Share

CHAPTER 25

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-02-10 22:07:34

"Don't worry, Tita. Lalaki po ang gusto ng anak niyo!" sabat ni Almira.

Agad namang bumalik ang saya ng ina. "Salamat naman kung ganun, anak. Sayang naman ang ganda mo."

"Mom, ano ba ang mga pinagsasabi mo? Ang bata-bata ko pa!" Minamadali na naman siya samantalang 21 pa lang siya!

"Hahaha. Sinisigurado ko lang anak na hindi ka tomboy."

Napangiti siya. Kung dati ay naguguluhan pa siya, ngayon ay sigurado na siya sa sarili niya na babae siya. Gusto niyang maging babae. Si Ate Almira lang pala ang nagpagising sa magulo niyang utak.

Marahil ay napapagod na rin siya sa kaka-defend ng sarili niyang mag-explain sa mga taong nanghuhusga sa kanya na hindi nga siya tomboy... kaya dapat ay ipakita na lang niya sa galaw at pananamit nang wala nang magtanong pa!

"Mom, pagkatapos nating magpagawa ng gown, puwede ba tayong mamili ng mga damit ko? Ayaw ko na kasing magsuot ng mga malalaking T-shirt."

"Talaga ba, anak?" Lalo itong natuwa sa sinabi niya at mukhang napaluha pa.

"Sige, magsho-shopping t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ybañez Bayog Rosit
grabe ka nman Almira. lahat talaga ng gwupo at mayaman? haha
goodnovel comment avatar
Welba Almazar
maganda Po Ang story
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Pasaway na pinsan hahahaha thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 373

    “Ah ganun ba… akala namin ayaw mo na sa amin dahil umalis na si Almira. Si Almira lang naman ang kaibigan mo dito sa atin, di ba?” kunyaring may tampo na sabi ni Yassy pero may halong pang-aasar.Nainis siya. Alam na niyang mangyayari ito, na siya naman ang mapupuna ng lahat sa tagal niyang hindi nagpapakita.Umupo siya sa tabi nina Yassy at Belle at hindi sinagot ang mga pang-aasar sa kanya. Kumuha siya ng beer at tinungga iyon. Habang masayang nag-uusap ang mga ito ay biglang nag-ring ang cellphone ni Yassy. Agad na lumiwanag ang mukha nito.“Ate Almira!” masayang sagot nito sa cellphone. Siya naman ay natigilan.... Si Almira ang tumatawag.Agad iyong ni-loudspeaker ni Yassy para marinig ng lahat.“Hi Almira! Kamusta ka na d’yan? Wish you were here, sis!” pasigaw na sabi ni Belle para marinig ni Almira.“Okey naman ako dito. Tumawag ako dahil birthday ng pogi kong pamangkin. Where is Chaser! I miss him!” masayang sabi naman ni Almira.Bigla siyang nanlumo. Bakit parang masaya na ito

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 372

    “It’s an accident Celeste! We were so drunk. At alam mong walang mangyayaring ganun kung nasa matino akong pag-iisip. In fact, even if I’m drunk that night, hindi ko alam kung may nangyaring ganun!” matalim ang tingn na pinukol nya sa dalaga“Oh yeah? Baka gusto mong ipakita ulit sa’yo ang mga pictures, Liam?” pananakot nito sa kanya. Bigla siyang nanlamig pero hindi niya pinahalata sa babae na natatakot siya.“Anyway… hindi ako pumunta dito para doon. I just want to invite you to my birthday next week. Sa bahay ang celebration. I want you to be there.”“I’m not sure if I could come. I’m busy.”“Oh, come on, Liam. Don’t be like that! Bring Mayor Elijah with you.”Humugot siya ng malalim na hininga. Ayaw man niya pero ayaw niya din galitin si Celeste. Dapat makikipagkaibigan siya sa dalaga saka niya gagawan ng paraan kung paano pakikiusapan itong i-delete ang mga pictures nila.Yeah, tama. Yun ang gagawin niya."And by the way, I have a surprise for you pero sa birthday ko na sasabihin

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 371

    LIAM'S POV:Isang bwan na ang nakalipas at walang Celeste na nangugulo sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Baka nga wala lang talaga iyon kay Celeste at siya lang itong paranoid.Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina nang pumasok si Elijah."Cuz... kamusta ka na? Mukhang palagi kang abala na hindi na kita masyadong nakaka-bonding? Okay ka lang ba?""Ahm, I’m okay. I just want to be alone for some time.""Nalungkot ka pa din ba sa pag-alis ni Almira? Isang bwan na siyang umalis ah."Nagkibit-balikat lang siya. Hindi siya sumagot. Alam niyang naghatid ang lahat ng barkada kay Almira sa airport. Siya lang ang wala doon."M-may kinuwento ba siya tungkol sa amin noong umalis kayo?""Ahm, wala naman. Bakit, may kailangan ba kaming malaman?""Wala-wala…" agad niyang sagot. Tiningnan lang siya ni Elijah na parang binabasa ang kanyang isip."You know what cuz, if you really love her why don’t you go to Italy and visit her? Kung gusto mo samahan kita.""No! Ayoko… ayoko na din sa babaeng pau

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 370

    Maaga pa lang ay ginising na siya ni Fern. Halos hindi pa nga siya nakabawi sa jetlag pero kailangan niyang bumangon. First day sa bagong trabaho, first day din sa bagong buhay.Agad siyang naligo at nagsuot ng kanyang ternong beige pants and blazer. Dapat ay pormal ang kanyang suot sa unang araw sa trabaho. Kailangan niyang magpakitang-gilas. Naglagay siya ng manipis na make-up, ayaw naman niyang maging yagit tingnan ng kanyang mga co-teachers at estudyante. She wants to be confident sa harap ng mga ito.“Ready ka na?” tanong ni Fern na naka-formal na attire dinMedyo kabado siyang tumango. “Oo, friend. Pero kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan.”Ngumiti si Fern at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry, mababait ang mga co-teachers natin dito. At saka, trust me, masasanay ka rin.”Pagdating nila sa school ay agad siyang namangha. Ang building ay parang luma pero elegante. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng principal, isang matandang Italyana na mukhang strikta pero maba

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 369

    "Alam mo naman na pupunta na ako dito, di ba? Saka kung kelan naman kasi na aalis ako ay saka siya ang magpo-propose! 31 na ako, Fern! Kung nag-propose sana siya noong mga 25 o 28 ako, di sana wala ako dito ngayon! Kung saan-saan pa kasi siya naghahanap ng girlfriend eh nasa tabi lang naman niya ako!" May halong inis at lungkot ang boses nya. “Yun ba ang dahilan mo? Nagtatampo ka dahil ngayon ka lang niya napansin?” Tiningnan niya ito ng masama at sinamangutan. “Exactly! Alam niyang may gusto ako sa kanya, matagal na, pero binabalewala niya lang ako. Ngayon siya na ang naghahabol sa akin at ako naman ang bumabalewala sa kanya!" “Ngayon, ang tanong... masaya ka ba? Masaya ka ba dahil nasaktan mo si Liam? Eh sa tingin ko nasasaktan ka din eh.” “Shut up, Fern!” “Hahaha.. haay naku. Tagu-taguan kayo ng feelings.” “S-sinabi ko sa kanya na hintayin niya ako pero hindi siya pumayag. It’s now or never daw.” “Well, kung baka hindi kayo para sa isa’t isa. Baka dito ka makahanap ng "The

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 368

    ALMIRA'S POV: Kakadating lang niya sa Leonardo da Vinci International Airport. Pagod na pagod siya. Almost twenty hours din ang flight niya from Manila to Rome, Italy. Nag stop-over pa kasi ang eroplano sa Dubai bago makarating sa Rome, Italy. Now that she is here ay wala na talagang atrasan pa. Palibot-libot ang mata niya sa paligid. Hindi niya masyadong naiintindihan ang mga tao dahil Italian ang gamit nitong wika. Pero may iba din namang nag-e-English. Habang hinihintay ang kanyang bagahe ay tahimik lang siya doon sa tabi. Susunduin siya ng kanyang kaibigan na si Fern pero hindi niya alam kung andoon na ito sa labas. Ito ang co-teacher niya na pamangkin ng kanilang principal at nag-aya sa kanyang pumunta doon. Si Fern din ang nag-asikaso ng mga papeles niya para mapabilis ang kanyang pag-alis. Habang nakatayo lang siya doon ay namamangha siya sa mga Italyanong mga gwapo at magaganda. Unang punta niya sa ibang bansa kaya medyo aanga-anga pa siya. Maging sa eroplano nga ay fir

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status