Share

Chapter 5

Author: Mrsdane06
last update Last Updated: 2023-02-08 20:20:58

Indigo POV

Bumaba na kami sa sasakyan at pumunta sa guard house. Sinabi ko lang ang pangalan na Beatrice Tan at kaagad na pinapasok kaming apat.

“Ang gara dito bossing, parang ansarap siguro magkaroon ng farm ano? Iyong ilang ektaryang palayan. May mga alagang hayop at may gulayan. May masaya at buong pamilya,” alanganing ngiti ni Gomer sa akin. Alam kong naawa siya sa akin dahil iyon ay hindi ko naranasan sa aking pamilya. Nasaksihan nila kung gaano kamiserable ang trato ng pamilya ko sa akin kaya hindi na ako nagtataka.

“Itong Gomer na ito, ang layo naman ng pagkumparahin mo. Firing range ito, hindi bukid!” singit ni Gener.

“Hayaan mo na kasi ang kapatid mo sa pangarap niya. Malay n’yo kapag nagpakasal na kami ni Maddison ay mabili na natin ang ang pangarap na farm ni Gomer, kaya tiwala lang. Makakamit din natin ang pangarap na iyan basta alalayan n’yo ako palagi,” saad ko sa tatlo. 

Naglakad kami sa unahan at doon ay may nakahanda ng long table at ang shooting instructor. Nagulat pa kami nang may pumutok na baril pero nanlaki ang aking mata nang makita ko si Beatrice na kahit naka-dress ay may hawak na shotgun at asintadong natamaan ang flying target.

Hindi ko namalayan na pumapalakpak ako sa husay niya sa target shooting. Binaba na niya ang kanyang shotgun atsaka naglakad papalapit. Medyo madamo ang bahaging iyon ng shooting range, kaya sinalubong ko siya at inalalayan maglakad palapit sa long table.

“Now, lover boy, I'm going to train you how to be a badass. Para naman makapasa ka sa organisasyon. I’m sure Greg Monasterio will frown if isang lampa ang magiging bagong recruit niya.” Natawa si Beatrice sa huling sinabi niya lalo na nang nabanggit niya ang isang pangalan na hindi pamilyar sa akin.

Inabot niya sa akin ang shotgun at muntik ko na itong mabitawan sa pag-aakalang magaan lang iyon.

“Shit!” Nanliit ang mata ko na pinagmasdaan ang tatlo kong kaibigan na hawak ang mga tiyan nila at halos mamutla sa kakatawa sa katangahan ko.

“Bossing! Kinulang ka yata sa vitamins!” tukso ni Gomer sa akin.

Sa inis ko ay nag-f**k you sign sa akin pero imbes na tumahimik ito ay mas umalingawngaw pa ang tawa nito sa kabuuan ng shooting range.

“Bunso! Awat na!” singit ni Gardo sa kapatid.

“Indi, huwag ka na magalit, dangan kasi ay pang-romansa lang talaga ang katawan mo, hindi pang bakbakan. Come, I will personally train you.” Minuwestra ni Beatrice ang kanyang kamay at inabot kaagad iyon kahit medyo napipikon pa rin ako kay Gomer.

“This is how you hold a gun,” ani Beatrice. Minuwestra niya ang tamang paghawak ng baril na kaya abutin ang 50 to 100 yards. Short-range guns muna ang tinuro niya. Kung paano ang posisyon ng mga kamay sa gatilyo, ang posisyon ng katawan at balikat at kung paano dapat ang hawakan ang baril na hindi mabitawan matapos kalabitin.

Minsan tuloy napapaisip ako kung sino talaga si Beatrice Tan at kakaiba ang galaw nito. Hindi siya kasali sa mga babaeng pina surveillance ko sa tatlo lalo at hindi naman siya kasali sa target kong ibudol.

 Para siyang isang gangster na malandi dahil napaka-wild n’ya sa kama. Sa ilang beses na may nangyari sa amin ay sa tuwina may pakulo na paggamit ng sextoys. Minsan tuloy na tu-turn-off ako sa kanya.

 Konswelo ko na lang at hindi na lasang patis ang kanyang tahong dahil bago kami magyugyugan, pinapainom ko muna siya ng pineapple juice. Nadala na ako nang halos masuka ako sa lasa ng katas niya nang una kaming magsiping.

Ginugol namin ang maghapon sa shooting range. At namangha ako sa aking tatlong kaibigan na mas madaling natuto kaysa sa akin. Pati sila ay may kanya-kanyang instructor dahil ayon kay Beatrice ay mas dapat marunong ang tatlo sa akin dahil sila ang aking mga henchmen.

 Napangiwi ako sa ginamit na pantukoy ni Beatrice sa aking mga kaibigan. Hindi ko sila kinokonsiderang tauhan dahil kaibigan ko sila. Ang triplets ang nagsilbing sandigan ko noong panahon na lugmok ako at muntik na sumuko sa buhay.

Noong halos magpatiwakal na ako dahil sapilitan na pinapa-block ako ng aking ama sa pagpapa-enrol sa aking pangarap na kurso ay silang tatlo ang umaliw sa akin. Sa tuwing nakakatikim ako ng hagupit ng latigo ay sila palagi ang gumagamot sa mga latay ko para hindi mag-iwan ng pelat.

Umuwi kami sa condo na masaya. Pasipol-sipol ako habang ang tatlo ay nagkukulitan. Pero, napatigil ako nang masilayan ko ang kapatid ko na si Hazel.

“Anong sadya kapatid?” bungad ko kaagad kanya.

“Duh, nangangamusta lang at wala ng maingay sa bahay nina Mama at Papa. Parang nasa sementeryo lang sila noong dalawin ko sa bahay nila. Wala na pala ang paboritong hagupitin ni Mama,” ani Hazel.

Inaya ko siya sa aking condo. Sumama naman siya sa akin at napangiti siya sa gara ng aking tirahan.

 

“Bunso, galing mo rin mambudol ano?” napangiti niyang saad.

“Si Indigo Magtanggol ang kaharap mo, natural. Kailan pa ba ako pumalpak sa matrona?” Umupo ako sa sofa sa tabi ng aking kapatid. “So, kumusta ang buhay may asawa at pagiging abogado?” may halong pait na tanong ko.

Namilog ang mata ko nang makita ko kung paano pumatak na parang ulan ang mga luha ng kapatid ko. Hindi ako pamilyar sa buhay may asawa niya. Basta ang alam ko ay sina Mama at Papa ang namimili ng magiging asawa ng mga kapatid ko. Napahagulgol na si Hazel at yumuko para itago ang mukha nito sa akin at saka tinakip niya ang mga kamay sa mukha niya.

“Mabuti ka pa bunso, kaya mong suwayin sina Mama at Papa. Matapang ka. Hindi katulad ko na pawang sunud-sunuran lang sa kanila,” Napasigok ulit siya at pinahid na ang luha gamit ang kanyang panyo. 

“Is your husband having an affair?” tanong ko.

Natahimik si Hazel at ang pananahimik na iyon ay oo para sa akin. “Gusto mo takutin namin ang babae ang para iwanan niya ang kabit n’ya?” offer ko sa kapatid ko.Imbes na maiiyak ulit si Hazel ay natawa ito. 

“Loko-loko ka talaga bunso! Hayaan mo na. Kakalap lang ako ng ebidensya at mag-fi-file na kaagad ako ng annulment,” aniya.

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa buhay may asawa niya at pati na ang kalagayan ng aming mga magulang. Doon na siya naghapunan sa condo at nag-order na lang kami ng pasta at pizza.

Matuling lumipas ang mga buwan. Wala pa akong balita kay Matilda. At sumailalim kami sa maraming training. Natutunan ko na ang paghawak ng iba’t-ibang klase ng baril, pati na ang basic na self-defense.

 Kasama ko sa lahat ng training at tatlo at pati ang mga kaibigan ko ay sadyang napalapit na rin kay Beatrice. Wala pa ulit akong balita sa mga Lee pero tinandaan ko ang lahat na sinabi ni Matilda. Limang buwan pa bago sumapit ang 18th birthday ni Maddison. 

Isang araw, habang nag-buffet lunch kami ay may pinakilala sa akin ni Beatrice.

“Gregory Monasterio!” Tinaas ni Beatrice ang kanyang kamay pero tila walang nakita ito. “Come, Indi. I will introduce you to the man who will let you grasp the world in your hands.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 58

    Maddison Kanina ko pa iniinis si Indi. In reality, gusto kong tumawa sa mga reaction niya sa mga sinasabi ko. Aba at dapat lang. He ignored me more than he should and he should put me above anything and anyone else. Gusto ko naman na kahit papaano ay bigyan niya ako ng importansya. Lately napapaisip ako sa mga sinabi ni Adam sa akin. He should be the one I married, not his dad. Why? Adam is a catch kung physical attributes ang pag-uusapan. He is twice as attractive as my husband! Why did I know that piece of information? Tinakasan ko lang naman si Perry habang nalingat ito nang may iutos ako sa kanya. Nag-uusap pa si Brandon at Indi. Nauna na akong naglakad palayo sa kanila. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko habang pinagmamasdan ang lugar kung saan kami manantili ng asawa ko. Gusto ko pa rin naman na makasama si Indi kahit naiinis ako sa kanya. Lumipat na ang chopper na naghatid sa amin. Kinawayan ko pa si Brandon habang palayo na ito. "So, you can fina

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 57

    Indigo My cell phone rang. Brandon's number appears on the screen. Sinagot ko ang tawag. "Naghihintay na kami dito sa rooftop ni Gener. I want you to take a ride before you decide to purchase this." Diretso ang mga sinabi ni Brandon sa akin mula sa kabilang linya. "I will," maikli kong sagot bago binaba ang tawag. Umangat ang gilid ng aking labi. Atty. Benedicto is a reliable man. Wala pa akong pinagawa sa kanya na naging palpak. Kaya siguro ang laki ng tiwala ni Matilda sa matanda dahil efficient siya na tauhan. Tumunog muli ang aking cellphone. This time si Hazel ang tumatawag. "Speak," saad ko pa habang binabagtas ang kalsada papunta sa hotel. Walang sinabi ang kapatid ko kaya imbes na mainis ako na ang magbibigay ng instruction. "Alam na ni Gardo kung saan niya kayo dadalhin. And please, Hazel pakalmahin mo si Maddison. Sumasakit na ang ulo ko sa pasaway na 'yan." "My goodness, bunso! Lawakan mo ang pasensya mo sa asawa mo. She might be really p

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 56

    Indigo POV "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"tanong ko pa kay Perry. "Opo," matipid niyang sagot. "Samahan mo na ang senyorita mo. Susunod na kami ni Gardo," utos ko pa. "But, Indi! Sasabay na lang ako sa inyo," tutol pa ni Maddison. Nagpapadyak na siya at humalukipkip. Napapikit na lang ako nang tumulis pa ang nguso niya tila bata na hindi nakuha ang gusto niya. Pero, hindi ako nagpatinag sa tigas ng ulo niya. "Listen to me once and for all, Maddison Lee," may diin kong saad. Tinitigan ko siya na parang inaarok ang kanyang kaisipan. Hindi ako nagpadala sa kanyang pamimilit. "Halika na, Maddison. Bibilhan ka na lang ni Gardo mamaya ng milk tea doon sa paborito mong shop," singit pa ni Hazel. At saka pa lang nag-umpisang maglakad si Maddison. "Ako na ang bahala sa asawa mo bunso." Umalis na rin sila sa wakas. Niligpit ko lang ang mga blueprint at nilagay sa isang draft holder at saka sinukbit iyon. Tumunog ang aking cellphone at galing kay Ge

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 55

    Indigo POV "Ilang beses ko na 'yan napapansin bossing. Mamaya may nakaabang na pala siyang mga alipores sa paligid," sabi ni Gardo. "Wala 'yan Gardo. Kaya nga wala ngayon dito si Gener dahil pinamamanmanan ko ang bawat kilos ng taong 'yan," rason ko pa sa kanya. "Ikaw ang bahala, bossing. Basta ako, susunod lang sa mga iuutos mo. Makakaasa ka sa katapatan ko hanggang sa huli," saad naman ni Gardo. "Tulungan mo na lang si Perry na alagaan ang bugnutin mong alaga. Minsan talaga nagsisisi ako na kumagat ako sa offer ni Matilda. Konti na lang at matutuyo ang dugo ko sa Maddison na 'yon," reklamo ko pa. "Andami ko pang aasikasuhin para sumakto sa December ang opening ng isang wing ng Lucky Casino." "Kami na tatlo ni Hazel bahala sa asawa mong maldita, bossing. Pagkain lang naman katapat niya at nahihilig ng milk tea nitong nakaraang araw." Hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Gardo. Hindi ko muna pinuntahan si Maddison sa hotel room n

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 54

    Indigo POV “Let’s not argue here, Chiquita. Mas mabuti pang bumalik na muna tayo sa silid natin,” saad ko. “Oh no! Go on with your business. Perry will surely entertain me. Nakaka-bore ang mga ginagawa mo at sa totoo lang gusto ko naman mamasyal . I see interesting places around here. I need to familiarize myself with the kind of people you are going to work with,” kaswal na saad ni Maddison sa akin. But, I know better. Sana lang huwag magkrus ang landas nila ni Jessica. “Pasasamahan kita kay Gardo. Hindi sapat na si Perry lang ang kasama mo. We need to take extra precautions.” “Ang OA mo naman, Indi! Pwede namang si Perry na lang ang kasama ko. Magmumukha akong uber rich kapag dalawa ang bodyguard ko.” “You are uber rich, honey. Baka nakalimutan mo na nang nakaraan lang ay muntik na naman si Gener. Please listen to me, it’s for your own safety.” I don’t want to take chances. I know Adam Evangelista is like a predator waiting to strike at any

  • Indigo Magtanggol (Wildmen Series#43)   Chapter 53

    Indigo POV I smiled as my wife willingly accepted my new employee. “Wait, your name is Perry?” tanong ni Maddison matapos yakapin ang nabanggit. “Sorry, but you have such an androgynous name.” Muli pang pinasadahan ng tingin ni Maddison ang kabuuan ni Perry. Hindi mawaglit ang duda sa mukha niya lalo at matikas at nakapostura ang huli. Isang matipid na ngiti lang ang sagot ng pobre kong tauhan. But, I know better. Sigurado akong babae si Perry pero sadyang astig lang ang porma. “Chiquita, you are making Perry uncomfortable,” saway ko sa kanya. As much as I want Perry to feel comfortable towards us, alam kong kay Maddison siya mahihirapan. “Please help yourself, Perry. Kumain ka na rin. I bet di ka pa pinag-almusal ni Atty. Benedicto,” komento pa ni Maddison. Yumukod lang si Perry at umupo na. Tumikhim si Atty. Benedicto at tuluyan nang umalis. Kumakain na kami nang may namataan akong pigura. Si Jessica na palapit sa kinaroroonan namin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status