Home / Romance / Kakaibang Tikim / Kabanata 0065

Share

Kabanata 0065

last update Last Updated: 2025-01-13 21:34:26

Keilani’s POV

Pagkalabas ni Braxton ng bahay kaninang umaga, sinundan ko siya ng tingin mula sa bintana. Ang tagal na ng ganitong routine—umaalis siya ng maaga, at ako, naiiwan dito, parang nakakulong sa sariling tahanan. Hindi na ako nagluluto ng almusal kasi sanay na siyang magluto sa umaga, kaya naman kapag gigising ako ay kakain na lang. Pero, kahit na ganoon, hindi ako mahiyang sa mga luto ni Braxton. Magsasangag na nga lang ng kanin na madali namang lutuin, palpak pa. Ang alat! Ang piniritong itlog naman ay lasog-lasog. Ang itlog at hotdog ay sunog, halatang malakas ang apoy nung lutuin. Nagtiyaga na lang ako kasi masamang magsayang ng pagkain.

Kakatapos ko lang mag-almusal at uupo na sana ako sa sofa pero ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang tunog ng doorbell.

"Sino na naman kaya ‘to?" tanong ko sa sarili ko habang tumayo mula sa sofa. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang pamilyar na mukha ni Celestia. Nakasalamin siya, naka-cap, at parang nagmamadali.

"Keilani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Tata Java Andrino
Sana update.nmn Jan pakahaba kc oras sa akin 20 hours mayang Gabi ulit basahin..ganun ba tlga katagal
goodnovel comment avatar
Tata Java Andrino
Sana keilani ingat LNG baka Kau mauna malaman
goodnovel comment avatar
Mia may
nku keilani bka ikw ang unang makarma hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 185)

    Ilaria POVTinawagan ako kinabukasan ni Rica para kausapin. Nagkita kami pero sa malapit na coffee shop lang namin. Nauna akong dumating doon, pero after ng ten minutes ay dumating na rin naman siya.Sa totoo lang, alam ko na kung bakit gusto niya akong makausap. Sure akong dahil sa nangyari kahapon sa amin ni Lorcan. Pagkatapos kasi ng away namin, umuwi na ako at hindi na nagpaalam kay Rica at Ica.“Sorry kung medyo na-late,” sabi niya. Hinayaan ko muna siyang um-order ng kape at pagkain niya. Pagkatapos, saka ako nagtanong kung tungkol saan ba ang pag-uusapan namin.“So, Rica? Anong dahilan nitong pag-uusapan natin?” tanong ko, matapos kong lagukin ang kape kong mainit.Nilabas niya ang phone niya at saka pinakita ang nangyari sa CCTV sa labas ng banyo sa hotel na pinagganapan ng birthday kahapon ni Ica. “Ikaw ang kasama ng pinsan kong si Lorcan bago siya matagpuang duguan ang ulo at walang malay. Naghahanap ng footage ang mama at papa niya pero hindi ko ito binigay para sa kaligtasa

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 184)

    Ilaria POVAlas diyes ng umaga nang makalabas ako ng Yay town. Ang biyahe mula rito hanggang Tagaytay ay halos apat na oras, depende pa traffic. Mabuti na lang at maaliwalas ang panahon ngayon. Habang nagmamaneho ako, napapatingin ako sa tanawin ng mga bukirin, bundok at mga maliliit na karinderya sa gilid. Nakaka-relax talaga ang hangin sa probinsya dahil malamig at sariwa.Habang umaandar ang kotse, napaisip ako kung saan hihinto para mag-lunch. Hindi naman kasi puwede na tuloy-tuloy lang ang biyahe kasi nanghihina din ako kapag gutom. Pero dahil alam kong pangmalakasan ang kakainan ko sa birthday, huminto na lang ako sa may tabi-tabing kainan para lang matawid ang gutom ko. Pero silugan naman, kaya masarap pa rin.PAGDAAN ko sa boundary ng Tagaytay, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, ibang-iba sa init ng bayan namin. Mga alas dos ng hapon, eksaktong oras ng party, nakarating ako sa hotel na sinabi ni Rica.Pagbaba ko ng sasakyan, halos mapangang

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 183)

    Ilaria POVKakatapos ko lang maglaba. Nakita ko kasing tambak na ang mga lagayan ko ng malilibag na dami, kaya pagkagising ko kaninang umaga, go, laba na agad.Saktong alas nuebe ng umaga ay natapos na ako, kaya nagsampay na ako dito sa likod ng bahay namin. Tinulungan pa nga ako ni Manang Lumen para madali ako.Nung namamahinga na kami sa dining area at umiinom ng guyabano tea na gawa ni tatay, tumunog ang phone ko.Pagkatingin ko, nakita ko ang pangalan ni Rica Villanueva sa screen. Dali-dali kong sinagot ang tawag niya habang nasa labas ako ng bahay namin.“Hello, Rica? Napatawag ka?” bungad ko sa kaniya sa kabilang linya.“Ilaria, hello and good morning na rin! Kumusta ka na?” bungad niya, halatang excited.“Ayos naman ako. Ikaw? Ang aga mo ata tumawag.”“Naku, iniimbita kasi kita! Birthday ng anak ko bukas! Seven years old na si Ica! At siyempre, gusto ka niyang imbitahan personally. Hindi raw puwedeng wala ka doon bukas.”Si Ica talaga, hindi ako nakakalimutan. Halatang tumatak

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 182)

    Ilaria POVOkay, oras na para mag-focus lang sa bahay ngayon. Review day ko para sa board exam, at grabe, parang mas nakaka-pressure pa ‘to kaysa sa mga actual na duty ko sa ospital.Maaga akong nagising, mga alas-siyete pa lang. Nagkape ako sa tapat ng halamanan namin, tapos namitas ako saglit ng mga bulaklak ng gumamela para gawing tsaa mamaya sa merienda ko. Pero, ibibilad ko muna ito sa araw para medyo maging dry.Pagkatapos, pumasok na ako sa kuwarto at inayos ang review table ko. May sticky notes na puro terminolohiya, highlighters at makapal na reviewer na parang encyclopedia sa dami ng laman.Ang una kong technique na naisip ay pomodoro method. 25 minutes straight na review, tapos 5 minutes pahinga. Nakakatulong ‘to para hindi ako malunod sa daming impormasyon na pumapasok sa isip ko.Sa loob ng unang session, nag-focus ako sa fundamentals of nursing. Habang nagbabasa ako ng mga procedures, ini-imagine ko na parang nasa hospital setup ako. Parang nagra-rounds ako, nagme-medica

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 181)

    Keilys POVNagalit ako lalo kay Papa Sylas nang malaman ko ang nangyari kay Ilaria. Kung hindi niya ako niloko at sapilitin dinala rito sa ibang bansa, hindi sana mangyayari sa kaniya ‘yon. Eh, ‘di sana, buhay ang baby namin at okay kami ngayon.Pero kasalanan pa rin ito ni Lorcan. Nalaman ni Papa na sinampahan namin ni Ilaria ng kaso si Lorcan dahil sa ginawa nitong pambu-bully kay Ilaria. Si Papa, tila sobrang close na rin talaga sa parents ni Lorcan, kaya nagalit siya sa akin. Hindi na niya ako pinagtatago sa probinsya, pero dito naman niya ako tinago sa ibang bansa. Niloko nila ako ni Mama Keilani about sa kunyari ay mahina na ang lola ko. Pero, hindi, walang ganoon.Dito sa ibang Italy, pinabantayan ako ni Papa Sylas sa mga tauhan niya. Dito ako pinag-training sa paghawak sa company. Bawal ako humawak ng cellphone kapag nasa work. Sa gabi at sa tuwing uuwi lang ako puwedeng mag-phone kaya doon lang ako may time para kausapin si Ilaria. Nung time na hindi ko nasagot ang message ni

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 180)

    Ilaria POVNew house, new life, kaya dapat pagsanayan kong gumising ng maaga dito. Kaya sa loob ng ilang araw na dumaan, natupad ko naman ‘yun. Maaga akong nagising, gaya ng nakasanayan ko simula nang lumipat kami ni Tatay Iggy dito sa bagong bahay namin sa Apple Street. Maliit lang ang bahay, pero napapaligiran ito ng mga halaman na tanim ni Tatay. Tuwing umaga, ako ang nagdidilig ng mga halaman sa hardin habang si Tatay naman ay nag-aayos ng mga paso o nagbubungkal ng lupa. Ginagawa ko ‘yun bago ako mag-review.Hanggang biglang nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng short ko.Pagtingin ko sa screen, si Rica ang tumatawag.“Uy, Rica?” sagot ko agad.“Ilaria!” Halata agad ang kaba sa boses niya. “Puwede ka bang pumunta rito sa bahay? Si Ica, nagsusuka simula pa kaninang umaga!”Napahinto tuloy ako sa pagdidilig. “Ha? Nagsusuka? Ilang beses na?”“Tatlong beses na! Hindi ko alam kung anong nangyari. Kakagising ko lang, tapos nakita ko siyang nakasubsob sa CR, umiiyak. Natatakot ako!”“Ok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status