After our bonding hindi na kami muling nagkita pa ni Chris, Bakasyon na rin kasi at umuwi na ako sa bahay namin sa city. Besides, alam kong busy na rin 'yon sa pagsali ng mga liga sa basketball sa kanilang baryo. Malapit na rin kasi ang pista sa kanila and I think sa susunod na buwan na. Minsan kasi nabanggit niya ito sa akin n'ung lagi pa kaming nag-uusap sa school. Naalala ko pa, nu'ng sinabi niya, "Hoy, dumalo ka sa championship namin ha. Kapag wala ka du'n, hindi talaga ako gaganahang maglaro." Ganito din naman kasi ang laging sinasabi sa akin nu'n ni Alex everytime na may laro siya. Kailangan daw manood ako para ganahan siyang maglaro. At ang laging sagot ko, "Bakit vitamins mo ba ako?" Sabay tawa ng malakas. At sasagutin din naman niya ako, "Of course naman, ikaw ang vitamins ko kaya dapat nandu'n ka talaga para malakas ako at siguradong mananalo ang team namin". At saka, tatawa kaming dalawa na para nga bang biro-biro lang ang lahat. Kaya nu'ng sinabi din ito sa akin ni Chris
Dahil sa pareho kong kaibigan si Chris at Rhona sa f******k, updated ako lagi sa mga posts nila, kaya alam kong nagkakalabuan na sila. Dati kasi, palaging nagre-react si Chris sa mga post ni Rhona and vice versa. Pero ngayon hindi na. At saka, napakaingay na ni Rhona sa f******k laging nagpaparinig at alam kong patungkol 'yon kay Chris. Nagpatuloy ako sa pag-iskrol sa f******k ngunit may nagpop-up na message. Galing 'yon kay Bea."Hi ma'am! Kumusta po kayo?""Nabalitaan niyo na po ba ang nangyari kina Chris at Rhona ma'am? Sabi ko po sa inyo 'di ba ma'am, isang buwan lang 'yan sila."Magkasunod na chat nito at nilagyan pa ng maraming laughing emojis sa dulo ng message niya. "Kaya nga nak eh, kawawa naman si Chris. Inlove pa naman 'yon kay Rhona. Napakaseloso naman kasi!", reply ko sa kanya."Eh kasi naman po ma'am. Hindi talaga si Rhona ang nakatadhana para kay Chris, kundi kayo po!"At nilagyan ulit ng laughing emojis. Natawa tuloy akong bigla sa message nito. Hanggang ngayon kasi
Mabilis na dumaan ang dalawang linggo at pasukan na naman for the new school year. Parang kahapon lang 'yong aming completion. Tapos ngayon, panibagong taon na naman sa paaralan.Back to the usual routine, maaga akong nagising para makapaghanda sa pagpasok sa school. But before that, I sent first my morning greetings sa gc namin ng batch nila Bea. So far, ito lang ang naiiwang gc sa messenger ko, kasi nag left na ako du'n sa iba. Sa lahat kasi ng mga naging estudyante ko sa grade 10, du'n ako mas na attached sa batch nila. Of course kasi nandu'n siya. Si Chris, sino pa nga ba!Sa batch kasi na 'yon, du'n ko nakilala ang kamukha ni Alex. Du'n ko naranasang umiyak, tumawa, makipagbiruan at magalit ng sobra. Nakilala ko rin si Bea na alam kong totoong itinuturing ako na isang kaibigan. 'Yong kahit hindi ko na siya estudyante ay patuloy pa ring nangangamusta sa akin. Nararamdaman kong mahal niya talaga ako, bagama't alam kong ganu'n din ang trato ng mga kaklase niya sa akin but Bea is st
Nagdaan pa ang mga araw at unti-unti na rin akong nasasanay sa mga estudyante kong sobrang pasaway sa klase. Wala din naman kasi akong magagawa, kaya tanggapin nalang na ang magkaroon ng ganitong uri ng mga mag-aaral ay parte na ng buhay ko bilang isang guro. Ayaw ko namang magpaka-stress sa kanila, kaya most of the time nagpre-present lang ako ng mga PPT lessons at pagkatapos, nagbibigay ako ng activity. Fifteen minutes discussion and then seatwork or group activities afterwards. After my class lalabas na ako at du'n ko nalang sa faculty room tinatapos ang mga ginagawa ko, para naman maiwasan kong ma-stress sa kanila at baka atakehin pa ako sa puso. Diyos ko, ayaw ko pang mamatay! I have all the reasons to live. I have my daughter who loves me. Nandyan pa si mama at mga kapatid ko. I have my friends naman at kahit konti lang sila, I know they genuinely care for me. Nand'yan si Bea na itinuturing talaga akong kaibigan at mga previous students ko na nagmamahal sa akin. Nand'yan s
Para makalimutan ko si Chris, I kept myself busy. Kapag wala akong klase, gumagawa ako ng mga PPT slides for my English lessons at pagkatapos, magwawasto ako ng mga papel ng aking mga estudyante saka ko naman i-enter sa E-class record. Sa gabi, maaga akong natutulog at minsan na lang ako nagpi-f******k. Pero nakikipag-usap pa rin ako sa mga previous students ko du'n sa gc namin. Hindi rin naman tama na idadamay ko sila dahil lang sa problema ko kay Chris. Hindi naman nila alam ang tungkol sa aming dalawa. Oo nga't lagi nila kaming nakikita ni Chris na nag-uusap noon but I guess, hindi nila binigyan ng malisya 'yon kasi nasa isip nila natural lang 'yon sa akin. Ayaw ko namang magbago ako ng pakikitungo sa aking mga previous students. Mahal ko silang lahat at itinuturing ko talagang parang tunay kong mga anak. At kahit hindi ko na sila mga estudyante ngayon kasi Senior High na sila, pero ayaw kong baguhin ang pagtrato ko sa kanila, kaya lagi ko pa rin silang kinukumusta every now and
Pasado alas syete na ng gabi nang makauwi kami ni Tess ng boarding house. Dumiretso agad ako ng kwarto kasi kailangan ko ng magpalit ng pambahay at masyado na akong naiinitan sa soot kong school uniform. Kanina pa ito basang-basa ng pawis kaya ang lagkit-lagkit na sa pakiramdam.Si Tess naman ay dumiretso agad ng comfort room kasi kanina pa raw siya gustong magbawas, Madami kasing inorder na pagkain na animo'y gutom na gutom talaga. Hindi naman naubos kasi masyado na kaming busog. Heavy snacks kasi kinain namin kaya para na rin kaming nakapaghapunan na.Habang nasa loob ako ng aking kwarto, ay bigla na namang sumagi sa isipan ko ang tungkol kay Chris at Jackie. Akala ko wala na 'yong epekto sa akin. Pero bakit mas nasasaktan ako nang makita ko silang magkasama kanina, kaysa nu'ng time na nabalitaan kong sila na?At bakit, nu'ng magkatitigan kaming dalawa kanina, naramdaman ko pa ring mahal niya ako at mahalaga pa rin ako sa kanya?Pero bakit hindi naman niya ako pinansin ni ngumiti ma
Matapos naming makapag-usap ni Tess at nang matiyak nitong okay na ako, lumabas na ito ng kwarto dahil may tatapusin daw itong reports na kailangang ipasa bukas. Ako naman ay wala ng ganang magtrabaho dahil mahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak, kaya gigising na lang ako ng maaga bukas para ipagpapatuloy ang paggawa ng PPT lesson. Hihiga na sana ako nang biglang naka-receive ako ng messenger notification. I took my cellphone and clicked on the chat head. "Hello po ma'm, good evening. Uhm, gusto ko lang pong kumustahin kayo ma'am kasi hindi po ako nakapunta sa inyo kanina sa school. May pinapagawa kasing performance task ang teacher namin at kaninang alas singko ang deadline kaya, nag -overtime po kami ng mga groupmates ko", message ni Bea."It's okay nak. Wala namang problema eh. Unahin mo 'yong pag-aaral mo nak. Saka ka na lang pumunta ng school pag bakante ka", reply ko sa kanya."By the way po ma'am. Okay lang po ba kayo? Bakit parang feel ko na hindi po kayo okay?", buong pag-a
Halos mabingi ako sa ingay ng mga tao sa gym. Ang mga babae ay nagkakagulo habang nag-uunahang bumaba ng bleachers para magpa-picture sa mga players lalo na kay Ace."Ma'am magpapa-picture din ako kay idol!", kinikilig na sambit ni Bea."Mamaya na siguro nak, paunahin mo muna sila. Madami pang nakapila oh!", sagot ko."Oo nga Bea, mamaya na tayo", sabat naman ni CJ."Magpapa-picture din kayo sa kanila nak?", tanong ko habang ang paningin ko ay nakatuon kay Chris. Na-gets naman siguro niya na siya ang kinakausap ko pero hindi naman siya nagsasalita. Tumango lang siya at bahagyang nginitian ako. Well, nasasanay naman ako na ganu'n ka cold and treatment niya sa akin. Wala namang bago du'n. Kung dati, nasasaktan ako, eh ngayon parang natural na lang sa akin ang lahat. I don't even care kung bakit siya nakikipag friendship fist sa akin kanina. At kahit pa nga wala ng ganu'n, okay lang talaga. Bagama't may konting kirot pa naman akong nararamdaman, syempre hindi naman kaagad tuluyang maghih