LOGINTatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
View MoreKeilani POV
Pagdilat ng mata ko sa umaga, wala na akong karapatang tumunganga pa dahil kailangan kong ipagluto ng almusal ang mahal kong asawa. May pasok kasi ito araw-araw sa pinagtatrabahuhan niyang Merritt wine company. Masaya ako kasi maganda-ganda na ang trabaho niya ngayon. Hindi na niya kailangang magtiis pa sa pagiging waiter sa isang maliit na restuarant na ang liit nang kinikita niya kasi dati, madalas kaming magtipid para lang mabayaran ang mga bills namin dito sa bahay.
Tatlong taon na kaming nagsasama ni Braxton. Kasal na kami, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagiging anak. Nagpapa-check up naman kami, okay ako, pero siya, simula nung unang check up, hindi na nasundan kasi sobrang busy niya palagi sa trabaho niya. Isa siyang sales manager sa Merritt wine companu kaya madalas siya talaga siyang busy.
âOh babe, maaga ka palang nakagayak ngayon, tamang-tama, luto na ang almusal natin, kumain ka muna bago ka umalis,â sabi ko sa kaniya nang makita kong lumabas na siya sa banyo nang naka-topless.
âBabe, kailangan kong umalis ng maaga. May meeting kami ng maaga at bawal ma-late, kaya baka doon na ako mag-almusal sa office namin,â pagtatanggi niya agad sa akin. Ni hindi manlang niya ako tinapunan nang tingin. Wala na rin ang morning kiss na madalas niyang gawin dati.
Minsan, naiisip ko, parang may iba na siya. Sa totoo lang, tatlong buwan na siyang nagtatrabaho sa Merritt wine company, at napansin ko, simula nung pumasok siya roon, parang nanlalamig na ako sa kaniya. Hindi naman ako ganitong asawa dati, pero ngayon, naaamoy at nararamdaman kong parang may babae na siyang iba.
Nung isang araw, may nakita akong isang pirasong buhok na blonde ang buhok sa polong lalabhan ko na. Binalewala ko lang âyun nung una, kasi baka may napunta lang doon na buhok ng ka-workmate niya, pero nung sumunod, lipgloss naman ang nakita ko sa bulsa ng jacket niya, sabi naman niya sa akin, ginagamit niya iyon kapag dry ang lips niya, eh, ni minsan o kahit dati, wala naman siyang pakelam sa mga makeup.
Basta, simula nang magtrabaho siya sa Merritt wine company, malaki na ang pinagbago niya.
âSure ka ba, kahit manlang tinapay at kape ay ayaw mo?â alok ko pa nang lumabas na siya sa kuwarto namin habang nakagayak na, gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang nagmamadali.
Ang pinagtataka ko lang, wala naman atang nagkakaroon ng meeting ng ganitong kaaga, alas singko ng umaga o ala sais ng umaga? Ang weird lang, puwede naman niyang isingit ang kahit limang minuto na pag-aalmusal.
**
IBA NA ang kutob ko kaya nung umalis siya, gumayak agad ako para sundan siya. Nakasakay siya sa sasakyan niya, habang ako ay nakasakay sa taxi na agad kong pinara pag-alis niya. Mabuti na lang at magaling magmaneho ang taxi driver, nasundan pa rin niya ang sasakyan ni Braxton.
Sana mali ang kutob ko, sana mali talaga ako. Pero mainam na âyung malaman ko ang totoo, para mapanatag na rin ang loob ko.
Kakapanalangin ko lang, na sana ay mali ang kutob ko, pero nang makita kong bumaba at nag-park ng kotse si Braxton sa tapat ng isang mamahaling coffee shop, doon na lalong kumabog ang dibdib ko.
âKuya, diyan na lang ako sa tabi,â sabi ko sa taxi driver habang nagmamadaling i-abot ang bayad sa kaniya.
Palihim akong sumunod sa kaniya habang suot ang itim niyang cup at face mask. Habang papalapit ako sa kaniya at papasok siya sa loob, nanghihina na agad ang mga tuhod ko. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ang sabi niya ay meeting sa office, pero bakit coffee shop ang pinuntahan niya ngayon?
Pagpasok niya sa loob, lumapit siya sa isang lamesa na may magandang babae na nakaupo na tila kanina pa nag-aabang sa kaniya. Napakunot ang noo ko. Naisip ko, isang babae lang ang ka-meeting niya, akala ko ay marami?
Tumayo ang magandang babae na sobrang sexy. Nang makita nito si Braxton ay sumilay ang napakaganda nitong ngiti sa asawa ko. Ngiti na mukhang hindi sa ka-workmate, kundi ngiti na para bang may relasyon sila.
âPutangina!â
Napamura na lang ako bigla sa nakita ko matapos niyang salubungin ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya hinalikan sa labi ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano napangiti ng husto ang asawa ko na dati ay ako lang ang nakakagawa. Ganito siya ka-sweet at ka-inlove dati, alam na alam ko ang ganitong itsura ni Braxton. Hindi siya ganito sa akin, ibang-iba siya ngayon sa akin, cold.
Tila gumuho ang mundo ko nang mapatunayan ko sa sarili ko na may something talaga sa kaniya. At ang hinalang iyon ay tama pala talaga. May kabit ang asawa ko, at ang malala pa roon, sobrang ganda at sobrang sexy pa nito. Mukha pang mayaman, kaya ano na lang ang panlaban ko sa kaniya?
Umalis ako sa harap ng coffee shop na iyon na bumabaha ang luha sa mga mata ko. Para akong zombie maglakad habang papalayo roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo at umiyak nang umiyak dahil parang binibiyak ang puso ko ngayon.
Ang tanong sa isip ko ngayon, kailan pa niya ito ginagawa? Kailan pa niya naramdaman na hindi na siya masaya sa piling ko? Dahil ba âto sa tanong ng mga pamilya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkaanak? nakulili na ba ang tenga niya sa mga sulsol at mga negatibong dila ng angkan niya? Ibang babae na ba ang sinusubukan niyang anakan?
Pinili ko siya kaysa sa pamilya ko. Pinili ko siya kasi alam kong mahal niya ako at seryoso siya sa akin, kaya nga kami tumagal ng tatlong taon. Pero ngayong nalaman ko na may kabit na pala siya, pakiramdam ko ay parang mali ang naging desisyon ko noon. Hindi ako makapaniwala, sobrang nagulat ako sa natuklasan ko.
Hindi ko inaasahang darating ang araw na mambabae siya. Grabe ang halikan nila kanina, smack lang dapat, pero nilaplap na agad siya nung magandang babae.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Fletcher na pinagseselosan niya palagi.
âAba, himala, after ng ilang buwan ay nagparamdam ang bestfriend ko, anong kailangan mo?â tanong niya agad sa kabilang linya nang sagutin ang tawag ko.
âOn the way na ako sa bahay ninyo. Maggayak ka ng alak at pulutan, ako na ang mababayad pagdating ko diyan,â direstyo kong sabi habang ngarag ang boses ko.
Magsasalita at aangal pa sana siya, kaya binaba ko na ang linya ko. Sumakay nalang ako ulit ng taxi para tumuloy na sa bahay nila. Kailangan ko nang makakausap, kailangan kong makalimot, kailangan ko ng alak kahit hindi naman ako umiinom ng alak.
Ilaria POVEksaktong alas-tres ng hapon nang dumating si Rica.Sa pinto pa lang ng kuwarto ni Loraine, sumenyas na siya sa akin na gawin na agad namin ang paghahanap sa susi habang tulog si Loraine, habang may oras kami, at habang namamahinga ang ilan sa mga staff ng mansiyon.Lumabas kami nang dahan-dahan, sinigurado kong hindi magigising ang sleeping bruha.Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Rica.âSafe,â bulong niya. âGalingan na lang natin ang paghahanap, gusto kong makita na ngayon ang susi na âyan.âTumango ako, habang patingin-tingin kami sa paligid. Sinigurado naming walang makakahalata sa kilos namin. Kung may gising man, si Camilla lang. Siya ang magiging spy namin habang nasa loob kami ng kuwarto ng demonyo.Naglakad kami papunta sa kuwarto ni Lorcan. Kung anong kinaganda ng kuwarto niya, siya naman kinapangit ng ugali ng may-ari nito. Pero, nakakainggit dahil ang laki talaga ng kuwarto niya. Lahat pa ng kagamitan ay halatang mamahalin. Halatang anak ng mayaman.âGr
Keilys POVIlang araw na akong hindi ako mapakali. Simula nang sabihin ni Ilaria na araw-araw na siyang papasok sa kuwarto ni Lorcan para maghanap ng baho nito, hindi na ako tumigil sa pag-iisip kung paano ko siya poprotektahan.Kailangan niya ng mas matibay na seguridad, âyung hindi niya alam, hindi niya hinihingi, pero kailangan niya.Kaya ngayong hapon, sinamahan ko ang Helltrace sa pagpunta sa bahay ng taong nakakaalam ng lahat ng kilusan sa mansiyon ng pamilyang Trey. Ang CCTV operator.Huminto ang sasakyan namin sa harapan ng maliit, lumang bahay na may kalawang na gate. Tila hindi tumatanggap ng bisita ang may-ari nito dahil sa dami ng barbed wire at lock na makikita mo, parang kulungan kaysa tahanan.Naglakad kami papunta sa gate. Nasa gilid ko ang Helltrace na tahimik lang, pero mga alerto. Palipat-lipat ang tingin nila na parang tinitignan ang paligid sa mga posibleng panganib na puwedeng mangyari.âBoss Keilys,â sabi niya nang mahina, âsigurado ka ba rito? Sa tingin mo ay p
Ilaria POVHindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong maliit na box sa closet room ni Lorcan. Isang sikreto na maaaring magpabagsak sa buong pagkatao niya o magpatunay na totoo ang hinala kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Joshua.Kaya pagpasok ko ngayon sa mansiyon, buo na ang plano ko. At unang-una sa listahan kong kailangan gawin ay utusan si Camilla.Nasa pantry kami, maaga pa at abala siya sa pag-aayos ng mga tray ng almusal ni Maâam Loraine at Sir Cane. Pagkapasok ko pa lang doon, hinila ko na ang isa niyang silya at pabulong akong nagsalita.âCamilla, may ipapahanap ako sa âyo.âNag-angat siya ng tingin, halatang kabado agad. âAno na naman âyan po âyan, Maâam Ilaria? Baka mamayaâââHuwag ka nang mag-alala. Hindi ito delikado, bastaât sumunod ka lang.â Tumingin pa ako sa paligid at baka may makakita o makarinig sa amin. âKailangan ko ng susi. âYung susi para mabuksan ko ang maliit na box na nasa closet room ni Lorcan.âLumaki ang mga mata niya.âAy naku, Ma
Ilaria POVTahimik ang buong mansiyon nang dumating ako ngayong umaga. Sa sobrang sungit ng bruhang si Loraine, parang napaka-boring tuloy sa bahay na iyo. Bawal ba namang magsaya at magtatawa.Pero sa totoo lang, mas gusto ko nang ganito. Pag tahimik ang paligid, mas madali kong mabasa ang ugali ng mga tao.Today is my second day as Loraineâs personal nurse. At kung gaano ako kinabahan kahapon, kakaiba naman ang tapang ko ngayon. May hinanda kasi akong magandang plano ngayong araw.Hindi naman ako maglalagay ng kahit anong delikadong substance. O âyung parang lasön. Hindi ko gugustuhin âyon at ayokong gumawa ng bagay na hindi ko kayang panindigan bilang nurse. Pero may sinabi ang doctor niya kahapon pagkatapos ng pag-visit dito sa mansiyon.âIf she feels restless or irritable, you can offer her a calming herbal tea. Mas gusto niya âyan kaysa tablets.âAyun. Jackpot. Kaya bago pa siya magising, naghanda na ako ng tsaa. Lavender, chamomile, lemon balmâlahat herbal, lahat legal, lahat m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaïŒnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore