Share

Chapter One: Funday Gone Wrong (Part Three)

Tinapat ko ang ilaw sa likuran. Isang pares ng mga paa ang biglang lumabas mula sa kabilang kwarto. Napaangat ako ng tingin at nakita ang kanyang namumutlang mukha. May bahid ng dugo ang kanyang bibig at may hawak siyang duguang karne sa kamay. Tumayo ako at humakbang palayo sa kan'ya. Napakapit ako sa sling bag na dala ko at kinuha ang lipstick taser.

Nagkatinginan kami, mata sa mata. Nangilabot ako sa takot nang mapansing purong puti lamang ito na pinapalibutan ng nangingitim na mga ugat. Bigla siyang sumungab sa akin kaya agad ko siyang ginamitan ng tinatago kong taser. Akala ko gagana, pero parang wala man lang nangyari sa kan'ya.

Tinulak ko siya at lumabas sa haunted house na iyon. Naramdaman ko ang mga mabibigat at mabilis niyang hakbang na papalapit sa akin. Napatili ako, nanghihingi ng tulong sa mga nakabanggaan ko, pero nagbingi-bingihan ulit sila at mas piniling tumakbo palayo sa akin.

Binuksan ko ang phone para tawagan sana si Vino, ngunit huli na ang lahat nang sabunutan ako ng lalaking humahabol sa akin at marahas na tinulak sa isang pader. Tila umikot ang buong paligid at nanlalabo ang paningin ko. Tuluyan kong nabitawan ang phone nang sumunggab ulit siya sa akin. Ang kan'yang nakakasulasok na amoy ang lalong nakapagpahilo sa akin.

He freaking acts like a rabid dog who wants to eat my flesh out. He even groans and grits his teeth every time his face is near mine.

Ramdam ko ang pagkagasgas ng aking lalamunan kakasigaw. Pinaulan ko siya ng sampal, sapak, at mura, pero kahit ano pa ma’ng gawin ko, hindi niya ako tinitigilan. Wala na talaga siya sa sarili niyang katinuan at parang tuluyan ng nasiraan ng ulo.

Halos mapisa na ako rito sa bigat ng katawan niya. Buong pwersa ko ulit sinakal ang kan'yang leeg, mailayo lamang ang mukha niya sa akin. Mabuti na lamang at naunahan ko siyang sikmurain kaya medyo nakaiwas ako sa gagawin niyang pag kalmot.

Hindi ko na maintindihan kung anong kabaliwan ang nangyayari sa amin. Ayaw ko'ng mamatay sa ganitong paraan.

I won't let this person murder me!

Scratch that - is he even considered a person? Look at his eyes! No human being could ever have a blank eye!

Then what is this creature? Is it an aswang? Vampire? Werewolf? Zombies? An evil alien? A malfunctioned humanoid cyborg?

Don’t tell me he’s a freaking hybrid of those six? That can’t be! Only fools would believe that!

Mas lalo ko siyang sinakal papalayo kahit na nanghihina na ang mga kamay at paa ko. Sa kabutihang palad, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, sumabog ang kan'yang uluhan sa harap ng mukha ko.

Ang maliliit na piraso ng kan'yang utak ay tumalsik papunta sa akin. Napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa metal na tumusok sa uluhan ng halimaw na nasa harapan ko ngayon. Hindi na siya gumagalaw at pisat na ang kan'yang ulo kaya agad akong napabitaw dito. Unti-unti na itong natumba sa lapag.

Nangangatog ang aking mga paa habang nakatingin sa lalaking nakahandusay. Sumirit ang itim na dugo sa lapag. May isang pares na naman ng paa ang lumapit sa harapan ko kaya nag-angat ako ng tingin. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng pag-aalala habang nakatingin sa akin.

Namanhid ang aking katawan habang bumabalik lahat sa aking isipan ang aming mga alaala. Magkahalong saya at lungkot ang namayani sa puso ko. Hindi ko na napigilan-tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina pang nanggigilid.

Lumapit ako kay Caite at sa unang pagkakataon, sa loob ng mahabang panahon, niyakap ko siya ng mahigpit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status