"Saan ka nanggaling?" Mapanuring tingin ni Caleb pagpasok niya nya ng apartment. Nauna ang mga itong dumating kesa sa kanya."Sa school." Pagsisinungaling niya.Muli siyang tinitigan nito, tila binabasa kung nagsasabi siya ng totoo."Bestie? I’m here!" Sigaw niya kay Belle para i-divert ang atensyon ni Caleb sa kanya, pero tila hindi pa siya nito titigilan."Akala ko ba ay masakit ang ulo mo? Bakit ka lumabas ng bahay?"Nagdududa ito sa kanya. Yumuko siya. Hindi siya marunong magsinungaling kaya siguradong nararamdaman nito na hindi siya nagsasabi ng totoo."Hi bestie! Andito ka na pala? Kakadating lang din namin." Wika ni Belle na kalalabas lang ng kwarto. Lihim siyang nakahinga ng maluwag, andiyan na si Belle at hindi na siya kokomprontahin ng kuya niya. Agad niya itong tinalikuran at pinuntahan si Belle at nag-beso."Pasok lang ako ng kwarto ha. Maliligo muna ako." Paalam niya."Hindi pa tayo tapos, Yassy!" Sabi ni Caleb pero hindi niya pinakinggan. Masama ang loob niya at ayaw niy
“Bestie... ano ‘yung sinasabi ni Caleb?” naguguluhang tanong ni Belle, pero hindi niya sinagot ang kaibigan.“Papuntahin mo siya dito. Ngayon din!” utos ni Caleb na puno ng awtoridad.Hindi niya alam kung ano ang plano ng kapatid pero sigurado siyang hindi siya titigilan nito hangga’t hindi sumusunod. Muli niyang kinuha ang cellphone mula sa kapatid at dinayal ang number ni Hunter.“Hello, Yass?” mahinang sagot nito, halatang nagtataka kung bakit siya tumatawag.“Ahm… pinapapunta ka ni Kuya Caleb dito sa apartment.” sagot niya habang nakatingin kay Caleb, na matalim din ang tingin sa kanya.“Nakikita ko ngang pinapagalitan ka nya... S-sige, pupunta ako riyan ngayon din. S-see you, Yass.” sagot ni Hunter saka pinatay ang tawag. hindi cya nagkamali na pinapanood sila ni Hunter mula sa malayo.Nai-excite siya pero sabay din ang kaba. Hindi niya alam kung ano ang balak ni Caleb, pero hindi ito magandang pakiramdam.Maya-maya, tumunog ang doorbell. Malapit lang naman ang bahay ni Hunter ka
HUNTER'S POV:Gulong-gulo ang isip niya habang pauwi sa apartment na tinitirhan niya. Hindi niya lubos maisip na may sex video sila ni Olivia. Sino ang nag-video sa kanila at sino ang nag-send nun kay Yassy?Posible kayang alam ng lahat ng mga kaibigan niya ang tungkol doon kaya ganoon na lang ang galit sa kanya? Alam din kaya ng mga magulang nila? Sana ay hindi. Dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa mga magulang niya at magulang nina Yassy."Fuck you, Olivia!... ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Pinagtagpi-tagpi niya ang mga nangyari sa gabing iyon... Sa sobrang galit niya nung mga panahong ‘yon dahil may natanggap siyang litrato mula sa di kilalang numero.... ang picture ni Yassy at Elijah na nagyayakapan.Sa sobrang selos niya ay pumunta siya ng bar para maglasing. Sa hindi niya din malaman na dahilan, ay dumating si Olivia.Dati ang alam niya ay coincidence lang iyon. Pero sa mga nangyayari ngayon ay napag-isip-isip niya na baka sinadya talaga ng dalaga na pumunta d
Pagdating ng Manila ay agad siyang pumunta ng parking lot. Nandoon na ang kotse niya naka-park.Pagsakay niya ng kotse ay nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Parang nanindig ang balahibo niya. Parang may kasama siya doon sa loob na hindi niya maintindihan. Sumulyap siya sa rear view mirror pero wala naman siyang nakita. Baka guni-guni niya lang. Dahilan na din siguro sa sobrang pagod kaya kung ano-ano na ang mga pumapasok sa utak niya.Iwinaksi niya ang mga nararamdaman. Tinatakot niya lang ang sarili niya. Baka sa sobrang tagal ng naka-park doon sa airport ay nanibago siya. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo na iyon. Pupuntahan niya si Olivia sa ospital.Tinawagan niya si Giorgiana habang nasa biyahe."Hello, boss?" Agad na sagot nito. Ito muna ang inatasan niyang alagaan si Olivia habang wala pa siya."Hello, Giorgiana. I'm already here in Manila. Papunta na ako diyan sa ospital.""Okay, boss. Baka pwedeng umalis na din ako, total padating ka na. Wala pa kasi akong tulog.
Nakatahimik silang dalawa sa loob ng kwarto. Si Olivia ay mahimbing pa rin ang tulog sa kama, habang si Mike ay nananatiling nakatayo sa gilid, tila may mabigat na iniisip. Napansin niya ang mga kamay nitong nakapamulsa at ang paglalim ng mga buntong-hininga nito.Hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ang binata."Ano bang iniisip mo, Mike?" tanong niya, bahagyang iritado ang tono.Saglit pa itong tumahimik bago sumagot. "Six months… Kung six months na ang tiyan niya, ibig sabihin... nangyari 'yun bago pa ang aksidente namin ni Tricia?...""Ano ang ibig mong sabihin? What are you trying to say?" May kaba sa dibdib niya na unti-unting umuusbong. Pakiramdam niya'y may sasabihin si Mike na importante.Humarap si Mike sa kanya, seryoso ang mga mata. "May nangyari sa amin ni Olivia bago ako naaksidente. Akala ko….. ako ang ama."Parang may sumabog na bomba sa loob ng utak niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mike."You're lying! Andito ka na n
"Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sabi ng doctor ay pwede ka nang umuwi anytime.""Pero ayaw kong umuwi sa bahay mag-isa. Natatakot ako at baka maaksidente na naman ako. Pwede bang doon muna ako sa inyo?""Hindi pwede!' Napalakas ang boses niya."Ikukuha na lang kitang makakasama sa bahay mo pero hindi ka titira sa akin. Wala tayong relasyon, Olivia. Tandaan mo ‘yan!""Ano pa ba ang ayaw mo sa akin, Hunter? Pag iniwan mo ulit ako, magpapakamatay ako!"Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na galit siya kay Olivia ay hindi niya naman ito pababayaan mag-isa. Baka totohanin nito ang banta na magpapakamatay. Saka wala pa siyang ebidensya na hindi na siya ang ama ng bata. Kaya habang hindi pa siya sigurado ay responsibilidad niya si Olivia."Sige… doon ka muna sa bahay ko." sambit niya.Mas maganda doon dahil andoon si Manang Josie, na kasambahay niya, na titingin-tingin kay Olivia sakaling wala siya. Kahit papaano ay may bantay ang dalaga doon.Nang nasa kotse na sila pauwi sa bahay ni
“Is it Yassy?” wika ni Olivia sa likod niya. Di kaya alam nito na si Yassy ang kausap niya kaya sumigaw ito para marinig ni Yassy na andoon siya at magkasama sila? “Ano naman ngayon kung si Yassy 'yun, Olivia? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala tayong relasyon, so stop pestering me!” “Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit naman siya tumawag sa’yo? Nagkita ba kayo? Saan? Kaya ka ba nawala ng ilang linggo dahil nakipagkita ka sa kanya?” sunod-sunod na sunud-sunod na sambit nito. “Bakit kasi hindi mo na lang siya tigilan? Alam naman niyang magkakaanak na tayo, ‘di ba? Wala ba siyang awa na sirain pa tayo?” Gusto niyang kutusan si Olivia sa pinagsasabi nito. Siya ang nagpupumilit na hanapin si Yassy kaya mali ang lahat ng binibintang nito. Saka ilang beses ba niyang sasabihin na wala silang relasyon, kaya kung ano man ang ginagawa nila ni Yassy ay wala silang tinatapakang relasyon. "Gusto ko lang ipaalala sayo Olivia na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Yassy!" "Me??? Ku
Pagdating ng condo ay dali-dali siyang pumasok. Hinanap niya ang charger. Mabuti na lang at compatible ang charger niya sa cellphone ni Tricia. “Sorry, Trich, kung pinakialaman ko ang gamit mo, pero I think ito ang gusto mo dahil lagi kang nagpaparamdam sa akin...” sambit niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon. Madaming notification ang agad na pumasok simula nang buksan niya ito. Isa-isa niyang binasa iyon. Para siyang NBI na nag-iimbestiga. I had the feeling na may makukuha siyang impormasyon doon. Tiningnan niya ang messages. May natanggap doon na notification galing sa bangko na nakatanggap si Tricia ng isang million bank transfer. Hindi naman nakalagay kung saan galing ang pera. “Bakit may ganito kalaking pera si Tricia? Sino ang nag-transfer sa kanya?” Tiningnan niya na ang iba pang messages. Meron pang isang million na natangap mula sa ibang araw. Ang yaman naman ng nagpapadala kay Tricia. Dalawang million na ang pera na pinadala kya Tricia. Hindi niya a
“Kahit pa hindi nangyari 'yon, ay nagdadalawang-isip na din ako sa pagsagot sa’yo, Caleb. Hindi ko alam kung maibibigay ko ang mga kailangan mo na pwedeng maibigay ni Camila o ng ibang mga babae mo... Hindi ako ganoon.”“Pero hindi naman 'yon ang habol ko sa’yo, Belle... Believe me! I love you... You just misinterpreted me dahil nasa utak mo na na ganoon ako... You never gave me a chance. Pakiramdam mo ay sa kada lapit ko, may gagawin ako sa’yo, ji-nudge mo na agad ako wala pa man. Di mo ako pinagkakatiwalaan... and it hurts me too, Belle!”Hindi siya sumagot. Marahil nga totoo. Na-judge na niya ito bago pa man, pero nasaktan pa din siya.“Belle, please... Bukas uuwi na kami ng Pilipinas. Ihahatid ko lang si Yassy tapos babalikan kita dito. I want to make this right with you... Mahal kita, Belle.”“No thanks. You don’t have to do that. Samahan mo na lang doon si Yassy. She needs you. I’m gonna be okay here. At buo na ang desisyon kong makipaghiwalay sa’yo. Wala ka nang obligasyon sa a
Pinahid niya ang mga luha bago buksan ang pinto ng apartment nila. At hindi nga siya nagkamali, andoon na si Yassy, nakaupo sa veranda at mukhang tulala na naman. Mukhang naramdaman na niya ang sakit na nararamdaman ni Yassy ngayon... Ang tigas kasi ng ulo niya. Hindi siya nakinig sa kaibigan.Dumiretso siya ng kwarto at hindi ginambala si Yassy. Mas gusto niya ding mapag-isa. Lihim siyang umiiyak sa loob ng kwarto niya. Bahala na kung magtatanong si Yassy kung bakit siya mugto ang mata niya. She can't help but cry. Kailangan niya ilabas ang sama ng kanyang loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Mas masakit lang sa kanya because she has nothing to talk to... Walang dadamay sa sakit na nararamdaman niya dahil ayaw niyang sabihin kay Yassy ang pinagdadaanan niya. Maya-maya ay ang ring ng cellphone niya... It's her dad. “H-Hello, Dad?” garalgal ang boses niyang sabi.“Hey, Princess...” masayang bati ng Daddy niya. Gusto niya lalo umiyak. She wants to hug her dad. Pero ayaw niya din na malam
"Oh yeah?! Ang bilis naman! Kahapon lang tinanong kita, sabi mo wala kayong relasyon? Natakot kang maagawan no? Hahaha...Don't worry, he is yours... titikim lang ako."Muli niya itong tiningnan ng masama."Chill, Belle!... Parang di ka na mabiro. I was just joking!"Mabuti na lang at nagbukas na ang elevator at dumating na siya sa opisina. Hindi na niya masakyan ang pang-iinis ni Camila. Kung tatagal pa sila doon ay baka nasabunutan na niya ito."Bye, Belle!" Nakangising kumakaway pa ito nang lumabas siya ng elevator. Nasa taas pa ang opisina nito. Senior model si Camila sa kanya pero mas madami siyang project kesa sa hitad. Kaya siguro inggit na inggit ito dahil kahit kakapasok pa lang niya sa kumpanyang iyon ay siya na agad ang pinag-aagawan ng mga brand company.Humugot siya ng malalim na hininga para iwaksi ang pagkainis kay Camila at nagpatuloy sa conference room para sa photoshoot. Ayaw niyang maging busangot ang mukha niya.Isa din 'yun sa paraan ni Camila para sirain siya, iin
Nakahinga siya ng maluwag saka dali-daling nagbihis. Naiinis siya kay Caleb dahil ang tigas ng ulo nito. Bakit ang sarili lang nito ang iniisip? Pakiramdam niya tuloy ay niligawan lang siya nito para makuha siya. At pagkatapos, ano? Kapag nakuha na siya nito, itatapon din siya katulad ng ginawa ni Hunter kay Yassy?Gusto niyang intindihin si Caleb pero bakit hindi siya nito maintindihan? Gusto niyang isipin na iba ito sa mga lalaki at hindi katulad ni Hunter, pero sariling kapatid nito mismo ang nagsasabi na huwag siyang magtiwala kay Caleb. 'Yun ang dahilan kaya natatakot siya kay Caleb… Oo, mahal niya ang lalaki, pero gusto niya din isipin ang sarili niya.Paglabas ng kwarto ay nakasimangot siyang nakatingin dito. Wala din itong imik nang tumayo sa upuan."Let's go?"Nagpatiuna itong lumabas. Hindi siya nito hinintay. Nararamdaman niyang nagtampo din ito. Pakiramdam niya ay first fight nila iyon. Napaisip tuloy siya, mas okay pa sila noong hindi niya ito sinagot… chill lang sila at
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, wala na si Yassy sa tabi niya. Maaga itong pumunta sa school para asikasuhin ang ibang pang papeles sa pagka-graduate nila. Siya naman ay may pictorial mamaya sa agency bilang sa pagpa-part time model niya.Napapaisip siya... pagka-graduate nila ay mag-isa na lang siya doon dahil uuwi naman si Yassy sa Pilipinas. Binigyan ito ng trabaho ng dad niya. Hindi na rin siya pwedeng samahan doon ni Caleb palagi, may sarili din itong negosyo at career sa Pilipinas. Baka bisitahin nalang cya doon ng nobyo."Good morning…"Nagulat siya, biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Caleb."G-Good morning... What are you doing here? Baka makita ka ni Yassy..." pagdadahilan niya."Umalis na siya kanina pa." wika nito saka tuluyan nang pumasok sa kwarto niya. Umupo ito sa kama.Napahawak siya sa kumot… wala kasi siyang bra."Wala ba akong good morning kiss?" nakangiting wika ng nobyo niya."Ah, eh wala pa akong toothbrush eh…" bigla siyang na-conscious kaya
Magkahawak-kamay sila ni Caleb umuwi sa apartment nila. Pero pagpasok ng unit ay umaakto silang normal. Hindi nila pinapahalata kay Yassy na may relasyon na sila. Hindi pa siya handa na malaman ng kaibigan niya. Alam niya na may problema pa itong iniisip dahil kay Hunter. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ni Yassy."Hi bestie..." bati niya sa kaibigan nang pumasok sila. Nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV pero alam niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon nito."Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila."Ah eh... nagkita lang kami sa baba. Sabay na kaming umakyat." pagdadahilan niya saka tinabihan ito sa sofa."What are you watching?" pag-iiba niya ng usapan. Si Caleb naman ay dumiretso sa kitchen at inayos ang dala nilang pizza para sa dinner nila."I don't know...""Nagsasayang ka ng kuryente. Di mo naman pala alam ang pinapanood mo... may problema ka ba?"Bigla itong tumahimik at umiyak."Bestie... Wag kang gagaya sa akin ha... kasi masak
"Ganun ba ako kasama sa paningin mo, Belle? Hindi mo pa ba nakikita ang effort ko na magbago? Simula ng makilala kita ay ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Hindi na ako tumingin sa iba. That's how I love you, Belle." Lihim siyang kinilig. "Pero paano si Yassy?" "Ako ang bahala sa kanya... sagutin mo lang ako..." Hindi na niya napigilan ang ngumiti... Ang totoo ay mahal naman niya talaga si Caleb... Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong feeling sa isang lalaki. "S-sige... sinasagot na kita." nahihiyang wika niya saka yumuko. Sa edad niyang iyon ay ngayon pa lang siya nagkaroon ng nobyo at si Caleb ang first boyfriend niya. "Talaga, Belle?" tanong nito, tila hindi makapaniwala. "Y-yes, sinasagot na kita..." muling sabi niya. Ramdam niyang pulang-pula na ang pisngi niya sa hiya. Caleb cupped her face. "Look at me, Belle," utos nito. Agad naman siyang tumango ng tingin at nakipagtitigan dito. Parang matutunaw siya sa pamamaraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya... "Tama ba ang
CALEB LEDESMA & BELLE LAUREL: BELLE POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto na inookupa niya sa mansion ng mga Ledesma. Tapos na ang kasal ng bestfriend niyang si Yassy, kaya pwede na siyang umuwi ng Manila o di kaya bumalik ng London. Hindi naman sa ayaw niya doon. God knows kung gaano siya na-in love sa lugar na 'yon pati sa mga kaibigan ng bestfriend niya. Everybody is so welcoming... feel niya na belong siya doon, parang matagal na silang magkakilala kahit pa ngayon niya lang na- meet ang mga ito. Ang totoo ay ayaw pa niyang umalis pero kailangan na dahil ayaw na niyang makasalamuha pa ulit si Caleb. Habang nakikita niya ang lalaki ay naaalala niya ang ginawa nitong pananakit ng damdamin niya. Napapaluha na lang siya habang naaalala... wala siyang pinagsabihan kahit na sino. Maging sa bestfriend niyang si Yassy. Okay naman sana sila ni Caleb noong nasa London sila. They had mutual feelings. Alam niyang gusto siya nito at gusto niya din ang lalaki. Kahit na ang paninira
**********HONEYMOON:"Put me down, Hunter!" natatawang wika niya nang binuhat siya ng asawa mula sa baba papunta sa kanilang kwarto."Ano ba... baka mahulog ako!...""I will not let you fall, babe... syempre iingatan kita, at saka ang anak natin."Nang buksan nito ang kwarto nila ay dahan-dahan siyang nilapag sa kama. Tinitigan siya nito ng maigi na tila sinasaulo ang kanyang mukha."I love you, Mrs. Rosales. I finally call you my wife."Ngumiti siya pabalik at kinawit ang dalawang bisig sa leeg ni Hunter. "I love you too, my hubby. Naabot mo rin ang pangarap mong pakasalan ako, huh?" biro niya."Hahahaha!" ang lakas ng tawa nito."Oo nga, noh? Ilang beses din kitang sinubukang pikutin...""And I'm so happy too, babe... Kung hindi ka pa muntik nang mawala sa akin ay hindi ko pa mare-realize kung gaano ka ka-importante sa akin." Naalala niya nang muntik nang mamatay ang asawa kaya napauwi siya galing sa London. Since then, ay pinangako na niya sa sarili na mabuhay lang si Hunter ay ib