In love sa Baklang Bilyonaryo

In love sa Baklang Bilyonaryo

last updateLast Updated : 2025-05-01
By:  leejhenOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
52Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Gold digger witch, a mistress bitch, a crazy selfish woman. At marami pang iba! Ito ang tawag ng mga tao sa kanya. Isang mukhang perang babae na gagawin ang lahat sa ngalan ng milyones! And she's none other than... Ainaliv Cheska Verdida na ngayon ay isa ng Gold digger single mom witch! Hindi niya inasahan na magbubunga ang isang gabi na nawala siya sa kanyang sarili at nakipag one night stand sa isang baklang Bilyonaryo! Muling nag krus ang kanilang landas. Nang lumipat siya ng trabaho at naging boss niya ang baklang Bilyonaryo na si Antonia/Antonio Miguel De Vera. Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita?

View More

Chapter 1

Broken and Pregnant

Chapter 1

Masaya at excited si Ainaliv ng makabalik sa Brunei.

Una niyang pinuntahan ay ang kanyang fiance.

Dalawang buwan siyang nawala at miss na miss niya na ito.

Wala ng problema si Christopher. Solve na lahat at nagkaroon pa siya ng limpak-limpak na salapi galing sa baklang si Antonia!

Hindi talaga siya matatalo pagdating sa diskarte. Binayaran siya ni Christopher. Plus ang pera ni Antonia. Talagang nagniningning ang kanyang mga mata pag nakakarinig ng pera.

Hindi niya maiwasan ang pagiging gold digger niya!

Para sa kanya ay iba ang kahulugan ng Gold digger. She's digging and mining money. Dahil may kapalit at pinaghirapan niya ang lahat para makamit ang mga perang nagdaan sa kanyang mga kamay.

Taliwas sa iniisip ng ibang mga tao.

Syempre, Wala siyang pakialam sa mga marites sa paligid.

Basta may pera siya!

Yon lang ay sapat na.

"Darling?" Tawag ni Ainaliv sa kanyang fiance.

Madami siyang dala na mga pasalubong galing kina Lily at Christopher. Excited din siyang ipatikim sa kanyang fiance ang mga pagkaing pinoy.

Walang sumagot sa kanya. Kaya binuksan niya ang kwarto.

At walang tao!

Itong bahay niya sa Brunei ay bigay ng kanyang fiance. This is their sweet haven. Ito ang saksi ng kanilang pagmamahalan.

Isang mayaman na business man ito. Pinoy din na katulad niya at may kompanya sa Brunei.

Nawawala ito ng ilang buwan para asikasuhin ang ibang kompanya nito na nasa iba't-ibang bansa.

Kaya feeling jackpot siya dahil ang yaman nito!

"Franky Darling!" Masayang sigaw ni Ainaliv.

Pero wala rin ito sa sala. Bumalik siya sa kanilang kwarto at tiningnan kung andun ba ang maleta nito.

Nandoon naman. That means ay hindi ito pumunta sa ibang bansa. Gusto kasi niyang e sorpresa ang kanyang fiance na si Franky.

Baka may binili lang sa labas, bulong ni Ainaliv.

Nagpunta siya sa kusina at inilagay ang dalang mga pagkain.

Napansin niyang bukas ang daan papunta sa rooftop.

At dinala siya ng kanyang mga paa paakyat.

Nang makarating siya sa itaas ay nakarinig siya ng halinghing at tawanan.

Boses ng babae...

Not just one but many!

Sadya niyang ipinagawa ang maliit na kwarto na ito na may malaking bintana para makapag relax kapag pagod siya.

Maganda kasi ang scenery sa taas at presko ang simoy ng hangin.

Pinihit niya ang doorknob at hindi naka lock.

Nang tuluyan niya ng mabuksan ang pintuan ay labis ang kanyang pagkagulat dahil sa kanyang nakita!

Ang fiance niyang si Franky kasama ang tatlong babae!

Nagulat si Franky ng makita si Ainaliv at mabilis na tumayo.

Wala itong pakialam kahit n*******d sa kanyang harapan.

Ang tatlong kababaihan ay wala ding pakialam sa kanya. Parang mga lasing ito na ewan dahil tawa lang ng tawa!

"Darling? It's a surprise!" Nakangiting sabi ni Franky.

Napailing si Ainaliv.

"Na sorpresa nga ako. Tatlong babae pa talaga ang sabay mong tinuhog!" Galit na sigaw ni Ainaliv.

"Hey, You!" Nilapitan ni Ainaliv ang isang babae at sinampal ito.

"Hehe," tumawa lang ang babae at hindi man lang nasaktan.

"Come on Darling. Let's leave them. They're just having fun!" Nakangising sabi ni Franky na lasing na.

"Huh! Hindi yata ako na inform na ganito na pala ang fun na sinasabi mo. Tatlohan talaga?" Galit na tanong ni Ainaliv.

"Let's talk outside." Sabi naman ni Franky at hinila siya palabas.

"No!" Tanggi ni Ainaliv. "Sila ang dapat na lumayas dito!" Nilapitan niya ang tatlong babae at hinila ang mga buhok.

"Stop it Darling! You're hurting them!" Saway sa kanya ni Franky.

Napatingin naman si Ainaliv sa mga babae na hindi naman mukhang nasasaktan dahil nakangisi parin ang mga ito!

"Hurting them?" Tanong ni Ainaliv at pinagsasampal ang tatlong babae na lalo lang tumawa!

"Stop it!" Galit na si Franky.

"Fine, Just enjoy!" Lalabas na sana si Ainaliv ng may makabangga siya at biglang hinila ang kanyang buhok!

"Ouch!" Hiyaw ni Ainaliv.

"I will kill all of your bitches!" Galit na sigaw ng isang may edad na babae.

Sa tantiya ni Ainaliv ay senior citizen na ito.

"Sandali! Who are you? Nanay ka ba ni Franky?" Sunod-sunod na tanong ni Ainaliv.

At isang napakalakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha!

Dama niya na namula ito dahil sa lakas ng impact.

Gusto niyang lumaban pero hindi niya ginawa.

Baka sa hospital pa bumagsak ang matandang babae. At hindi siya nananakit ng mas matanda sa kanya.

Iginagalang niya ang mga ito.

"Masakit yon! Swerte ka Lola at hindi ako nananakit ng senior citizen." Galit na sabi ni Ainaliv.

At mas lalong nagliyab sa galit ang matandang babae!

"How dare you!" Sinampal niyang muli si Ainaliv.

Ngunit nakaiwas ito.

Para kay Ainaliv ay hindi siya tanga upang hayaan ang matanda na saktan siyang muli.

At isa pa ay ayaw niyang pumangit ang kanyang mukha!

"I will kill you first bitch!" Sigaw ng matandang babae. "I am the legal wife and all of you are bitches of my husband!" Nagliliyab na ang mga mata nito at gusto ng ihawin si Ainaliv.

"Legal wife? Husband?" Tanong ni Ainaliv at napatingin kay Franky.

Hindi naman makatingin ng deretso si Franky kay Ainaliv dahil nahihiya siya. Para niya ng inamin na asawa niya si Lola!

"Yes I'm the legal wife at lahat kayo ay kabit lang ng asawa ko!" Sagot nito.

Ang akala ni Ainaliv ay hindi ito Pinoy. Marunong palang mag Tagalog.

"Ha! Napakawalanghiya mo talaga Franky. May asawa ka na-" Hindi naituloy ni Ainaliv ang kanyang sasabihin ng biglang may mga kalalakihang pumasok sa loob ng kwarto at binitbit silang lahat na mga bitches ni Franky!

"Shit! Bitiwan niyo ako!" Galit na sigaw ni Ainaliv habang bitbit na siya ng dalawang matabang lalaki.

"Throw them away! Don't let them come back in this country!" Galit na sigaw ng asawa ni Franky.

Habang ang tatlong kababaihan naman ay walang pakialam at patuloy parin sa pagtawa.

Biglang gumuho ang lahat ng mga pangarap ni Ainaliv.

Akala niya talaga na si Franky na. Pero may asawa na pala ito!

Ang dami niya pang mga pangarap para sa pamilya niya. Lalo na sa nanay niyang may sakit sa puso. Kailangan nito ang maintenance at kailangan niyang kumayod para matugunan ang lahat ng pangangailan nito.

Ito nalang ang natitira niyang pamilya.  Ayaw niyang umiyak dahil wala ito sa bokabularyo niya.

Why cry if you're still alive? Just move your fuck*n ass and do something! Ito ang palaging sinasabi niya sa sarili kapag hindi maganda ang nangyayari sa kanyang buhay katulad ngayon.

Walang nagawa si Ainaliv kundi umuwi ng Pilipinas dahil pina deport siya ni Lola!

Banned na siya sa bansa at hindi na siya pwedeng bumalik pa.

Sayang yong mga extrang trabaho niya. Dahil salapi din 'yon!

Nag-umpisa siya sa dati at naghanap ng bagong trabaho. Syempre kasabay na rin ang boy hunting!

Kailangan niyang makabingwit ng mayaman. Hindi kasya ang sweldo lang.

Ngunit sa kasamaang palad ay...

"You're pregnant Ms. Verdida. Congratulations!" Sabi ng Doktor.

"What?" Tila hindi pa nag sink in sa kanyang utak ang mga sinabi nito.

Andun siya for medical examination para sa bago niyang trabaho.

But the result is Congratulations dahil buntis siya!

Pag minamalas ka nga naman... Bulong ni Ainaliv sa kanyang isipan.

"Congratulations! You're two months pregnant." Muling sabi ng Doktor.

Napangiti nalang ng hilaw si Ainaliv dahil wala siyang masabi.

She's speechless!

Kaya niya bang maging ina? Yong gastos sa pagpapalaki ng anak. Kaya niya ba? Naitanong ni Ainaliv sa kanyang sarili.

Nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang gabi na kasama niya ang baklang si Antonia!

Nakalimot siya at hindi napansin na Wala palang suot na proteksiyon ang bakla.

Mabilis na naglakad palabas ng hospital si Ainaliv.

"Walanghiya ka bakla!!!" Sigaw ni Ainaliv na umalingawngaw sa buong paligid.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ying
Ang Ganda ng kwento nila Antonia analaiv Sana Po mag update Po ng bagong chapter
2025-01-09 10:16:56
1
52 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status