook?" Tanong ni Monica. Kanina pa siya nagugutom. Ang buong akala niya ay may maid sa bahay ni Antonio. Pero nagkamali siya! Pati ang Mommy ni Ainaliv ay wala rin na dapat siya sana ang tatanggap at e welcome ang mga bisita.Well, sino naman ang may gusto na e welcome siya?At wala siyang pakialam. Hindi siya uuwi ng hindi pumapayag si Antonio na makasal kay Viola!"I'm sorry,