تسجيل الدخولChusan POV“What the fuck!” paos kong mura habang pilit inaabot ang cellphone sa sahig. Pagtingin ko sa screen ko, halos mawalan ako ng ulirat.37 missed calls. Halos lahat galing sa manager ko.May ilan ding unknown number na tumatawag.At mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang pangalan ng network na paulit-ulit na tumatawag.Bigla akong napabangon kahit sobrang sakit ng ulo ko.“Oo nga pala, guesting ko ngayong umaga sa morning show na iyon!”I feel like my whole body suddenly got cold, even though my stomach is churning from the hangover.I completely forgot that I have a morning show today at ang call time ay 8AM. I looked at the wall clock and saw that it was 12:47 PM.“PUTANGINA!”Tumayo ako at naglakad paikot sa kuwarto ni Calder. Dito na ako nakatulog nung malasing ako kagabi. Wala na silang lahat, ako na lang ang natira, lintek!Pakiramdam ko sasabog dibdib ko sa kaba. Hindi lang simpleng no-show ito. Contracted guesting ‘yon. May promotional appearance akong dapat gawin
Sylaila POV“Girl, saang lugar ka ba talaga galing?” basag ni Doti sa katahimikan.“Bakit mo naman natanong?”Nakatingin siya sa balat ko. Pati na rin sa balat ni Isla na nalalangoy sa mababaw na bahagi ng ilog. Nandito kasi kami ngayon sa dulo ng Calye Karunsil.“Kasi, ang puti mo kahit ilang taon ka nang nandito sa Amontala small town. Hindi manlang umiitim ang balat mo. Kutis artista ka at kutis mayaman talaga,” sagot ni Dotie habang manghang-manghan sa balat ko.“Sabi nga nung mga suki ko sa palengke, hindi raw ako bagay na tindera roon, mukha raw akong mayaman,” natatawa kong pagbibida sa kanila.“Totoo naman, e, mukha kang taga city, hindi tagarito sa probinsya,” sabi pa ni Rasha.“Huwag na huwag ninyong sasabihin ‘yan kapag kasama natin si Nardo, magagalit iyon, baka tanggalan kayo ng trabaho sa farm namin,” sita ko sa kanila habang nag-iihaw kami na kami ng manok.Napangiwi ang mukha ni Mishalyn. “Ewan ko ba diyan kay Nardo. Ang dami rin atang lihim. Bakit ayaw niyang sabihin
Chusan POVPaglapag na paglapag ko rito sa Pilipinas after three years, puntod ni Sylaila ang una kong pinuntahan.I’ve been really busy these past few years because of the TV series, the movie, and various projects I did in Korea.May dala akong bulaklak at kandila. Inaya ko si Sera dito kanina pero ayaw niya, pagod daw siya at may jetlag, kaya pinili na lang mamahinga sa condo namin.“How are you, Sylaila? How are you and Baby Nari doing up in heaven?” tanong ko kay Sylaila kahit alam kong hindi naman siya sasagot.Kung buhay pa siguro silang dalawa, baka nagsasalita at naglalakad na si Baby Nari ngayon. Baka mag-asawa at masayang-masaya kami ni Sylaila. Kahit limang taon na siyang wala, sariwa pa rin sa puso ko ang lahat ng alaala naming dalawa.Even though Sera Park is my girlfriend now, parang mas matimbang pa rin sa puso ko si Sylaila.Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing maaalala ko ang lahat ng masasayang ginawa namin noon ni Sylaila.Tandang-tanda ko pa, nagkakilala kami noon
Sylaila POVSimula pa kahapon ay hindi na kami masyadong nagkikibuan ni Nardo. Nung hindi siya pumayag sa pangalawang pag-aaya ko na pumunta sa Manila ay nagtampo na rin talaga ako ng husto sa kaniya.Pero kahit na hindi ko siya kinikibo, hindi pa rin niya kinakalimutan ang tsaa o kape ko kapag nagwo-work ako rito sa farm. Araw-araw, hindi niya kinakaligtaan ang pagtitimpla ng tsaa at kape sa akin. Iniwan lang niya ang pagkain at maiinom ko sa may lamesa sa gitna ng farm, na kung saan ay merienda-han place koMag-isa ako ngayon dito sa gitna ng farm. Namimitas naman ako ng sili kasi balak kong gumawa ng chili garlic. Ubos na kasi ang mga stock ko sa kubo at ang paninda ko na rin.“Ila!” sigaw bigla ni Aling Doreng, kaya nagulat at napatayo ako.“Aling Doreng, nandito na po pala ulit kayo!” sigaw ko rin habang nakangiti.Si Aling Doreng kasi ay pinaka-kinakainggitan kong taga-rito sa Amontala.Bakit?Pabalik-balik lang naman kasi siya sa Amontala at sa Manila City. May cake shop si Ali
Sylaila POVNasa palengke ako rito sa Calye Lumipak. Dito kasi sa calye na ito ang lugar kung saan maraming nagbebenta ng iba’t ibang pagkain. Nasa puwesto na ako, habang nakabalandara ang mga gulay at prutas na pinitas namin sa farm kahapon.Maya maya pa ay dumating na ang isa sa mga suki ko.“Ila, magkano itong petchay mo?” tanong ni Ate Lala.“Sampung piso na lang ang isang tali para sa iyo, Ate Lala,” sagot ko sa kaniya. “Kakapitas lang niyan at fresh pa,” dugtong ko pa para ma-salestalk ko siya.“Halata naman, kaya nga palagi akong napapabili sa iyo,” sagot niya habang patuloy na namimili ng petchay na gusto niya. “Ito oh, okay na sa akin ang tatlong tali,” sabi pa niya, sabay abot nung tatlong taling petchay. Sinupot ko iyon at saka ko tinanggap ang binayad niyang trenta pesos.Napansin kong napatingin siya kay Isla. “Ila, napaka-cute talaga ni Isla, habang lumalaki. Habang tumatagal din at lalo ata siyang nagiging parang Koreana dahil sa singkit nitong mata,” sabi pa ni Ate Lal
Sylaila POV“Isla, anak, tara na sa loob, kakain na tayo,” tawag ko sa limang taon gulang kong anak na si Isla.“Oh, Isla, tara na, tawag ka na ng nanay mo,” sigaw rin ni Nardo—asawa ko na halos limang taon ko nang kasama rito sa Amontala province.“Nandiyan na po,” masaya namang sigaw ni Isla mula sa maliit niyang kubo. Sinalubong siya ni Nardo.Magkahawak-kamay sina Nardo at Isla habang papunta sa maliit na kusina nitong munting kubo namin. Dinala siya ni Nardo sa running water sa maliit na lababo para ugasan ang kamay nito. Minsan kasi ay naglalaro ng lupa si Isla.“Nanay Ila, adobong kangkong po ba ang ulam, tapos may sahog na tokwa?” tanong agad ni Isla nung lapitan na niya ako rito sa likod ng kubo namin—na kung saan may lamesa na sakto lang para sa aming tatlo. Dito na ang hapagkainan namin tuwing umagahan, tanghalian at hapunan.“Opo, tama ka, anak,” sagot ko sa kaniya habang sinasandok na siya ng kanin sa maliit niyang plato.Simula nung mag-three years old na si Isla, pabori
Ilaria POVKakatapos ko lang maglaba. Nakita ko kasing tambak na ang mga lagayan ko ng malilibag na dami, kaya pagkagising ko kaninang umaga, go, laba na agad.Saktong alas nuebe ng umaga ay natapos na ako, kaya nagsampay na ako dito sa likod ng bahay namin. Tinulungan pa nga ako ni Manang Lumen pa
Ilaria POVAgad akong nag-charge ng cellphone ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko.n Pag-vibrate ng phone ko, mabilis kong dinampot. Bumukas ang screen. Nasilaw pa ako sa liwanag kasi kapag nasa labas ako, tinataasan ko talaga ang brightness. Pero wala na akong pake. Ang unang ginawa ko ay ang tawag
Keilys POVTahimik akong nakatayo sa hallway ng mansion namin habang pinagmamasdan ko ang bumabagsak na niyebe sa labas. Ang lamig-lamig, sobra. Kung nandito lang si Ilaria, okay sana kasi palagi ko talaga siyang mayayakap.Kanina pa ako nag-iisip. May apoy sa loob ko na gusto nang lumiyab ng husto
Ilaria POVAlas diyes ng umaga nang makalabas ako ng Yay town. Ang biyahe mula rito hanggang Tagaytay ay halos apat na oras, depende pa traffic. Mabuti na lang at maaliwalas ang panahon ngayon. Habang nagmamaneho ako, napapatingin ako sa tanawin ng mga bukirin, bundok at mga maliliit na karinderya



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



