The Billionaire's Double Trouble

The Billionaire's Double Trouble

last updateLast Updated : 2026-01-05
By:  YuChenXiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Identical Twin. Walang pinagkaiba sa panlabas na kaanyuan. Pareho silang maganda, sexy. Ang tanging mapaghahambing sa kanila ay ang kanilang ugali. Si Tamarah, mabait, malambing kaya laging ito ang pinoprotektahan ng kanilang mga magulang. Habang si Farrah ay kabaliktaran ng ugali sa kanyang kambal. Sa kabila ng magkaiba nilang ugali, magkasundo sila. Nagbibigayan. Give and take ika nga nilang dalawa. At pagdating sa lalaki kung sino ang unang nakakita at nagsabing gusto nila ito ay walang agawan. Pero kaya bang magbigay ni Farrah ng makilala nilang sabay ang lalaking pareho nilang nagustuhan ngunit unang nagsabi si Tamarah na gusto nito ang lalaki. And yes, nagbigay daan siya. Hinayaan niya ang kanyang kambal na maging kasintahan ang lalaking tanging nakapukaw ng interest niya. Ngunit minsan nagkamali ang lalaki na pinagkamalan siyang si Tamarah, hinalikan siya ng buong alab na agad niyang tinugon. Pero ang mainit na halikang iyon sa pagitan nila ay naging dahilan para malito ang lalaki dahil hindi nito akalain na mai-excite ito sa paghalik kay Farrah na kambal ni Tamarah.

View More

Chapter 1

#1

“Uhm!”

Napasinghap ako ng lumalim ang paghalik sa akin ni Lucas.

Hindi ko napaghandaan ang basta na lang paghalik niya sa akin. Nagulat na lang ako ng basta na lang siyang sumulpot sa likod ko saka ako pinaikot at agad ng halikan sa labi.

“S-sandali,” sinubukan ko siyang tinulak habang matino pa ang utak ko ngunit matatag ang braso niyang nakayakap sa baywang habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok ko at ayaw akong pakawalan.

Ngunit ang pagtulak at kagustuhan kong makalayo sa kanya ay unti unting natibag dahil sa init ng paghalik niya sa akin. Nakakaliyo at nakakawala talaga ng katinuan ng isip. At natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumugon na sa halik niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para papasukin ang mapangahas niyang dila na nagsusuiksik sa labi ko para makapasok sa loob ng bibig ko.

“Ahh,” muli akong napasinghap at napalunok na parang may ipinainum siya sa akin na parang sarap na sarap ako sa paghigop.

Mas napanganga ako at hinayaang kong s******n niya ang dila ko na para rin siyang nauuhaw sa paghigop niya sa kung ano ang nasa loob ng bibig ko.

Sinubukan kong gayahin ang kalikutan ng paghalik niya. Nakipagkimpian ang dila ko sa dila niya na naglalaro sa loob ng bibig ko.

Ang sarap ng pakiramdam. Hindi ko akalain na ganito pala kasarap ang mahalikan.

This is my first kiss.

At si Lucas ang unang halik ko na sa edad kong twenty five ay wala pa akong kahit na isang naging boyfriend.

Ngunit para akong natauhan at nakapag isip ng tama ng makilala ang tanong kahalikan ko ngayon.

Lucas is Tamarah, my twin’s boyfriend and soon to be her fiancée dahil sinabi sa akin ni Tamarah na sa susunod na buwan ay mamanhikan na daw si Lucas sa kanya. Hinihintay na lang nila ang pagdating ng mga magulang ni Lucas para kasama nitong mamanhikan.

Napasinghap ako, nagugustuhan ko man ang paghalik sa akin ni Lucas ay alam kong hindi tama dahil kasintahan ito ng kapatid ko. Kaya bago pa ako tuluyang makalimot ay malakas kung naitulak si Lucas na ikinagulat niya.

“Tamarah!” nagtatakang banggit niya sa pangalan ng kambal ko.

Naipilig ko ang ulo ko at pinahid ang labi ko na nabahiran ng laway niya.

This is insane. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakipaghalikan ako sa kasintahan ng kambal ko.

Pero hindi ko naman iyon kasalanan, dahil si Lucas ang unang humalik sa akin.

“Lucas, I’m Farrah.” matatag ang boses kong pakilala sa kanya.

Sa sinabi ko ay nanlaki ang mga mata niya na napaatras palayo pa sa akin na tila nandiri ng makilala ako. Na para bang may nakakahawa akong sakit sa paglayo niya.

Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Na parang hindi makapaniwala na pinagkamalan niya akong si Tamarah. Pinahid rin niya ang kanyang labi.

Kahit na nakaramdam ako ng inis sa naging reaksyon niya ay hindi ko naman iyon ipinaramdam sa kanya. Kinalma ko ang sarili ko na huwag ipakita ang inis ko sa kanya bago ako ulit nagsalita.

“Hello, brother-in-law. Nalito ka yata? Mag ingat ka baka kapag ikakasal na kayo ng kambal ko ay ako na pala ang ikinakasal sayo.” sabi ko pa sa kanya na hinaluhaan ko ng pagbibiro para mapagtakpan ang nangyarari sa amin. Dahilan din na nakapagpakunot ng kanyang noo at nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay.

Nalukot ang napakagwapo nitong mukha at hindi makapaniwala na nagawa ko pang magbiro.

“You…”

“No, no, no, Lucas” itinaas ko ang kamay ko ikinumpas na isinabay sa pag iling ko. “You kiss me first kaya huwag mo ipasa sa akin ang sisi. Remember, you pulled me and kiss me. Sinubukan kong itulak ka pero hindi mo ako pinakawalan.” pagpapaalala ko sa kanya sa naging pagtulak ko kanina. “Oh! Never mind, it was just a kiss so don’t bothered. You are not the only man I kiss anyway.” pag iwas ko na lang baka isumbat niya sa akin na tumugon ako sa halik niya.

At para hindi naman niya isipin na wala pang kahit na ibang lalaking nakakahalik sa akin.

Hindi siya nagsalita. Halatang iniipon ang pagkalito niya sa nangyari sa pagitan namin.

Bago pa siya makapagsalita ay nilagpasan ko na siya na parang walang nangyaring halikan sa aming dalawa.

“Kalalabas lang ni Tamarah. May binili yata siya kaya hintayin mo na lang siya dyan sa sala.” sabi ko pa sa kanya ng nagtuloy na ako sa kusina.

Kumuha ng baso at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Hindi ko maitanggi na nainitan ako sa namagitan sa amin. Mabuti na lang at magaling akong magtago ng imosyon.

Ipinagpalagay ko na lang na nakikipagdeal ako sa mga kabusiness deal ko kanina kaya naitago ko ang kakaibang epekto niya sa akin. At kung hindi ko naman gagawin iyon ay baka mahalata niya na nagustuhan ko ang paghalik niya sa akin.

Matapos akong uminum ay hindi ko na siya kinausap pa at nagmamadali na akong bumalik sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humugot ako ng malalim na paghinga na kanina ko pa pinipigilan sa kabang nararamdaman ko kaharap si Lucas.

…..

Back two years ago, nasa golf club kami dahil nagyaya ang tiyuhin namin. Hindi naman matanggihan ang tiyuhin namin dahil ito na ang nagsilbing tatay namin matapos mamatay ang aming ama limang taon na ang nakakalipas.

Kapatid ni mama si Tito Oscar at kabutihang palad ay patuloy ito sa pagsuporta sa amin noong namatay si Papa hanggang sa makapagtapos kami ng pag aaral at ngayon ay ako na mismo ang humahawak ng mga negosyong naiwan ni papa sa amin nina mama.

Habang nasa golf club kami at naghahanda para subukang maglaro, ay sabay naming nakita ni Tamarah ang isang gwapong lalaking bagong dating.

Matangkad, at talaga namang napakaganda ng tindig at porma nito. Magsasalita na sana ako at sasabihin kong napakagwapo nito at gusto ko ito ngunit….

“My God, Farrah. I like him.” iyon ang narinig ko mula kay Tamarah. At bago pa ako makapag isip ng maayos ay alam kong hindi ko na pwedeng agawin ang lalaking bagong dating kay Tamarah dahil ito na ang unang nagsabing gusto niya ito. “He is mine,” sabi pa Tamarah na sinabayan ng pagsiko sa akin.

“I wish you luck,” tanging naging tugon ko na lang sa kanya at hindi na isinatinig ang salitang gusto ko rin ito.

At habang naghihintay na makalapit ang lalaki ay sinalubong pa ito ni Tito Oscar. Kaya doon namin napagtanto na ito pala ang sinasabi ni tito Oscar na kakilala nito na ipapakilala sa amin.

“Lucas Scott,”

“Mr. Wright. How have you been? It’s been a long time since the last time I saw you.”

“I’m perfectly fine, Lucas. Naging abala na kasi ako nitong nakaraang taon dahil sa pagkamatay ng bayaw ko. Kaya inasikaso ko ang mga negosyong iniwan niya. Pero ngayong malapit ng magtapos ang mga pamangkin ko sa pag aaral nila ay mababawasan na rin ang mga trabaho ko dahil isa sa kanila ang hahawak sa negosyong iniwan ng ama nila.” mahabang paliwanag ni tito Oscar.

“Oh!”

Napasulyap na sa amin ang lalaki. Unang napatingin ito kay Tamara bago sa akin.

“Well, I don’t think I saw an illusion.”

“Haha, hindi ilusyon iyan, Lucas. Nakalimutan kong sabihin na identical ang mga pamangkin ko. Kahit nga ako ay madalas magkamali sa kanilang dalawa. Kung hindi sila magsasalita. Tamarah, Farrah, come over here.” tawag na ni tito Oscar sa amin.

Lumapit na kami. Parehong tahimik at naghintay na tuluyang ipakilala ni tito Oscar sa kaibigan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status