Share

Kabanata 1

last update Huling Na-update: 2023-08-27 20:38:26

Andrie

"YOU ARE grounded! No cellphone. No night out. No allowance. No car. Hindi ka gagalaw ng kahit na anong bagay na nasa paligid mo. Hindi ka pwedeng lumabas sa mansyon." Parang kulog na dumagundong ang galit kong boses sa loob ng opisina ko habang nasa harap ko si Candros.

Ilang sandali noong sumunod sila dito ni Cathy kay Pulahan at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Nagpupuyos ako sa galit dahil sa katigasan ng ulo niya.

"B-But Ate---"

"Kung gusto mong magkapera at matustusan lahat ng pangangailangan mo magtrabaho ka sa farm o dito sa resort. You choose Candros." Masamang masama ang tingin ko sa kanya habang nakayuko siya habang ang dalawa pa naming kasama ay gan'on din. Si Cathy at Pulahan.

"Sinasagad mo ang pasensya ko kaya magmatigasan tayo ngayon." Asik ko pa. Tumayo ako at humarap kay Pulahan. "Bukas na bukas ipunin mo lahat ng tauhan at sisimulan kong ayusin ang kapalpakan ng tarantadong ito."

"Okay. Uuwi ba muna kayo sa mansyon? Ipapahanda ko ang kotse." Ani Pulahan.

"Go on."

Nang makalabas siya ay hinarap kong muli ang mga kapatid ko. "Uuwi tayo ngayon, lets go." Agad naman silang sumunod.

"Ate wala ka manlang bang pasalubong sa'kin?"

Malungkot na tanong sa'kin ni Cathy.

Magkakasabay kaming naglalakad at pinagtitinginan ng mga tao dito sa resort. Kahit papaano ay nawawala lahat ng stress ko sa trabaho dahil kasama ko ngayon ang mga kapatid ko. Inakbayan ko si Cathy at nakangiting ginulo ang buhok niya.

"Don't worry, Ate, will you a money para makabili ka ng gusto mo."

"Yehey, thank you ate. I love you so much."

Tuwang tuwa siyang humalik sa pisngi ko.

Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko at nakita kong si Candros iyon.

"Ate sorry na, hindi ko naman sinasadya talagang hindi ko lang alam kung paano mamalakad dito si Ate Pulahan lang ang pinapabantay ko," tugon niya. Nakayakap silang dalawa pareho sa bewang ko at kahit simpleng bagay lang iyon ay kusang gumagaan ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko sila.

"Kahit anong sabihin mo grounded ka pa rin. Kailangan mong matuto sa lahat ng pagkakamali na nagawa mo." Seryosong tugon ko at tinapik ang balikat niya.

"Pero Ate bigyan mo rin ako ng pera wala ka ring pasalubong sa'kin, ang unfair naman kung si Cathy lang." Ungot niya pa.

"Eww Kuya, so gross ka ang laki mong tao pero umungot ka na prang girl. Mas matanda ka pa sa'kin pero kung mag-isip ka parang si budoy." Natatawang singit ni Cathy. Sinamaan siya ng tingin ni Candros.

Hinila nito ang buhok ng kapatid namin. "Ang epal mo talaga kahit kailan."

"Candros, wag mong sinasaktan ang kapatid mo," saway ko.

"Ako nga ate sinuntok mo para akong nakakita ng stars kasi naalog ang ulo ko," reklamo niya.

"Iyon ang nababagay sa mga tarantadong katulad mo," nakangising tugon ko.

Hanggang sa makarating kami sa labas ng resort ay panay ang bangayan ng dalawa at nakayakap pa rin sila sa'kin. Nakita ko ang Pagani Huayra kong sasakyan na iniwan sa mansyon. Kulay gray iyon at isa sa pinakaiingatan kong car collection. Nakangiting lumabas doon si Pulahan at ihinagis sa'kin ang susi.

"Namiss ka ng alaga mo."

"Ang dukha talaga nito pasimple pa siyang ipapakuha gusto lang naman gamitin." Nakangising tugon ko habang papasakay sa driver seat samantalang ang mga kapatid ko ay sa back seat.

"Gago ka buti nga kinuha ko at syaka hindi ako dukha naambunan ako ng pagyaman mo. Pakyo!" Inis niyang binuksan ang passenger seat at naupo roon.

"Whatever."

"Kaya wala kang jowa kasi dyan sa kasungitan mo."

"Jowa? What is it?" takang tanong ko.

Nagkatinginan sila ng mga kapatid ko at sabay sabay na nagtawanan habang ako ay salubong ang mga kilay na pinaandar ang sasakyan.

"Saang lupalop ka ba nagtago Andrie? Jowa means kasintahan, kadugdugan, karomansahan at mapakyohan."

"Tsk. Girlfriend?" Patanong iyon.

"Ate bakit girlfriend di ba dapat boyfriend kasi babae ka?" Takang tugon ni Cathy.

"Girlalu 'yang ate mo sa pisikal pero mani rin ang hanap niyan."

"Yang mga salita mo parang bakla." Puna ko.

Pulahan is Red Manansa, kasama ko na siya since the day I was born at magkasama kami in ups and downs of our lives. She's a boyish or lesbian like me, well I can say that I am a lesbian becuase never in my entire life that I am become attracted to a guy pero hindi rin naman ako attracted sa mga babae. Hindi ko alam kung anong tawag sa'kin.

"Tangna mo ginawa mo pa akong bakla lalaki 'to."

Nang makalabas kami sa premises ng resort ay tinahak na namin ang gitnang parte ng Isla kung saan matatagpuan ang mismong bayan. Nasa bukana ng Isla ang resort at nasa gilid iyon ng malawak na karagatan. Maraming mga punong kahoy kaming nadadaanan at lahat ng mga tao ay napapasunod ang tingin sa sasakyan namin.

Nang makadaan kami sa rice field ay lahat huminto sa ginagawa at yuko sa'min samantalang ako ay tuloy sa pagmamaniho papalapit sa lupain ng mansyon.

"Wag kang dumaan sa main entrance maraming tao doon dahil nagwewelga sa pasahod at patanim." Pagkuay sabi ni Pulahan.

Napatingin ako sa gawi ni Candros na agad namang nag-iwas ng tingin. Napapailing ako at sa mismong entrance ko kinabig ang monobela.

"Hindi matatapos ito kong hindi haharapin," tugon ko.

Medyo may kalayuan pa kami pero tanaw ko na ang mga taong nagkukumpulan sa malaking tarangkahan ng mansiyon. Malayo ang mismong bahay mula sa tarangkahan kaya alam kong hindi sila magtatangkang pumasok.

"Nandito na sila! Nandito na sila!" sigaw ng isang matanda.

Aligaga naman ang mga guard na nasa tarangkahan dahil sa dami ng tao. Lumapit sa'kin si Mang Danyo na siyang pinagkatiwalaan ko sa seguridad dito habang wala ako.

"Boss hindi po kayo makakadaan dito dahil hinaharangan nila ang entrance." Kabadong tugon nito ng makitang ako ang nagbukas ng salamin ng sasakyan sa passenger seat.

Tumango lamang ako at seninyasan si Pulahan na bumaba gan'on rin ang ginawa ko.

"Wag kayong bababa," utos ko sa mga kapatid ko.

"Yes, ate," sabay nilang sagot.

Gamit ang seryosong mukha ay humarap ako sa mga tao. Nanlaki ang mga mata nila at napaatras ng makita ako. Siguro'y hindi nila inaasahan ang pagdating ko. Naglakad ako papalapit sa kanila pero para silang mga tupang nagsiiwas sa tingin ko. Dahil sa paggigitgitan nila na makalayo sa'kin ay may natumbang isang lalaki.

"Aray ko po." D***g nito at bumagsak sa putikan na nasa harapan ko nauna ang mukha. Tumalsik ang putik na iyon sa sapatos ko.

"Mga tarantado bakit niya tinulak ang kapatid ko." Sigaw ng isang babae at nagkukumahog na tulungan ang kapatid niyang makabangon.

Hindi ko binigyang atensyon ang nagaganap sa harapan ko kahit na gusto kong sapakin ang lalaking dahilan kung bakit nadumihan ang sapatos ko. Ipinalibot ko ang tingin sa mga taong nasa harapan ko, walang sumalubong sa'kin ng tingin dahil lahat nalayuko.

"Sino ang presidente ng mga magsasaka?" tanong ko.

Bawat kategorya ng trabaho dito aa Isla De Kastilyo ay may kanya kanyang presidente para magsilbing tagapagsalita ng mga grupo nila dahil hindi agad maaccomodate kung lahat sila dudulog sa'kin kapag may problema.

Walang sumagot hanggang sa lumapit sa'kin si Pulahan at bumulong.

"Yong lalaking nasubsob sa putik ay si Tadeo Merandela, siya ang presidente sa pagsasaka at humahawak ng rice field at pataba sa mga pananim."

Agad namang nabaling ang tingin ko sa tinutukoy niyang lalaki. Pinupunasan ng kapatid nito ang putikan niyang mukha. Para siyang naiiyak na hindi maintindihan. Hinagod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng puting kamesa de chino na kulay putik na ngayon, itim na pantalon na nirilyo hanggang gitna ng binte, walang saplot sa paa tulad ng iba at may suot na sombrerong bori. Mataas siya at malaki ang katawan pero mukhang lampa.

Natigilan ito ng mapatingin sa'kin at tila napaso na nag-iwas dahil nagsalubong ang tingin namin.

"Tinatanong ko kung sino ang presidente niyo rito," pag-uulit ko pero ngayon may diin na ang bawat bigkas ko.

Napatingin sa lalaki ang lahat samantalang ito ay nanginginig na itinaas ang kamay.

"A-Ako p-po, Boss," kanda utal utal na sagot niya.

"Magpalit kayo ng presidente niyo ngayon din. Hindi nakapagtatakang nandito kayo ngayon dahil may mga reklamo kayo pero baka nasa presidente niyo ang pagkukulang kaya nagkakaproblema. Kailangan ko ng taong malakas ang loob para ipagtanggol ang grupo nya hindi 'yong nauutal sa simpleng tanong ko  lang. Hindi nararapat na maging pinuno ng grupo ang mahina ang loob at walang kakayahang isigaw ang karapatan nila." Tugon ko. Napasinghap ang lahat dahil doon at walang nakakibo maliban sa babaeng katapid ni Tadeo.

"Aba'y mawalang galang na po dahil hindi naman po talaga kayo kagalang galang hindi naman makatarungan ang desisyon niyo. Bumase lang kayo sa pagkautal paano kung natatakot lang talaga siya dahil para kayong demonyo." Asik ng babae. Nakasuot ito ng ball cap na patalikod, malaking t'shirt at jersey short. Titibo tibo.

"Allan tama na. Hindi tama ang asal mo." Saway ni Tadeo, kahit ang pananalita niya ay parang mga babaeng nasa panahon ni Rizal.

"Hindi, hindi ako titigil dahil mali 'yong tatanggalan kanng trabaho dahil lang nautal ka. Aba'y demonyo lang ang kayang gumawa n'on."

Imbes na maooffend ay ngumisi ako sa kanya.

"What is your name?" Bagkus ay tanong ko.

Salubong ang kilay niya. "Allany Merandela."

Tumango tango ako. "Ikaw ang papalit sa kapatid mo. Mas madada mas mabuti."

Napasinghap sila at alam kong kating kati na silang magbulong bulungan pero pinipigil nila dahil nakaharap pa ako.

"Hindi pwede 'yon dahil ako na ang presidente ng korporasyon sa palengke." Angal niya. I like her attutide dahil palaban siya at walang kinakatakutan.

"Then magpalit kayo."

"Hindi kaya ng kuya ko na magbuhat ng mga tunituniladang isda at mga gulay." Sagot niya pa habang ang kapatid niya ay pilit siyang sinasaway.

"Pwes, humanap kayo ng ibang papalit sa kanya."

"Ang sama mo!" sigaw niya at kulang nalamg ay lumabas ang mga litid sa leeg.

"I know." Ngumisi ako at namulsa. "Kapag nakahanap na kayo ng matatag na leader ay gumawa kayo ng presentation tungkol sa grupong kinabibilangan niyo at ang mga problema. I need it tomorrow para maayos ang lahat." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay muli akong bumalik sa sasakyan kasunod si Pulahan.

Bumusina ako ng malakas at ilang ulit para tumabi sila. Masamang masama ang tingin sa'kin ni Allany habang ang kapatid niya ay mahinhin na pinipigilan siya. Napapailing ako. Ibang iba na talaga ngayon ang panahon, lalaki na ang kilos babae at ang mga babae na ang kilod lalaki. Sa panahon ngayon hindi na masasabing hindi kayang gawin ng mga lalaki ang gawain ng mga babae.

Mabilis namang binuksan ni Mang Danyo ang tarangkahan.

"Alam mo Ate magaling pong trabahador si Kuya Tadeo, magaling siyang gumamit ng mga feltilizer at gumawa. Graduate po siya ng Agriculture at matalino po siya 'yin nga lang ay medyo mahiyain kaya nauutal," imporma sa'kin ni Cathy.

"Tama Ate palaging maganda ang ani ng mga prutas, gulay at palay dahil sa mga organic feltilizer na gawa niya." Dagdag ni Candros.

"At nasaan ang mga perang nakukuha sa magagandang ani?" Sarkastiko kong tanong.

Napangiwi siya at napasimangot dahil alam niyang winaldas niya kaya hindi umabot sa'kin.

"Kahit gaano kagaling ang isang tao o katalino walang saysay 'yon kung walang kumpyansa sa sarili at walang diskarte. As they say, talo ng madiskarte ang taong matalino."

Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng mismong mansyon. Napangiti ako kahit papa'no dahil at home na at home ako ng makapasok sa loob. Walang pinagbago ang lahat simula ng umalis ako. Ang masyon na ito ay pinaghalong Spaniard and modern design.

"Magandang hapon po Boss." Bati ng mga katulong na sumalubong sa'min. Wala akong mga dalang gamit kaya wala silang ginawa kundi ang sumunod sa bawat hakbang ko at maghintay ng utos.

"Maghanda kayo ng hapunan." Utos ko at nagsimula akong umakyat sa grand stair na papunta sa second floor kung nasaan ang silid ko.

"Ate sa labas lang ako mangangabayo ha?" paalam ni Cathy.

"Wag kang lalabas sa premises ng tarangkahan at mag-iingat ka." Sagot ko ng walang lingon.

"Ate ako---"

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Candros.

"Tumulong ka sa paghahanda ng hapunan."

"Ate naman," angal niya.

"Sunod ka kung ayaw mong pat pag-aaral mo patigilin kita."

"Opo." Walang magawang sagot niya.

Tuluyan akong nagtungo sa silid ko at tumanaw sa veranda para makita ang kabubuan ng lupaing naipundar ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Another Special Chapter

    ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill he

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Special Chapter

    Tadeo's Wedding VowHINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale. Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa. Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Epilogue

    NAKATITIG LAMANG si Andrei kay Tadeo. Kabababa lamang nila at nagpahanda ito ng pool party. Hindi mawala wala ang ngiti niya dahil ang saya saya ng puso niya. Namiss niyang tunay ang mga kapatid niya at masayang masaya siya na kahit sandali ay nakauwi ang mga ito sa Pilipinas. Lumapit sa kanya si Pulahan, inabutan siya ng wine."Ngiting nadiligan," kantyaw nito. Tinanggap niya ang ibinigay nito at inirapan ang kaibigan."Napakadumi ng bunganga mo."Tumingin ito sa suot niya. "Kanina nakarobe ka pero paglabas niyo t-shirt na Tadeo boy ang suot mo."Sinamaan niya ito ng tingin. Tumabi ito ng upo sa kanya, sa lounge. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'kin."Kumunot ang noo nito ngunit ilang sandali ay malakas na natawa. "Ay, 'yon bang tungkol sa hindi pagbili ni Tadeo boy sa shares mo?"Sinabunutan niya ito pero panay lamang ang tawa nito. "Napakasama mo talaga sa'kin.""Gaga, tinutulungan na nga kita e. I

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 30

    INABOT NI TADEO ang bote ng beer sa kanyang ama. Nasa huling palapag sila ng resort, tanaw ang malawak na karagatan mula sa kinatatayuan nila. Nasa baba ang kanyang ina at si Andrei na nagtatawanan habang lumalangoy sa infinite swimming pool na karugtong ay dagat. Gabi na, napagpasyahan nilang mag-unwind sa kanilang resort upang kahit paano ay makapagpahinga sila. Laking pasalamat niya dahil sumama si Andrei at hindi ito nagreklamo. Natutuwa siyang nababawasan na ulit ang pagiging mailap nito sa kanya. "Masaya akong nagbalik siya," pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan. Nakatanaw din ito sa baba kung saan siya nakatingin. Tumango siya. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak ng canned beer. "Hindi ko alam kung magagalit ako o magtatampo sa inyo, 'tay. Alam ko na ang ginawa mo noon kaya siya lumayo.""Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kahit na magalit ka sa'kin dahil alam kong para iyon sa kabutihan mo." "Ala

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 29

    "DO YOU think hahayaan kong makalabas ka pa sa Isla na 'to?" Natigilan siya sa paglapit sa guard upang pabuksan ang tarangkahan nang marinig ang malalim na boses ni Tadeo. Hindi niya akalaing susundan siya nito. "Idoble lock niyo ang gate at sabihin kay Inspector Sio Tallion na ilockdown ang buong hacienda at kapag nakita kamo ay first lady ay wag papalabasin," madiing utos nito.Agad tumalima ang mga gwardiya. "Masusunod ho, Mayor." Nagtakbuhan ang mga ito sa mga patrol na nasa labas. Nanlaki ang mga matang nilingon niyo ito. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong pag-usapan nila, lahat nasabi na niya at alam niyang narinig niya na rin lahat. Handa na siyang wakasan at tuluyang kalimutan ang nakaraan nilang hindi na maibabalik. Yumuko siya upang magbigay galang. Kailangan niyang umasta ayon sa papel niya sa lipunan. "Bakit, Mayor?"Nakapamewang itong tumitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Pumasok ka sa bahay."Hindi siya natinag. "Kailangan kong habulin ang b

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 28

    NAPAHILAMOS ito sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit ito sumunod, kitang kita sa mukha nito na galit na galit ito na ngayon niya lang nakita ngunit ang boses ay nasa normal pa ring lakas, mas lalo lamang dumiin ang mga salita at puno ng hinanakit. "Bakit palagi mong pinapamukha sa'kin na kailangan kong maghabol?" tanong nito. Natigilan siya. Pinili niyang hindi ito tignan. "Hindi ko sinabing maghabol ka, ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon.""Napakatanga ko. Sa laki ng kasalanan sa'kin nagawa pang kumawag ng buntot ko n'ong malaman kong parating ka." Pigil ang kanyang hininga, nararamdaman mangyayarj na ang komprontasyon na matagal na niyang iniiwasan. Natatakot siya. "Umasa ako na sa pagbabalik mo maiisip mo manlang na suyuin ako, nahumingi ng tawad sa mga nagawa mo pero wala sa dalawang 'yon ang ginawa mo. Umasta kang tila walang nangyari, umalis at bumalik ka kung kelan mo gusto.""Wag na na'ting pag-usapan ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status