Share

Chapter fourty-eight

“Ikaw!?“ Gulat niya na turan kaya napahalukipkip ako at tumango.

“Ako nga Heart Serenety Smith Leviste, oh Mrs. Leviste for short.“ Sabi ko sa kanya kaya sumama ang mukha niya at nakita ko kung paano ito manlisik.

Kung noon ay nanginginig ako sa takot sa mga mata niya ngayon ay kaya ko nang tapatan ang mga mata niya.

Ngumisi ako lalo at alam ko na lalo siyang nagalit.

“Hindi ka ba masaya na makita ako mother in-law?“ Tanong ko sa kanya kaya napasingasing siya.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko! At ikaw ang dahilan para masira ang buhay ng anak ko!“ Sigaw niya na akma akong susugurin ay pinigilan siya ng pulis na nasa likod niya kaya galit niya itong inangilan.

“Para ka pa rin tigre nakakatakot.“ Sabi ko sa kanya saka ako tumawa ng mahina.

“Ang lakas ng loob mo na pumunta dito!“ Sigaw niya kaya napangiti ako ng matamis.

“Alam mo ba kung bakit ako nandito? Nakalaya na si Raphael at alam mo ba na nagkabalikan na kami, at nagsisimula na kami ulit kasama ang anak namin at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status