Share

Ikaapat na Kabanata

Sabi ng karamihan, ang mga bata, dapat manatiling may takot at respeto sa kanilang mga magulang. Tama naman 'yun pero minsan, napakahirap gawin. Siguro'y ang perspektibo ng isang bata ay hindi pa ganoon ka lawak kumpara sa mga matatanda. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit sa tuwing pinagsasabihan tayo ng ating mga magulang, sobrang nakakagalit. Yung tipong gusto mo silang sagut-sagutin, galitin, at ipahiya kagaya ng ginawa sila sa'yo. O gusto mo lang talagang maramdaman din nila kung anong klaseng pakiramdam ang ginawa nila sa'yo sa mga oras na 'yun. Siguro ngay'y napakababaw ng dahilan pero sa huli, hindi mo pa rin magawa. Dahil kahit umikot man ng pabaligtad ang mundo, mananatiling magulang mo pa rin sila.

Ang saklap no?

Ang sagot ay pwedeng oo at hindi.

At ito nga ang nararamdaman ni Veron. Kanina lang kasi, nagkaroon ng kaunting hindi pagkaka-unawaan siya at ang kanyang ina.

Sobrang bigat sa loob habang hinahayaan nyang tumulo ang kanyang mga luha kasabay ng mahina nyang paghikbi. Kahit nuon pa naman, pilit nyang iniintindi ang kalagayan ng kanyang ina pero minsan, sobrang hirap, ang hirap-hirap.

Madalas kasi, kahit simpleng bagay lang, sya agad ang pinagbubuntungan ng galit. Ibang klaseng trauma talaga pag hindi mentally stable ang magulang no? As usual, wala kang karapatang magtaas ng boses, kumestiyon, o magpresenta ng totoo mong nararamdaman dahil "wala" kang karapatan. Lagi namang ganyan eh.

Kahit ganuon, pinilit nya pa ding ngumiti pero sobrang hirap. Saan nga ba nag-ugat ang lahat lahat?

Ah, dahil iniwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae para bumuo ng kanyang sariling pamilya. Ito yun eh. Ito yung puno't dulo ng lahat. Dahil sa "childish" behaviour ng mga magulang nya at sa mga "selfish" na desisyon nila sa buhay, pati sya'y nadamay. Isa to sa mga moments na kung pwede lang talagang mamili ng mga magulang, ay gagawin nya!

Kung pwede lang talaga...

*Ring

"Oh? Bakit?" Ani Miko sa kabilang linya. Yung boses nya ay halatang bagong gising. "Anong problema?"

"Madami..."

Silence

Alam nya...

Alam na alam ni Miko kahit hindi nya kailangan pang tanungin pa. Siguro kasi, kabisado na nya ang bawat kilos ni Veron. Ang sandaling katahimikan ay matibay na senyales na hindi sya okay at nararamdaman nya 'yun.

"Punta ako dyan? A...asan pala si tita?"

"Lumabas ata..."

"Inatake na naman ba ng anxiety nya?"

"Siguro..."

"Veron...okay ka lang ba?"

"Hindi ko alam."

"Hindi ka naman nya sinaktan physically, diba?" Pag-aalala nyang tanong. Pero kahit ganun, umaasa sya na sasabihin nyang "hindi" kasi hindi ma-picture out kung gaano kasakit na naman ito para sa kaibigan. "Veron? Hello!"

"Hindi, verbally abuse lang."

"..."

"Gusto ko lang talaga ng may maka-usap. Thank you sa pagtyatyagang makinig. Thank you, Miko."

Silence

Gustong-gusto nyang isigaw na "kasi mahal na mahal kita" "ginagawa ko 'to kasi mahal kita, Veron" pero at the end, pinili nya na lang itago ang tunay na nararamdaman.

"Gusto mo, punta ako dyan? Para naman may makasama ka."

"Hindi na. Baka babalik din naman si mama. Ayaw ko ng gulo."

"Hmmm..."

"Gusto ko lang talaga mag-rant...salamat, Miko."

✧✦

[Kinabukasan]

Ang konting ingay na nanggagaling sa labas ng kanyang silid ay naging dahilan para imulat nya ng sapilitan ang kanyang mga mata. Mula sa oras na yun, nakatulala pa syang bumangon na parang kahit anong pilit nyang magpatuloy sa buhay, ay para bang nawawalan na sya ng gana. Unti-unti nyang pinihit ang busol ng pinto, maingat at mapagmasid.

"Veron..."

Para syang nabuhusan ng malamig na tubig sa pagkakataong marining nya ang boses ng kanyang ina. Yung galit na namuo mula pa kahapon ay naglahong bigla. Bakit ba ganito na lang lagi?

"Mama..."

"Hmm...yung kagabi, ano...pasensya ka na pala ah?" She looks away, ashamed. "Hindi ko mapigilan yung init ng ulo ko eh." She said while forming a genuine beam. "Pasensya ka na, anak."

Bakit nya pa ding nagagawang magpatawad?

Dahil dito.

Dahil alam nyang, hindi iyon sinasadya ng kanyang ina. Suddenly, she realized na iba pala talaga ang trauma kapag hindi pa healed sa pain of life ang isang magulang. Gsuthin man nilang hindi pagbuntungan ng galit ang anak, kadalasan, ang nangyayari ay ang kabaligtaran.

"Mama...ma le-late na po ako sa school."

"Ah, kaya nga pinaghanda kita ng agahan eh. Halika ka, kain na..."

"Sige po..."

Iba talaga ang nagagawang sakit ng pag-ibig. Ibang-iba. Hinihiling nya na lamang ngayon, ay sana marealized ng kanyang ama ang mga pagkukulang nyang nagawa. Kasi kahit sa anong anggulo tingnan, napaka walang kwentang dahilan ang pag-abandona sa sariling pamilya dahil nasasakal ka na. And the auducity of him to build another family is triggering! Hindi pa nga healed yung mga iniwan nya, sya pa itong may ganang magtanim ng galit!

Nakakasuka!

Ganoon ba dapat yun? Yung papasok ka sa isang relasyon na hindi ka pa fully healed? Ano yun? Dahil ayaw nya ng pakiramdam na mag-isa?

Tsk! Napakataas naman ng pride and ego!

"Anak?" Tawag ni Dianne, bakas ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "Pasensya ah?"

"Okay lang, ma. Naiintindihan ko po."

✧✦

[Inside the Classroom]

The random murmurs almost conquered the background as Lance and Veron faces each other, exchanging another heartfelt conversation. Hindi sila nangangamba kung ano man ang iisipin ng iba kasi yung mahalaga naman, marining nya ang rason kung bakit malungkot ang isa sa mga dahilan ng kanyang paggising sa umaga.

"Nagkasagutan kayo ni tita?" Ani Lance habang hinihimas ng malumanay ang likod ni Veron.

"Hindi naman sa nagkasagutan. Talagang uminit lang yung ulo ni mama kaya ako yung napagbuhusan nya ng galit."

"Hmm...uh, wag kang magagalit or ma-oofend ah? Pero, okay ba si mama mo mentally?" He smiled but it was a genuine beam. "don't get me wrong. Hindi ko intensyong e-discrimate ka or what―"

"Broken family ako, kami."

Silence

"Uh...sorry..."

"Yan yung isang dahilan bakit nagkaka-anxiety attack si mama."

"..."

"Tsaka, okay lang. Siguro, karma na lang talaga ang makakapagbigay ng justice sa'min."

"Sorry, Veron..."

"Okay, lang."

Silence

"Si Miko nga pala. Ba't di mo kasabay?"

Napabuntong hininga sya habang tumitingin sa kanyang relo. "Ewan ko nga eh. Pinuntahan ko nga din sa bahay nila kanina pero walang tao. Eh, ma le-late na 'ko kaya nauna na lang ako..."

Later on, a jolly tap almost made her scream when her best friend pops out of the nowhere. Hinihingal-hingal pa ito habang nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mga mata. "Kahit kailan talaga backstabber ka..." He murmurs.

"Miko!"

But she was left dumbfounded the second he kiss her forehead in front of Lance and the whole class. Such an act made Lance's temple crumpled for some reason.

"Wag mo ng itanong kung bakit ako late. Tsaka, hindi pa ako late. Kita mo namang wala pa yung teacher dito, hehehe."

"Sira-ulo..." Bulong ni Veron habang kinukurot ang tenga ng kaibigan.

"Mamaya, sabay tayong uuwi ah?"

"Always naman tayong sabay ah."

Before he could say more words, Miko intentionally stare in Lance's direction while wrapping his arms around Veron's body. It's like, he is showing him to whom she truly belongs. "Basta! Gusto ko sabay tayo mamaya!"

"Tigilan mo nga ako! Manyak to!"

He laughs and the laughter slowly turns into a small smirk as if he already won something. "Eh, ikaw? Sasabay ka?" Tanong nya ng may halong pagbabanta.

"Oo," Lance answered while forcing himself to smile or at least.

"Tsk, okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status