Share

Chapter 2

Indigo POV

I flashed my megawatt smile on her. One of the century old tactics of luring a woman into your bed is flashing a smile and squeezing her hand and letting her feel your warmth. Iyan ang natutunan ko sa ilang taon na pambubudol ng mga babaeng madalas ay malungkot. Call it a miserable tactic, who cares? So long as I do not harm their emotions. Im being careful at kailangan na aral ang bawat gagawin ko. 

I am like a sly fox waiting for my target to give in to her defenses. Ayaw ko ng namimilit. I may scam them but I make sure wala silang habol. I am thankful that despite my hatred for my family’s profession, may natutunan akong pasikot-sikot sa batas, especially about fraud.

  I have my henchmen do the investigation for them. Para akong isang professional na scammer na may mga naka-schedule na target. Mukhang mga tanga ang mga tauhan ko pero maasahan sila sa pangangalap ng impormasyon. Gamit na gamit ang pagiging laking kalye nila. Being triplets is their advantage. Of course, all their efforts are well-compensated. I see to it that they will keep their loyalty to me.

“A lonely woman in this lovely evening,” sabi ko. Minuwestra ko ang aking kamay kay Matilda. Gusto ko siyang masolo. Mas madali ang pambubudol kung walang distractions.

“May problema ba tayo, Madam?” Dinig kong sabi ng lalaki na sa tingin ko ay bodyguard niya.

“Wala, tatawagin na lang kita. May pag-uusapan lang kaming importante,” aniya sa bodyguard. “Come, Indi. Let's go somewhere private. I've been dying to contact you.” Tumayo siya at sinukbit ang kanyang luxury handbag sa kanyang braso. 

My brows furrowed. So, she is not into me? Nagtaka ako ano kayang business ang gusto niya sa akin. Hindi naman ako kinabahan. Bagkus ay naintriga ako.

 

Umakyat kaagad siya sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga VIP rooms. Nakasunod lang ako sa kanya at kita ko kung paano sumunod si Gardo sa akin. Napangiti ako sa aking tauhan na napaka-maalalahanin. Sumenyas ako ng thumbs up, meaning okay lang ako.

Sa pinakadulong kwarto kami pumasok ni Matilda. Maganda ang kabuuan ng silid. If I were to name it, I would call it the red room. Red upholstered cleopatra sofa, red carpeted floor, and even the dim lights in the corner of the room are red! May sariling flat screen TV na sa tantiya ko ay 82inches sa laki at lapad nito with matching microphones.

Umupo kaagad si Matilda at may inilabas na kung ano sa kanyang bag. Isa itong maliit na transparent folder na may lamang papeles. Ibinigay niya sa akin iyon at nang tinanggap ko iyon ay hindi ko muna binuksan.

“Please open it, Indi. I need you to read that and give me an answer tonight. Take it or leave it.” Diretso niya akong tinitigan at ang kaninang mapang-akit na tingin sa labas ay hindi ko na maarok. Napailing ako dahil akala ko ay hindi ako mabobokya ngayon.

Binuksan ko ang folder at namilog ang akong mga mata. “Legal Guardianship by Appointment? Para saan ito? Pag-aalagain mo ako ng paslit?” My eyebrows furrowed. May kinuha ulit si Matilda sa kanyang bag. Inabot niya sa akin ang isang 4R na picture. Isang dalagita na may braces, at kawangis ni Matilda liban na lang sa pagiging singkit. Pero napansin ko ang kawalan ng kislap ng mga  mata nito. Bulag? 

“That’s Maddison Lee, ang kaisa-isahan kong apo. Mayaman ang pamilya ng kanyang ina. We can’t even measure up to their wealth. When she reaches the age eighteen, she will have to wed a man almost the age of her grandfather! And I can’t permit that to happen to Maddi. She is repulsed by the idea and she sought my help. So as her legal guardian, I choose you instead of marrying her off to an old man when she reaches the legal age.”

“Teka lang bakit ako? Hindi mo alam na baka pagsamantalahan ko lang din ang kahinaan ng apo mo!” Medyo nayamot ako sa mga pakulo niya at hindi ko naman din ugali ang mambiktima ng bata! Sa itsura pa lang ay alam kong menor de edad ito.

“I have my ways. Lahat ng galaw mo ay pina-monitor ko na. Ikaw lang sa tingin ko ang pwedeng makatulong sa akin.” Helpless na saad niya sa akin. “Please, if you can't decide tonight please visit my home tomorrow. Nasa bahay si Maddison. I'll let you see her at saka ka na magdesisyon. Lahat ng yaman ko ibibigay ko sa’yo, basta tumupad ka sa usapan natin.” Tumayo na si Matilda at mariing pinisil ang aking mga kamay at tumalikod na s’ya.

Napabuntonghininga ako. Mag-aalaga ako ng bulag na menor de edad? Napailing ako at narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo kong kasama.

“Ano na bossing? Saan daw ang pupuntahan ninyong hotel?’ tanong ni Gomer. Gusto mong matawa sa tanong ni Gomer lalo at sanay itong maging driver ko sa kung saang hotel gusto ng mga babae mag-check in.

Napailing ako at nilapag ang litrato ni Maddison. Sabay silang napatingin sa mesa. Pinulot ni Gardo ang litrato at tiningnan ako. Kumunot ang noo n’ya sa akin at nagtatanong ang kanyang mga mata.

“Halina kayo sa condo. Doon natin pag-usapan. Kailangan ko ang opinyon ninyo,” saad ko sa kanila.

 Lumabas kami sa VIP room at bumaba na. Hinugot ko ang aking card para magbayad ng ininom namin pero bayad na raw sabi ng cashier. Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na sa bar na iyon.

Si Gardo ang nagmamaneho. Magkatabi kami sa unahan samantalang nasa likod si Gener at Gomer. Tahimik lang kami sa kabuuan ng byahe. At nang marating namin ang condo ay si Gener na ang nauna na naglakad. Siya ang may hawak ng susi. May mga access card silang tatlo at pwede silang pumasok doon kahit kailan nila gustuhin.

Nasa 18th floor ang aking unit. At kung paano ako nakabili ng condo, syempre pa, regalo lang ng aking nabudol. Hindi na ito kinuha sa akin ang unit sa takot niyang mabuking to ng kanyang asawa na pulitiko. 

Perks of pambubudol ng matandang asawa ng pulitiko. Konting kiliti, konting lambing, konting bola, bibigay at bibigay ang mga ito. No sweat. It's better than dating immature girls. Kung mamalasin ka pa ikaw ang gagawing milking cow.

Binuksan na ni Gener ang unit at in-on ang switch ng ilaw. Ang aming tambayan kung bored kami. Naupo kami sa sofa na naroon at nag-umpisa na pag-usapan ang naging pakay ni Matilda sa akin. Inilapag ko ang picture ni Maddison sa lamesa.

“Bossing, papatos ka na rin ng bubot na prutas ngayon?” tanong ni Gomer sa akin. Napailing na lang ako sa sinabi niya. 

“Hindi, apo yan ni Matilda. Gusto niya na ako ang maging guardian ng dalaga pagtungtong ng disiotso. Ipakakasal kasi sa matanda eh, ayaw naman ng dalaga,” paliwanag ko.

“May mahihita ka ba dyan bossing?” ani Gener. Sa tatlo, ito ang pinaka praktikal sa kanila.

“Ang buong kayamanan ni Matilda Lee, magiging atin. Kung papayag ako. Ano sa tingin ninyo?” tanong ko sa tatlo.

“Kaysa naman sumisid ka ng sandamakmak na perlas na nilulumot, mas okay na yan bossing. At sa ganda niyang apo ni Madam Matilda pwede mo na asawahin ‘yan bossing kapag naging legal na. Mas malaki ang kikitain mo, di ba mayaman din ang kamag-anak niya. Natural bossing, mayaman siya may karapatan ka sa mamanahin n’ya,” ani Gomer.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status